You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino 10

GURO: SHAINA S. JOSON MARKAHAN: UNANG


ASIGNATURA: FILIPINO 10 PETSA: OKTUBRE 17, 2023

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan

B. PAMANTAYANG PAGGANAP
- Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang
critque tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Code/Layunin)


1. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan
(F10PN-Ii-j-68)

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Ang Kabayong Kahoy | Teoryang Pampanitikan

SANGGUNIAN: Unang Markahan – Modyul 7 na Alternative Delivery Mode (ADM)

ESTRATEHIYA: Malayang Talakayan (Pangkatang Ulat), Peer Quiz


KAGAMITAN: Laptop at Telebisyon

II. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang araw mga bata! Magandang araw din po, Gng. Shaina.

Kumusta kayo? Mabuti naman po.

Isang panibagong kaalaman at saya na naman


ang ating pagsasaluhan sa araw na ito.

Simulan natin ang panibagong araw sa isang (Mananalangin ang lahat sa pangunguna ng
panalangin. guro)

Handa na ba kayo sa ating bagong aralin? Opo.

Bago tayo tumungo sa ating paksang tatalakayin


ay mayroon lamang akong ilang paalala upang
maging maayos ang ating talakayan ngayong
araw.

Una, umupo nang maayos sa itinakdang upuan


ng gurong-tagapayo.
Pangalawa, making nang mabuti at unawain ang
ating paksang aralin.

Handa na ba kayo?

Tayo na’t magsimula.


Handa na po.
Ang mga layunin ng ating aralin ngayong araw
ay malinang ang inyong kasanayan sa
pamantayan ukol sa:

1. Naibabahagi ang sariling opinyon o


pananaw batay sa napakinggan
(F10PN-Ii-j-68 )

B. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin

Noong nakaraang lingo ay tinalakay natin ang


isang nobela na nagmula sa Pransya, na
pinamagatang….

Ano nga kaya ang sinisimbolo ng salitang


“Multo” sa nasabing akda? “Ang Multo sa Opera”

Magaling! Atin ding tinalakay ang dalawang Ang multo ay ang pagkatakot sa sariling
Teoryang Pampanitikan na… kapintasan ng tao na ayaw nyang malaman ng
kanyang kapwa.
Mahusay! Ano ang Humanismo at
Romantisimo?
Humanismo at Romantisismo
Napakahusay! Tunay ngang nauunawaan na
ninyo ang ating paksa no’ng nakaraang lingo. Ang Humanismo ay ang kalahagahan ng tao,
Karapatan at sariling pagpapasya samantalang
ang Romantismo ang tungkol sa damdamin.
C. Paghahabi ng layunin

Ngayon ay may ipaparinig ako sa inyong isang


kanta na may malaking kaugnay sa ating
tatalakayin. Magsulat ng mga mahahalagang
detalye na maririnig ninyo sa kanto. Malinaw po
ba?

Opo…

(Makikining nang tahimik ang mga bata habang


nagsusulat ng ilang mahahalagang detalye sa
kanilang kwaderno)

https://www.youtube.com/watch?v=YLsXwj_IyYU
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin

Pag-unawa sa Napakinggan
1. Ano ang mensahe ng awiting inyong Maging bukas po ang ating mata at huwag
narinig? maging hunghang

2. Ano ang naramdaman mo matapos Nalungkot po, minsan po kasi bulag tayo sa
mapakinggan ang awitin? mgagandang bagay kaya po tayo napapahamak.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan#1

Magaling! Mamaya ay malalaman natin kung Opo.


anon ga ba ang kaugnayan ng inyong
napakinggan sa ating tatalakayin na akdang
pampapanitikan. Handa na ba?
Ang mitolohiya po ay isang uri ng akdang
pampanitikan na tungkol sa mga Diyos at
Bago tayo tuluyang dumako sa ating paksa, muli Diyosa.
nating balikan. Anon ga ba ang Mitolohiya?

Magaling! Tunay na kabisado na ninyo ang iba’t Bansang pinagmulan po ng Diyos at Diyosa.
ibang uri ng panitikan. Ngayon naman, kapag
sinabing bansang gresya, ano ang naiisip
Ninyo?

https://quizlet.com/415709350/ambag-ng-gresya-
pananampalataya-diagram/

Tama! Dito nga lumaganap ang mga Diyos at


Diyosa kaya may tinatawag tayo ngayong mga
Mito.
F. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan#2
G. Paglinang sa Kabihasaan

No’ng nakaraan ay tinalakay na natin ang 2 uri


ng Akdang Pampanitikan, ngayon naman ay
upang mas mapalalim ang iba’t ibang teoryang
pampanitikan ay magkakaroon tayo ng
pangkatang Pag-uulat.

