You are on page 1of 147

A.

Buod

Mabagsik na tinanong si Angela nang isang pulis tungkol sa naganap na pananaksak niya
kay Adela, ang asawa ng kaniyang kasintahang si Cris. Sa mga pagkakataong iyon, pilit niyang
idinidiin na hindi niya ito sinasadya, na pinagdala lamang siya ni Cris ng patalim para sa kaniyang
proteksyon dahil tuwing gabi sila nagkikita at sa liblib pang lugar, na baka plinano ito ng kaniyang
kasintahan dahil alam niyang matagal na nitong gustong mahiwalay kay Adela ngunit ‘di niya
magawa sapagkat lagi nitong sinasabi na magpapakamatay siya kaya siya na lamang ang ipinain
nito. Sa kabila ng mahabang imbestigasyon, napatawan siya ng kasong frustrated murder at
nangyari ang kaniyang kinatatakutan, ang mabilanggo kasama ang mga puta.

Marami siyang nakasalamuha sa piitan. Una na rito ang mga prostityut na sina Sheryl,
Brenda at Candy na siyang mga kasabay niyang lumipat sa city jail. Nakayuyurak ng dignidad na
health inspection ang ipinaranas sa kanya sa city jail sa pangunguna ng lider ng mga preso na si
Barang. Hinaltak ang kaniyang saplot at pinamartsa sa buong piitan nang nakahubad, ‘di na niya
malaman kung paanong tatakpan ang kaniyang kabuuan. Mabuti na lamang at nakilala niya si
Nora, ang isa sa mga mabubuting preso na nagbigay ng mga kaalaman sa kaniya tungkol sa
kalakaran sa city jail.

Hindi nagtagal ay unti-unti nang natanggap ni Angela ang sistema sa city jail hanggang sa
napag-alaman niyang siya’y buntis na. Naging madalas ang kaniyang pagdinig sa korte sa
pagnanais na makalabas siya bago pa man madatnan ng panganganak dahil bawal ang bata sa
city jail simula nang mapatalsik ang kanilang warden. Sa kasamaang palad, sa bilangguan
dinatnan ng panganganak si Angela. Kalaliman ng gabi nang humilab ang kaniyang tiyan at wala

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 1 ng 126
siyang nagawa kundi hintayin na lamang na mag-umaga upang mailabas siya at madala sa ospital
ng mga bilanggo.

Isinilang niya si Joy. Salamat sa guwardiyang si Paquito dahil siya ang matiyagang
nagbantay kay Angela nang ito’y manganak. Dumating ang kinatatakutan ni Angela- ang
sapilitang pagtatanggal ng mga bata ng warden sa kulungan. Marami ang nakikitang patunguhan
ng sanggol at isa na dito ang mapasakamay ng ama na si Crisanto.

Akala niya’y hindi na siya kailanman magkakaroon ng pagkakataon upang mapabilis ang
pag-usad ng kaniyang kaso. Pasalamat na lamang at may mabubuting kapulisan pa rin tula ni
Ma’am Rowena na tumulong sa kaniyang humanap ng abogado na titingin sa kaniyang kaso at ito
ay si Attorney Evangelina Jacob. Sa pamamagitan ng kahusayan ni Attny. Jacob, napigilan niyang
pansamantalang mawalay si Joy sa kaniyang ina. Nagbukas ng panibagong kaso si Jacob laban
kay Crisanto na naging dahilan upang mamuhi si Adela sa kaniyang asawa. Naging mailap man
ang hustisya kay Angela noong una, sa huli ay napagdesisyunan ni Adela na i-drop na ang kaso
laban kay Angela dahil siya rin mismo, ay nakalaya na sa kulungan ng pag-ibig niya kay Crisanto.

B. Elementong Pampanitikan

1. URI NG GENRE – Nobela ng Pagbabago

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng


mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang makapaglabas ng hangarin. Ito rin ay
nagpapakita ng masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkakasunod at magkakaugnay. Ang nobelang Bulaklak sa City Jail ni Lualhati
Bautista ay nasa uri ng Nobela ng Pagbabago sapagkat ito ay naglalayong
magtaguyod ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan. Panlipunan ang
oryentasyon ng uring ito ng nobela na may layuning magmulat ng mga
mambabasa sa mga kalakaran, pagmamalabis, at katotohanang nagaganap sa
lipunan.

Kapansin-pansin ang masaklap na katotohanang mahirap mabuhay sa


bilangguan. Dumarating sila sa puntong mga kriminal na silang naipasok at dapat
magbayad sa kanilang mga kasalanan ngunit nakagagawa pa rin sila ng
kasalanan sa loob mabuhay lamang. Narito ang patunay.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 2 ng 126
Kaya siyempre, hindi puwede ang libre o utang. Kung walang
pambayad si Roxas, doon na lang sa iba. Kahit sa iba na patong na
lang nang patong, nakakasakit. (p. 98; kab. 11; tal. 19)

Ipinakikita rin sa nobelang ito ang walang kamatayang kahirapan sa ating


bansa na nagiging sanhi upang gumawa ng labag sa batas ang mga pilipino.
Narito ang patunay.

“Kaya naisipan ko nang magnakaw, e. Do’n, sa pinapasukan ko. Sa


amok o mismo. Katulong lang ako do’n. May suweldo pero kulang.
Ano naman mangyayari sa isandaan sambuwan! Minsan, naaatraso
pa. May anak ka pa!” (p. 69; kab. 8; tal. 67)

Hindi maikakaila na masusing inihantad ang mga sensibilidad at isyung


panlipunan sa akdang ito sa paraang ang mga mambabasa ay madaling
makapaglalakbay gamit ang kani-kanilang imahinasyon at masalamin ang tunay
na kalagayan ng ating lipunan at bilang bahagi ng lipunan, ang pagkamulat sa
mga isyung panlipunan ay isang daan upang mamulat ang mga tao sa isang
sitwasyon tungo sa pagbabago.

2. PAKSANG-DIWA O TEMA

Ang paksang-diwa o tema ay pumapatungkol sa pangunahing kaisipan ng


akda. Itinuturing din itong isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-
akda na nais niyang ipabatid sa mambabasa. Maituturing na sumasaklaw ang
nobelang ito sa usapin ng nakaririmarim na kalagayan ng mga bilanggo,
paglalarawan sa buhay ng mga ito at pagyurak at paghubad sa dignidad at
pagkatao ng mga preso, partikular ang mga kababaihang nasa piitan. Narito ang
mga patunay.

Sa city jail, napag-aaralan ng maraming babae na tigasan ang loob,


h’wag magpatalo sa mga trahedya at kalungkutan, ituloy lang ang
buhay sa iba’t ibang paraan. (p. 94; kab. 11; tal. 8)

Magugutom ka pag ayaw mong pumila sa rantso, mauubusan ka pag


hindi ka nakipag-unahan sa pila. Kakainin ka ng sitwasyon, hanggang
sa maging kapareho ka na nila. (p. 94; kab. 11; tal. 9-10)

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 3 ng 126
Wala kang dalaw, wala kang pera, wala kang makain. Pero sabi nila,
bakit mo naman titiisin na wala kang makain? Puwede ka namang
maghanapbuhay ditto kung gusto mo. Kikita ka kahit hindi ka
magtinda ng sigarilyo o tumanggap ng labahin. Tignan mo yung iba
kumakain ng adobo. Nagtataka kung saan sila kumukuha ng pambili
ng adobo?sasabihin ko sa’yo. May pekpek kasi sila. Ikaw, may
pekpek ka rin. Pakitain mo ang pekpek mo. (p. 94; kab. 11; tal. 11)

Ang ari ng babae ang bumubuo ng kaniyang pagkatao ngunit minsan, ito
rin ang dahilan ng kaniyang pagkawasak. Ito ang simbolismo ng buhay, pag-ibig,
at kapangyarihan ng mga babaeng preso dahil ito na lamang ang mayroon na
kayang magbigay ng kakarampot na kaligayahan, pangangailangan, at kalayaan
kahit na nasa loob sila ng bilangguan. Sa selda, hindi na makikinita ang kalayuan
ng kakayanan base sa kasarian dahil kung anong gawain ng mga kalalakihan,
ganoon din ang gawain ng mga kababaihan. Uminog ang nobelang ito sa kung
paano matapang na nilabanan ng mga kababaihan ang mga suliraning kanilang
kinaharap sa loob ng selda at kung paanong pinatunayan na ang mga kababaihan
ay hindi lamang basta-basta.

Sa nobela, maaaring hindi lamang iisa ang paksang-diwa. Sa nobelang ito,


may mga bahaging pumapaksa rin sa kawalan ng maayos at organisadong
sistema ang hukuman n gating bansa. Maraming bahagi rito ang nagpapamulat
ng tunay na kalakaran at baluktot na systema ng pagbibigay ng hustisya sa mga
nagkakasala. Narito ang mga patunay.

“Ma’am natabunan na yata nang husto iyong mga papeles ko. Tatlong
taon na ko dito, Ma’am, ni minsan hindi pa ako nabibistahan. Puro
postpone! Puro postpone!”

“Ma’am kelan po kayo uli mapapasyal sa korte? Gusto ko naman


talaga ma’am, mabistahan na ako. Para kung masisintensyahan din
lang ako, masintensiyahan na ako agad!” (p. 64; kab. 8; tal. 47-48)

Itinampok sa nobelang ito ang maruming sistema ng hustisya sa


pamamagitan ng paglalantad ng mga kabaluktutan at kagaspangan ng mga

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 4 ng 126
tauhang may kapangyarihan sa lipunan na kahit sa panahon ngayon ay talagang
talamak at hindi mapuksa.

3. BANGHAY

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod


ng mga pangyayari sa kwento o nobela. Nakalahad dito ng maayos ang mga
pasalaysay na pangyayari at nahahati sa mga sumusunod na bahagi; Simula,
suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas.

3.1 SIMULA

Sa bahaging ito pininakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at


tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na mapukaw sa interes ng
mga mambabasa na ipagpapatuloy ang pagbabasa ng akda.

Sinimulan ang kuwento sa paglalarawan sa pangyayari sa pangunahing


tauhan at paglalarawan ng tagpuan na magdudulot ng matinding pagbabago sa
kaniyang buhay. Narito ang patunay.

“PANGALAN?”

Mabagsik ang tinig ng puis na nakapuwesto sa harap ng mesa.


Malaking lalaki ito at mataba ang tiyan. Yamot ang itsura, marahil ay
nabubwisit na sa dami ng asuntong dumadating ng gabing iyon. Siya
nga mismo, si Angela, matagal siyang pinaghintay sa selda bago
muling inilabas para maimbestigahan. At ngayon, kahit sa harap ng
pulis na mag-iimbestiga sa kaniya, ninenerbiyos pa rin siyang isipin
na matagal niyang makakasama ang tatlong puta na naabutan niya
sa selda ng mga babae- na sa pakiwari niya ay naghihintay na lang
ng tamang pagkakataon para siya silain. (p. 1; kab. 1; tal. 1-2)

Mula sa patunay, masusuring ang tauhan ay nasa isang lugar na sinoman


ay walang nagnanais na mapuntahan ito, ang bilangguan. Pinapakita ditong
nakagawa siya ng isang kasalanan na talaga namang babago sa kaniyang buhay.
Ipinakilala rin na ang pangunahing tauhan ay isang babae, na lalong nagpasidhi
ng intensiyon ng may-akda upang mahatak ang kuryosidad ng mambabasa kung

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 5 ng 126
ano ba ang ginawa ng isang babae para mapunta siya sa ganoong sitwasyon
samantalang ang karaniwang napupunta sa selda ay mga kalalakihan.

3.2 SULIRANIN

Ang suliranin ay tumutukoy sa mabigat na problemang kahaharapin ng


pangunahing tauhan. Ito ang susubok sa kakayanan at kalakasan ng bida sa akda
at kung paano niya ito haharapin at lulutasin.

“PEOPLE of the Philippines versus Angela Gutierrez.”

Napahindig si Angela. People of the Philippines! Ano’ng ibig sabihin


nito, buong sambayanang Pilipino ang nagdedemanda sa kaniya?
Hindi niya alam na pag kasong criminal, people of the Philippines ang
kalaban. Tumanga siya nang matagal sa hukom. Hindi makapaniwala
sa “people of the Philippines”. (p. 121; kab. 14; tal. 1-2)

Ito ang pinakamatinding suliraning kinaharap ni Angela sa akda, ang


kaniyang pagkasakdal sa muntikang pagpatay sa asawa ng kaniyang nobyo.
Makikita ring hindi niya lubos akalaing ganito ang kaniyang kahahantungan dahil
sa maling pag-ibig niya kay Crisanto.

3.3 TUNGGALIAN

Isinasaad dito ang mga nagiging desisyon at reaksiyon o hakbang ng mga


tauhan sa inilahad na suliranin. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan, o tao laban sa
tadhana. Sa bahagi ding ito mas kapana-panabik ang mga kaganapan sa kuwento
na magpapasidhi ng damdamin ng mambabasa.

“Alam mo, para hindi na masyadong magtagal ang kaso mo, ang
maipapayo ko sa’yo, aminin mo na lang. Kasi habang nagtatagal ang
mga paglilitis, nagtatagal ka rin sa city jail.”

“Mapaparusahan ako, Attorney!” (p. 179; kab. 21; tal. 33-34)

Sa ganap na ito, ipinipilit kay Angela na huwag nang ipaglaban ang


kaniyang katuwiran bagkus ay aminin na lamang na siya’y nagkasala at

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 6 ng 126
tanggapin ang hatol ng korte na mismong abogado niya ay hindi na siya
mabigyan ng solusyon na makakapagpalaya sa kaniya nang agaran.

3.4 KASUKDULAN

Sa bahaging ito makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o


kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng
tauhan. Dito pinakamatindi at marubdob ang bugso ng damdamin ng
pangunahing tauhan.

Tinanong ng abogado kay Cris kung anak ba nito ang ipinagbubuntis


niya. Sagot ni Cris, “Hindi ko po alam.”

At pakiramdam ni Angela ay tuluyan nang hindi kinaya ng kaniyang


mga ugat ang sama-samang galit, himagsik at pagdurusa na sinikap
niyang ikulong sa kanyang dibdib. Nagputukan ang kanyang mga
ugat at nakakawala ang mga iyon, itinulak siya pasugod kay Cris.
“Hayup! Hayup!” Pero mabilis siyang naharang ng mga guwardiya.
Nanlaban siya at isinalpak siya nito sa upuan. Narinig niyang
napasigaw ang isang babae: “Makunan ‘yan!” Nagpupukpok ng
kanyang malyete ang hukom. Nauwi siya sa impit na hagulgol. (p.
205; kab. 24; tal. 20-21)

Makikita sa bahaging ito na tuluyan nang nawawalan ng pag-asa si Angela


dahil na rin sa pambabaliktad sa kaniya ni Crisanto. Dito mag-uumpisang
maghimagsik at gumanti si Angela sa lahat ng ginawa sa kanya ng kaniyang
lalaking pinakamamahal. Dito rin isiniwalat ang lahat ng damdaming inipon ni
Angela simula nang siya’y makulong at ito ang kaniyang magiging lakas upang
bumangong mag-isa at wala nang katakutan pa dahil alam niyang kailangan
niyang magpakatatag para sa kaniyang anak.

3.5 KAKALASAN

Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga


pangyayari sa akda. Dito inihuhudyat ang pababang aksyon na nagbibigay daan
sa nalalapit na katapusan ng akda.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 7 ng 126
Bigla siyang hindi makapaniwala. Anak nga ba niya ito, galling talaga
sa tiyan niya? Bigla siyang nagtaka at namangha sa kakayahan ng
isang babae na lumikha ng kasunod na tao. Ng taong hinugot sa
pagkatao niya at karugtong ng kanyang buhay. Hindi kayang abutin
ng isip niya ang milagrong nakapaloob sa paglikha.

Siya, si Angela Guttierez, isang karaniwang tao lang, isang taong


kokonti lang ang pinag-aralan, hindi mo papansinin kahit saan mo
man Makita, isang miserableng tao na walang binatbat, nakakulong,
walang talino o yaman… nakagawa ng tao? (p. 246; kab. 28; tal. 30-
31)

Sa bahaging ito, hindi man nakalaya si Angela nang manganak ay


matapang niyang hinarap ang mga panganib sa panganganak nang nakakulong at
lubos niyang ikinagalak na magkaroon siya ng isang anghel sa kabila ng lahat ng
kaniyang kasawian sa buhay. Ipinakita rin sa bahaging ito na ang katatagan ng
kababaihan ay hindi nakasalalay sa kalalakihan, bagkus sila’y mas
makapangyarihan dahil sa kanilang taglay na makabuhay ng isang tao.

3.6 WAKAS

Ito ang bahaging naglalahad ng kahihinatnan ng pangunahing tauhan. Dito


rin mababatid ang resolusyon sa mga suliraning inihain.

Sa nobelang ito, binigyang hustisya ng may-akda ang kalakasan ng


kababaihan na sa kabila nang kakulangan ng karapatan ng mga kababaihan sa
lipunan, sa pamamagitan ng pagtutulungan ay hindi imposible ang
pagtatagumpay.

“Tarantado ka,” sabi nito. “H’wag ka nang makikiapid uli, ha?


Magpakabait ka na.” “Sige na. Ingatan mo ‘yang anak mo.”

Niyakap siya ni Viring. Niyakap siya nang mahigpit ni Tonya. Niyakap


siya ng iba pa. Mayroon sa kanilang sumisinghot-singhot at
nagpapahid ng luha.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 8 ng 126
Niyakap niya nang mahigpit si Ma’am Rowena. Tinanong ni Ma’am
Rowena kung saan siya pupunta. Sabi niya, kina Nora po. Sabi po
niya, sa kanila muna ako tumira.

“Andito rin ako, ha; tandaan mo ‘yan,” sabi ni Ma’am Rowena. “’Pag
may problema ka sa tirahan, puntahan mo lang ako dito. Malaki ang
bahay ko.” (p. 339-340; kab. 40; tal. 16-20)

Sa lahat ng pinagdaanan ni Angela sa akda, kasama niya sa


pakikipagsapalaran ang mga kababaihang presong tulad niya. Ipinapakita dito
ang ibang perspektibo ng mga tao sa mga preso, na hindi lahat ng preso ay
masasama. Karamihan pa rin sa kanila ay mabubuti, maging ang mga kawani ng
pamahalaan, hindi lahat ay mapang-abuso sa kapangyarihan kundi lumalaban din
para sa mga naaapi.

Sumayad na ang mga paa niya sa labas ng piitan. Hindi siya


lumingon, narinig lang niya ang malakas/matunog na pagkaladkad ng
kandado sa mga rehas ng pintong bakal. Ang init, masikat ang araw.
Inayos niya si Joy, inilagay ang ulo nito sa balikat niya, patalikod sa
masilab, nakabubulag na liwanag ng araw. Pumalag si Joy na patuloy
na humahagikgik sa mga patuloy na nag-i-it bulaga at nagpa-flying
kiss sa kanya. (p. 340; kab. 40; tal. 25)

Masasabing payapa at tunay na may hustisya ang wakas ng akdang ito


sapagkat lahat sila ay maluwag na tinanggap ang mali ng bawat isa at
nagpatawad sa mga pagkakasala nila. Kasunod ng pagpapatawad at paglaya ay
may nakaabang na panibagong buhay kasama ang mga panibagong taong
makapagbibigay ng pag-asa na bumagong muli at magpatuloy sa paglalakabay at
pakikibaka sa buhay.

4. PAGLALARAWANG-TAUHAN

Mahalaga sa pagsusuri ng isang akda ang pagkilala sa mga tauhang


nakapaloob dito sapagkat sila ang nagbibigay buhay sa kuwento. Ang pisikal at
emosyonal na katangian nila ang bubuo ng imahe sa mga mambabasa kung

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 9 ng 126
anong klase ng akda ang kanilang binabasa. Sa paglalarawang-tauhan, maaaring
literal na ilarawan ng may-akda ang tauhan ngunit may mga pagkakataon ding
ang paglalarawan sa mga ito ay nakapaloob sa daloy ng kuwento at kung paano
sila kumikilos sa akda.

“Pakisabi mo na lang kay Cris, Joanna, sana, huwag niyang ikagalit sa


akin ito. Dalawin niya ako para maipaliwanag ko sa kanya ang buong
pangyayari. Sabihin mo, h’wag niya akong pabayaan. Dahil din
naman sa kanya kaya nangyari ito sa’kin. Tulungan niya ako!” (p. 89;
kab. 10; tal. 48)

Isang pangkaraniwang babae si Angela Gutierrez na sobra kung magmahal


at kahinaan niya ang minamahal niya. Ngunit dahil sa nangyari sa kaniya nang
dahil sa maling pag-ibig, natutuhan ni Angela na lumaban para sa kaniyang
kalayaan at karapatan maging ang magpatawad sa mga taong nagdulot sa kaniya
ng kasamaan.

“Ano ho ba ‘yan, gusto niyang humingi ng pera sa ‘kin?”


Nagtatapang-tapangang tanong ni Cris. Kahit kabado siya na daang
libo, o milyon, ang hinihingi ni Angela, at wala sila ng gano’ng halaga.
“Magkano ho ba ang gusto niyang hingin?” (p. 326; kab. 38; tal. 15)

Si Crisanto, ang lalaking minahal ni Angela, ay isang lalaking walang


sariling ari. Pagkatapos ng insidenteng muntik nang mapatay ni Angela ang
kanyang asawa na si Adela ay binaliktad niya ang kuwento upang maisalba ang
kaniyang sarili. Siya ay isang representasyon ng lalaking mapang-abuso at
humahanap ng taong mapakikinabangan.

“Wala po si Mr. Pagtalunan para witness?” tanong ng clerk kay Adela.

Matigas ang mukha ni Adela kahit habang pumipirma ito. “Wala na


kami. Hayup na iyon!” (p. 326; kab. 38; tal. 15)

Si Adela naman ang representasyon ng isang babaeng matatag matapos


madapa at mauntog sa katotohanan. Isa rin siyang mapagpatawad na babae
sapagkat sa dulo ng kuwento ay hindi na niya itinuloy ang kaso laban kay Angela.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 10 ng 126
“Malapit na akong lumaya, Angela. Tatlong buwan at kalahati na lang,
bilang na bilang ko. Kung gusto mo, makiusap tayo sa warden nab
aka puwedeng mahintay na ang paglaya ko. Tapos, dadalhin ko ang
anak mo. Idadalaw ko sa’yo madalas para nakikita mo pa rin siya.
Wala pang kasiguraduhan ang buhay ko pero may nanay pa ako.
Kukupkupin niya ako, pati ang anak mo. Angela … wala tayong
magagawa!” (p. 293; kab. 35; tal. 2)

Si Nora, isang babaeng bilanggo na may salang Qualified Theft ang


nagpapatunay na hindi lahat ng bilanggo, masasama. Iisa lamang siya sa mga
bilanggong nagmalasakit nang lubusan kay Angela sa loob ng City Jail at
tumayong ninang ng anak nitong si Joy.

“Opo, kamahalan. Kumpleto po iyan. Tempra para sa lagnat, Citrex


para sa ubo… meron pa pong para sa kabag. Importante daw po
‘yung para sa kabag, kamahalan. Ingatan daw pong kabagan ang
bata dahil baka magtirik ng mata. Mga gamot po ‘yan ng anak ko.
May masasabi pa po ba kayo sa akin?” (p. 284-285; kab. 33; tal. 20)

Si Paquito naman ang representasyon ng mga kawal ng pamahalaan na


walang bahid ng kasamaan at may pusong busilak. Kahit hindi niya kaano-ano si
Angela ay tinulungan niya ito sa pangangailangan niya noong siya’y nanganak
maging sa mga pangangailangan ng bata ay siya pa rin ang naasahan ni Angela.

