You are on page 1of 6

Banghay - Aralin sa Paaralan Sorsogon National Baitang/Antas Grade 8

Filipino High School

Guro Jhon Rainiel F. Asignatura Filipino


Nograles

Petsa/Oras May 21 2023 Markahan Una - Ikaapat

9:00 am to 10.30
am

FILIPINO

I. Layunin (Objectives)

A. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-


aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang
lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at
Kasalukuyan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay


tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Pagkatapos ng animnapung (60) minutong talakayan, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipaliliwanag ang tema at mahalagang kaisipang


nakapaloob sa akda.

b. Napapahalagahan ang mga aral na natutunan.

c. inilalahad sa parang masining ang simula,gitna at


wakas

II. Nilalaman (Content)

A. Sanggunian Pinaglahuan ni Emilio Jacinto

Mga Panitikan ng Pilipinas pp. 138 – 139

 Sanaysay: Ningning at Liwanag (Sipi mula Liwanag at


Dilim

III. Kagamitang Panturo (Mga Panitikan ng Pilipinas) Libro sa Filipino, Mga Litrato
at Kagamitang biswal.

IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng


Aralin.

Guro: Magandang Umaga sa Lahat.


Buong Klase: Magandang Umaga Sir.
Guro: Okay bago tayo magsimula ng ating panibagong
aralin ay magkakaroon muna tayo ng kaunting
pagbabalik aral para malaman ko din kung may
natatandaan pa ba kayo sa ating tinalakay. Sige nga
kung talagang natatandaan pa. Ano-ano nga ulit yung
ating binasang buod ng nobela? Kung natatandaan pa
ba? Mag-aaral: Sir ayon po sa aking natatandaan, Ayon po sa
aking natatandaan ito po ay ang Buod ng Nobela -
Pinaglahuan ni Faustino Aguilar.

Guro: Okay magaling!! Maari mo bang dagdagan


Binibining Kathrina?
Mag-aaral: Sir, Ayon din po sa aking naaalala ang binasa
naming nobela ay tungkol sa isang pagmamahalan ng
dalawang tao na magkaiba ang estado ng pamumuhay.
Guro: Okay mahusay talagang nagbabasa ng maiigi sa
aking binasa at itinalakay. Ibig sabihin kayo ay
handang handa na pagdating sa akdang pampanitikan
na ating babasahin. Ngayon, bago tayo magsimula at
basahin yung akdang pampanitikan, ay mayroon
muna akong ipapabasa na isang sanaysay. So dapat
basahin ulit ninyo ng mabuti dahil pagkatapos ay
magbibigay ako ng ilang katanungan. Naunawaan po
ba?

Mga Mag-aaral: Yes Sir.

Guro: Okay at mabuti ay nagkakaunawaan naman


tayo. Paalala lang po na habang nagbabasa ay iwasan
ang pag-iingay upang lubos niyo itong maunawaan.

(15 minutong pagbabasa)

Guro: Okay class, matapos niyong mapanood ito, Ano


ang inyong mga naramdaman? Maganda ba? Tungkol
saan ang nabasa ninyong sanayasay?
Mag-aaral: Kung saan ipinahihiwatig nito ang kaibahan
ng ningning na nakakabulag sa paningin at ang tunay na
liwanag. Malalim ang pagsulat ng mga salita sa pahayag
na ito. Sa kadahilanang, ito ay inangkop sa karanasan ng
mga Pilipino noong panahon ng Espanyol. Ang may
kapangyarihan ay higit na mas mataas sa mga tao, at
hindi biro ang epekto ng yaman sa buhay.

Guro: Okay mahusay, palakpakan natin si Binibining


Evangeline, talagang tumpak at naunawaan niyang
mabuti ang sanaysay na iyong binasa. Bago ko nga
pala ibigay ang akdang pampanitikan na inyong
babasahin ay ilalahad muna namin ang layunin para
sa araling ito.

B. Paghahabi sa Layunin

Guro: Inaasahang na pagkatapos ng animnapung (15)


minutong talakayan at pagababasa ay una (1)
Nauunawaan niyo ang inyong akdang tinalakay o
nabasa. Pangalawa (2) Ay napapahalagahan ang mga
aral na inyong natutunan.

D. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin.

Guro: Ngayon para sa ating aralin sa araw na ito ay


magbibigay ako ng isang akdang babasahin sainyo at
nawa'y unawain ninyo itong mabuti. Pakibahagi ito sa
bawat isa sa inyo. Unawain itong mabuti at iwasan
muna ang pag-ingay. Ang uri ng akdang pampanitikan
na inyong babasahin ay isang sanaysay.

(Sanaysay: Ningning at Liwanag (Sipi mula Liwanag at


Dilim)

D. Pagtalakay sa bagong Konsepto at Paglalahad ng


bagong Kasanayan.

