You are on page 1of 9

Obra Maestra sa Panitikang Filipino

Ferdinand G. Tinao
Dr. Victor Javeña

Panitikan: Maikling Kuwento


Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, ni Genoveva Edroza Matute
Gramatika: Kaantasan ng Pang-uri

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at
sa Kasalukuyan

MGA POKUS NA TANONG

1. Bakit mahalaga ang pag-unawa sa akdang pampanitikan tulad


ng maikling kuwentong lumaganap sa panahon ng komonwelt
hanggang sa kasarinlan ng bansa?

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng kaantasan ng pang-uri sa


pagsasalaysay?

MAHAHALAGANG KONSEPTO

1. Mahalagang maunawaan ang akdang pampanitikan tulad ng


maikling kuwento sapagkat sumasalamin ito sa ugalit tradisyon ng
mga Pilipino.

2. Mahalaga ang paggamit ng kaantasan ng pang-uri sa


pagsasalaysay upang higit itong maunawaan.

INAASAHANG PAGGANAP
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol
sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

MGA KASANAYANG PAGKATUTO


Pag-unawa sa Napakinggan (PN)
Nabibigyang-katangian ang mga tauhan batay sa napakinggang
paraan ng kanilang pananalita

Pang-unawa sa Binasa (PB)


Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa
sarili,lipunan,at daigdig
Paglinang ng Talasalitaan (PT)
Nabibigyang kahulugan ang mga simbolismo at pahiwatig na
ginamit sa akda
Panonod ( PD)
Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa itinanghal na
monologo na nakabatay sa ilang bahagi ng maikling kuwento

Pagsasalita ( PS)
Naipapaliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan

Pagsulat( PU)
Pasulat na wawakasan ang maikling kuwento sa pagbubuod o
pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon

Wika at Gramatika ( WG)


Nabibigyang-katangian ang piling tauhan sa maikling kuwento gamit
ang mga kaantasan ng pang-uri

Estratehiya sa Pag-aaral ( EP)


Nakikipanayam sa mga taong may malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa paksa

Unang Araw

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Natutukoy ang mga taong nakilala at tumatak noong panahon ng
kasarinlan.
B. Naibibigay ang mga katotohanan batay sa mga impormasyong
nakalap sa panahon ng
kasarinlan.
C. Naiuugnay ang mga kaisipan sa panahon ng kasarinlan sa mga
kaganapan sa sarili, lipunan
at daigdig.

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagpapakita ng mga larawan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ipinahihiwatig ng ibong nakawala sa hawla?
2. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng unang larawan sa
sumunod na larawan?
3. Ano ang kaisipang mahihinuha ninyo mula sa larawan?

B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Tukuyin ang mga taong nakilala at tumatak noong panahon ng
kasarinlan.

Ang Pinaka!

Pangkat 2
Ibigay ang mga katotohanan batay sa impormasyong nakalap
sa panahon ng
kasarinlan.
Ms. Q and A

Pangkat 3
Iugnay ang mga kaisipan sa panahon ng kasarinlan sa mga kaganapan
sa sarili, lipunan, at
daigdig.

Pangkat 4
Pagbibigay ng marka sa mga pangkat na nag-ulat.

Lubhan Kasiya Katamtama Di Nangangailanga


g -siya n Kasiya n
Kasiya- - siya pa ng Pag- unlad
siya
-
5 4 3 2 1

1. Pag-uulat
nang may
kahusayan
2.
Pagtatang-
hal nang
may
kawilihan
3. Pagtugon
sa mga
katanungan
sa mga
pasalitang
gawain
4.Kooperas-
yong
pampangka
t

C. Sintesis
Dugtungang Porsyon!
Natutuhan ko na ang__________________________________
Napatunayang kong __________________________________

III. Takda
1. Basahin ang akdang “ Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” sa
pahina 49-51 ng Modyul.
2. Ipaliwanag ang pahayag. "Ang puso ay marunong
magpakumbaba. Kininilala ang
sariling kamalian at kailanman.... ay hindi nagmamalaki.

Ikalawang Araw

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolismo at pahiwatig na ginamit
sa akda
B. Nauugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili,
lipunan, at daigdig
C. Napapaliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Ipaliwanag sa sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan ang pahayag na :

Ang malinis na Puso ay marunong magpakumbaba. Kinikilala ang


sariling kamalian at kailanman…hindi mapagmalaki.
B. Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng simbolismo at pahayag na ginamit sa
akda.

SIMBOLISMO/PAHIWATIG KAHULUGAN
1. May kakaiba siyang punto sa
pagsasalita.
2. Buhay na buhay pa sa aking
isipan ang kaniyang mukha.
3. May isang bagay na kaibig-
ibig sa munti’t pangit na batang
ito.
4. Napatangay ako sa bugso ng
damdamin.
5. Ang bata ay unti-unting
gumagawa ng mga bagay na
ordinaryong ginagawa ng isang
bata.

C. Pagpapabasa sa Akda
Madulang Pagbasa
“Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”

D. Pagtalakay sa Aralin
Malayang Talakayan
1. Nilalaman ng Akda

a. Sino-sino ang mga tauhan sa akdang binasa? Isa-isahin ang


kanilang mga katangian.
b. Isa-isahin ang mga bagay na natuklasan ng guro sa
kaniyang mga mag-aaral.
c. Ipaliwanag kung paano nagkapalit ng kalagayan ang guro at
mag-aaral. Nangyayari ba ito sa aktuwal na buhay?
Patunayan ang sagot.
d. Sa iyong opinyon, ano ang impak ng mensaheng hatid ng
akda sa iyo bilang mag-aaral?