5. TAGPUAN

Isa ring mahalagang kasanagkapan ang malinaw na paglalarawan sa lugar


na pinangyarihan ng akda upang mas maging akma ang daloy ng kuwento at
maging makatotohanan ang mga pangyayari. Ang tagpuan ang magiging
repleksyon ng kung anong klaseng tao ang mga tauhan at anong mga senaryo
ang nararapat sa bawat kaganapan sa kuwento.

Nakatuntong ang city jail sa loob ng ilang ektaryang lote sa likuran ng


isang malaking palengke ng lungsod, nab ago mo mapasok ay
dadaan ka muna sa isang maliit na kalye na kasya lang
pagsalubungan ng dalawang sasakyan. Sa loob ng compound,
maluwang naman ang kalyeng nakapagitan sa magkaharap na

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 11 ng 126
kulungan ng mga babae’t lalaki, at sa dulo ng kalyeng nakapagitan sa
kanila ay ang photo at record section na katabi ng maliit na kapilya.
(p. 35; kab. 5; tal. 1)

Sa paglalarawang ito, makikitang mahirap ang kalagayan sa loob ng piitan.


Sa labas pa lamang ng city jail ay samutsaring negatibong kalagayan ng lugar
ang mapapansin. Nariyan ang masangsang na amoy dala ng siksikang
populasyon ng mga preso, hindi malinis na palikuran, kulang na sustento ng
pagkain, at walang pribadong lugar ang bawat isa na parang porke mga preso sila
ay wala na silang karapatan sa dignidad.

6. SIMBOLISMO/SAGISAG

Mahalagang masuri ang mga salitang may malaking impluwensiya sa


kabuuan ng kuwento. Ang mga simbolismo o sagisag ang nagbibigay ng dagdag
na kabuluhan sa mga katagang ibinabato ng bawat tauhan. Sa putahe ng isang
ulam, ito ang pampalasa upang mabuo ang kasiningan ng isang akda.

Wala kang dalaw, wala kang pera, wala kang makain. Pero sabi nila,
bakit mo naman titiisin na wala kang makain? Puwede ka namang
maghanapbuhay ditto kung gusto mo. Kikita ka kahit hindi ka
magtinda ng sigarilyo o tumanggap ng labahin. Tignan mo yung iba
kumakain ng adobo. Nagtataka kung saan sila kumukuha ng pambili
ng adobo?sasabihin ko sa’yo. May pekpek kasi sila. Ikaw, may
pekpek ka rin. Pakitain mo ang pekpek mo. (p. 94; kab. 11; tal. 11)

Ang pekpek ay simbolo ng buhay at dignidad sa mga kababaihan at ang


akdang ito ay umikot din sa buhay ng mga babaeng bilanggo. Binigyang-diin ng
may-akda na ang kapangyarihang taglay ng kababaihan ay hindi basta-basta at
maraming pinatunayang kalakasan ang may-akda sa kababaihan tulad ng
kakayanang manganak, kakayanang matulungan ang kapwa babae at
kakayanang magpalaki ng anak nang mag-isa. Pinanindigan sa akdang ito na
hindi kailangan ng mga kababaihan ang kalalakihan upang maging matagumpay
at makamit ang kaligayahan.

7. ESTILO

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 12 ng 126
Ang pamamaraan ng pagsulat ng may-akda ang kaluluwa at sandigan ng
kagandahan ng isang obra sapagkat ito rin ang representasyon ng kabuuan ng
akda. Nakapaloob dito kung paano paglalaruan ng may-akda ang mga tauhan,
pangyayari at gugulatin ang mambabasa sa mga susunod pang pangyayari upang
hindi ito bumitiw sa pagbabasa.

Sa nobelang ito, maraming diyalogo ang ginamit ng may-akda upang


ipakita ang palitan ng mga kaisipan at salpukan ng mga paniniwala ang kaniyang
mga binuong tauhan. Narito ang patunay.

“Angela, gusto lang ni Cris na kahit paano, magpakaama!” sabi ni


Joanna.

Tumalikod si Angela.

“Angela, pag di ka raw pumayag, agpa-file siya ng petisyon sa korte!”

Nilingon ni Angela si Joanna.

“Sabihin mo sa kanya, putang ina niya! Madali lang maging ama. Sabi
nga nu’ng nabasa ko sa komiks, maski aso, nagiging ama!” (p. 304;
kab. 36; tal. 9-13)

Masasalamin sa diyalogong ito ang poot ng isang babaeng natauhan na.


Iniangat ng may-akda ang kalakasan ng kababaihan sa aspeto ng pamamalakad
ng pamilya at pag-ibig sa ganap na ito sa pamamagitan ng paninidigan ni Angela
na walang tanggaping anomang tulong mula kay Crisanto.

8. KASININGAN NG PAGGAMIT NG WIKA, TALINHAGA, PAHIWATIG NA


PANANALITA AT PANGUNGUSAP

Ang paggamit ng tayutay at matatalinhagang pahayag ay sinadyang


paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa,
matalinhaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. Ito rin ang mabisang
gamitin upang bigyang-diin ang mga kaisipang nais ipahiwatig ng may-akda sa
kaniyang ipanapaabot na mensahe o saloobin sa mambabasa.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 13 ng 126
Ngiyaw ngiyaw. Nakapanikit sa isip ni Angela ang pusa ng kaniyang
kamusmusan. Ang iyak at himagsik ng pusa na damang-dama niya
habang magdamagan gabi-gabi, walang pahingang hinahanap nito
ang kaniyang mga anak. (p. 216; kab. 25; tal. 28)

Inilarawan rito ang isang mabuting katangian na taglay ni Angela. Ayaw


niyang may naaagrabiyadong tao lalo na kung ito’y walang ginawang masama sa
kaniya. Dumating man siyang walang kibo at takot sa city jail, natuto na siyang
lumaban para sa kaniyang karapatan at ipaglaban ang kaniyang mga kapwa
kababaihan at kapwa ina.

C. PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN

1. MAKA-DIYOS

Ang pagiging maka-Diyos ay nangangahulugang sinusunod ng isang tao


ang Salita ng Diyos o ang Biblia. Samakatuwid, maaaring sabihin ng isang tao na
maka-Diyos siya kasi sinusundan niya ano ang naka sulat sa Biblia.

Uha ng sanggol. Napadilat siya. Nanganak na siya? Diyos ko,


‘asan ang duktor? “Babae, Misis!” boses mula sa ibang partisyon.
Kinapa niya ang tiyan niya. Malaki pa. Hindi pa siya ang nanganak.
Alas siyete y medya na, sabi ng relo. Nakarinig na naman siya ng uha
ng sanggol pero mukhang sa malayo nanggaling. Hindi pa sa ‘kin,”
may pagkadismayang bulong niya sa sarili. Diyos ko, sana’y baby ko
na.

Bakit sila, nanganak na? Bakit ako, hindi pa? Wala na bang
katapusan ‘to, Diyos ko? (p. 244; kab. 28; tal. 22-23)

Ipinakikita sa bahaging ito na kahit ano pa man ang naging kapalaran ni


Angela, hindi pa rin siya nakalilimot manalig sa Diyos at tunay pa rin ang
kaniyang pananampalataya na siya ang makatutulong sa kaniya.

2. MAKATAO

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 14 ng 126
Nangangahulugan ang pagiging makatao bilang pagmamahal sa iyong
kapwa. Ang pagmamahal na ito ay magdudulot ng kaisipang laging iniisip ang
kapakanan ng ibang tao at ang makabubuti para dito.

Ang halimbawa ng pagiging makatao ay ang pagpapakita ng pantay na


pagtingin at pagtrato sa ibang tao, anuman ang kulay, itsura, o estado sa buhay.
Bukod dito, isa pang halimbawa ng pagiging makatao ay ang pagtulong sa kapwa
nang walang hinihintay na kapalit. Isang pamamaraan nito ay ang pagbibigay ng
tulong sa mga nangangailangan.

“Hindi ako mabuting tao pero sa ‘yo na iyan,” sabi nito. “Itong
kumot, pambalot mo sa anak mo. Labhan mo na lang mabuti, baka
may mikrobyo ko.” (p. 183; kab. 22; tal. 2)

Isa sa mga kabutihang makikita sa akdang ito ay ang katunayang hindi


man alam ng mga malalayang tao, ang mga preso ay may taglay pa ring
kabutihan at pagiging makatao at isang patunay dito ay ang kapreso ni Angela na
si Brenda. Isang bayarang babae ngunit malaki ang puso sa mga inang katulad
niya.

3. MAKABAYAN

Ang pagpapakita ng pagmamahal sa lupang tinubuan at bayang sinilangan


ay pagiging Makabayan. Ito rin ay pagsasaad na ang isang tao ay may
pagpapahalaga kung ano ang mayroon sa sarili nitong bansa.

“Nakatuwaan po niya, Ma’am,” kumambat si Barang sa direksyon ni


Angela. “Dapat daw po, magbabayang-magiliw kami sa umaga. E
dahil wala kaming bandera, maski raw po ‘yun na lang.” (p. 62; kab.
8; tal. 22)

Sa sarkastiko mang paraan inilahad sa akda ang pagka-makabayan, ito ay


nagpapakita pa rin ng pagkilala sa pagpupugay sa bandila at pag-awit ng
pambansang awit ng ating bansa. Na kahit mga preso ay nagtataglay pa rin nito.

4. MAKAKALIKASAN

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 15 ng 126
Ang pagmamahal, pag-aalaga, at pagbibigay-importansya sa kalikasan ay
pagiging makakalikasan. Ilan lamang sa mga sangkap ng pagiging makakalikasan
ay ang paglilinis ng kapaligiran, wastong pagtatapon ng basura, pagtatanim ng
mga puno at halaman, pakikilahok sa mga gawaing pagpapayaman ng ating
kapaligiran.

Sumunod si Barang s autos ng guwardiya: nag-rder siya ng general


cleaning pagkatapos ng almusal. Nag-assign ng magwawalis,
maglilinis ng dingding, maglalampaso, magbubunot para kumintab
ang baldosa, mag-iisis ng banyo, magbabalde sa kasilyas. Hindi
nakalibre si Angela siyempre pa. Napansin lang niya na silang maliliit
lang at mukhang hindi papalag ang inuutus-utusan, ang kinakaya, ni
Barang. (p. 71; kab. 9; tal. 1)

Kahit na sa city jail man iyan o kahit anong lugar ay nangangailangan pa rin
ng kalinisan. Hindi nakalilimot ang mga preso sa kalinisan at pag-aalaga ng
kanilang kapaligiran kahit na napakahirap ng kanilang sitwasyon dahil walang
sapat na espasyo para sa kanila kung kaya’t kung ano ang kayang linisin ay
talagang nililinisan nila. Isa itong patunay na malaki ang kanilang pagpapahalaga
sa kapaligiran.

D. PAGSUSURI BATAY SA KAUKULANG PANANAW NA PAMPANITIKAN

1. FEMINISMO

May mga teoristang nagsasabi na ang kagandahan ng feminismo ay nasa


pagiging postmodern nito---ayaw magpakahon sa alinmang kategorya.  Ang
kasaysayan ng kritisismong feminismo ay puno ng kontradiksiyon.  Nariyang
halos subukan nitong ipasok ang iba’t ibang teorya para lamang baliktarin at
gamitin para tumbahin ang patriarkal na ideolohiya.

Ang layunin ng panitikang ito ay magpakilala ng kalakasan at kakayahang


pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang akda ay nakapaloob sa teoryang feminismo sapagkat

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 16 ng 126
babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti
at magagandang katangian ng tauhan.

Sa city jail, napag-aralan ng maraming babae na tigasan ang loob,


h’wag magpatalo sa mga trahedya at kalungkutan, ituloy lang ang
buhay sa iba’t ibang paraan. Marami sa kanila ang dalawa, tatlo,
maaaring apat-limng taon na sa loob. Puwede rin namang dalawa-
tatlong buwan pa lang. Gano’n pa rin iyon, kailangan mo pa ring
sanayin ang sarili mo sa pinakamaagang panahon. Sa umpisa pa lang
ay sapilitan ka nang aalisan ng hiya. Lolokohin ka ng mga pulis,
hihipuan ng suso, hihimasin sa hita, gagamitan ng malalaswang
salita. Huhubaran ka ng mga dadatnan mo sa city jail, ibabandera
ang panty mo, sisilipan ka sa pagligo, kung maganda-ganda ka’y
pipilitin ng mga tomboy na tabihan ka sa pagtulog. (p. 94; kab. 11;
tal. 8)

Sa tunay na buhay, ang mga kababaihan ang tunay na api sa lipunang


ating ginagalawan ngunit hindi na sa panahon ngayon. Ipinamukha ng akdang ito
na matapang at matatag na mga kababaihan ang umiiral sa panahon ngayon.
Iba’t ibang uri ng kababaihan ang sinalamin ng akdang Bulaklak sa City jail. Sa
mismong pamagat pa lamang na may salitang Bulaklak ay representasyon na ng
mga babaeng may iba’t ibang suliraning kinaharap, kinakaharap, kahaharapin.
Matapang na pagsisiwalat sa mga kayang gawin ng mga kababaihan ang naging
pokus sa akdang ito, patunay na hindi lahat ng matitinding pangyayari ay lalaki
lamang ang nakagagawa.

Bigla siyang hindi makapaniwala. Anak nga ba niya ito, galling talaga
sa tiyan niya? Bigla siyang nagtaka at namangha sa kakayahan ng
isang babae na lumikha ng kasunod na tao. Ng taong hinugot sa
pagkatao niya at karugtong ng kanyang buhay. Hindi kayang abutin
ng isip niya ang milagrong nakapaloob sa paglikha.

Siya, si Angela Guttierez, isang karaniwang tao lang, isang taong


kokonti lang ang pinag-aralan, hindi mo papansinin kahit saan mo
man Makita, isang miserableng tao na walang binatbat, nakakulong,

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 17 ng 126
walang talino o yaman… nakagawa ng tao? (p. 246; kab. 28; tal. 30-
31)

Ito ang pinakamatinding bitaw ng may-akda sa pag-aangat ng kababaihan


sa nobela. Ang pagdadalang tao ay kailanmang hindi magiging kakayanan ng
mga kalalakihan, dahilan upang angkinin ng kababaihan ang pagbuo ng isang
panibagong buhay mula sa kaniyang paghihirap, sakripisyo, at sariling gawa.

2. REALISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng


may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

Maiuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay; na ang likhang


isip ay may aktwal na batayan sa kasaysayan at lipunan. Sinusuri ang akda
bilang bunga ng isang pagsasama-sama ng mga puwersang historikal o
panlipunan.

Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa


kagandahan. Hangad ng Realismo ang makatotohanang paglalahad at
paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mang pwedeng
mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao.

Higit na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at


hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o
pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap
pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng
awtor. Para sa realista, walang tigil ang pagbabago.

Ang tauhan ng isang akda ay dapat na maipakitang nagbabago nang


walang tigil, kung hindi man sa kanyang pisikal na anyo, ay sa kanyang
sikolohikal, intelektwal, ispiritwal, o emosyonal na katauhan. Ang kalikasan at ang
ugnayan ng mga tao sa isa’t isa ay mahahalagang salik sa pagbabago at pag-

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 18 ng 126
unlad ng tao mismo. Isa sa mga simulain ng mga realista ay maipakita ang
mahahalagang papel ng kapaligiran, hindi lamang ang mga detalye ng pook at
panahon, kundi maging ang mga pwersang panlipunan na nagtatakda sa kilos,
gawi, at pag-iisip ng tao.

Parang binagsakan ng bato ang ulo ni Angela. Natulingag siya.


Nagsikip ang dibdib niya sa daluyong ng galit at hinagpis.

“Putangina niya!”

“H’wag kang magmura. Alam mo kung ako ang tatanungin, ‘yun na


ang da best. Kesa sa ibang tao mapunta ang anak mo.”

Ibinalik ni Angela sa ulunan ng chicken wire ang malaking plastic ng


mga dala ni Joanna. “Abutin mo!”

“Angela, makinig ka naman sa katwiran!”

‘Ang kapal ng mukha niya. Isoli mo na lang lahat ‘to sa kanya. O!” (p.
303; kab. 36; tal. 1-6)

Mula sa mapagmahal at matiising Angela, tinuruan ng karanasan at mga


suliranin ang pangunahing tauhan na matuto nang tumanggi at mapoot sa mga
taong nagkasala sa kaniya. Sa umpisa ng nobela, sobrang pagmamakaawa ni
Angela na puntahan siya at palayain ng kaniyang nobyo na si Crisanto, ngunit
nagbago ang pagtingin niya rito nang itanggi nito na siya ang ama ng
ipinagdadalang tao ni Angela.

3. ARKETAYPAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda


sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Ang lahat ng pangyayari ay maaaring lapatan ng mga
sagisag na kakatawan sa pangkalahatan. Gamit ang mga ito, madaling makikita
ang mga mahahalagang pangyayari sa akda at ang binibigyang-diin ng may-
akda.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 19 ng 126
Magugutom ka pag ayaw mong pumila sa rantso, mauubusan ka pag
hindi ka nakipag-unahan sa pila. Kakainin ka ng sitwasyon, hanggang
sa maging kapareho ka na nila. (p. 94; kab. 11; tal. 9-10)

Wala kang dalaw, wala kang pera, wala kang makain. Pero sabi nila,
bakit mo naman titiisin na wala kang makain? Puwede ka namang
maghanapbuhay ditto kung gusto mo. Kikita ka kahit hindi ka
magtinda ng sigarilyo o tumanggap ng labahin. Tignan mo yung iba
kumakain ng adobo. Nagtataka kung saan sila kumukuha ng pambili
ng adobo?sasabihin ko sa’yo. May pekpek kasi sila. Ikaw, may
pekpek ka rin. Pakitain mo ang pekpek mo. (p. 94; kab. 11; tal. 11)

Sa akdang ito, ang ari ng babae ang simbolo ng kanilang buhay at pag-asa.
Ito ang unibersal na pagkakakilanlan sa kababaihan, na kapag mayroon ka nito,
isa kang ganap na babae. Ipinahayag sa akda ang kapangyarihan ng
pagkababae, ano ang kaya nitong maidulot at maitulong sa buhay ng isang
babae, paano nito nirerepresenta ang kakayanan ng mga kababaihan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Obrang Maestrang


Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia
Bb. Neariza Digas

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 20 ng 126
A. Buod
May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay
madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang
damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng
tinapay na madalas pang walang palaman.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 21 ng 126
Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang kanyang
dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa
batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung
makakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi na
niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang mga
kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.]

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto
na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay.
Hindi naniwala ang kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga
disenyo ng bawat damit niya at dahil dito ay naniwala na sila sa kanya.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng mga
ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya
ng mga ito ng kanilang masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang lumipas
ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya
sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat na babae at nakita
nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa marangyang kagamitan.

Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na nakahiga at may sakit pala.Sa tabi
ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel nanakapaskil sa dingding. Nakita nila ang
mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na
ni minsan ay hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

B. Elementong Pampanitikan

1. Uri ng Genre

 Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang


tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa
o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang
kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o
pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o
impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito
ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang
damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang
isip lamang. Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang
mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.

2. Paksang-Diwa o Tema

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 22 ng 126
Pinakakaluluwa ng maikling kwento.- Ang paksa ng kwentong ito ay ang
pagkukunwari ng batang babae na siya ay mayroong sandaang damit upang
matanggap siya ng kanyang mga kaklase.

3. Banghay

3.1. Simula

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasan


ipinapakilala ang mga tauhan sa kwento.

 Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae.


Inilarawan niya ito bilang isang batang walang imik, madalas na nag-iisaat
mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong nararansan nito.

3.2. Saglit na Kasiglahan

Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa


suliranin.
 Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng
kanilangpamilya. Pinili niyang sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi
na si ya nagsusumbong sa kanyang ina.
3.3. Kasukdulan

Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa


bahaging ito.

 Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siyang
sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaanay inisa-
isa niyang ilarawan ang kanyang mga damit na ito.
3.4. Kakalasan

Tulay sa wakas ng kwento.

 Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang kanyang


mga kaklase dahil sa paniniwala nilang siya'y may sandaang damit. Dito ay
binibigyan na siya ng kanilang baon at nawala na ang kanyang pagiging
mahiyain.
3.4. Wakas

Nagwakas ang kwento nang isang lingo ng lumiliban ang batang babae.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 23 ng 126
 Nag-alala ang kanyang guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa kan
yang bahay. Nakita nila ang bata na may sakit at ang mga papel na
nakadikit sa pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na
pawangmga drowing lamang.
4. Paglalarawan sa Tauhan

Bata- protagonista sa kuwento; natutong magsinungaling 

Nanay- tauhang lapad; hindi nagbago ang pag-uugali at pakikisalamuha sa


pangunahing tauhan. 

Mga Kaklase- tauhang bilog; nagbago ang pagtingin at paguugali sa


pangunahing tauhan.

5. Tagpuan

Sa Eskwelahan at Bahay ng bata.

6. Simbolo o Sagisag

Damit ang sumisimbolo sa pangarap ng isang tao. Batay sa kwento ang


pangunahing tauhan ay nangarap na magkaroon ng isang daang damit upang
matanggap siya ng kanyang mga kaklase.

7. Estilo

8. Kasiningan ng Paggamit ng Wika, Talinhaga, Pahiwatig na Pananalita


at Pangungusap

Kasiningan ng wika

Sa paggamit ng wika ay may mga ilang salita na maaaring mahirap


maintindihan ng mga mambabasa. Ngunit maituturing pa rin itong isang masining
sapagkat marami ang makukuhang kaalaman sa mga salitang ‘di pamilyar ng
mga mambabasa at magagamit nila ito sa kanilang pakikipag-usap. Naaayon din
ang mga salitang ginamit sa bawat sitwasyon at pangyayari sa akda.

Kasiningan ng talinghaga

Sa kasiningan ng talinghaga ay nagagamit at napapanahon ngayon,


sapagkat maiuugnay mo ito sa paraan kung paano nirerespeto at pakikitunguhan

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 24 ng 126
ang tao batay sa kanyang antas ng katayuan sa lipunan. Masasalamin at
mailalarawan dito sa akdang ito ang kahirapan ang nagging hadlang upang hindi
makamit ang pangarap ng batang babae.

Kasiningan sa pahiwatig

Malinaw na nais ipahiwatig ng may-akda ang sitwasyong nangyayari sa


kasalukuyang panahong ito.

Pahiwatig na pananalita

Sa pananalita ay nagamit parin ang mga malalalim na salita na may kinalaman


sa mismong pangyayari na maiuugay sa mga panahong iyon.

Kasiningan sa pangungusap

Ang mga pangyayari sa maikling kuwento na ito ay sunod-sunod na inilahad


ng awtor mula sa panimulang pangyayari na unti-unting sumidhi o tumaas
patungo sa karurukan o kasukdula ng kuwento pababa sa kakalasan ng mga
pangyayari hanggang sa wakas. Sa paggamit ng pangungusap ay malinaw na
naihayag ng malinaw at na may pagkakaintindi ang mga pangungusap.

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan


  Teoryang Marxismo- Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Makikita sa takbo ang pakikipaglaban ng tauhan sa kahirapan ng buhay;


nagkunwari siyang mayroon siyang isang daang damit upang malampasan ang
mga problemang kaniyang kinahahara, madalas nating nakikita ito sa mga
mayayamang nakikita natin sa mga telebisyon; ang mga kuwento nilang
naitatampok sa mga palabas; nakikita natin kung paano sila nagpursiging
lumaban sa hamon. Kahit na maliit na hakbang, ang ginawa ng bata ay nakaya

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 25 ng 126
pa rin niya na hamakin ang lahat upang hindi na siya asarin ng kaniyang mga
kaklase, na sinusuportahan ng Teoryang Markismo/Marxismo.