Guro: Okay class, matapos ninyong basahin ang


akdang pampanitikan na aking ibinahagi at ipinabasa
sainyo. Kanina din ay nag balik aral tayo sa matapos
niyong basahin ang akdang pampanitkan na aking
ibinahagi sainyo. Tama? Ngayon ang tanong ko
naman ano kaya ang ibig ipahiwatig sa atin ng may
akda sa ang ating binasa?

Mag-aaral: Realismo ang pananalig na ipinamalas ng


sanaysay na Ang Ningning at ang Liwanag.
Pangunahing layunin ng Realismo ang pagtalakay sa
mga problemang panlipunan ng isang tiyak na
panahon at lugar. Sinisiyasat nito ang mga sistema
at pwersang panlipunan na patuloy na
nagpapahirap sa tao. Sa sanaysay ni Emilio Jacinto,
hinangad niyang ipakita ang katotohanan at pinag-
ukulan niya ng pansin ang mga tunay na larawan sa
isang partikular na panahon at lipunan.

Mag-aaral: Ang ginamit sa pagsusuri ng sanaysay na


ito ay Historikal-Biograpikal. Ito ay pagdulog na ang
layunin ay hukayin ang mga nakalipas lalo pa’t ang
akda ay kasasalimanan ng karanasan ng mismong
awtor o isang repleksyon kaya ng isang takdang
panahon.

E. Paglinang sa Kabihasaan Tungo sa Formative


Assessment 3

Guro: Okay maraming salamat sa mga nagbahagi ng


kanilang mga kasagutan at natukoy niyo ang mga
Pandulog Pampanitikan na ginamit ng may akda.
Ngayon naman, batay sa inyong binasa ano ay
magkakaroon tayo ng isang gawain.

Guro: Kayo ay mag pa-pangkat sa limang grupo na


kinabibilangan ng 12 miyembro. Ok puba class..
Mag aaral: Yes SIR….!!
Panuto: Magsagawa ng paguusap na kung saan
aalamin ninyo kung ano ang nais ipabatid o ipalahad
ng may akda sa sanaysay na ating tinalakay mausap-
usap kayo at pagkatapos ang pipili kayo ng isang
representative sa inyong grupo at na maglalahad sa
unahan upang ibahagi ang kanilang ginawa.
Maliwanag puba class…?
Mag aaral: Maliwanag po Sir….

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay.

Guro: Tumpak ang inyong mga naging kasagutan,


Ngayon naman, batay sa inyong binasa ano ang mga
napulot niyong aral dito na maaring magamit niyo sa
inyong pang araw-araw na buhay?

Mag-aaral: Sir para po sakin, Ang natutuhan ko ay dapat


huwag agad tayong mabighani sa isang bagay na hindi
naman natin alam kung ano ito.

Mag-aaral: Sir, kailangan po natin na maging mausisa sa


mga desisyon na ating gagawin sa hinaharap. Para sa huli
ay hindi tayo magsisisi.

Mag-aaral: Sir, ang nakuha pong aral dito ay ang ningning


ay matinding sinag o kinang, samantala, ang liwanag ay
bagay na pumapawi ng dilim o tumutulong sa mata
upang makakita. Sa puntong ito ay masasalamin agad ang
malaking pagkakaiba ng dalawa. Matutukoy natin na ang
ningning ay maaaring makaakit sa ating mga paningin
samantalang ang liwanag ang siyang tumutulong sa atin
upang makita o mahanap ang isang bagay.

G. Paglalahat ng Aralin Saloobin Mo, Ilahad Mo!

Panuto: Naunawaan mo bang mabuti ang iyong nabasang


sanaysay? Mahusay kung ganun, ngayon naman
sasagutin ninyo ang dalawang katanungan na aking
inihanda para sainyo.

1. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga bagay ang sa


tingin natin ay mukhang maganda subalit hindi natin
alam kung ito ba ay may magandang kinalabasan nito.
Kung ikaw ang mabibigyan ng pagkakataon ano ang
gagawin mo.?

2. Ano sa tingi mo ang ibig ipahiwatig satin ng may akda?


Bigyang pangatwiran ang iyong sagot.

H. Pagtataya ng Aralin Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang mga pahayag na sa


tingin mo ay positibo at ekis (x) kung negatibo.

_____1. Maging mahinahon sa pang-aaping sinapit sa


buhay.

_____2. Huwag panghinaan ng loob sa mga pagsubok na


dumarating sa buhay.

_____3. Makisama sa mga taong kauri mo lamang sa


lipunan.

_____4. Matutong lumaban sa patas na pamamaraan.

_____5. Gamitin ang talino sa anumang desisyong


gagawin.

_____6. Gawin ang naaayon sa iyong konsensya.

_____7. Sumunod sa kagustuhan ng iyong magulang


kahit ito’y ikapahamak mo.

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Pag-isipan mong Muli


Remediation.
Kung ikaw ay bibigyan pagkakataon na dugtungan ang
ningning at ang liwanag ano kaya ang maaari mong
idadgdag rito para mas maibigay pa ang mga mensaheng
nais mong maipabatid sa mga mambabasa.

You might also like