E. Sintesis
Tapusin ang pahayag upang matukoy ang naging bisa sa iyo ng
akda.
Matapos mabasa.
Nalaman ko na
____________________________________________
Nakadama ako ng
_________________________________________
Napatunayan ko na
_______________________________________

III. Takda
Pag-aralan sa inyong Modyul ang Kaantasan ng Pang-uri sa pahina
57-58

Ikalawang Araw

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyang katangian ang mga tauhan batay sa napakinggang
paraan ng kanilang pananalita
B. Napapaliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan
C. Nabibigyang-katangian ang piling tauhan sa maikling kwento gamit
ang mga kaantasan ng pang uri

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Basahin at unawain ang akda sa pahina 56-57

B. Pagtalakay sa Aralin
Mga Gabay na Tanong
1. Ibigay ang kaisipan at pananaw sa pahayag na “Wala nang
hihigit pa sa sariling Bayan.”
2. Batay sa binasang akda,anong katangian ang dapat taglayin
upang maipakita ang pagpapahalaga sa:
a. sariling bayan
b. pagmamahal sa magulang
c. pagpapahalaga sa edukasyon
3. Ibigay ang katangian ng piling tauhan sa binasang akda sa
pamamagitan ng pangungusap:
- Airra
- Airra vs. ikaw
- Airra sa lahat ng kabataan

C. Pagsusuri sa Gramatika
Malayang Talakayan
Mga Gabay na Tanong:
1. Suriin ang mga salita pariralang sinalungguhitan sa maikling
kuwentong binasa. Paano ginamit ang mga ito sa pangungusap?
2. Alin sa mga sumusunod ang binigyang tunaya ng mga salita
pariralang sinalungguhitan ? lagyan ng Tsek ang napiling:
____ Kilos
____ katangian
____ Kalayaan
D. Pag-iinput ng Guro
Kaantasan ng Pang-uri
a. Lantay
b.Pahambing
c. pasukdol

E. Pagsasanay
Ibigay ang katangian ng mga piling tauhan gamit ang mga
pang-uri.Bumuo ng mga pangungusap kaugnay nito.

Mga Tauhan Lantay Pahambing Pasukdol


Mag-aaral
Mabuti
Airra

Basahin ang wakas ng “ paglalayag sa Puso ng Isang Bata”.


Sumulat ng sariling kaisipan at pananaw kaugnay nito. Gawin ang
sumusunod na mga pang-uring nasa kaantasan.

 Lantay - bilugan
 Pahambing- ikahon
 Pasukdol- salungguhitan

III. Pansuportang gawain


Sumulat sa inyong kwaderno ng mga pangungusap na
nagpapakilala ng katangian ng mga tauhan sa maikling kwento na
inyong mga nabasa.Gumamit ng Kaantasan ng pang-uri sa pagbuo ng
pangungusap.

Ikatlong Araw

I. Mga Tiyak na kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyang katangian ang mga tauhan batay sa napakinggang
paraan ng kanilang pananalita
B. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa
sarili,lipunan,at daigdig
C. Nakikipanayam sa mga taong may malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa paksa

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Magbahaginan ng inyong mga nakilalang tauhan sa mga
maikling kwento na inyong nabasa. Gumamit ng Kaantasan ng
Pang-uri sa pagpapakilala.
B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1
1. Isulat ang pangalan ng hinahangaang sikat na personalidad sa
bilog
2. Anong katangian nya ang iyong naibigan?
3. Ihambing siya sa iba pang taong nakilala sa kanilang
larangang ginagalawan sa taglay na katangian
4. Sa, kabuuan isulat ang pangkalahatang pananaw sa
pangunguna ng napiling tao batay sa
katangiang taglay. Patunayan.

Pangkat 2
Iugnay ang kaisipang nasa kahon sa sumusunod na kaganapan
na kaantasan ng pang-uri

Kahanga hanga ang mga taong marunong kumilala ng kanilang


pagkakamali

Pangkat 3 ( Naipatakda na )
Ka panayamin ang mga taong may malawak na kaalaman
at karanasan tungkol sa paksang tinalakay.

C. Sintesis

Nalaman ko na
______________________________________________
Kaya naman aking
________________________________________________.

III. Takda
Manood sa you tube ng mga paraan ng pagbubuod ng maikling
kuwento.

Ikaapat na Araw

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naipapaliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan
B. Nabibigyang-katangian ang piling tauhan sa maikling kuwento
gamit ang mga kaantasan ng pang-uri
C. Nakasusulat ng wakas ng maikling kwento sa pagbubuod o
pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagbabalik tanaw sa tinalakay na dalawang maikling kwento at
pagbabahaaginan ng maaaring maging wakas.

B. Pangkatang Gawain
Wakasan ang maikling kuwento sa paraang pagbubuod o
pagbibigay ng makabuluhang oberbasyon na nangingibabaw sa
katangian ng mga piling tauhang ginamitan ng kaantasan ng pang-
uri.

C. Paglalahad ng Krayterya

Makatawag pansing wakas


30%
Mahusay na pagpili ang mga angkop na salita ( kaantasan ng
pang-uri) 25%
Wastong paghahanay ng mga pangungusap
25%
May mensaheng hatid ang wakas sa mambabasa
20%
Kabuuan 100%

You might also like