Unang Araw

I. Layunin

a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa isang akda batay sa pagkagamit sa


pangungusap.
b. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig.
c. Nakapagbabahagi ng epektong pandamdamin ng akda.
d. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa kinahinatnan ng mga pangyayari sa
akda.

II. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia

III. Kagamitan
 Kopya ng akdang “Sandaang Damit”
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
 Larawan/Video na nagpapakita ng “bullying”
 Kopya ng akdang “Sandaang Damit”
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
 Larawan/Video na nagpapakita ng “bullying”
 Kopya ng akdang “Sandaang Damit”
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
 Larawan/Video na nagpapakita ng “bullying”
Kopya ng akdang “Sandaang Damit”

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 26 ng 126
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
 Larawan/Video na nagpapakita ng “bullyin
 Kopya ng akdang “Sandaang Damit”
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)
 Larawan/Video na nagpapakita ng “bullying”

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper na
naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan sa kuwento.

teheras pupitre paanas abaloryo mapakagat labi


Kopya ng akdang “Sandaang Damit”
pambubuska
 Kartolina/manila walang
paper imik
para sa panimulangpagyayabang
pagtataya (talasalitaan)
 Larawan/Video na nagpapakita ng “bullying”

1. Madalas na nag – iisa sa isang sulok _____________ ang batang


babae.
2. Mahina at ___________ pa kung ito’y magsalita.
3. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw
ng _____________ ng kaniyang mga kaklase.
4. Tumindi ang ________________ at panlalait ng mga kaklase sa
batang babae.
5. Punung – puno ng maliliit, makikinang, at makukulay na ___________
ang damit ng batang babae.
6.Nakadispley sa _______________ ang sari – saring damit ng batang Babae.

Ipababasa sa mga mag – aaral ang mga pangungusap nang isa – isa.
Papipiliin sila ng salitang akma sa bawat pangungusap, mula sa kahon.

Ibibigay sa klase ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa


pangungusap.

B. Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan at video ng “bullying”. Itatanong sa mga mag–
aaral ang mga sumusunod:
 Alam ba ninyo kung ano ang “bullying”?
 Mayroon na ba sa inyong nakaranas nang ma – bully?

C. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 27 ng 126
Magtatawag ng mga mag – aaral na magbabasa nang malakas sa
bawat bahagi ng kuwento (pinutol ng mga gabay na tanong ang kabuuan
ng kuwento). Hihinto sa pagbasa sa bawat tanong na isiningit. Tatawag
ng mga estudyanteng nais sumagot sa tanong. Pagkatapos ay tatawag ng
iba naman mag – aaral para magbasa ng susunod na bahagi ng kuwento.
Uulitin ang proseso hanggang matapos.

Mga Gabay na Tanong:


 Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan n

g batang
 Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang
Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang
 Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae?
 Bakit nagging malulungkutin at walang kibo ang batang babae?
 Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay ng pamilya ng batang
babae. Patunayan ang iyong sagot.
 Naniniwala ka bang may sandaang damit ang batang babae? Bakit
oo? Bakit hindi?
 Ano sa inyong palagay ang nangyari sa batang may sandaang damit?
Bakit kaya siya hindi nakakapasok sa eskuwela?

D. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga
pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhansa kanyang ugali,
pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa
buhay. Gamitin ang paraang flip -top sa paglalahad.

PANGKAT II: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago o


transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw
niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa
buhay. Gamitin ang paraang sabayang pagbigkas sa paglalahad.

PANGKAT III: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago


o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw
niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa
buhay. Gamitin ang paraang talkshow sa paglalahad.

PANGKAT IV: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago o


transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw
niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay.
Gamitin ang paraang “Q&A”na tulad ng sa isang “pageant” sa paglalahad.

2. Pag – uulat ng pangkat

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 28 ng 126
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral

4. Pagbibigay input ng guro

E. Sintesis
Matapos mapakinggan ang kuwento, ano ang iyong naramdaman
para sa batang babae? Bakit ganito ang iyong naramdaman?

IV. Takdang Aralin


1. Ano ang diskriminasyon?
2. Magdala ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang uri ng
diskriminasyon.

Ikalawang Araw

I. Layunin
a. Malinaw na nakakapaglarawan ng mga pangyayari.
b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba
sa mga karanasang inilahad sa binasa .
c. Nakagagamit ng mga angkop na salita sa paglalarawan.
d. Nakikilala ang payak na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
simpleng panuring (Pang – uri at Pang – abay).

II. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Sandaang Damit” ni Fanny
Garcia

III. Balik–Aral

Sa pamamagitan ng mga larawan, itala ang mga transpormasyong naganap sa


pangunahing tauhan (batang babae) sa kanyang ugali, pananaw niya sa
kaniyang sarili at pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay.

IV. Presentasyon
Bigyang kahulugan ang salitang “diskriminasyon”. Iuugnay ang salitang ito sa
kuwentong natalakay

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 29 ng 126
DISKRIMINASYON

Sasagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano ipinakita ng may akda na nagging biktima ng diskriminasyon ang


batang babae? Magbigay ng mga tiyak na pangyayari.
2. Sa inyong palagay, nagging matagumpay ba ang awtor sa pagpapalutang
ng ganitong ideya sa kanyang akda? Bakit mo ito nasabi?
V. Pagpapalawig
A. Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay magdudula-dulaan tungkol sa iba’t ibang uri


ngdiskriminasyon sa lipunan.
PANGKAT I: Diskriminasyon sa kulay/lahi
PANGKAT II:Diskriminasyon sa katayuang sosyoekonomiko (mahirap)
PANGKAT III: Diskriminasyon sa relihiyon
PANGKAT IV: Diskriminasyon sa kasarian (bakla, tomboy)

B. Sintesis
Gagawa ng bookmark ang mga estudyante tungkol sa mensahe ng tekstong
kanilang binasa. Isusulat sa pisara ang mga kakailanganin sa bookmark.
1.Sa harap ng bookmark, ipasusulat ang mensahe ng akda.
2. Sa likod, pasusulatin ng isang paalala ang mga estudyante tungkol sa malaking
responsibilidad ng bawat isa upang tuluyan ng mawala ang
di–pantay na pagtingin sa kapwa.
3. Palalagyan ng disenyo ang mga bookmark.
4. Hahayaang magpalitan ng gawain ang mga estudyante.

VII. Takdang Aralin


1. Ano ang idyoma?
2. Magbigay ng 10 idyoma at isulat ang kahulugan ng mga ito.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 30 ng 126
Ikatlong Araw

I. Layunin
a. Nakikilala ang mga paraan para makabuo ng mga matalinghagang
paglalarawan (Idyoma at Tayutay).
b. Malinaw na nakapaglalarawan ng mga bagay sa paligid.

II. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia

III. Pamamaraan

A. Panimulang Pagtataya
PANUTO: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A mula sa Hanay
B. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
A. B.
_____1. pusong bakal a. walang pera
_____2. nagbibilang ng poste b. ina
_____3. butas ang bulsa c. matanda na
_____4. ilaw ng tahanan d. madaling masaktan
_____5. alog na ang babae e. duwag
_____6. ikurus sa kamay f. tandaan
_____7. kapilas ng buhay g. matulungin
_____8. bahag ang buntot h. asawa
_____9. balat sibuyas i. walang trabaho
_____10. bukas ang palad j. di marunong magpatawad

Pagkatapos masagutan, gamitin sa pangungusap ang bawat idyoma.

B. Presentasyon
 Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi literal –
Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi literalsa
ibang salita, ang idyoma ay may kahulugang iba sa kahulugan ng mga salitang
bumubuo rito. Ito ay di – tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan. Ito rin ay mga salita na ginagamit sa pagbibigay ng
deskripsyon sa isang bagay o tao sa paraang masining.

Halimbawa:
Anak – dalita – mahirap
Alilang – kanin – utusang walang suweldo

Ang tayutay ay isang salita o parirala na lumalayo sa direkta o literal na


Ang tayutay ay isang salita o parirala na lumalayo sa direkta o literal
napananalita. Madalas na ginagamit ito upang maiba, maging kaakit – akit,
mabigyang – diin at maging maliwanag ang anumang ipinahahayag.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 31 ng 126
1. Simili o pagtutulad – ito ay direktang paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga
pariralang tulad ng wangis, wari, gaya ng, tila, mistula, animo,
sing, tulad, katulad, parang, kasing, ga at iba pa.
Halimbawa:
Sakong na waring kinuyam na rosas.

2. Metapora o pagwawangis – ito ay pahiwatig na


paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na di
ginagamitan ng mga salita o pariralang pagtutulad.
Halimbawa:
Labanos sa kaputian ang kanyang kutis.

3. Pagtatao – Paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang


mga katangiang pantao lamang.
Halimbawa:
Tumatakbo ang oras.

4. Pagmamalabis – Sobra – sobrang paglalarawan, madalas na


hindi makatotohanan.
Halimbawa:
Timba – timba ang pawis niya.

C. Pagpapalawig
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I:
PANGKAT II: Bumuo ng mga pangungusap na nagkukumpara sa
bawat miyembro ng pangkat sa isang bagay gamit ang
simili at metapora
PANGKAT III:
PANGKAT IV:

D. Sintesis

Sa kalahating intermediate paper, ilarawan ang naging buhay ng


pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostiks. Sa
paglalarawan, gumamit ng idyoma at tayutay na angkop sa pinagdaanang
buhay ng batang babae.

IV. Kasunduan
Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.

Ikaapat na Araw
I. Layunin

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 32 ng 126
a. Nakasusulat ng simpleng talata.
b. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng
iba.
c. Napag–iiba ang payak at masining na paglalarawan sa pamamagitan ng
paggamit ng mga tayutay at idyoma.

II. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia

III. Balik – Aral


BAUL NG KAALAMAN – Bubunot ang mga mag – aaral ng mga salita na
nasa loob ng baul ng kaalaman. Mula rito ay ipapaliwanag nila ang salitang
kanilang nabunot.

Tayutay metapora Idyoma simili

Pagtatao pagmamalabis
IV.Pagtataya sa Pagtataya

Pasusulatin ang mga mag – aaral ng mga pangyayaring nagpapakita


ng“diskriminasyon” na maaaring nangyari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba.
Ipaaalala ang paggamit ng tayutay (simili at metapora) at idyoma
sa mga
pangungusap. Dapat ding tandaan ang pagsunod sa mga tuntunin at kayarian ng
pagsulat ng isang talata.

IV Paggamit ng tayutay at idyoma 25%


 Kaisahan ng pangungusap at talata 25%
 Malinaw ang diwang inilalahad 30%
 Wastong gamit ng bantas 20%
 Paggamit ng tayutay at idyoma 25%
 Kaisahan ng pangungusap at talata 25%
 Malinaw ang diwang inilalahad 30%
 Wastong gamit ng bantas 20%
V. Rubriks
Paggamit ng tayutay at idyoma 25%
Kaisahan ng pangungusap at talata 25%
Malinaw ang diwang inilahad 30%
Wastong gamit ng bantas 20%

VI. Takdang Aralin


1. Magtala ng limang alamat na iyong nabasa.

2. Humanda sa pagbabahagi ng alamat o kuwentong iyong nabasa sa klase.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 33 ng 126
Inihanda ni: Bb. Neariza Digas

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Obrang Maestrang


Stainless Longganisa ni Bob Ong
G. Mark Arvin B. Duran

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 34 ng 126
Ang pag-abot ng mga pangarap, kahalagahan ng pagbabasa at tamang paraan
ng pagsulat, ang pagkakaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan, hindi
pagsuko sa mga pagsubok na pinagdaanan ng isang manunulat sa kamay ng ibat-
ibang kritiko sa larangan ng panitikan at pagsulat, ay siyang tinatalakay sa nobelang
Stainless Longganisa.

Sa unang bahagi ng libro isinalaysay ng manunulat ang pagkakaroon ng ibat-


ibang karanasan at mga kuwento sa likod ng paggamit at pagkakaroon ng ibat-ibang
ballpen mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Ang nobela ay nagpapakita ng
pinakamalungkot at pinakamasayang pangyayari sa buhay at karanasan sa pagtahak
sa pangarap ng isang manunulat. Hindi pagpansin at walang pagpapahalaga sa mga
taong nag-uumapaw sa talento, mga pagsubok sa buhay at sa kamay ng kanyang
publisher at sa paggawa ng libro, ang mga karanasan at tagumpay n’ya matapos
makapaglathala ng libro.

Gaya ng pangkaraniwang tao, simpleng mag-aaral na may pangarap sa buhay na


maging isang manunulat sa kabila ng maraming pinagdaan sa buhay. Hindi naging
dahilan ang anomang hirap na pinagdaanan sa buhay upang makamit ito ng walang
pag-aalinlangan. May libro na binasa, paboritong manunulat, pagtitiwala sa sarili ang
naging puhunan tungo sa minimithing pangarap. Kung may pangarap ka sa buhay,
hindi ka dapat maging tatamad-tamad, ngayon palang ay simulan mo ng kumilos at
huwag sayangin ang pagkakataon sa kung sakaling biglang dumating sa iyong buhay.

Ang mga pagsubok sa buhay ni Bob Ong bilang isang manunulat. Sa una at
ikalawang aklat sa kamay ng kanyang publisher sa paggawa ng mga libro. Hindi
naging madali ang kanyang naging buhay ng iwan ang kanyang trabaho alang-alang sa
pangarap na maging isang manunulat. Ang makahanap ng publisher o magtitiwala sa
kanyang kakayahan ang isa isa pinakamatinding pagsubok na naranasan. Ang
magkaroon ng mga taong magtitiwala sa kakayahan ng isang tao bilang isang
manunulat. Sa kabila ng mga ito nagtagumpay n’ya ang mga pagsubok matapos
makapaglahathala ng libro. Hindi naging biro ang kanyang tinahak sa buhay matupad
lamang ang pangarap, sakripisyo, pagbabasa ng maraming aklat, pagkilala sa mga
Pilipinong manunulat ang ang naging inspirasyon upang magpursigi sa buhay. Hindi

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 35 ng 126
naging hadlang ang anomang perang kikitain sa mga aklat, ang totoong pangarap ay
hindi binabase sa laki ng kita ng pera na matatanggap. Kung paano mo pinaghirapan
ang isang bagay na na sa tingin mo ay para sa’yo.

Sa bandang dulo ng libro ibinahagi naman ng manunulat ang mga aral sa buhay,
mga payo sa mga gusto na maging manunulat tulad n’ya. Ang pinakamagandang parte
ng libro patungkol sa pag-abot ng pangarap ay isang desisyon na kailangang
panindigan, hindi dahil sa perang matatanggap mula sa iyong mga akda, ang
paghihikayat sa taong kakilala na magkaroon ng isang paboritong libro sa buong buhay
nila.

Ayon sa https://tl.wikipedia.org/wiki, si Bob Ong o Roberto Ong, ay


ang sagisag panulat ng isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na
kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa
at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino. Ang
sagisag panulat na Bob Ong ay nabuo noong mga panahon na ang
manunulat ay nagtatrabaho bilang isang web developer at guro.

Nabuo ang kanyang sagisag panulat nang may isang taong


nakipag-ugnayan sa kanya sa pag-aakalang siya ay totoong taong
nagngangalang Bob Ong. Ang site ay nakatanggap ng People's Choice
Philippine Web Award for Weird or Humor noong 1998, ngunit ito ay
isinara noong pinatalsik sa pwesto ang dating pangulong Joseph Erap
Estrada matapos ang Second People Power Revolution.

Ang uri ng genre ng nobela ay di-piksyon. Ito ay totoong


pangyayari sa buhay ng isang manunulat sa pamamagitan ng kanyang
auto-bayograpikal sa masining na paraan ng pagkakasulat. Ang mga
bahagi ng libro ay punong-puno ng mga nakatatawang pagsasalaysay sa
buhay ng may akda sa simula, gitna at wakas ng nobela. Makikita sa
ibaba ang halimbawa na ang nobelang ito ay patungkol mismo sa
sumulat ng akda:

Balik sa pagsusulat. September 2000 ang unang ipinangako kong


submission deadline sa publisher, pero lingo-linggo itong lumalayo. Salamat sa
pakikisama ng mataas na lagnat at tonsillitis na nakisabay pa sa pinakaabalang
panahon ng buhay ko. At dahil sa kagustuhan ko noong gumaling at matapos
ang libro, uminon ako ng malakas na antibiotic kahit na walang laman ang
tiyan. Ang resulta: isang araw na pagsusuka kasabay ng pakiramdam na para
akong tinatadyakan sa tiyan ng sampung kabayo.

October ko na ipinasa ang 80% ng manuscript. Di parin tapos, pero


ibinigay ko na sa publisher dahil magtataas na noon ng pamasahe sa jeep. At
ayokong magbayad ng mas mahal na pamasahe sa jeep.

Ang paksang diwa o tema ng nobela ay ang pag-abot ng mga


pangarap, kahalagahan ng pagbabasa at tamang paraan ng pagsulat,

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 36 ng 126
ang pagkakaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan, hindi
pagsuko sa mga pagsubok na pinagdaanan ng isang manunulat sa
kamay ng ibat-ibang kritiko sa larangan ng panitikan at pagsulat, ay
siyang tinatalakay na paksa ng nobelang Stainless Longganisa.
Ang panitikang sinuri ay nobela na hango sa tunay na pangyayari
ng mismong sumulat ng may akda. Nagsimula ang kwento patungkol sa
ibat-ibang ballpen na kanyang nahawakan mula noong pagkabata
hanggang sa pagtanda. Ang mga ito ay mula sa regalo at mga pakalat-
kalat sa kanilang tirahan. Sa simula ng nobelang ito, mas makikilalang
mabuti ng personal ng mga mambabasa kung sino nga ba si Bob Ong
bilang isang manunulat. Ang mga pinagdaanan sa buhay, mga naging
kalakasan at kahinaan sa paglalakbay sa mundo ng panulat at bilang
manunulat.

Hanggang sa naging official pen ang isang retractable pen na nakita


lamang ng manunulat na nakakalat sa kanilang tahanan noong 1993.
Ito rin ang kanyang ginamit na pansulat sa ilang bahagi ng unang aklat
na ABNKKBSNPLAko? at ginamit sa kontrata ng pirmahan n’ya ito sa
Visual Print Enterprises (VPE) maging ang ilang kopya ng unang librong
naisulat.

Para sa suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan ay


paghahanap ng publisher na makatutulong at magtitiwala sa kanyang
mga aka. Halos iwan lahat ni Bob On gang kanyang trabaho pagkatapos
makapagtapos ng pag-aaral para lamang sa nais tahakin na pangarap.
Hindi naging madali para sa tauhan ang ganitong klaseng ng sitwasyon
kung sakaling mabalewala ang lahat ng mga nasimulan. Makikita sa
bahagi ng nobela kung paano ipinakita ang matinding suliranin na
haharapin bilang isang nangangrap na may makapansin at maglahathala
ng mga librong kanyang isinulat.

Di tulad ng ibang author na inuuna ang manuscript bago ang paghahanap


ng publisher, inuna kong problemahin kung may publisher bang sasalosa
pagpapaguran ko. Sa isa pang huling pagkakataon, ininalita ko sa mailing list
ng BP ang seryosong intension ko na makakita ng interasadong publisher.
Doon sumagot sa akin ang isang emplayado ng Visual Print Enterprises (VPE).
Hulog na sana ng langit, kaso lang printer sila at hindi isang publisher. Malaki
ang pagkakaiba.

Sa bahagi ng libro kung saan nabigyan ng pagkakataon at kaunting


pag-asa ang pangunahing tauhan, alam n’ya ang maaari niyang
ikabagsak ang mga ito kung saka-sakaling walang magtitiwala sa kanya
maging sa mismong mga libro na naisulat. Para kay Bob Ong, ang
kalagayan ng book industry sa bansa ay nakalulungkot dahil limitado sa
mga standard genre ang nabibili sa mga tindahan ng libro.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 37 ng 126
Masasalamin sa kabanatang ito ang lagay ng industriya ng libro sa
bansa at ang mga pinagkaiba ng book publishing ng Pilipinas mula sa
ibang bansa. Maging s’ya mismo ay alam ang kalagayan ng mga akda at
manunulat sa Pilipinas, na mas tinatangkilik ang mga librong gawa sa
ibang bansa at manunulat na mga banyaga kaysa sa mga Pilipinong
nagsusulat ng mga makabuluhan at magagandang akda. Pansinin ang
bahagi ng nobela kung saan tinalakay ang takot sa isipan patungkol sa
posibleng maging katunggali sa larangan ng pagsulat:

Pero labas sa mga kwentong nabanggit, mas nakalulungkot ang book


industry sa bansa kesa nakakatawa. Napansin ko yon kahit noong di pa ‘ko
nagsusulat. Bilang mambabasa, nahalata ko na limitado sa mga standard
genre ang mabibili sa mga tindahan ng libro. Bukod sa mga coloring books,
recipe, compilation, at business & religious books natin, puro mga bestsellers
ng ibang bansa ang makikita mo

Ang tunggalian ng nobela ay tao laban sa sarili. Isa sa


pinakamahirap na makalaban ng tao ay ating pagkatao o ating sarili
mismo. Nasubukan mo nabang tanungin ang iyong sarili sa limitasyon
ng iyong kakayahan ? katulad ni Ong, nilabanan niya ang lahat ng
katanungan, pagdududa at pagtatanong sa kanyang sarili hinggil sa
sariling kakayahan. Maaaring may mga nabasang libro at kilalang
manunulat na magiging inspirasyon sa pagsulat may mga pagkakataon
sa buhay ng isang tao na mawalan ng gana dahil sa hirap at pagod ng
mga pinagdaanan sa buhay makamit lamang ang pangarap. Hindi
naging madali ang pakikipaglaban ng tauhan sa kanyan sarili, nagawa
pa nitong tanungin ang mga malalapit na kaibigan upang mas
magkaroon ng dahilan upang magpursige sa pagsusulat na ipagpatuloy
sa kabila ng mga agam-agam sa sariling kakayahan. Ayon sa kanyang
kaibigan, hindi ito natuwa ng mabasa ang ikalawang librong naisulat.
Napakarami nitong mga sinasabing mga problema sa buhay. Ngunit ang
totoong dahilan naman talaga nagsusulat para lamang sa ikaliligaya ng
mga tao. Sinagot din n’ya ang kaibigan na ang pangalang dahilan sa
pagsusualat ay hindi kailangan nang ayunan na buong-buo ang bawat
opinyong nababasa mo. Para sa kanya natuwa, nagalit, napangiti o
nainis, ang importante kung ano naging epekto nito sayo pagkatapos
mong basahin ang aking akda. Makikita sa bahagi ng kabata ang naging
tunggalian na tao laban sa sarili:
Naglabasan ang lahat ng takot at duda ko sa sariling kakayanan. Sa
puntong yon ko naisip na ayoko munang magsulat ng tungkol sa kabobohan ng
iba.
Para sa pinakamatinding pangyayari sa nobela ay noong s’ya ay
naaburido sa mundo, nagpakalbo sa kalagitnaan ng pagsusulat ng
unang libro. Hindi naging madali na tanggapin sa kanilang tahanan ang
pagbabagong naganap kay Bob Ong. Hindi sanay ang tao sa paligid n’ya
sa kalagitnaan ng pagsusulat ng ABNKKBSNPLAko? Iniwasan ng lahat ng

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 38 ng 126
tao sa loob ng bahay sa unang reaksyon at parang may nakalalasong
amoy. Makalipas ang ilang buwan ng pagsusulat ng libro, naitanong na
naman sa sarili kung may mga tao nga bang matitiyagang bumasa ng
mga akdang isinualat sa apat ng sulok ng silid.Buwan ng Nobyemre,
kung mailalabas na nga publisher sa tindahan ng mga aklat ang unang
librong naisulat matapos ang buwan ng Enero sa taong 2001.