(Ipapangkat ang mga mag-aaral,


pagpapaliwanag sa mekaniks at pamantayan)

Pamantayan

Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang pampanitikan ay ang
sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga
paraan sa pag-aaral nito. Mayroong iba't ibang
teorya para sa pag-aaral na ito.

Uri nito:

1. MORALISTIKO
Sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang
ginamit, pinahahalagahan ang moralidad,
disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.

2. SOSYOLOHIKAL
Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang
panahong kinatha ang panitikan.

3. SIKOLOHIKAL
Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas
ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at
kamalayan ng may- akda.

4. PORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa teorya ang mga
istruktura o pagkakabuo ng kabisaan ng
pagkakagamit ng matatalinhagang pahayag
(sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik)
ng pagkakabuo ng akda.

5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900. Nagpapatalas sa
pandama ng mga mambabasa sa larawang-diwa
o imahe sa ikagaganda ng akda at mga salitang
kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.

6. HUMANISMO
“Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-
pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay.

7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng
dalawang magkasalungat na puwersa malakas at
mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at
naaapi.

8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri
ang elemento ng akda na nangangailangan ng
masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda
sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga
simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda.

9. FEMINISMO
Maaaring tingnan ang imahen,
pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga
babae sa loob ng akda at maaaring ilantad din
ang mga de-kahong mga imahen ng mga babae
sa akda. Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, exploitation, at opresyon sa
kababaihan tulad nina Lualhati Bautista,
Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S.
Mabanglo.

10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na
nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi
ng tauhan. Ang tao ay may malayang
pagpapasya para sa kaniyang sarili upang
mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa
gayon ay hindi maikahon sa lipunan.

11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.
Layon ay katotohanan, kabutihan at
kagandahan. Malinaw, marangal, payak,
matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may
hangganan.

12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo,
rebolusyon, imahinasyon at likas. Pagtakas mula
sa realidad o katotohanang nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at
iba pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga
kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaaring
‘di kapani-paniwala o sa paraang nakatatawa
ngunit kung ito'y titingnan nang mabuti ay
makikita nating may iba itong kahulugan at
kaisipan.

13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may
layuning ilahad ang tunay na buhay. Pinapaksa
ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng
kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas din itong naka-pokus
sa lipunan at gobyerno.

Opo.

Wala na po.

Malinaw ba ang inyong gagawin?

May katanugan pa?

Kung ganon ay bibigyan ko lamang kayo ng 10


minuto upang paghandaan ang inyong gawin.

(Ang mga mag-aaral ay mag-uulat at bibigyang-


puna at linaw ng guro)
Na ang tao po ay nasisilaw sa magagandang
H. Paglalahat ng Aralin bagay. Nagdedesisyon ng hindi pinag-iisipang
mabuti.
1. Ano ang kinalaman ng inyong napakinggang
kanta sa akdang pampanitikan na ating Kaakit-akit po kasi ang kabayong kahoy.
tinalakay?

2. Sa inyong palagay, bakit kaya Kabayong Opo, dahil marami pa rin pong na-i-scam. Dahil
Kahoy ang naisip ng may akda a maging nagpapabulag sa mga mga magagandang
pamagat ng kaniyang mito? sinasabi ng tao.

3. Laganap ba sa kasalukuyang panahon ang Hindi pangongopya, alam naman po natin na


nangyari sa akdang ating tinalakay? Ipaliwanag. madaling gawain ang mangopya, huwag
magpabulag sa maling paraan upang magkaroon
ng mataas na grado.
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit
ang mga aral na natutuhan mo sa aralin?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

I. Pagtataya ng Aralin

(QUIZZIZ.COM)
https://quizizz.com/admin/quiz/
652b8aefb4dc8d47926b9a2c?source=quiz_share

J. Karagdagang Gawain para sa takdang


aralin at remediation
Salamat at paalam na rin po Gng. Shaina.
1. Ano ang suring-basa? (5 puntos)
2. Pormat ng suring-basa. (5 puntos)

Malinaw po ba? Paalam at salamat mga bata!

INIHANDA NI:

SHAINA S. JOSON
Guro I

IPINASA KAY:

SANTOS A. GARCIA
Tagapag-ugnay Pang-asignatura

BINIGYANG PANSIN NI:


ROMULO J. ROXAS JR.
Punong Guro I

You might also like