Sa unt-unting pagbaba ng kwento, nakamit ni Bob Ong pinaka


aasam-asam na tagumpay ng mailahathala ang unang aklat sa mga
tindahan ng aklat. Minadali pa ang publisher na nagtiwala sa kanyang
kakayahan upang malabas ang libro sa lalong madaling panahon. Ang
nais n’ya ang umabot ang mga ito sa mga mag-aaral bago ang darating
bakasyon. Ang layunin ay pagbabaka-sakaling makapagpabago ng
isipan ng mga batang nagbabalak nang tumigil sa pag-aaral. Pagdating
ng buwan ng Pebrero, ipinatawag na syang muli sa mga pagpupulong at
mga kaganapan isinaayos ng management na humawak sa launching ng
libro. Lumipas pa ang ilang mga buwan, naiuwi ang lahat sa isang soft
launch sa UP Diliman ng pagdating ng marso. Bagamat hindi s’ya
nakarating sa sariling launching ng libro, naging matagumpay padin at
hindi binigo ang kanyang mga naging plano. Nasilayan na ilang beses
ang kanyang libro kakapasyal sa tindahan ng mga aklat. Pakiramdam
n’ya na para siyang tatay na pasilip-silip sa nursery room ng isang
hospiral.

Sa pagwawakas ng nobela, Ito ang pinakamagandang parte ng


libro dahil nakapaloob dito ang mga paraan kung paano maabot ang
mga pangarap. Punong- puno ng aral. Ayon kay Bob Ong, marami ang
nagsasabi na hindi mo makukuha ang gusto mo sa mundo kung hindi
mo talaga alam kung ano ito. Ang bawat tao sa mundo ay may
nakakintal na tanong partikular sa sariling kakayahan, katulad ng may
akda na makikita sa kabanata labing-isa na akala n’ya noon hindi nila
masasakyan ang mga kwento ko dahil naging maayos ang pag-aaral
nila. Kung nagnanais na maging isang manunulat, ang magiging payo
lamang sayo na ang trabahong ito ay hindi para sa mga tatamad-tamad.
Sa huli ang pangarap ay wala sa tinta ng ating ballpen. Tayo mismo ang
gagawa ng paraan upang makamit ang mga ito.
Ang may akda ay isang simpleng tao gaya ng mga pangkaraniwang
mag-aaral na may pangarap sa buhay. Hanggang sa mapagtanto na ang
totoo at nais tahakin ay ang mundo ng pagsulat. Deteminasyon at
pagiging totoo ang kanyang naging puhunan sa paghubog ng pangarap
bilang manunulat. Hindi man tuwirang inilarawan ang tauhan, siya ay
maaaring walang pakielam sa anoman ang kanyang maging itsura ng
siya ay nagpakalbo ng buhok habang tinatapos pagsusulat ng libro. Siya
ay naging guro, maari na ang pisikal na pangangatawan ay
maihahalintulad sa mga guro.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 39 ng 126
Ang pangunahing tauhan ng libro ay si Bob Ong. Kaya naman ang
may akda ang nagsasalaysay sa libro ay ang mismong manununalat
nito. May mga ibang tauhan sa akda ngunit hindi binigyan ng pangalan
ang mga ito gaya ng kanyang mga kaibigan, nag email mula sa
publisher, kamag-aral, maging ang kanyang mga magulang. Hindi na rin
nagbanggit pa ng ibang mga tauhan ang may akda bukod sa mga
nabanggit, mas nakatuon ang nobela sa kanya mismo bilang tauhan.
Itinuo ng manunulat ang karanasan at mga pinagdaanan sa buhay
upang mas makilala ng mga taong humahanga o hindi man sa kanya.

Isinalaysay ng manunulat ng libro ang mga sakripisyo sa pagtupad


ng pangarap dahil para sa may akda ito ay isang obligasyon sa sarili,
mangarap at abutin mo ang mga ito na walang pag-aalinlangan. Kung
sa tingin mo mayroong kakulangan sa ang iyong sarili, magulang,
maging ang iyong mundo, para sa kanya ito ay rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili.

Sa madaling salita, dapat pagbutihin ang ating mga abilidad


kaagapay ng determinasyon na ang tanging dahilan kung bakit
mayroong matagumpay na tao. Sa mga pagkakataon na tayo ay
nadarapa, pagtibayin at pag-ibayuhin ang ating mga sarili upang mas
maging matibay at laong humusay sa pakikipagsapalaran.

Matuto na bumangon sa mga pagkakamali at sa napakasalimuot na


karanasan. Ibigay ang buong atensyon sa dapat na gawin dahil sa huli
ang lahat naman ng ito ay para sa atin namang ikatatagumpay. Lahat
naman ng tao sa mundo o kahit pa ang pinakamayamang kilala mo ay
nagdaan sa pinakamahirap at pinakamatinding pagsubok sa buhay,
bago pa man makamit ang minimithing pangarap.

Maraming tagpuang binanggit sa nobela, pero ang pinaka sentro ng


tagpuan ay Visual Print Enterprises (VPE). Ang pagkakalarawan sa libro
ito ay isang hulog ng langit, ngunit sinabi ni Bob Ong na ito ay isang
printer lamang at hindi isang publisher, sa kabutihang palad naging
bukas ang VPE at tiniyak na handa silang maging publisher para sa mga
librong isusulat ng manunulat. Mayroon ding tagpuan sa eskwelahan,
dito unang isinalaysay na ang McDonald’s ballpen ang una niyang
ginamit sa paaralan.

Naging tagpuan din bookstore, nang ikwento ng manunulat ang


kanyang madalas na pagtambay habang nag-aaral ng pagsusulat para
matuto sa kapwa Pilipino. Binanggit din ang University of the Philippines
para isang soft launch matapos ang librong ABNKKBSNPLAko? Bagama’t
wala siya sa sariling launching ng sariling libro. Binanggit din ang

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 40 ng 126
tahanan at sariling nyang kwarto na naging kaagapay ng manunulat sa
kanyang mga akdang naisulat.

Para sa estilo ng manunulat, gumamit s’ya ng mga karanasan sa


buhay na sadyang makapagpapatawa sa mga mambabasa. Masining
ang naging paraan at estilo ng pagkakasulat sa mga bahagi ng ng bawat
kabanata. Nakatatawa ngunit may aral kang matututuhan sa bawat
kabanata ng nobela. Mayroong mga tanong pagkatapos mabasa ang ang
bawat kabanata nito na mas nagpasining para sa mga mambabasa. May
mga gawaing pagsasanay na kailangang gawin o sagutan upang mas
mag-isip ang mambabasa sa pinaka-malalim na pag-unawa at pag-iisip
ng tamang kasagutan. Kakaiba ang mga tanong na sadyang
makapagpapatawa sa mga mambabasa. Kung seryoso ka, marahil
mahirap sagutin ang katanungan pagkatapos basahin ang bawat
kabanata nito. Mas naging interesado rin ang pagkakasalaysay ng mga
pangyayari. Maraming ginamit ng pormal at impormal na mga salita. Sa
imporal gaya ng kolokyal at mga salitang balbal. Maging ang mga
salitang nabuo or taglish na ginamit sa kabuoan ng akda.

Gumamit si Bob Ong sa nobelang Stainless Longganisa ng mga


matatalinhagang pahayag na nakatulong sa pagiging masining sa
pagsasalaysay mismo ng kanyang libro. Halimbawa ay ang mga
sumusunod:

-Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang
bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
-Kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-
aari mo kundi mga tinta at papel.
-Angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na ipinagkatiwala sa’yo.
-Tulad ng magsasakang nagtatanim ng palay sa gitna ng giyera.
-Tinitingnan ko ang salita bilang mga damit.
-Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng
sustansya.
-Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo
Mapapansin sa libro na ang may-akda ay gumamit ng mga
ganitong uri ng pahayag na nakapagbibigay na makapag isip ang mga
taong babasa ng kanyang akda, sa pamamagitan ng kanyang pagsulat
may mga payo at aral na makikita sa mga pananalita upang
maipahayag ang nais iparating sa mga taong nangangarap na maging
manunulat.

Si Bob ong ay kilalang manunulat sa paggamit ng mga salitang


bulgar, salitang kalye, mura, taglish atbp. Ang bawat kabanata ng
nobela ay may ibat-ibang teksto na magbibigay sa kung paano tatakbo
ang kasunod na pangyayari at mga pinagdaanan sa buhay ng may akda.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 41 ng 126
Mapapansin sa ikalawang kabanata ng libro ang tekstong ginamit.
Books choose their authors; the act of creation is not entirely a rational
and conscious one. Sa ikalawang kabanata ay pumapatungkol sa
kahalagahan ng pagbabasa ng aklat. Ayon sa kanya, ang bibliya ang
pinakamasaysayang libro na dapat nating basahin bilang
pinakamaimpluswensyang kwento na naging inspirasyon ng mga
manunulat at ang mga panitikan.

Sa ikalawang kabanata ay pumapatungkol sa kahalagahan ng


pagbabasa ng aklat. Ayon sa kanya, ang bibliya ang
pinakamasaysayang libro na dapat nating basahin bilang
pinakamaimpluswensyang kwento na naging inspirasyon ng mga
manunulat at ang mga panitikan. Para kay Bob Ong ang kalagayan ng
book industry sa bansa ay nakalulungkot dahil limitado sa mga standard
genre ang nabibili sa mga tindahan ng libro. Sibani n’ya na dapat nating
pinahahalagahan ang mga obra na isinulat ng mga Pilipinong manunulat
sa ating bansa. Ang mga ito ay makikita sa kabuoan ng nobela, mas
masining mas masaya, naging makulay ang kanyang karanasan sa
buhay sa pamamagitan ng paraan ng pagkakasulat sa buhay sa mga
pinagdaanan sa pagkamit ng pangarap.

Ayon kay Bob Ong may mga librong magkakasundo ang sinasabi,
at mayroon din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para
sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan
sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis,
pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala. Lahat
mayroon. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil
ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.

Maka diyos – sa pag-abot ng pangarap maaaring ating sarili mismo ang


makapagsasabi o makagagawa ng paraan upang maabot natin ang mga
ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng ‘to pinahalagahan ng may akda ang
pagiging maka-diyos. Para sa kaniya ang talentong ibinigay sa atin ng
mga pinaniniwalaang relihiyon ay dapat na tinatasa na para lapis upang
mas lalong tumulis gaya ng lapis ang pangarap na nais tahakin. Sa
bahagi ng nobela na kanyang kinausap ang diyos kung ang ito ngayon
ay nagagalak sa itaas dahil s’ya ay hindi sumuko sa pagsusulat at
maging isang manunulat. Hindi man gaanong naipakita ang
pagpapapahalagang ito, sa sinabi pa lang sa bahagi na ito, tiyak na
hindi s’ya nawalan ng pag-asa sa buhay dahil hindi nakalimot sa poong
may-kapal

Makatao – ipinakita din ang ibat-ibang pangyayari sa mga taong


kanyang nakasalamuha personal man o sa mundo ng social media.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 42 ng 126
Paggalang sa mga taong pumuna ng kanyang aklat, pag-respeto sa
trabaho na tumanggap at nagtiwala sa kanyang kakayahan ay
nagpapakita ng magiging makatao bilang isang individwal sa lipunan
man o propesyon. May pagkakataon na minadali n’ya ang kanyang
publisher sa libro, ngunit ang pagpapasalamat sa kabutihan na ginawa
sa’yo ay isang senyales na marunong kang magpakatao.

Makabayan - ang pagmamahal sa sariling atin, pagtangkilik sa mga obra


o mga aklat na mga Pilipino mismo ang manunulat. Sa kabila ng mga
suliraning kinaharap n gating bansa, gaya ng pagpapatakbo ng mga
sugalan tulad na lamang ng jueteng, hindi binigo ni Bob Ong ang sarili
maging ang mundo ng nagnanais magsulat upang maipaabot na
magagaling at mahuhusay rin ang mga Pilipino pagdating sa larangan
ng pagsulat Para sa kanya ang pagbabasa ay isa sa mga dapat na gawin
kung nais mong maging isang manunulat.

Makakalikasan – sa ikalawang libro makikita ang pagpapahalagang


makakalikasan, ayon sa pagsasalaysay ng kanyang pagsulat, ipinakita
ang mga nakagawian gawin ng mga Pilipino na magtapon ng basura
kung saan-saan. Ang simpleng pagkakalat gaya ng pagtatapon ng balat
ng kendi sa kalsada ay isa sa pinakaiinisan nyang patuloy na ginagawa
ng kapwa Pilipino. Paghihiwalay ng nabubuok sa di-nabubulok. Madalas
reklamo tayo ng reklamo sa mga basura, ngunit tayo din ang totoong
dahilan kung bakit ganito kadami ang basura sa Pilipinas.

Ang teoryang ginamit sa pagsusuri ay bayograpikal at


humanismo. Una ipinamalas ng manunulat sa mga mambabasa ang
kanyang pinakamasaya at pinakamalungkot na karanasan sa buhay.
Hindi man gaanong malungkot ang pagkakalahad sa bahagi kung
saan iniwan n’ya ang kanyang unang trabaho para tahakin ang
pagsusulat. Marahil hindi man isinalaysay sa bahaging ito kung ano
ang mga pumasok sa kanyang isipan, lahat ng tao ay maaaring
makaranas ng sobrang kalungkutan sa buhay sa pag-iwan sa iyong
hanap-buhay, trabaho, o propesyon alang-alang sa iyong pangarap na
maging isang manunulat. Ang pagsusulat ng libro ay hindi para sa
tamad, para sa kanya kaaway niya ang ingay at ang pinakamatinding
kalaban ay ang kalungkutan.

Ikalawa ang mga pinagdaan ni Bob Ong sa kamay ng kanyang


publisher, hindi man naging madali ang naging takbo ng kanyang
buhay bilang isang manunulat pinagpatuloy at hindi nawalan ng pag-
asa sa buhay. Mahirap man makahanap ng mga taong magtitiwala sa
iyong mga naisulat hindi naging basehan para isuko ang talentong
ipinagkaloob sa manunulat.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 43 ng 126
Ang isa pang teorya na maaaring ituon sa Stainless Longganisa
ay humanismo. Ang teoryang ito ay nagbibigay ng kahalagahan sa
buhay ng isang tao. Ang sentro ng akda ay ang sumulat mismo ng
nobela. Pinakita sa nobelang ito na ang tao ay ang pinahahalagahan.
Si Bob Ong mismo ang gumawa ng paraan upang umunlad at
magtagumpay sa buhay para sa pangarap. Makikita rin na siya ay
maaaring makagawa ng ikababagsak ng kanyang buhay kung hindi
ipinagpagtuloy ang pagsusulat ng kanyang mga akda. Gaya ng tektso,
ang pangarap ng isang tao ay nakasalalay sa iyong mga kamay, wala
ito sa ballpen na gagamitin ng isang tao, hindi rin mahalaga kung
mamahalin o mumurahin ang tatak ng iyong ballpen, ang mahalaga
kung may pangarap ka sa iyong buhay tuparin mo ito ng walang pag-
aalinlangan maging matatag at huwag makalimot sa mga taong
naniwala sa iyo sa mga pagkakataong akala mo ay wala kanang
masandalan. Mahalin ang iyong pamilya, higit sa lahat ang kwento ng
totoong tagumpay ay wala sa mga taong nakapaligid sa iyo, huwag na
huwag mong kakalimutan ang pinakamahalagang sandata, ang
panginoon nagbigay sa iyong ng talento at kung anong mayroon ka
ngayon. Isama palagi ang iyong panginoon sa mga susunod mo pang
paglalakbay dahil siya ang nagturo ng tamang daan tungo sa iyong
tagumpay.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 44 ng 126
(UNANG ARAW)

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
kontemporaryong pampanitikan.

II. Pamantayan sa Pagganap


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)

III. Kasanayan sa Pagkatuto


Nakagagamit ng ibat-ibang estratehita sa pagbasa ng mga mag-aaral
sa pag-unawa ng akdang Stainless Longganisa.

IV. Panitikan: Nobela


Gramatika:
Sanggunian: CG sa Filipino, e-learning, aklat, pisara, TV

V. PAMAMARAAN
A. BALIK ARAL O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN

B. PAGGANYAK
Panuto: Basahin at unawain ang teksto makikita sa telebisyon,
ipaliwanag kung ano nais iparating o ipahiwatig nito pagkatapos mong
mabasa. Ihayag ang sagot sa harapan ng iyong mga kamag-aral.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 45 ng 126
Gabay na tanong:
1.Ano ang kahulugan at nais iparating ng tekstong nabasa ?
2. Bakit sinasabi na dapat patuloy na magsikap at bumangon sa
pagkakamali?
3. Mayroon ka bang pangarap ? maaari mo bang ihayag sa iyong mga
kamag-arala kung ano ito at kung bakit ito ang nais mong tahakin
baling araw?

C. PAGHAHABI NG LAYUNIN SA ARALIN


1. Pagpapabasa sa mga mag-aaral kung sino ang awtor ng akda.
(Masining na pagkukuwento). Nakapili na ang guro sa harapan
upang basahin ang talambuhay ng may akda sa masining na
paraan.

2. Pagpapakita ng mga larawan ng ibat-ibang ballpen. Itatanong ng


guro sa mga mag-aaral kung ano-ano ang madalas nilang gamitin
sa mga ito.

D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO

PAGBASA: Basahin at unawain ang nobelang Stainless Longganisa Ni


Bob Ong. Ang mga gawain sa pagbabasa ay ibibigay ng guro bago pa
man ipabasa sa mga mag-aaral. Nakapaghanda na ang bawat pangkat
at nahati na ang mga buod ng bawat kabanata sa bawat pangkat.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 46 ng 126
ESTRATEHIYA SA PAGBASA: Ang guro mismo ang magbibigay ng mga
estratehiya sa bawa pangkat at pamantayan nito. Ang mga kabanata ay
nahati narin sa bawat pangkat na kanilang babasahin.

ORAS: Mayroon lamang limang minuto na ibibigay ang guro para sa


bawat pangkat upang aralin,basahin at ihanda ang mga sarili sa
presentasyon ng pagbasa ng akda.

Pamantayan

Pangkat 1 – Masining Pagbasa


Pangkat 2 – Malikhaing pagbasa
Pangkat 3 – Reader’s
1. Naisagawa theatrena gawain sa pagbabasa
ang ibinigay = 20
Pangkat 4 – Sabayang pagbigkas
2. Malikhain = 15
Pangkat 5 – sa
3. Sikat Interpretatibong
madla pagbasa = 10
4. Kaayusan at kalinisan ng gawain =5
E. Paglinang sa Kabisaan
5. KABUOAN =50
Tanong: Paano nakatulong ang mga gawainng ibinigay sa mga mag-
aaral upang mas maunawaan ang pagbabasa ng isang akda ?

F. Paglalapat
Tanong: Ang pagbibigay ng kaisipan ng aralin sa nabuong paglalahad ng
mag-aaral sa gawain Ipasasagot ang tanong:

1. May kahalagahan ba ang nobela sa inyong buhay? Pangatwiranan

G. Paglalahat
Tanong: Ano-ano ang mga aral na inyong natutunan sa bawat
kabanatang ibinigay sa inyo ? maging sa kabuoan ng nobela
magbigay ng isang natutunang aral sa buhay at ipaliwanag. Gamitin
ang ilaw pantrapiko sa pagsagot.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 47 ng 126
Berde – Ipagpatuloy
Pula – Ihinto
Dilaw – Ihanda

H. Pagtataya
Panuto: Isulat ang buod ng nobela sa pamamagitan ng paggamit ng
mga grapikong pantulong. Ang mga gawain ay ang guro mismo ang
magbibigay sa bawat pangkat ng grapikong pantulong upang
mapadali ang pagbubuod sa nobelang Stainless Longganisa.

Takdang-Aralin
Magsaliksik sa mga sumusunod:
Paksa, Paglalarawang tauhan, estilo at paraan ng paglalahad, uri ng
bokabularyo, pananalitan ginamit at iba.

(IKALAWANG ARAW)

I.Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
kontemporaryong pampanitikan.

II. Pamantayan sa Pagganap


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)

III. Kasanayan sa Pagkatuto


Nasusuri ang ang akdang binasa batay sa paksa, tauhan, estilo, paraan
ng pagkakalahad atbp.

IV. Panitikan: Nobela


Gramatika:
Sanggunian: CG sa Filipino, e-learning, aklat, pisara, TV

V. PAMAMARAAN
A. BALIK ARAL O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 48 ng 126
Panuto: Sa pamamagitan ng “Pinoy Henyo” tutukuyin ang mga elemento
ng nobela batay sa kahulugan na ibibigay ng kaniyang mga kamag-
aral.

PAKSA LAYON PARAAN ESTILO

B. PAGGANYAK

Panuto: Basahin ang unawain ang bahagi ng awiting Tala ni Sarah


Geronimo. Suriin ang bahaging ito batay sa mga makikitang grapikong
pantulong sa ibaba.

Tila ako'y nakalutang na sa langit


Ngunit nalulunod sa'yong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo

Paksa Estilo Paraang ng Bokabularyo Estilo Paraan ng


ng Paglalahad pagkakausulat
Diwa

C. PAGHAHABI NG LAYUNIN SA ARALIN


Mula sa takdang-Aralin tatalakayin ng guro ang mga nasaliksik ng mga
mag-aaral patungkol sa pagsusuri ng isang akda o nobela. Mula dito
kung mayroon pang hindi maunawaan ang mga mag-aaral ang guro
ang magpapaliwanag sa pagsusuri upang tumungo na sa pangkatang
gawain at paghihimay-himay ng mga gawaing pagsusuri.

D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO


PAGBASA: Gamit ang telebisyon, ipapabasa muli ng guro sa loob lamang
ng limang minuto ang maikling buod ng nobela. Upang Makita pa lalo ng
guro kung naunawaan ng mga mag-aaral ang akda at sa pagsusuri ng
nobela. Pagkatapos ng pangkatang pagbasa, ibibigay ng guro ang
gawain sa bawat pangkat.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 49 ng 126
ESTRATEHIYA SA PAGBASA: Tatawag ang guro ng mga piling mag-aaral
upang basahin ang maikling buod ng nboelang Stainless Lonnganisa, sa
pagkakataon na ito pipiliin ng guro ang mga mag-aaral na mabagal
magbasa upang tignan kung mayroon na bang pagbabago sa mga mag-
aaral na ito

ORAS: Mayroon lamang limang minuto na ibibigay ang guro para sa


bawat pangkat sa pagsusuri ng nobela.

Pamantayan

1. Nasuri batay sa elemento ng nobela = 20


2. Malikhain = 15
3. Sikat sa madla = 10
4. Kaayusan at kalinisan ng gawain =5
Pangkat 1 – Gamit ang thinking map – Ano ang paksa o tema ng
5. KABUOAN =50
nobelang Stainless Longganisa ? Magbigay ng mga patunay at
ipaliwanag kung bakit ito ang inyong naging kasagutan batay sa paksa
o tema nito.

Pangkat 2 – Sa pamamagitan ng Human graphic organizer, ilarawan si


Bob Ong gamit ang mga importanteng bahagi ng katawan ng tao.
Ipaliwanag din kung bakit ito ang naing paglalarawan sa pangunahing
tauhan ng akda.

Pangkat 3 – Para sa estilo at paraan ng paglalahad, gumamit ng flower


graphic oragnizer. Isulat ang estilo at paraan sa gitna ng bahagi ng
bulaklak. At ang mga petals naman nito ay ang paliwanag kung bakit
naging ito ang estilo at paraan ng paglalahad ng manunulat.

Pangkat 4 – Uri ng bokabularyo at pananalitang ginamit, claim, reason,


evidence na grapikong pantulong ang gamitin.

E. Paglinang sa Kabisaan
Tanong: Sa kabuoan ng pagsusuri na ginawa ng bawat pangkat,
anong uri ng genre ng panitikan ang inyong nabasa batay sa
pagsusuri ng bawat pangkat ?

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 50 ng 126
F. Paglalapat
1. Tanong: Ang pagbibigay ng kaisipan ng aralin sa nabuong paglalahad ng
mag-aaral sa gawain Ipasasagot ang tanong:
2. May kahalagahan ba ang kaalaman sa pagsusuri ng akda gamit ang mga
elemento sa pagsusuri sa inyong buhay ?
G. Paglalahat
Tanong: Ano ang aral na inyong natutuhan sa nobela pagkatapos
masuri ito?

H. Pagtataya
Panuto: Basahin ang maikling-kwento na pinamagatang Impeng
Negro ni Rogelio Sikat. Gamitin ang pormat ng pagsusuri na ginamit
mula kanina.

Takdang-Aralin

May napanood ka bang pelikula, nabasang panitikan, isulat ang buod


nito sa isang buong papel at suriin sa maikling paraan gamit ang
pagsusuri na ginamit sa pagsusuri mula sa pangkatang gawain. Ipasa
ang takdang aralin sa araw ng miyerkules.

(IKATLONG ARAW)

I.Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
kontemporaryong pampanitikan.

II. Pamantayan sa Pagganap


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)

III. Kasanayan sa Pagkatuto


Natatalakay ang bisang pangkaisispan, pandamdamin at bisang
pangkaisipan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 51 ng 126
IV. Panitikan: Nobela

Gramatika:
Sanggunian: CG sa Filipino, e-learning, aklat, pisara, TV

V. PAMAMARAAN
A. BALIK ARAL O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN

B. PAGGANYAK
Panuto: Panuorin ang isang maikling palabas sa KMJS patungkol sa mga
batang may pangarap sa buhay sa kabila ng kahirapan na kanilang
dinaranas. Pagkatapos ay magbibigay ang guro ng mga larawan ng
Utak, Puso at aklat sa bawat pangkat upang sagutin ang mga bias nito
pagkatapos mapanood ang palabas.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 52 ng 126
C. PAGHAHABI NG LAYUNIN SA ARALIN

Pagpapakita ng mga senaryo sa akdang binasa. Mula dito


itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang naging bisang
pangkaisipan,pandamdamin at pangkaasalan sa mga bahagi ng akdang
Stainless Longganisa.

D. PAGTALAKAY NG
BAGONG KONSEPTO

PAGBASA: Gamit ang


internet at telebisyon, ipapakita ng guro sa mga
mag-aaral ang isang blog patungkol sa kanyang naging pagsusuri ng
akda ni Bob Ong. Sa pamamagitan nito, makatutulong sa mga mag-
aaral na muling mabalikan ang pagsusuri upang mas maunawaan ang
gawaing ibibigay sa bawat pangkat.

ORAS: Mayroon lamang limang minuto na ibibigay ang guro para sa


bawat pangkat sa pagsusuri ng nobela.

PANGKATANG GAWAIN: Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat


pangkat ay may kani-kaniyang gawaing batay sa multiple intelligence
ng mga mag-aaral. Ang mga gawain sa bawat pangkat ay makikita sa
loob ng sobre na ibinigay.

PANGKAT ASUL - Magpakita ng isang Tabluea patungkol sa Tema at


kaisipang nakapaloob sa akda patungkol sa pag-abot ng mga pangarap
at pagkakaroon ng determinasyon sa buhay.

PANGKAT BERDE – Bumuo ng maikling “Spoken Poetry” Tungkol sa


Kaisipan ng akda patungkol sa mga nagnanais na maging manunulat sa
bansa. Ang pagiging manunulat ay hindi para sa tatamad-tamad.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 53 ng 126
PANGKAT KAHEL - Sumulat ng maikling tula at lapatan ng awitin –
na kung bakit sinasabi ng may akda ang mga paraan at tamang
pagsusulat. Mahabang proseso, pagtitiis at pagkakaroon ng sakrpisyo sa
buhay.

PANGKAT LILA – Gumuhit ng simbolo bukod sa ballpen, na


nagpapakita ng kalakasan at kahinaan ng manunulat sa pagtahak ng
kanyang pangarap sa buhay. Ipaliwanag sa pamamagitan ng masining
na pagpapahayag.

PANGKAT LIMBAON – Sa suliraning kinaharap hindi lamang ang may


akda maging ang mga nais magsulat o maging manunulat sa bansa,
ano-ano ang mga plataporma na inyong magagawa upang maisulong
ang pagtangkilik at pagkilala sa mga Pilipinong manunulat sa bansa.

E. Paglinang sa Kabisaan

Tanong: batay sa bisang pangkaisipan, pandamdamin at pangkaasalan


ano ang iyong natutuhan sa kabuoang lingo n gating pagtalakay sa
nobelang ito? na magagamit mo bilang kabataan partikular sa pagtahak
ng pangarap.

F. Paglalapat

Tanong: Ang pagbibigay ng kaisipan ng aralin sa nabuong paglalahad


ng mag-aaral sa gawain Ipasasagot ang tanong: Ano ngayon ang iyong
naging basehan na sa panahon natin ngayon hindi lang dapat puro
pangarap ? bakit kasama ang pagtitiwala sa sariling kakayahan at
determinasyon sa buhay ? ipaliwanag

G. Paglalahat
Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang sagutin ang makikitang
graphic organizer sa ibaba.

H. Pagtataya

Panuto: Basahin ang maikling-kwento na pinamagatang Impeng Negro


ni Rogelio Sikat. Gamitin ang pormat ng pagsusuri na ginamit mula
kanina.

Takdang-Aralin

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 54 ng 126
Magsaliksik kung ano ang kahulugan ng teoryang bayograpikal at
humanismo. Magbigay ng ilang mga akdang pampanitikan na ginamit sa
pasusuri ng dalawang teoryang ito.

Ano-ano ang mga salik upang masabi na ang panitikang sinuri ay


bayograpika at humanismo.

Isulat ang sagot sa isang buong papel, ipasa sa araw ng Miyerkules.

(IKAAPAT NA ARAW)

I.Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
kontemporaryong pampanitikan.

II. Pamantayan sa Pagganap


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)

III. Kasanayan sa Pagkatuto


Nagagamit ang teoryang bayograpikal at humanismo sa pagtalakay ng
teoryang pampanitikan.

IV. Panitikan: Nobela


Gramatika:
Sanggunian: CG sa Filipino, e-learning, aklat, pisara, TV

V. PAMAMARAAN
A. BALIK ARAL O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN
Tanong: Ano ang teoryang pampanitikan ?

B. PAGGANYAK
Panuto: Ang gawaing ito ay tatawaging “KAPARE WHO” pumili ng
kamag-aral na iyong makakapareha sa gawaing pang-upuan batay sa
inyong mga nasaliksik ilagay sa grapikong pantulong ang mga
impormasyon nakuha sa internet o aklat sa teoryang bayograpikal at
humanismo. Sundin ang grapikong pantulong na makikita sa ibaba.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 55 ng 126
TEORYA

C. PAGHAHABI NG LAYUNIN SA ARALIN


Panuto: Basahina at unawain ang dalawang kahulugan ng teoryang
makikita sa telebisyon. Sagutin ang katanungan kung ano ang
akmang teorya na sa tingin mo ang dapat gamitin sa pagsusuri ng
nobelang Stainless Longganisa.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 56 ng 126
D. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO
Debate: Magkakaroon ng isang debate ang bawat pangkat. Pipili ng
isang miyembro na syang magiging representante ng kanilang pangkat.
Ang tema ng debate ay kung ano ang teoryang angkop sa pagsusuri ng
nobela ni Bob Ong kung bayograpikal o humanismo. Ang mga miyembro
pa ng pangakt ay siyang tutulong at magsasaliksik gamit ang isang
cellphone upang matulungan ang miyembrong napili na
makikipagdebate sa ibang pangkat.

Oras: Pagkatapos magbunutan ng bawat pangkat, mayroon lamang


labing limang minuto ang bawat isa sa pagsasaliksik at pagbibigay ng
impormasyon. Pagkatapos paiikutin na ang roleta sa telebisyon kung
sino ang makakalaban ng bawat pangkat. Mayroong 2 minuto ang bawat
isa na maghayag ng kanilang kasagutan, opinyon at mga patunay.

E. Paglinang sa Kabisaan

Tanong: Pagkatapos ng debateng naganap, magtatawag naman ang


guro sa mga nakaupong mag-aaral patungkol sa pagtatalong naganap
sa gawain mula kanina. Itatanong din ng guro sa mga mag-aaral kung
puwede bang ang dalawang teoryang ito ang maaaring gamitin sa
pagsusuri ng nobela ? kung oo patunayan kung hindi naman,
patunayan.

F. Paglalapat

Tanong: Ang pagbibigay ng kaisipan ng aralin sa nabuong paglalahad


ng mag-aaral sa gawain Ipasasagot ang tanong: Bakit mahalaga na
matutunan mo ang ibat-ibang teorya sa pagsusuri ng akdang
pampanitikan. Ano-ano ang maitutulong ng kaalamang ito sa mga
susunod mong babasahing akda o pagsusuri sa mga susunod na taon ?
patunayan

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 57 ng 126
G. Paglalahat
Tanong: Ano ang kahalagahan ng teorya sa pagsusuri ng akdang
pampanitikan ?

H. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang, tukuyin


kung ang mga pahayag ay pumapatungkol sa teoryang Bayograpikal at
Humanismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Takdang-Aralin

Magsaliksik ng iba pang teoryang pampanitikan.

Ihandag ang sarili sa mahabang pagsusulit.

Inihanda ni: G. Mark Arvin B. Duran

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 58 ng 126
Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Obrang Maestrang
Babaeng Misteryosa ni Benjamin Pascual
Bb. Gertrudes J. Gaspar

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 59 ng 126
A.Buod
Ang nobelang ito ay tumatalakay sa kwento ng isang lalaki at ang kanyang pagkahilig sa mga
kakaibang mga pangayayari.
Si Fransisico o Cisco ay isang empleyado sa opisina ng Wishnoff & Co. Simple lamang ang uri
ng pamumuhay ng Ciso. Papasok sa opisina, gigimik at pag walang pasok ay sa bahay lamng siya
tumatambay. Siya ay nakatira sa Tundo. Bagamat magulo sa kanilang lugar ay masaya siyang
naninirahan dito dahil sa ang mga tao dito ay marunong tumulong at may malasakit sa kanilang
mga kapwa. Sa opisina naman ay may isang babae na palagian nakakasama si Cisco, siya si
Christy na nagtratrabaho din sa nasabing kompanya. Palagain niya itong nakakasabay sa kanyang
pag-uwi, pagkain ng pananghalian at meryenda. Sa una ay okey lang sa kanya ang pagsasabay
nila ngunit napapansin ni Cisco na parati na siya ang sumasagot sa kanilang pamasahe at minsan
pa nga ay pati sa meyenda kaya naman nakakramdam na siya ng inis pero hinyaan na lamang
niya para wala nang gulo. Hindi naman kagandahan si Christy pero gumaganda ito dahil sa
kahihiligan sa paglalagay ng mga make-up, sa opisain alam na magbata siya ngungit kung si
Cisco ang tatanungin hindi nya rin alam dahil wala namang ligawang naganap sa pagitan nila
kumbaga masaya sila sa ginagawa nila. Pagdating ng hapon ay sabay na naman nilang binagtas
ang daan paauwi sa kani-kanilang tahanan hanggang sa sila ay maghiwalay.
Sa pagtahak ni Cisco sa kalye patungo sa bahay nila ay natanawan niya ang babaeng si
Magda. Si Magda ay tatlong beses ng ng nabalo. Ang unang napangasawa niya ay namatay sa
gulang labingwalong taon, taga-Hagunoy, Bulacan ito at kasamang nagtapos ni Magda ng hyskul.
Ang kasalan nila ay naganap sa Maynia at ang handaaan ay ginawa sa bahay nila Magda,
sapagkat laking parobinsya ay ang asawa nito ay tumulong sa pagsisisbak ng kahoy sa bisperas
ng kanilang kasal ngunit sa kasamaang palad ay napulmonya na siya nitong ikinamatay. Ang
ikalawang asawa naman ni Magda pagkaraan ng dalawang taon ay taga Caloocan. Nagpakasal di
sila at lumipat sa bahay nila sa Maynila. Makaraan ang dalawang ang wala pang isang buwan ay

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 60 ng 126
bumalik ulit sa Tondo si Magda sapagkat namatay ang kanyang asawa sa isang aksidente.
Pagkalipas ng isang taon ay nag-asawa muli si Magda, sa pagkakataon ito ay may kagulangan na
ang napangasawa ni Magda at kung tawagin ito sa kanilang pook ay Mr. Simeon. Si Mr. Simeon
ay may kagulungan na nga mag-aapatnapung taon na ang lalaki. Negosyante ito at maayos ang
pagdadala sa sarili sa kadahilanang ito ay nakakariwasa. May palaisdaan, kotse at malaki ngunit
lumang bahay ngunit sa kasamaang palada ay naaksidente ito wala pang dalawang buwan na
kasal ang dalawa.
Simula ng makita ni Cisco na laging naktingin si Magda sa kanya ay nagkaroon siya ng interes
na dumaan sa lugar ni Magada kahit pa nga ito ay kinatatakutan sa kanilang lugar at sinasabi pa
ngang mangkukulam. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang ina. Sa opisina ay ganun parin ang trato
nila sa isat-isa ni Christy bagamat may mga pagkakataon na iniiwasan niya ito dahil ang isip niya
ay laging nasa babaing nakatira sa bahay na kwago. Isang araw ay nakapagdesisyon na si Cisco
na pumanhik ng ligaw kay Magda hindi dahil sa mahal niya ito bagkus sa kadahilinang gusto
niyang patunayan na hindi totoo ang hula dito na mamatay ang mga mapapangasawa nito at
upang hangaan siya sa kanilang lugar dahil sa kangyang katapangan.
Bagaman ang magulang ni Cisco ay galit sa kanyang ginagawng panliligaw hinidi pa rin siya
tumigil hangggang sa mapasagot niya si Magda. Isang araw ay sinadya ni Cisco na mahuli sila ni
Magda ng ina nito na si Aling Ulpiana na may ginagawa silang kalokohan upang sila ay piloting
magpakasal. Nagtagumpay nga si Cisco sa kanyang balak na magpakasal sila ni Magda. Ito ay
labis na kinagalit ng kanyang ina. Kahit napapabalitang maraming nagpapakita sa bahay na
kwago ay dito na rin tumira sa Cisco.
Nang malaman ito ni Christy ay nagalit ito ngunit paglipas ng ilang linggo ay naintindihan din
nito ang kanyang ginawa. Simula ng ikinasal sila ni Magda ay palagian ng nang nagtitirik ng
kandila ang ina ni Cisco at ang lahat ng tao sa kanila ay pinagpustahan siya. Ang pangyayaring ito
ay ikanagagalit ni Magda ngunit wala naman siyang magawa. Sa araw-araw ay palagiang
kinkabahan si Cisco kaya naman binilugan niya ang tintayang huling araw niya sa muno. Palagi di
siyang panipayuhan ni Magda na mag-ingat ngunit nainiwala si Cisco na kung mamatay siya ay
walng pipiliing lugar na kapag oras mo na ay oras mo na. Ang araw-araw na pagpasok ni Cisco sa
opisina ay isang pagsubok sa kanya. Nakakaramdam siya ng kaligayahan sa tuwing nakakarating
siya ng maayos sa opisina at sa kanilang tahanan. Si Christy ay palagian din kung kamustahin
siya wala nagbago sa kanilang samahan. Minsan ay nagsasabay pa di silang umuuwi at ginagawa
ang mga bagay na dati nilang ginagawa.
Isang araw ay nalaman niyang muling bumalik ang dating kasintahan ni Christy. Ito ay
may asawa na. Nainis si Cisco sapagkat nalaman niyang nagkikita pa ang dalawa at natuklasan
niya ginagawa ng dalawa ang mga bagay na dati nilng ginagawa. Inaway niya ang kasintahan ni
Christy na si Ramiro kaya naman nasaktan siya nito ng sobra dahil sa higit na malaking tao ito.
Akala ni Cisco ay tuluyan na siyang mamatay ngunit hindi pala. Simula noon ay iniwan na niya si

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 61 ng 126
Christy , hindi niya napansin na tapos na pa la ang taning sa kanya at siya ay buhay pa rin .
Labis- labis ang kasiyahan ng kanyang pamilya lalo na si Magda. Dito niya napatunayan na dapat
siyang magpasalamat sapagkat mahal na mahal siya ng ng kanyang asawa. Iang tagumpay ang
natamo ni Cisco at hinsgaan pa siya ng kanyang mga kapit-bahay at ang hula ng matanda ay
hindi pala totoo.

B. Elementong Pampanitikan Batay sa Dulog Formalistiko


Ang pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulog na nag-aanalisa,
nagbibigay interpretasyon o naglalapat sa mga napapaloob sa isang akda.
Sa pananaw na ito ay hindi lamang balangkas ang binibigyang pananaw
kundi ang pagsusuri gamit ang iba’t ibang elementong pampantikan na
magsisilbing gabay upang maabot ang mga tunguhing masuri ang nilalaman,
kaayusan o kayarian o paraan ng pagkasulat ng akda.
Magiging mahusay at epektibo ang akdang pampanitikan o obrang
babasahin kung mauunawaan natin ang kasulok-sulukang detalye, lantad man o
hindi lantarang pagpapahayag.

1. Uri ng Genre- Nobela Kuwento ng Tauhan


Ito ang bahagi ng kwento o istorya na nagtatampok sa isang tauhan. Ano
ang kaniyang pag-uugali, kinalakhan, paggawi, at kahit ang nakaraan. Layunin
nito na higit maintindihan ng mga magtatangkilik ang dahilan ng katauhan ng isa
at dahil dito ay mas minamahal nila hindi lang ang mga tauhan kundi lalo na ang
kwento.
Hanggang nagyon ay tinatanong niya sa kanyang sarili kung maganda
nga si Christy. Pwede na rin ang mukha, matatangap nang “ mukha” nga, ngunit
matagal na niyang napagwari-wari na gumaganda lamang ito sa tingin dahil sa
magandang tindig nito at magandang katawan. Ang mukha ni Christy, kung
bagama’t puwede na nga , ay hindi naman masasabing pwedeng-pwede. Wala
roon ang gandang hinahanap niya sa isang babae. Unang-una nagbubunot ng
kilay si Christy –at away niya sa babaeng dinodoktor ang kilay. Ang gusto niya sa
babae ay natural ang kilay, kahit hindi maganda ang porma. May kalakihan din
ang mga mata ni Christy, madilat at hindi yung mga matang kung titingnan ay
mapungay: ang mga mata ni Christy ay medyo usli. Ang maganda sa mukha ni
Christy ay tinging nagbabadya ng angking talino. May hinahon ang mukhang iyon
—parang nagbabadaya ng anking malawak na eksperinsya. Maganda rinaang
mga pisnging walang bakas ng taghiyawat, ang buo at mpuputing ngipin , at ang
may kanipisang labi. Ilang beses na niyang nahalikan ang mga labing iyon . Alam
niya kung gaano iyon klamabot kung inilalaban sa kanyng bibig .

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 62 ng 126
Mapapansin na ang bahagi ito ay pumapaksa lamang sa paglalarawan ng
tauhan. Umiiikot lamang sa pagsasabi ng tauhan sa mga nais niya sa isang
babae. Higit na pinalulutang ang katangian, gawi at kilos ng tauhan. Masasabing
ito ay kuwento ng tauhan dahil sa ang takbo ng kuwento ay pumapaksa lamang
sa mga tauhan at sila lamang ang nagpapakita ng kilos upang mabuo ang
kuwento.
Ang pangunahing tauhan o protagonista sa nobelang Babaeng Misteryosa
ay si Francisco. Siya ay enlightened adventurer sa kadahilinang kakikitaan siya
ng mga katangain ng pagiging mapangahas at mahilig sumubok sa ibat-ibang
bagay na kanyang ninanais. Ang kanya naman Psyhological Profile ay ang
extroversion sapagkat si Francisco ay mahilig sa mga kakaibang bagay, mahilig
makihalubilo halimabawa ay sa kanyang mga kaopisina. Kakikitaaan din siya ng
pagiging pranka, ang bawat kanyang mga salitang kanyang naiisip ay kanyang
tuwirang sinasabi. Si Francisco ay isang bilog na karakater sapagkat sa huling
bahagi ng nobela ay nagbago siya ng ugali dahil sa minahal di niya ang kanyang
asawa. Ang nobelang ito ay mauturing na walang antagonista sapagkat ang
panunahing tauhan na si Francisco, kung susuriin ay kanyang kinalaban ang
kanyang sarili batay na rin sa mga pangyayari sa nobela. Siya ang gumawa ng
gusot sa kanyang buhay at sa huli siya din ang umaayos nito.

2. Paksang-Diwa o Tema
Ang tema ng nobelang Babaeng Misteryosa ay kababalaghang itinatago
ng misteryosang babae. Ang Bahay na Kwago bilang simbolo ng mga
kakaibang hilig ni Fransisco. Ito ay ang pagtuklas at pagsubok sa mga kakaibang
bagay. Isa na nga rito ay ang pagpapakasal kay Magda sa kabila ng mga balitang
namamatay ang mga taong nagiging asawa nito. Inihalintulad si Fransisco sa
bahay na kawago sapagkat katulad ni Francisco ang bahay na kwago ay may mga
itinago ding mga kababalagahan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 63 ng 126
Naalala niya ang babae sa malaki at lumang bahay. Kung bakit
ang larawang naiwan sa kanyang balintataw nang pululin niya ito ng tingin mula
sa malayo ay waring nkapanikit sa kanyang isip: Itim na itim na buhok na sa
dunidilim na dapit-hapon ay nakapagbibigay dito ng mala-multong anyo, at mga
mata na—sa kanyang pakiwari ay naging matiim ang pagtutok sa kanya. O
baka naman kaya lamang ganon ay alam niya ang bahay ay pinangingilagan.
Baka iniligaw lamang siya ng kanyang imahinasyon. At maaring hindi nga siya
sinalubong ng tingin nito kanina. Maaring kanina pa ito roon at napatingin
lamang sa kanya. Ngunit ilang hapon nang nakikita niyang nkatayo ito sa
bintana ng lumang bahay kung nagdaraan siya. Maari kayang hinihintay ang
pagdaraan niya? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pangyayaring iyon nang
isang araw ng Linggo ay makasalubong niya si Magda sa Herbosa sa may tapat
ng palengkeng Pritil. Sa kanilang pagsasalubong, maisumpa niya na umanyo
ang babae na babatiin siya ng salita o ngiti o pagtataas ng kilay , na hindi
lamanh ituloy nang maunahn ng hiya o sa pangingilag ngunit sinundan siya ng
tingin sa sulok ng mga mata.

Ang paksang tema ito ang nagpapatunay na may kinalaman ang


kababalaghan ng misteryosang babae sa kabuuan ng kwento dahil ito ay punong-
puno ng lihim mula sa katangian nito maging sa wangis ng kanyang pigura.

3. Banghay
Ang banghay ng kuwento ay ang istruktura o ang malinaw na pagkasunod
ng mga magkakaugnay na pangyayari sa kuwento. Ito ang nagsisilbing gabay ng
mga mambabasa upang masundan ang mga kapana-panabik na bahagi.
3.1 Simula

Nagsimula ang nobela sa paggamit ng talinghagang may halong libog


upang maipadama ang kalooban at isipan ng pangunahing tauhan na si Francisco.
Para kay Francisco, ang lahat ay dapat tuklasin sa isang babae. Sa pagbabasa ng
librong ito, malalaman mo kung ano ang point of view ng lalaki sa mga babaeng
iniibig niya. May mga bahagi lamang ng kwentong hindi angkop sa mga menorde
edad, ngunit sa kabuuan ng istorya ay maganda at mahusay na nailahad. Sa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 64 ng 126
mga mambabasa ay may madadamang kapanapanabik sa bawat pag-buklat sa
mga pahina.

Hanggang nagyon ay tinatanong niya sa kanyang sarili kung


maganda nga si Christy . Pwede na rin ang mukha, matatangap nang “ mukha”
nga, ngunit matagal na niyang napagwari-wari na gumaganda lamang ito sa
tingin dahil sa magandang tindig nito at magandang katawan. Ang mukha ni
Christy, kung bagama’t puwede na nga , ay hindi naman masasabing pwedeng-
pwede. Wala roon ang gandang hinahanap niya sa isang babae. Unangg-una
nagbubunot ng kilay si Christy –at away niya sa babaeng dinodoktor ang kilay.
Ang gusto niya sa babae ay natural ang kilay, kahit hindi maganda ang porma.
May kalakihan din ang mga mata ni Christy, madilat at hindi yung mga matang
kung titingnan ay mapungay: ang mga mata ni Christy ay medyo usli. Ang
maganda sa mukha ni Christy ay tinging nagbabadaya ng anking talino. May
hinahon ang mukhang iyon—parang nagbabadaya ng anking malawak na
eksperinsya . Maganda rina ang mga pisnging walang bakas ng taghiyawat, ang
buo at mpuputing ngipin, at ang may kanipisang labi. Ilang beses na niyang
nahalikan ang mga labing iyon. Alam niya kung gaano iyon kalamabot kung
inilalaban sa kanyng bibig.

Ang kwentong ito ay nagpapakita ng awtor na kakaibang pangyayari sa


buhay ng pangunahing karakter. Ito ay ang pagpapakasal niya sa isang babaeng
tatlong beses ng na nabyuda at hinulaan na mamatay ang sinumang
mapapangasawa nito. Ginamit nag awtor ang imahismo ng Bahay na Kwago na
umanoy pinagpapakitaan ng maraming kakaibang nilalang upang ihalintulad ng
mga mamababasa ang karakter ng panunahing tuahan na si Fransiso na mahilig
sa mga kakaibang pangyayari.

3.2 Suliranin

Ang suliranin ay ang bahagi ng akda na nangangailangan ng solusyon. Ang


mga suliranin na kahaharapin ng mga tauhan ay ang siyang huhubog sa
katauhan ng mga gumaganap sa kuwento. Ito ay masasabing hindi kaaya-aya

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 65 ng 126
ngunit ang mga ito ay mga pagsubok na kailangang lampasan bilang bahagi ng
pag-iral ng isang tao, lugar, o bagay.

Ang suliranin sa kuwento ay ipinakita ang mga negatibong epekto ngm


pagkakaroon ng higit sa isang minamahal. Mas nagiging malapit ang taong may
maraming babae sa kapahamakan.
3.3 Tunggalian

Ang tunggalian ay ang pagharap ng mga tauhan sa iba’t ibang puwersa na


nagiging sagabal upang matamo niya ang lubos na kaligayahan at mapayapang
pamumuhay.
Mahalagang magkaroon ng tunggalian ang mga tauhan upang maipakita
ang kalakasan ng mga tauhan. Makikita ang kalakasang taglay kung papaano
niya hinarap ang mga hadlang.
Tao Laban sa Sarili
Pwede na rin ang mukha , matatangap nang “ mukha”
nga, ngunit matagal na niyang napagwari-wari na
gumaganda lamang ito sa tingin dahil sa magandang
tindig nito at magandang katawan. Ang mukha ni Christy,
kung bagama’t puwede na nga , ay hindi naman
masasabing pwedeng-pwede. Wala roon ang gandang
hinahanap niya sa isang babae.

Ito ay may tunggaliang TAO LABAN SA TAO dahil ipinakita sa bahaging ito
ang pagtatalo ng kalooban ni Francisco tungkol sa kanyang pamantayan ng
pagpili ng babae.
3.4 Kasukdulan

Sa bahaging ito, nararating ng kuwento ang ruruk ng emosyon. Dahil unti-


unti nang nabibigyang solusyon ang mga suliranin ay hindi maiiwasan ang
pagkakaharap-harap ng mga tauhan. Nasasabing pakikipagharap ng pangunahing
tauhan sa katunggali niya ay mag-uugnay sa tuluyang pagkamit ng kaayusan ng
kuwento.
Ang pagpapakasal ni Cisco sa Babaen Balo“
Pano na ngayon yan? Tanong nito sa kanya

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 66 ng 126
“ Pakakasal ho kami ni Magda anumang oras na gusto
ninyo ay mabilis na sagot ni Cisco

Ipinakita sa bahaging ito ang kasukdulan ng nobela sapagkat ito ang


pagpapasya sa pagitan ng mga tauhan na kung titignan sa totoong buhay ay
marapat lamang bigyan ng maayos na pagpapasya

3.5 Kakalasan
Ito ang impresyong naiiwan sa isipan at damdamin ng mambabasa.
Patungo ito sa katapusan at kalutasan ng pangyayari.
Ang Pagbilang sa araw ng pagkamatay ni Cisco
“Sabagay, hindi pa naman tapos ang araw. Maaring
sa bahay. Ang hula ko’y baka bukas – o sa Enero 7,
Huwag kang mag-isip ng ganyan”, ang sabi ni Magda

Ipinakita ang sa bahaging ito na ang kamatayan ang solusyon sa mga


suliraning lumitaw sa kwento. Masasabing ang rurok ng paghingay’y matatamasa
kung ang buhay ay babawiin na sa dulong bahagi ng kuwento.

3.6 Wakas

Ang wakas ay ang bahagi ng kuwento na maghahatid sa


mambabasa ng kaalaman kung ano ang kinahantungan ng mga tauhan batay sa
kanilang mga naging desisyon sa buhay. Hatid nito ay ginintuang aral at mensahe
sa mga mambabasa
Ang pagtatapos ng relasyon nila ni Christy, ang
pagyabong ng samahan nila ni Magda at ang
pagkakaligtas niya sa hula “Mula ngayon Christy
wala ka nang pakia-alam sa buhay ko! “ Sumama
ka kahit kanino – get lost Maraming natalo sa
pustahan sa lugar natin dahil sa nanatili akong buhay.
“Me isang bagay akong nais sabihin sayo Magda”, I loveyou”.

Ang nobela din ay nagbigay na aral sa mambabasa na ang mg hula ay


hindi dapat paniwalaan at gawing basehan ng mga mangyayari sa ating buhay
sapagakat ang tao ang siyang gumagawa ng kanyang kapalaran.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 67 ng 126
3. Paglalarawang-Tauhan
Ang susi sa matagumpay at mabisang pagsuri ng isang akda ay ang
pagtukoy sa katangiang taglay ng isang tauhan. Maaaring ito ay lantad kung
direktang ipinakikilala at inilalarawan ang mga tauhan at di lantad kung ito
naman ay inihayag lamang sa pamamagitan ng pahiwatig.
Mainam na alamin din ang sosyo-kultural ng pamumuhay ,kultura at
paniniwala mula sa pook na pinanggalingan ng tauhan upang lubos na
maunawaan ang kilos at desisyon ng pangunahing tauhan sa kuwento.
Ang pangunahing tauhan o protagonista sa nobelang Babaeng Misteryosa
ay si Francisco. Siya ay enlightened adventurer sa kadahilinang kakikitaan siya
ng mga katangain ng pagiging mapangahas at mahilig sumubok sa ibat-ibang
bagay na kanyang ninanais. Ang kanya naman Psyhological Profile ay ang
extroversion sapagkat si Francisco ay mahilig sa mga kakaibang bagay, mahilig
makihalubilo halimabawa ay sa kanyang mga kaopisina. Kakikitaaan din siya ng
pagiging pranka, ang bawat kanyang mga salitang kanyang naiisip ay kanyang
tuwirang sinasabi. Si Fransisco ay isang bilog na karakater sapagkat sa huling
bahagi ng nobela ay nagbago siya ng ugali dahil sa minahal di niya ang kanyang
asawa. Ang nobelang ito ay mauturing na walang antagonista sapagkat ang
panunahing tauhan na si Fransisco, kung susuriin ay kanyang kinalaban ang
kanyang sarili batay na rin sa mga pangyayari sa nobela. Siya ang gumawa ng
gusot sa kanyang buhay at sa huli siya din ang umaayos nito. Ang mga
karagdagang pangunahing tauhan sa nobela ay si Magda. Siya ay isang babae na
nabyuda ng tatlong ulit, makaluma, tahimik ngunit mapagmahal na asawa.
Naging aswa ni Francisco. Si Magda ay isang lapad na karakter sapagkat ang
kanyang pag-uugali ay hindi nagbago sa simula ng nobela hanggang sa wakas
nito.
Ang kanyang Pychological Profile ay pagkakaroon ng emotional stability
sapagkat si magda ay mapagalala bunga na rin ng suliranin at mga bagay na
bumabagabag sa kanya. Si Christy ay isa di sa mga pangunahing tauhan. Isang
babae agresibo at liberal. Hindi niya alintana kung masama na ang kanyang
ginagawa ang mahalaga ay masaya siya. Dating kasintahang maiituturing ni

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 68 ng 126
Fransisco at kabit ni Ramiro. Si Christy ay isa din lapad na karakter sapagkat
siya hindi ri nagbago ang kanyang ugali sa simula ng nobela hanggang sa
katapusan nito. Ang kanyang Pychological Profile ay ang pagiging agreeableness
sapagkat si Christy ay kakikitaan ng pagiging matigas ang loob, kaya niyang
lampasan ag mga pagsubok kahit siya lang ang gagawa ng paraan dito. Ang mga
karadagang tauhan o mga minor na karakter sa nobela ay si Aling Ulpina. Ina ni
Magda, nagnanais ng kabutihan sa anak ang tanging tagapagtanggol at kasama-
kasama ni Magda.
Si Aling Menang ang ina ni Fransisco na laging kabutihan din ng anak ang
palagiiang inaalala. Sina Fruto at Sidring ay mga tambay sa lugar nila Fransiso
na magaling sa panghaharana. Si Mang Silyong ay isang barber sa lugar nila
Francisco. Mahilig din sa makisagap sa mga bali-balita. Si Campos ay ang
kaibagan at kaoopisaina ni Francisco. Si Mr Saludo ang boss ni Francisco, ayaw
nito ng empleyadong palagiang tumitingin sa relos. Si Ramiro ay ang dating
kasintahan ni Christy, may asawa na at naging kagalit ni Francisco. Si Selmo ay
nakakababatang kapaid ni Fransisco. Si Mang Simeon ang isa sa mga
napangasawa ni Magda at palagiang nagpaparamdam sa kanya.

4. Tagpuan

Pagkakaiba Pagakakapareho Pagkakaiba


(Babaeng Misteryosa) (Laro sa Baga)
Quezon City Parehong sa Maynila Tondo
nangyari ang kwento

Makikita ang pagkakaroon ng pagkakatulad ng dalawang nobela bagamat


hindi tuwiran. Naipakita ang kanilang pagkakapareho sapagkat ang pangunahing
tauhan ay lalaki at ang kanilang karanasan ay parehong kakaiba at hindi
pangkaraniwan.
Sa nobelang Babaeng Misteryosa naipakita ang kahalagahan at kabutihang
naidudulot ng pagakakaroon ng isang babaeng mamahalin. Sa nobela ipinakita

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 69 ng 126
ang mga negatibong epekto ng pagkakaroon ng higit sa isang minamahal. Mas
nagiging malapit ang taong may maraming babae sa kapahamakan. Ang nobela
ay nagpakita na kagandahang nangyari sa panunahing tauha ng iwanan niya si
Christy kung saan mas naging maayos ang naging samahan nila na kanyang
asawang si Magda. Ang nobela din ay nagbigay na aral sa mambabasa na ang mg
hula ay hindi dapat paniwalaan at gawing basehan ng mga mangyayari sa ating
buhay sapagakat ang tao ang siyang gumagawa ng kanyang kapalaran.

5. Estilo
Ang bawat manunulat ay may kanya-kanyang estilo at gawi sa pagsulat.
Ang mga estilong ito ay masining na pagpapahayag o ekspresyon ng sumulat
upang mas mahimok niya ang mga mambabasa at makuha ang interes.

Sa nobelang Babaeng Misteryosa ang awtor ay gumamit ng teknik na


Narrative Hook. Ang teknik na ito ay ginamit ng upang makuha ang atensyon
ng mga mamababasa. Ang mga dayalog na kanyang ginamit ay naging mabisang
paraan para mapukaw ang mga mambabasa na bigyang tuon ang mga sususnod
na pangyayari sa nobela. Gummit siya ng climatic dialogue kung saan ang
mambabasa ay lalong magkakaroon ng inters na basahin ang sususnod na bahagi
nga nobela. Ang narrative hook na teknik ay paraan kung saan ang awtor ay
gagamit ng mga dialogue na madaling makapukaw sa atensyon ng mga
mambabasa.

6. Kasiningan ng Paggamit ng Wika, Talinhaga, Pahiwatig na


Pananalita at Pangungusap
Ang talinhaga o tayutay, pahiwatig, pamamaraan ng pananalita at wikang
ginamit ay ang kadalasang ginagamit ng mga may akda upang magkaroon ng
kulay ang paglalahad sa kuwento. Ito rin ang pamamaraan ng may-akda upang
magkaroon ng palaisipan ang kuwento at makapag-iisip ang mga mambabasa
hinggil sa mga nakatagong kahulugan ng mga salita.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 70 ng 126
Gamit ang mga pantulong na salita ay mapagtatagpi nila ang kahulugan na
posibleng may kinalaman sa kultura at pamumuhay ng pangunahing tauhan.
Itinuloy niya ang salat sa kanyang pangitaas
na labi , na hindi niya naabot ng dila. Alsado ang
kanyang nguso. Sa pintuan sa ibaba, nang alisin
niya ang kanyang kamay sa gabay ng hagdan,
sinalat naman niya ang palad at wariy nangangapal
na noo. May I sang ga-santol na bumukol doon,
sa dakong kaliwa . Ha-ha ,. Para lang sipa ng kabayo
ang suntok ni Ramiro! Para siyang sumugod kay
Muhammad Ali!

Nangangahulugan lamang na may mga salitang ginagamit sa


paglalarawan ng mga pangyayari nang sa gayo’y mas magkaroon ng
larawang diwa ang mga mambabasa.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Makatao
Si Francisco o Cisco ay isang emleyado sa opisina ng Wishnoff & Co.
Simple lamang ang uri ng pamumuhay ng Cisco. Papasok sa opisina,
gigimik at pag walang pasok ay sa bahay lamng siya tumatambay. Siya ay
nakatira sa Tundo. Bagamat magulo sa kanilang lugar ay masaya siyang
naninirahan dito dahil sa ang mga tao dito ay marunong tumulong at may
malasakit sa kanilang mga kapwa. Sa opisina naman ay may isang babae
na palagian nakakasama si Cisco, siya si Christy na nagtratrabaho din sa
nasabing kompanya. Palagain niya itong nakakasabay sa kanyang pag-uwi,
pagkain ng pananghalian at meryenda. Sa una ay okey lang sa kanya ang
pagsasabay nila ngunit napapansin ni Cisco na parati na siya ang
sumasagot sa kanilang pamasahe at minsan pa nga ay pati sa meyenda
kaya naman nakakramdam na siya ng inis pero hinyaan na lamang niya
para wala nang gulo. Hindi naman kagandahan si Christy pero gumaganda
ito dahil sa kahihiligan sa paglalagay ng mga make-up , sa opisain alam na
magbata siya ngungit kung si Cisco ang tatanungin hindi nya rin alam dahil
wala namang ligawang naganap sa pagitan nila kumbaga masaya sila sa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 71 ng 126
ginagawa nila. Pagdating ng hapon ay sabay na naman nilang binagtas ang
daan paauwi sa kani-kanilang tahanan hanggang sa sila ay maghiwalay.

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan


1. Teoryang Eksistensiyalismo
Gumamit ang awtor ng Teoryang Eksistensyalismo sa nobelang
Babaeng Misteryosa sa bahagi kung saan ang pangunahing tuahan na si Francisco
ay gumawa na desisyon na naayon sa kanyang sariling kagustuhan:

“Inay karapatan kong manligaw .”


“ Hindi sa babaeng iyon !”
“ Gusto kong ipaalala sa inyo, Inay,
nasa hustong guang na ako—
beite siyeteng kakunatan—at me
karapatang humanap
nga mapapangasawa ko.”

Sa dialogong ito naipakita ang paggamit ng awtor ng teoryang


eksistensyalismo kung saan ang pangunahing tauhan ay may kakanyhang pumili
ng desisyon para sa kanyang sarili anuman ang maging kapalit nitong
responsibilidad at panganib.

2. Teoryang Romantisismo
Ang Romantisismo din ay ginamit na awtor sa nobelang ito kung saan
ang nobela ay kikitaan nga pagpapalutang na mga kahigawaan at kababalagahan.
Ang bahagi ito ng nobela ay ginamitan ng teoryang romantisismo:
“ Ano ho ang maari makita naming, Aling Ulpiana ?”
tanong niya.“Hindi siguro kaila sa inyo ang bali-balitang—
kung ano-ano ang nakikita riot sa aming bahay,”
sabi ni Aling Ulpinana.“ Totoo ba ‘yon, Aling Ulpiana?”
tanong niya uli “Hindi ako magkakaila sa inyo ,”
sagot ni Aling Ulpiana . “ Sa mga naging eksperyensiya ko,
sasabihin kong totoo.”

Sa bahaging ito ng nobela napatuanyan ang pagagamit ng awtor ng


teoryang romantisismo kung saan naipakita ang imahinasyon ng awtor sa
kanyang isinulat.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 72 ng 126
3. Teoryang Humanismo

Sa kabuuan ng Nobela ang Teoryang Humanismo ay nangingibabaw


dito sapagkat naipakita ang pagbibigay ng atityud ng mga tauhan na nagbigay sa
diin sa halaga ng isang indibidwal. Nagamit din ang Humanismo sa pagpapalutang
at pagpapakita ng mga karanasan ng bawat tauhan sa nobela.

Ang maganda sa mukha ni Christy ay tinging nagbabaday


ng aking talino. May hinahon ang mukha at nagbabaday
ng malawak na eksprirensya. Estable na ang pagkakaroon niya
ng trabaho- Hindi siya masasbing gwapo bagamat malayong
maituturing na pangit- Fransisco Ang ikinikilos ni Magda ay
tulad ng isang mahiyaing dalaga

Sa mga bahaging ito ng nobela naipakita ang ibat-ibang identidad at


atityud ng bawat karakter kung saaan ito ay umaayon sa kahulugan ng
Humanismo na pagbibigay tuon sa mismong karakter sa isang kwento o nobela.
Ang mga tuhan ay may kanya-kanyang karakter na ipinalutang at ang mga bagay
na nakaimpluwesya sa kanila upang maging ganon ang kanilang kinalabasan.
Ang nobelang Babaeng Misteryosa ay ka interteksto ng nobelang Laro sa
Baga ni Edgardo Reyes sapagkat kikitaan ang dalawang nobelang ito ng
pagingibabaw ng karakter na lalaki. Sa tulong ng diagram na ito maipapakita ang
pagkakaroon ng interteksto ng dalawang nobela.

UNANG ARAW

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 73 ng 126
B. Pamantayan sa Nasusuri ng isang nilalaman ng nobela
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari

Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


napakinggang maikling kuwento
II. Nilalaman
A. Panitikan BABAENG MISTERYOSA NI BENJAMIN P. PASCUAL

B. Gramatika at
Retorika
C. Uri ng Panitkan Nobela
III. Kagamitang Larawan, kagamitang biswal,
Pampagtuturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://tl.wikipedia.org/wiki/Pedro_Dandan
kagamitan mula
sa portal ng
Learning Resources
B. Iba Pang Projector, Grapikong Pantulong,
Kagamitang
Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Quiz Bee
nakaraang aralin Gamit ang estratehiyang quiz bee ay tutukuyin ng
at/o pagsisimula mga mga-aaral ang uri ng nobela na ilalahad sa bawat
ng aralin bilang. Isusulat sa cardboard ang tamang kasagutan.

Nobelang Romansa – Akdang ang paksa ay tungkol


sa pag-iibigan
 Kasaysayan  – binibigyang-diin ang
kasaysayan o
pangyayaring
nakalipas na
 Nobelang Banghay – Isang akdang nasa
pagkakabalangkas ng mga

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 74 ng 126
pangyayari ang ikawiwili ng
mga mambabasa
Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at
pagkakasunud-sunod ng
pangyayari ang ikinawiwili
ng
mga mambabasa
Naniniwala ka ba sa pamahiin? (Magbibigay ang mag-
aaral ng ilan)

Tingnan ang larawan, Anong pamahiin hinggil sa pag-


aasawa ang maiiugnay lawaran?

B. Paghahabi sa (Ayon sa pamahiin ang babae na mayroong nunal


Layunin ng Aralin malapit sa dinadaanan ng luha ay mabilis mabalo o
mamatayan ng asawa. )
Ngayon ay matutunghayan natin kung ito nga ba ay
totoo kapag nabasa na natin ang akda na may
pamagat na “Babaeng Misteryoso” ni Benjamin
Pascual
C. Pag-uugnay ng Talasalitaan: Word Clustering
mga halimbawa sa Magbigay ng mga salitang maaaring iugnay sa
bagong aralin salitang MISTERYOSA

MISTERYOSA

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 75 ng 126
Pagpapakilala ng guro sa may akda.

Kuwentista at Nobelista

Nagsulat ng akdang “Ang Kalupi”

Kinilala ng Unyo ng Manunulat (UMPIL) 1994


dahil sa kanyang kontribusyon sa panitikan

May itinalagang guro upang ibuod ang kuwento


gamit ang stratehiyang komiks.

Pagsagot sa mga gabay na katanungan:

Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang mga


katanungan gamit ang estratehiyang Mathematical
Seat.

Ang guro ay maglalahad ng mga Basic Math Equation


na tutugon sa kanilang Class Number.
(Hal. 1000-998x3+5=11)

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 76 ng 126
kuwento?
2. Anong suliranin ang kinahaharap ni Cisco?
3. Bakit tutol ang ina ni Cisco na magkagusto kay
Magda?
Papaano napatunayan ni Cisco na mali ang
panghuhusga ng mga tao sa kanyang asawa?
D. Pagtalakay ng Paglalahad ng guro sa Rubriks:
bagong konsepto at
pagtalakay ng Nilalaman-10 points
bagong kasanayan Presentasyon-5 points
#1 MAlikhain-5 points
Kooperasyon-5 points
Kabuoan:25 points

Pangkatang Gawain:

UNANG PANGKAT:Tula
Gumawa ng isang tula hinggil sa maling paghuhusga
at pagiging tapat sa kapwa.

IKALAWANG PANGKAT:Talk show


Magpakita ng isang talk show nagmagbibigay linaw sa
mga usaping kinahaharap ng mga pangunahing
tauhan sa kuwento.

IKATLONG PANGKAT:Dear MOR


Magsagawa ng isang Radio drama na magbibigay ng
payo mga tauhan sa kuwento.

Payo para kay Magda na namatayan ng asawa,


Payo kay Cisko na umibig sa dalawang babae
At sa ina at mga tao na mabilis nanghusga sa kapwa.

Presentasyon ng bawat pangkat


E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
pagtalakay ng
bagong kasanayan
#2
F. Paglinang ng
kabihasaan
tungo sa
Formative

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 77 ng 126
Assessment
G. Paglalapat ng Kung ikaw si…
aralin sa pang-
araw-araw na Kung ikaw si Cisco, ipagpapatuloy mo pa rin ba ang
buhay pamamangka sa dalawang ilog kahit alam mong ito ay
mali?
H. Paglalahat ng Buuin ang pahayag:
Aralin
I. Pagtataya sa Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa maikling
Aralin kwento.Lagyan ng ng titik A-E

______1. Nagsimula ang kuwento sa


1. B. 2. D 3. C 4. E 5. A

J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation
IV. Mga Tala

V. Pagninilay
A. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nanakuha ng 80%
aaral na nakakuha paataas
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
aaral na pang gawain para sa remediation
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa
remediation
C. Nakatulong ba ___ Oo _____ Hindi
ang remedial?
____ bilang ng mag-aral na nakaunawa sa aralin
Bilang nga mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga ____ bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa
mag-aaral na remediation
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga _____ Eksperiment
istratehiyang _____ Pagsasadula
pagtuturo ang _____ Kolaboratibong Pagkatuto

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 78 ng 126
nakatulong nang _____ Iba’t ibang Pagtuturo
lubos. ____ Lektyur
____ Pagtuklas
Iba pa: _____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Paano ito Bakit? _____ Kumpletong IMs


nakatulong?
F. Anong suliranin ___ Bullying sa pagitang ng mga Mag-aaral
ang aking ___ Pag-uugali/Gawi ng mga Pag-aaral
naranasan na ___ Masyadong makulang na IMs
nasolusyonan sa ___ Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
tulong ng aking (AVR/LCD)
punongguro at ___Kompyuter
supersbor ___ internet
Iba pa
____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

G. Anong ___Lokal na Bidyo


kagamitang ___ Ginawang Malaking Aklat mula sa mga tanawin
panturo ang aking na nasasakupan bayan
nadibuho na nais ___ Resaykel na kagamitan
kong ibahagi sa ___ Lokal na Musikal na Komposition
mga kapwa ko Iba pa
guro? ____________________________
____________________________
____________________________

IKALAWANG ARAW

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Nasusuri ang akda gamit ang pormalistikong
Pagganap pagsusuri.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 79 ng 126
C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang banghay ng akdang binasa.
Pagkatuto
II. Nilalaman
A. Panitikan BABAENG MISTERYOSA NI BENJAMIN P. PASCUAL

B. Gramatika at
Retorika
C. Uri ng Panitkan Nobela
III. Kagamitang
Pampagtuturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://tl.wikipedia.org/wiki/Pedro_Dandan
kagamitan mula
sa portal ng
Learning Resources
B. Iba Pang Projector, Grapikong Pantulong, projector
Kagamitang
Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Thumbs up or Thumbs down
nakaraang aralin
at/o pagsisimula Itaas ang Thumbs up kung ang inilahad ay naganap
ng aralin sa kuwento at thumbs down naman kung hindi.

1. Hindi namatay si Cisco at napatunayang mali


ang haka-haka ng mga tao.
2. Tapat na mangingibig si Cisco.
3. Si Magda ay nagkaroon ng dalawang asawa.
4. Tumutol ang ina ni Cisco dahil sa takot na
mapahamak ang anak.
5. Naging masaya si Cisco at Magda sa kanilang
buhay mag-asawa.

B. Paghahabi sa Pagpapanood ng guro sa isang short film at


Layunin ng Aralin pagtatanong sa ilang bahagi ng kuwento

https://www.youtube.com/results?

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 80 ng 126
search_query=family+is+forever+video

(Ang nasabing shortclip ay isang inspirational


video na na nagmula sa Thailand na isa rin
Asyanong bansa. Kilala sila sa pagkakaroon rin
ng mataas na pagtingin sa pamilya gaya nating
mga Pilipino.)

Ano ang mapapansin sa daloy ng kuwento?


Pare-pareho ba ang bahagi nito mula simula gitna at
wakas?

C. Pag-uugnay ng Ang mga nabanggit ninyo ay isang pamamaraan ng


mga halimbawa sa pagsusuri sapagkat natukoy ninyo ang pinagkaiba ng
bagong aralin mga bahagi. Ngayon ay lubos ninyong mauunawaan
ang pmamaraan ng masusing pagsusuri sa banghay
ng akda.
D. Pagtalakay ng Pagtalakay ng guro paksa
bagong konsepto at Ang pagsusuri ay kritiko ng isang akda na tinatawag
pagtalakay ng na panunuring pampanitikan o kritisismo. Sa
bagong kasanayan pagsusuri ay mapalulutang ang tunay na kahulugan
#1 ng sumulat at nilalaman ng akda.

BANGHAY – Tumutukoy ito daloy ng pagkakasunod-


sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa
paksa.

A. SIMULA– Dito palamang ay mababangit na ang


kilos, paglinang sa tao, mga hadlang o suliranin.

B. GITNA – Naglalamn ito ng mga kawi-kawing


maayos, sunod-sunod, at magkakaugnay na mga
pangyayari.

C. WAKAS–Dito nagkakaroon ng kalutasan ang


suliranin.

2.) MGA ELEMENTO


A.SIMULA
Ipinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at
tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat
na mapukaw sa interes ng mga mambabasa na
ipagpapatuloy ang pagbabasa ng akda.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 81 ng 126
B.PATAAS NA AKSYON
Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o
kilos ng mga tauhan na humahantong sa
sukdulan.Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at
tunggalian na may suliraning lulunasan o lulutasin ng
tauhan.

C.KASUKDULAN
Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi
ng kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksyong
pangyayari sa buhay ng mga tauhan.

D.PABABANG AKSYON
Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay
linaw sa mga pangyayari sa akda.Dito inihuhudyat ang
pababang aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na
katapusan ng akda.

E.WAKAS AT KATAPUSAN
Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga
pangyayari sa akda ay inilalahad nito.
PAGLALARAWANG TAUHAN- Ito ay ang direkta o
hindi lantarang paglalarawan sa mga tauhang
gumaganap sa kuwento.

ESTILO AT GAMIT SA PAGLALAHAD – Ito ang


pamamaraan ng sumulat upang maging kakaiba ang
paglalahad ng kanyang akda. Ito ay maaring sa paulit-
ulit na paggamit ng salita, paglalarawan, pagagmit ng
flashback,atbp
URI NG BOKABULARYO – Ito ang antas ng wika na
aangkop sa kuwento at pamumuhay ng mga
pangunahing tauhang gumanap sa akda.
E. Pagtalakay ng PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
bagong konsepto at
pagtalakay ng
bagong kasanayan
#2
NILALAMAN-10 PUNTOS
PAGKAMALIKHAIN-5
KABUOAN: PUNTOS
25 PUNTOS
PRESENTASYON-5 PUNTOS
KOOPERASYON-5

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 82 ng 126
PANGKATANG GAWAIN:
Unang pangkat:
Gamit ang story elements ay talakayin ang
banghay ng kuwento.

Ikalawang pangkat:
Gamit ang Character profile ay talakayin ang
banghay ng kuwento.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 83 ng 126
TAUHAN PANINIWALA

KILOS/GAWI

NEGATIBONG
POSITIBONG UGALI UGALI

Ikatlong pangkat:

Magsaliksik ng mga istilo sa pagsulat at tukuyin


kung ano ang ginamit ng manunulat. Patunayan
ito.
KNOW THE STYLE

ISTILO PATUNAY

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 84 ng 126
Presentasyon ng mga mag-aaral at
pagmamarka.

F. Paglinang ng
kabihasaan
tungo sa
Formative
Assessment
G. Paglalapat ng
aralin sa pang-
araw-araw na
buhay

H. Paglalahat ng Kumpletuhin ang pahayag:


Aralin
Ang pagsusuri ay ____________________.
Ang mga bagay na tumatak sa isip ko ay
________________________,
________________________,
________________________.

I. Pagtataya sa Suriin ang pahayag at ilahad kung anong elemento ito


Aralin kabilang.

_________1. Sa bahaging ito lumulutang ang


pinakamamasidhing damdamin.
_________2. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
_________3. Ito ang bahaging kailangan malutas ng
mga tauhan.
_________4.Ito ang masusing pagkikritiko sa mga
mahahlagang elemento ng isang akda.
_________5. Ito ang mga uri ng salita na ginagamit
ng manunulat upang maging epektibo ang akda.
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation
IV. Mga Tala

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 85 ng 126
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nanakuha ng 80%
aaral na nakakuha paataas
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
aaral na pang gawain para sa remediation
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa
remediation
C. Nakatulong ba ___ Oo _____ Hindi
ang remedial?

Bilang nga mag- ____ bilang ng mag-aral na nakaunawa sa aralin


aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga ____ bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa
mag-aaral na remediation
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga _____ Eksperiment
istratehiyang _____ Pagsasadula
pagtuturo ang _____ Kolaboratibong Pagkatuto
nakatulong nang _____ Iba’t ibang Pagtuturo
lubos. ____ Lektyur
____ Pagtuklas
Iba pa: _____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Paano ito Bakit? _____ Kumpletong IMs


nakatulong?
F. Anong suliranin ___ Bullying sa pagitang ng mga Mag-aaral
ang aking ___ Pag-uugali/Gawi ng mga Pag-aaral
naranasan na ___ Masyadong makulang na IMs
nasolusyonan sa ___ Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
tulong ng aking ( AVR/LCD)
punongguro at ___Kompyuter
supersbor ___ internet
Iba pa
____________________________
_____________________________

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 86 ng 126
_____________________________
_____________________________

G. Anong ___Lokal na Bidyo


kagamitang ___ Ginawang Malaking Aklat mula sa mga tanawin
panturo ang aking na nasasakupan bayan
nadibuho na nais ___ Resaykel na kagamitan
kong ibahagi sa ___ Lokal na Musikal na Komposition
mga kapwa ko Iba pa
guro? ____________________________
____________________________
____________________________

IKATLONG ARAW

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Nasusuri ang akda gamit ang pormalistikong
Pagganap pagsusuri.
C. Mga Kasanayan sa Nailalahad ang bisang pangkaisipan, pandamdamin at
Pagkatuto pangkaasalan ng akdang binasa.
II. Nilalaman
A. Panitikan BABAENG MISTERYOSA ni Benjamin P. Pascual

B. Gramatika at
Retorika
C. Uri ng Panitkan Nobela
III. Kagamitang
Pampagtuturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula
sa portal ng
Learning Resources
B. Iba Pang Projector, Grapikong Pantulong, projector
Kagamitang
Panturo

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 87 ng 126
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Ibigay ang mga kahulugan ng mga salitang nasa Flash
nakaraang aralin Card.
at/o pagsisimula
ng aralin PAGLALARAWANG TAUHAN

BOKABULARYO PAGSUSURI

BANGHAY WAKAS

. Paghahabi sa Point it out!


Layunin ng Aralin
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng isang tao.
Ilalahad ng mga mag-aaral ang responsibilidad at
mga gawain ng mga isinaad na bahagi ng katawan .

C. Pag-uugnay ng Ang mga nabanggit ninyo ay may kinalaman sa


mga halimbawa sa pagsusuri ng isang akda. Ito ay ang mga bisa ng akda
bagong aralin sa mambabasa. Bisang pandamdamin, bisang
pangkaisipan at bisang pangpangkaasalan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 88 ng 126
D. Pagtalakay ng Pagtalakay ng guro sa tatlong bisa ng akda.
bagong konsepto at
pagtalakay ng
Tumutukoy ito sa naging epekto o
bagong kasanayan
pagbabagong naganap sa iyong
#1 PANDAMDAMIN
damdamin matapos mabasa ang akda.

BISA NG

Ito naman ay ang pagbabago ng


kaisipan matapos mabasa ang akda.
KAISIPAN Ito ay nagbibigay aral sa mambabasa.

Ito naman ay ang pagbabago ng


pananaw ng tao na nakakapagpabago
KAASALAN sa kanyang aksyon.

E. Pagtalakay ng PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA


bagong konsepto at
pagtalakay ng NILALAMAN-10 PUNTOS
bagong kasanayan PAGKAMALIKHAIN-5 PUNTOS
#2 KABUOAN: 25 PUNTOS
PRESENTASYON-5 PUNTOS
KOOPERASYON-5

PANGKATANG GAWAIN:

Unang pangkat:
Ilahad ang bisang pandamdamin ng binasang akda
gamit ang estratehiyang Emoji says.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 89 ng 126
(ang emoji says ay ang paggamit ng emoji na
malungkot, galit, naiinis, natutuwa, nagulat sa
paglalahad ng emosyon)

Ikalawang pangkat:
Ilahad ang bisang pangkaisipan ng akda sa
pamamagitan ng graphic organizer.

Ikatlong pangkat:

Ilahad ang bisang pangkaasalan ng akda sa


pamamagitan ng Tableau.

Presentasyon ng bawat pangkat at pagbibigay marka.


F. Paglinang ng
kabihasaan
tungo sa
Formative
Assessment
G. Paglalapat ng
aralin sa pang-

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 90 ng 126
araw-araw na
buhay

H. Paglalahat ng HASHTAG
Aralin Magbigay ng isang hashtag sa bawat bisa ng akda at
ipaliwanag ito.
#

I. Pagtataya sa Basahin ang pahayag at isulat ang titik ng tamang


Aralin sagot sa patlang.

_________1. Puso ang nararamdam ng bisa ng akda.


Tumatalakay sa hinatid na emosyon o damdamin ng
kuwento.
A. Bisang pandamdamin
B. Bisang pangkaisipan
C. Bisang Pangkaasalan

________2. Isipan ang pinakanaapektuhan ng akda


na naglalayong magbigay ng mga bagong konsepto.
A. Bisang pandamdamin
B. Bisang pangkaisipan
C. Bisang Pangkaasalan

_______3. Dito nagaganap ang transpormasyon na


may layuning mabago ang gawi ng tao.
A. Bisang pandamdamin
B. Bisang pangkaisipan
C. Bisang Pangkaasalan
_______4. Bilang mambabasa natutunan ko na mali
ang manghusga ng kapwa.
A. Bisang pandamdamin
B. Bisang pangkaisipan
C. Bisang Pangkaasalan

______5. Ako ay nakaradamdam ng inis sa simula sa


pagpapakita ng hindi katapatan ni Celso at pag-ibig sa
dalawang babae.
A. Bisang pandamdamin
B. Bisang pangkaisipan
C. Bisang Pangkaasalan

J. Karagdagang
gawain para sa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 91 ng 126
takdang-aralin at
remediation
IV. Mga Tala

V. Pagninilay
A. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nanakuha ng 80%
aaral na nakakuha paataas
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
aaral na pang gawain para sa remediation
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa
remediation
C. Nakatulong ba ___ Oo _____ Hindi
ang remedial?

Bilang nga mag- ____ bilang ng mag-aral na nakaunawa sa aralin


aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga ____ bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa
mag-aaral na remediation
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga _____ Eksperiment
istratehiyang _____ Pagsasadula
pagtuturo ang _____ Kolaboratibong Pagkatuto
nakatulong nang _____ Iba’t ibang Pagtuturo
lubos. ____ Lektyur
____ Pagtuklas
Iba pa: _____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Paano ito Bakit? _____ Kumpletong IMs


nakatulong?
F. Anong suliranin ___ Bullying sa pagitang ng mga Mag-aaral
ang aking ___ Pag-uugali/Gawi ng mga Pag-aaral
naranasan na ___ Masyadong makulang na IMs
nasolusyonan sa ___ Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
tulong ng aking ( AVR/LCD)
punongguro at ___Kompyuter

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 92 ng 126
supersbor ___ internet
Iba pa
____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

G. Anong ___Lokal na Bidyo


kagamitang ___ Ginawang Malaking Aklat mula sa mga tanawin
panturo ang aking na nasasakupan bayan
nadibuho na nais ___ Resaykel na kagamitan
kong ibahagi sa ___ Lokal na Musikal na Komposition
mga kapwa ko Iba pa
guro? ____________________________
____________________________
____________________________

IKAAPAT NA ARAW

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Nasusuri ang akda gamit ang pormalistikong
Pagganap pagsusuri.
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga teoryang nakapaloob sa akdang binasa
Pagkatuto
II. Nilalaman
A. Panitikan BABAENG MISTERYOSA Ni Benjamin Pascua

B. Gramatika at
Retorika
C. Uri ng Panitkan Nobela
III. Kagamitang
Pampagtuturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 93 ng 126
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=iVrQqWIs6ZE
kagamitan mula
sa portal ng
Learning Resources
B. Iba Pang Projector, Grapikong Pantulong, projector
Kagamitang
Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Gamit ang Electronic Rolette ay pipili ang guro ng
nakaraang aralin magpapaliwanag ng kahulugan ng tatlong bisa ng
at/o pagsisimula akda.
ng aralin

1. BISANG PANDAMDAMIN
2. BISANG PANGKAISIPAN
3. BISANG PANGKAASALAN

B. Paghahabi sa Ang guro ay magpapanood ng isang short clip hinggil


Layunin ng Aralin sa kahirapan at katotohanan ng buhay.
https://www.youtube.com/watch?v=iVrQqWIs6ZE

Sagutin ang mga katanungan:


1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Ano ang paksa ng short clip na napanood?

C. Pag-uugnay ng Ang napanood ay nakapokus sa realidad ng buhay.


mga halimbawa sa Upang malaman ito, kinakailangan mong malaman
bagong aralin ang teorya sa pagsusuri ng akda.
Pagbibigay input ng guro hinggil sa teoryang
nakapaloob sa akda.

1. Realismo-Paglalahad ng katotohanan kaysa sa


kahalagahan ng kagandahan. Iminumulat ang

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 94 ng 126
tao sa mga nagaganap sa lipunan.
2. Humanismo- Ang tao ang siyang sentro ng
daigdig at siya lamang ang mayroong kontrol at
pananagutan sa kanyang mga desisyon sa
buhay.
3. Romantisismo-Binibigyang pokus ang iba’t ibang
uri ng pag-ibig.
4. Eksistensyalismo- Ito ay nagsasabing ang tao
ay may paninindigan at may kalayaang pumili

D. Pagtalakay ng Pangkatang Gawain:


bagong konsepto at
pagtalakay ng Isadula ang bahagi na naglalahad ng teorya ng akda.
bagong kasanayan
#1 Unang Pangkat: Realismo

Ikalawang Pangkat: Humanismo

Ikatlong Pangkat: Romantisismo

E. Pagtalakay ng Presentasyon at pagbibigay marka ng guro sa


bagong konsepto at bawat pangkat
pagtalakay ng
bagong kasanayan
#2
F. Paglinang ng
kabihasaan
tungo sa
Formative
Assessment
G. Paglalapat ng
aralin sa pang-
araw-araw na
buhay

H. Paglalahat ng Share a post


Aralin
Kung mayroon kang ipopost sa FB hinggil sa mga
tinalakay natin ngayon, ano ito at paano mo ito
ilalahad?

I. Pagtataya sa Punan ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng


Aralin pangungusap.

1. Ang _______ ay ang paglalahad ng katotohanan

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 95 ng 126
kaysa sa kahalagahan ng kagandahan.
Iminumulat ang tao sa mga nagaganap sa
lipunan.
2. Ito naman ay _________kapag ang tao ang
siyang sentro ng daigdig.
3. _____________ ito kung ang binibigyang pokus
ang iba’t ibang uri ng pag-ibig.
4. Ayon sa teoryang _________ay nagsasabing
ang tao ay may paninindigan at may kalayaang
pumili.
5. Ang __________ ay ang sistematikong pag-
aaral ng panitikan.
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation
IV. Mga Tala

V. Pagninilay
A. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nanakuha ng 80%
aaral na nakakuha paataas
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag- ____ bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
aaral na pang gawain para sa remediation
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa
remediation
C. Nakatulong ba ___ Oo _____ Hindi
ang remedial?

Bilang nga mag- ____ bilang ng mag-aral na nakaunawa sa aralin


aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga ____ bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa
mag-aaral na remediation
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga _____ Eksperiment
istratehiyang _____ Pagsasadula
pagtuturo ang _____ Kolaboratibong Pagkatuto
nakatulong nang _____ Iba’t ibang Pagtuturo
lubos. ____ Lektyur

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 96 ng 126
____ Pagtuklas
Iba pa: _____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Paano ito Bakit? _____ Kumpletong IMs


nakatulong?
F. Anong suliranin ___ Bullying sa pagitang ng mga Mag-aaral
ang aking ___ Pag-uugali/Gawi ng mga Pag-aaral
naranasan na ___ Masyadong makulang na IMs
nasolusyonan sa ___ Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
tulong ng aking ( AVR/LCD)
punongguro at ___Kompyuter
supersbor ___ internet
Iba pa
____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

G. Anong ___Lokal na Bidyo


kagamitang ___ Ginawang Malaking Aklat mula sa mga tanawin
panturo ang aking na nasasakupan bayan
nadibuho na nais ___ Resaykel na kagamitan
kong ibahagi sa ___ Lokal na Musikal na Komposition
mga kapwa ko Iba pa
guro? ____________________________
____________________________
____________________________

Inihanda ni: Bb. Gertrudes J. Gaspar

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 97 ng 126
Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralinng Obrang Maestrang
Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
Glenn B. Gomez

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 98 ng 126
A. Buod
Noon pa man ay nabuo na sa kaisipan ng mga Pilipino ang malawak na epekto ng
Marxismo sa lipunan. Hati ang uri ng lipunang kinabibilangan ng mga Pilipino: ang mga
nasa mataas na bahagi at ang mababang bahagi. Ang mga nakaaangat na patuloy sa
pag-unlad ng kaniyang kabuhayan at ang mga nasa ibabang uri na lalo pang naghihirap.

Ang kalagayang ito ay patuloy na namamayani sa kasalukuyan masasalamin ito sa


mga karanasan ng mga nasa mababang uri ng lipunan. Ang patuloy na pagkagutom,
kawalan ng maayos na tirahan, kawalan ng permanenteng trabaho, problemang
pangkalusugan at marami pang iba na patuloy ding lumolobo kasabay ng pagtaas ng
bilang ng populasyon.

Kasabay ng lumalalang kahirapan sa kabila ng mga multibilyon at multinasyonal


na mga kumpanya at mga pagawaan ay patuloy pa rin na naghihirap ang marami sa
ating mga kababayan. Marami sa mga nagmamay-ari sa mga kompanyang ito ay walang
pakialam sa kalagayan ng kanilang mga manggagawa. Ang tanging mahalaga sa kanila

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 99 ng 126
ay ang pagtaas ng kanilang kita kahit pa na marami silang maapakang mahihirap na
mamamayan.

Sa bawat lipunan gaya ng sa atin, ay nananatiling matatag ang superstructure o


ang mga nagmamay-ari ng kapangyarihan at palaging nasa ilalim nito ang base ang mga
manggagawa na siyang nagbibigay ng lakas-paggawa upang malagyan ang bulsa at lalo
pang madagdagan ang kayamanan ng mga nasa itaas.

Madalas ang kalagayang ito ang nagpapamulat sa marami sa mga aping


manggagawa upang magkaisa, at gumawa ng unyon ng paglaban sa mapang-abusong
sistema at kalagayang kanilang dinaranas.

Masasabing malaki ang papel na ginagampan ng mga manggagawa sa pag-unlad


ng lipunan sapagkat sila ang lumilikha at isa sa mga susi upang umunlad ang ekonomiya
ng isang bansa. Malinaw na ang maling pamamaraan ng pagtrato sa kanila ang siya ring
dahilan upang maputol ang kanilang tali ng pasensya.

Hindi man tuluyang mawala ang ganitong uri ng nararanasang kondisyon ng


marami sa ating mga kababayan ay magkaroon lamang sana ng kaunting pagbabago at
pag-unlad sa kanilang buhay sapagkat kasabay ng pag-unlad na ito ay ang pagbabago
sa ekonomiya at kalagayan ng ating bansa.

B. Elementong Pampanitikan
1. Uri ng Genre – (Nobela ng Tauhan) – mahahalagang saloobin ni Amanda
Bartolome ukol sa mga kaganapan sa buhay ni Isagani, dapat napangaralan
niya ang kanyang mga anak noon pa ukol sa maagang pag-aasawa, sana’y
mas naging bukas siya sa kanyang mga anak ukol sa usapin ng seks
”... puro lalaki ang anak ko. Kung naging babae
san sila, hindi ako mahihiya sa kanila.” (p.40)

2. Paksang-Diwa o Tema
Mayroong mga paksang diwa ang nobela na naikintal sa mga mambabasa:
 Dapat panatilihing buo ang pamilya sa kabila ng kaibahan ng mga prinsipyo
at kahit hindi nagkakaunawaan sa diskursong pang- intelektwal hindi dapat
nawawala ang ugnayang emosyonal sa loob ng pamilya.
 Nakaambag ang akda para sa mga mag- aaral na may progresibong pag-
iisip sa kanilang pagkamulat at pagkamakabayan.
 Bawat isa ay bahagi ng mas malawak na lipunan, kung saan ang mga
kabataan ngayon ay isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kaniyang
panahon, ang siyang magpapasaya sa kinabukasan ng bayan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 100 ng 126
 Ang luma’y sadyang napapalitan ng bago.
Ang tema ng nobelang ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid,
sa ama na humarap sa mga suliranin sa kaniyang mga anak, sa ina na nagbigay
ng kaniyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang
dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang
kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gustong
maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing
Pilipino.

3. Banghay

3.1 Simula – sa
unang bahagi ng
nobela,
inumpisahan agad
ito sa pahapyaw na
pagpapakilala sa
mga pangunahing o pangunahing tauhan at ang paunang pagpapabatid ng
bakod na namamagitan sa pagitan ng babae’t lalaki.
“… sina Julian Jr., na dahil unang anak ay itinuring ni
Julian Sr. na ekstensyon ng kaniyang sarili. Emmanuel,
na ibig sabihin daw ay tagapagligtas….” (Kab. 1, p. 13)

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 101 ng 126
“Siya, si Julian Bartolome Sr., ay tunay na apo ng isang
hasendero sa isang lugar sa Norte, na may lahing Kastial pa
mandin. Samakatwid ay may dugo siyang mayaman. Ang
piyudal… kung saan ang lalaki ang Diyos at ang babae’y
tagasunod lang niya at walang karapatang kumibo sa mga
isyung may kinalaman sa negosyo’t pulitika.” (Kab. 2, p. 20)

3.2 Suliranin – nang pinatay si Willy, sa kanila ni Jules unang nabuo ang
ideyolohiya ng paghihimagsik.
“P-pinatay nila si Willy Mom! Patay na si Willy!” sabay
sabog ng iyak. Pahagulgol. Nakalulunos. Parang bata.
(Kab. 5, p. 49)

3.3 Tunggalian – pagiging mulat ni Jules sa mga kaguluhan sa lipunan, paggawa ng


guryon para kay Bingo gamit ang official paper ng Communist Party, mga akdang
tumutuligsa sa batas-militar na nasa mesang sulatan ni Jules, mga pananaw ni
Jules ukol sa mga tulong ng Amerika sa Pilipinas, muling pagtatalo nila ng kanyang
ama ukol sa usaping politika

3.4 Kasukdulan – nang mapatay si Jason at makipaghiwalay si Amanda kay


Julian.
“Patay na raw nang makuha, Mom! Patay na!”
“Sino, Em? Utang na loob, Em, sino?”
“Si Jason!”
(Kabanata 25, p. 171)

Ginulat ko si Julian.
“Gusto ko nang humiwalay sa’ yo,” at nagulat pati ako.
“Napatanga nang matagal sa ‘kin si Julian para bang
bigla’y naging dalawa ang ulo ko.

“A- anong… p- pakiulit mo nga ‘yong sinabi mo Amanda?


Hindi ko naintindihan!”
Inulit ko. “Gusto ko nang humiwalay sa ‘yo.”

At lalo na siyang hindi magkantututo sa sasabihin.


“I… a… hi-hi… p-pero… Bakit? My God, A-manda, ano’ng
nangyayari sa ‘yo? May dinaramdam ka ba or something?”
(Kabanata 27, p. 186- 187)

3.5 Kakalasan – nang makalaya sa kulungan si Jules.


Hindi ko malilimot ang tagpong iyon na tulad sa isang
memorableng eksena sa pelikula. Masayang- masaya

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 102 ng 126
silang hatid sa pinto ang aking si Jules! Nakatawang
binuksan ng guwardiya ang pinto, niluwangan ng
nakatawa ring si Sarge. At sinalubong ako ni Jules ng
magpit na yakap. Habang nananatili ang sama-samang
tinig: “We shall overcome… we shall soon be free!”

Anak. Niyakap ko siya nang mahigpit, ‘yong


pinakamahigpit na yakap na magagawa ng isang ina sa
kaniyang anak. Anak. At bigla’y tumatawa- umiiyak ako!
(Kab. 29, p. 194- 195)

3.6 Wakas – nang magpasya sina Amanda at Julian na huwag nang sumunod
kila Gani sa States at manatili sa Pilipinas, manatiling magkasama kahit
silang dalawa na lamang.
Huminga nang malalim, ngumiti na rin si Julian.
“so that’s it! May sasagutin kang sulat bukas.”

“Ni Jules?”

“Ni Gani. Tell him once and for all na hindi tayo
pupunta sa states. Narito kamo ang laban.”

“Sinabi mo!” at pinatay ko na ang ilaw.


(Huling Kabanata, p.212)

4. Paglalarawan ng Tauhan
Julian Sr. (isa sa mga pangunahing karakter sa nobela, tauhang lapad dahil sa
nanatili ang kabangisan ng karakter niya, ang pagkalalaki hanggang sa kahuli-
hulihan ng kuwento)
Isang amang mabait at maunawain itong si Julian, sa kaniyang palagay ay
mas may karapatang magdesisyon ang mga lalaki kaysa sa babae. Palibhasa si
Julian ay may lahing pagka-banyaga ay mas binibigyan ng pagpapahalaga ang
mga lalaki sa mga bagay na mahalaga sa bayan kaysa sa babae. Tulad ng:
“Siya, si Julian Bartolome Sr., ay tunay na apo ng isang
hasendero sa isang lugar sa Norte, na may lahing Kastila
pa man din. Samakatwid, ay may asawa siyang mayaman
at piyudal… kung saan ang babae’y tagasunod lang niya at
walang karapatang kumibo sa mga isyung may kinalaman sa
negosyo’t pulitika. Upang maging maliwanag ang pagatatanggol
sa angkan ni Adonis ay idinugtong pa niya ang:… ng mundong
ito kung saan kayong mga babaeng parang dahong natutuyo
sa sanga sa kahihintay sa ngiti’t pansin naming mga lalaki,
hanggang sa maawa kaming isali kayo sa ligaya’t luwalhati
ng mundong ibabaw. Wala kayong magagawa. ‘Yon ang butas.
“It’s a man’s world.”

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 103 ng 126
Wa na ko say. Nakatanga na lang ako by goodbye, ako
nga ay may mga binata na!

Amanda (pangunahing karakter sa nobela)


Asawa ni Julian Sr., siya lagi ang sumbungan ng mga kapitbahay sa mga
kapilyuhan na ginagawa ng mga anak niya sa kanilang subdibisyon. Binibigyan
niya ng karapatang pumili ng ikagaganda at ikatitiwasay ng buhay ang mga anak.
May malaking puso sa pagtanggap ng mga problema sa buhay, mula sa mga
anak at sa mahal niyang kabiyak, si Julian Sr.
“Pero pagkaraang pag-isipan ko nang husto ang lahat,
pagkaraang usisain ko nang husto ang sarili ko, ipinasya ko
na wala na akong karapatang magalit kay Evelyn. Pasiya
niya iyon, buhay niya iyon. Masama lang ang loob ko
komo anak ko ang naisahan.”

Binigyang laya ni Amanda si Evelyn upang magpasya na hindi na ito


susunod kay Gani sa States, dahil may personal na dahilan. Iginalang ito ni
Amanda.
Si Amanda ay isang butihing ina na hindi lamang nag-ukol ng panahon sa
pagpapalaki ng mga anak kundi isang babaing nagpapakita ng katatagan ng loob
sa pag- unawa at pagkilala ng buhay na sinapit ng lima niyang anak na lalaki.
Sapagkat noong nagbinata na ang mga anak ay nagkaroon na ng hustong isip na
ang pagpapasya sa kanilang buhay, ang ginawa ni Amanda ay paggalang at
pagbibigay laya sa napili nilang buhay. Naunawaan din ni Amanda ang pagkilala
sa kaniya ng asawa at hindi pala tama ang maling iniisip niya na ito sa kaniya ng
mahal niya asawa at naging makatwiran ang buhay niya.
Si Amanda ay isa ring ina na ipinagmamalaki ang mga anak, ng mga
kagalingan nila sa eskwelahan at iba pang mga gawaing mabubuti. Halimbawa:
“Karangalan ko rin, di ba, ang pagiging aktibo ni Jules
sa mga “campus activities” ng kanilang eskwelahan?
Kumandidato siya at nanalo naman bilang Presidente ng
Student Council. Si Isagani’y napasali sa Exchange Visitors
Program sa pagitan ng Amerika’t Pilipinas at gumugol ng ilang
buwang pag-aaral sa California… bahagi ng pagpapalaganap ng
pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nanalo sa Spelling Bee Contest
si Em; at si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyante ay
matagumpay namang natatakpan ng mga katangian niya bilang
anak -- siya ang anak na nag-hijack ng mga bulaklak sa bakod

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 104 ng 126
ng may bakod para masabi na siya ay sikat.

Jules (isa sa mga pangunahing karakter sa nobela, tauhang lapad dahil sa


napanatili niya ang paninindigan niya hanggang sa huli, wala siyang ipinagbagao,
panganay na anak nina Amanda at Julian)
Mahilig sa gitara si Jules. Mga love songs ang mga unang kinahiligan niya.
Lumipat ang kaalaman ng kaniyang mga awit mula personal tungo sa higit na
pangmalawakang damdamin, tulad ng Blowing in the Wind, Strawberry Fields,
Vincent at iba pa, naging kaibigan niya si Willy. Kasabay ng unang pagsali niya ng
Class Boycott at sit-in sa tapat ng eskwelahan kaugnay ng pagputol sa pagtaas
ng tuition fees.
“Huminto ang mga daliri ni Jules sa pagitan ng mga bagting,
nagfade- out ang boses nila ni Willy sa mga linyang
“Kung masawi yaring buhay, buong giting, iaalay”

“Hindi ba bawal ang mga kantang ‘yan? Baka sabihin


ng mga makakarinig sayo, aktibista kayo”.

Kumamot sa ulo si Jules. Siya pa ‘yong bata na pag


nahuhuli sa akto’y nagkakamot ng ulo. “Wala ho ‘yon!”

“Well, ofcourse!” Mabilis namang sabat ni Julian.


Dito naman ako bilib kay Julian; mabilis siya sa diplomasya.
“Pero ayokong masabit kayo sa blac list ng gobyerno.
Baka hindi ninyo alam, kabi-kabilang naghuhulihan ngayon
ng mga aktibista.

Dumating ang panahon na si Jules ay umanib na sa mga grupo ng taliwas


sa paniniwala ng ating pamahalaan, ito ang NPA.
“Ang pagbibinhi ng ideolohiya sa batang puso niya’y masasalat
lang sa kaalaman ng mga paborito niyang kanta”:
Kay sarap mabuhay
sa sariling bayan.
Kung walang alipin
ay may kalayaan.
Ang bayaning sinisiil,
bukas ay babangon din…

“Anu’t anuman, sito nagaganap ang mga unang pangamba


ko na ang anak ko’y hindi na isang estudyante lang sa loob ng
kampus… unti- unti’y nagiging bahagi na rin siya ng mas
malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng
ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na
mata at tainga at tinig ng kaniyang panahon.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 105 ng 126
Emmanuel (isa sa mga pangunahing karakter sa nobela, nakikisangkot at
nakikialam sa mga nangyayari sa paligid niya)
Mahilig sa libro si Emmanuel. Tahimik at masipag, pero bumabanggit din
siya ng karaingan tungkol sa tuition fees, patuloy na “Banning ng newspapers,
panunupil ng academics freedom,” at ng pagpigil sa kalagayan ng “Student
Council.” Kinaringgan si Emmanuel ng ganito:
“Hindi ako hihinto,” tiyakang sagot ni Emmanuel na dinugtungan
pa ng biro. “That is where the action is…”

“Hindi mo alam ‘to mom, pero hindi totoong natahimik na


talaga ang mga estudyante. May mass organization na
uli sa loob ng mga universities.”

“Mom, kasi’y narito ka lagi sa loob ng bahay kaya hindi


mo alam ang mga nangyayari. Kasi’y mapera si Dad
kaya hindi ninyo nararamdaman ang sobrang pagtaas
ng kabuhayan. Pero nararamdamang mabuti iyon ng mga
manggagawa at ng mga mabibilang sa tinatawag nating urban poor.”

Bagaman bata pa ang isip ni Emmanuel tulad ng pagkakilala ng kaniyang


ina ay maraming bagay ang alam na ni Emmanuel sa buhay, sa lipunan at ang
kaniyang pakikisangkot sa kaniyang sarili bilang isang manunulat.

Gani (isa sa mga pangunahing karakter sa nobela, tauhang bilog dahil sa


nagbago siya ng pananaw sa buhay lalo na ng magkaasawa)
Bago maka-eighteen units sa kolehiyo si Gani, bago pa man siya
makapagpalista bilang US Navy, isang gabi, nag- uwi siya ng babae. Ipinakasal si
Gani kay Evelyn pagkatapos magkalayo silang mag- asawa dahil sa nadistino si
Gani sa States sanhi ng mga batang puso ng mag- asawa ay nanlamig si Evelyn
sa ngalan ng pag- ibig hanggang tuluyan silang maghiwalay ni Gani.

Jason (isa sa mga pangunahing karakter sa nobela at ang paboritong anak ni


Julian, tauhang lapad dahil hindi kinakitaan ng pagbabago lalo na sa karakter na
nagpakilala sa kanya bilang si Jason) Musika ang kinahihiligan ni Jason, mga
musikang mahaharot. Hindi nasisiyahan si Jason sa mga tunog na mahina kundi
dinig hanggang kabilang kanto.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 106 ng 126
Mahina sa klase si Jason. Walang hilig mag-aral. Iba pang libangan niya ay
mag- istambay sa kanto at girl-watching. Ang iba pang katangian ni Jason ay:
“Ganon nga si Jason: masiyahin, bolero, mapanukso
pero kaibig-ibig na bata. Mahirap kang magalit sa kanya
dahil mabilis siya sa yakap at lagayan”… na maaaring isang
pumpon ng bulaklak na piñatas niya sa bakod o manggang
hilaw sa puno ni Mrs. Adriatico na minalas na yumuko sa
tapat ng bakuran namin.

Bingo (isa sa mga pangunahing karakter sa nobela at bunsong anak nila


Amanda)
Nitong huli’y nagkakaro’n na rin sya ng sariling mga
kabarkada, at din a niya gaanong kailangan ang mga kapatid.
Ang totoo, nagagalit pa nga siya ngayon pag nakikialam si
Jason sa mga ginagawa niya. At siya na lang din daw ang
bahala sa assignment niya; huwag siyang maturu-turuan
ni Em dahil may sarili siyang Inggles!

Mara (isa sa mga minor karakter sa nobela, tauhang lapad dahil kinakitaan ng
paninindigan sa kaniyang prinsipyong ipinaglalaban hanggang sa huli ng
pagharap nila ni Jules sa buhay)
Ang babaing napangasawa ni Jules. Magkaisa sila ng paniniwala, mabait at
matibay ang loob sa lahat ng problemang hinaharap. Galing lang sa pabrika si
Mara. Nagkakilala sila ni Jules.
Galing siya sa isang pabrika, si Jules ay sa isang unibersidad. Nagtaka ako
kung paano sila nagkakilala.
“Noon nung nagbigay sila ng suporta sa welga naming.
Tapos pareho kaming gumanap sa mga pagtatanghal
ng cultural group nila sa mga urban poor communities.
Wala pang martial law noon”.

Mapagmahal si Mara. Siya ay marunong tumingin ng mga bagay na


mabigyan ng halaga, halimbawa:
“Loving, sabi ni Jules, does not mean looking at each
other but looking together in the same direction”.
Mukhang totoo yon sa kanila ni Mara, totoo sa lahat
ng mag- asawa sa kilusan.

5. Tagpuan

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 107 ng 126
Malaki ang naitulong ng epektibong paggamit ng oras at lugar upang
maipakita ang katotohanan sa kuwento. Ang dinanas na paghihirap ng mga
mamamayan noong panahon ng Martial Law ay malinaw na masasalamin sa
naging kalagayan ng mga pangyayari sa nobela. Ang tagpuan ang nagsilbing
mahalagang salik sa pagbuo ng tunggalian ng nobela. Makikita kung paano nito
naapektuhan ang kalagayan at kondisyon ng iba pang mga tauhan sa nobela.

6. Simbolismo o Sagisag
Pinababatid ni Bautista sa ilang bahagi ng kaniyang nobela ang ilang
pangyayari noong Batas Militar na sumisimbolo sa mga bilanggo na ‘tinotorture’
kahit nahuli na nila. Gaya ng bahaging:
“Oo nga’y ang mukhang beynte- uno anyos lang siya,
pero beynte- uno anyos na isang maagang naghakot ng
karanasan, may latay pa ng kirot sa mga narinig at nakita.”

Ang nobela ay kinapapalooban ng mga panlipunan, kultural, pulitikang


pamamalakad, teorya at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di
pantay na kalagayan ng magkaibang kasarian – ang lalaki at babae.

Tao
Gani – simbolo ng isang mapusok na kabataan
“Pero para sa lahat ng pag- aabala naming kay Julian, wala pala kaming
nasolve; naatraso lang naming ang problema. Dahil linggo lang pagkaraan ay
nawala sina Gani at Evelyn.”
Patunay lamang na napagdesisyunan na ni Gani at Evelyn na magtanan. At
hindi nagtagal sila ay bumalik kina Amanda at ibinalitang buntis na si Evelyn. Si
Gani ay nagkaroon ng mabilis na pag- iisip hinggil sa kanila ni Evelyn, at
mantakin mo na apat na buwan na palang buntis itong si Evelyn. Buntis na pala
noong unang iuwi ni Gani sa bahay nila Amanda.
Bilang asawa ni Evelyn, kahit na mahilig silang mag- away, si Gani ay
kinakitaan din ng matinding pagkataranta at pagkaawa sa kaniyang asawa
habang si Evelyn ay nakararanas ng dry labor.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 108 ng 126
“Wala pa ba? Matagal pa ba? Mom, inilabas na
‘yong isa… nauna pa sa kanya si Evelyn a!
sabihin mo sa kanila, unahin nila si Evelyn!”

Sitwasyon
Pinababatid ni Bautista sa ilang bahagi ng kaniyang nobela ang ilang
pangyayari noong Batas Militar na sumisimbolo sa mga bilanggo na ‘tinotorture’
kahit nahuli na nila. Gaya ng bahaging:
“Oo nga’y ang mukhang beynte- uno anyos lang siya,
pero beynte- uno anyos na isang maagang naghakot
ng karanasan, may latay pa ng kirot sa mga narinig
at nakita.”

7. Estilo
Checkhov’s Gun
Pagpasok ng karakter sa kuwento kung saan malalaman ang kaniyang
esensya sa huling bahagi ng kuwento.
Si Rene na kaibigan ni Jules na dinala niya sa kanilang bahay ng minsan
pang nasugatan ito sa labanan at hindi basta labanan kundi labanan sa pagitan
nila at ng mga PC. At sa huling bahagi ng kuwento ay natuklasang si Rene mismo
ang nagturo kay Jules kaya ito nahuli ng mga PC.
Niyaya na ni Jules si Rene sa kuwarto niya. I
nakbayan, paalalay. Kandahirap sa paglakad si Rene.
Parang bagong sugat iyong nasa paa niya o bagong
paglakinsad ng buto. (Kab. 18, p. 131)

“Si Rene’ng nagturo sa’yo no? Pinuntahan din kami ng


mga PC, sa bahay ka unang hinanap. Pinakita pa nila sa’min
ang retrato ni Rene.” (Kab. 23, p. 158)

Epiphany
Gumamit si Lualhati Bautista ng mga pahayag simbolikal sa nobela tulad ng
mga sumusunod:
“… kung pag-aaralan mo: hindi sa iisang paraan lang
nakikitungo ang tao sa kapwa niya, dahil siguro iba-iba
ang pangangailangan niya sa iba’t ibang tao, tulad ding
iba-iba ang inaasahan ng ibat ibang tao sa kanya”.
(Kab. 4, p. 38)

“Mahirap maging ina, gusto kong sabihin.


Masarap lang maging ina…” (Kab.6, p. 52)

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 109 ng 126
“… all is fair in love and war!”
“Absence makes the heart grow fonder” (Kab. 13, p. 99)

“The only permanent thing is change” (Kab. 14, p. 104)

“They say writers are born, not made” (Kab. 15, p. 110)

“Ang kalapati kasi, parang bata. Umaalis para maglaro.


Minsa’y para maghanap.” (Kab. 17, p. 122)

“Yang pag- ibig at pag- aasawa, magkaiba ang tingin


dyan ng lalaki’t babae. Sa babae, minsa’y ‘yon na ang
kaniyang buong buhay. Sa lalaki, isang parte lang ‘yon
ng buhay niya.” (Kab.20, p.140)

“Ang payapang pampang ay para lang sa mga


pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa
panahon ng unos.” (Kab.23, p.162)

“Kapwa babae lang ang tunay na makauunawa ng


damdamin ng babae.” (Kab.26, p.117)

Juxtaposition
Ang pagpapakita ng identity crisis ng isang tauhan.
“Kakulangan. Sa loob ng dalawampu’t pitong taon ng pagiging asawa ko’y
hindi ako ganap na umunlad bilang tao. Nanganak lang ako’t naging ina at wala
na. Tumigil na ‘ko sa pagiging ganon. Nawala na ko pagkatapos nyon. Nagsilbing
bantay na lang ako sa paghanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang
tao, sa paglaki ng mga bata’t pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan.
Sa proseso nito, walang nag-abalang magtanong kung ano kaya ang
aangkinin ko naman. Ni ako, hindi ko alam kung ano pa ako liban sa asawa’t ina.
Madalas ngayon ay hinahanap ko ang sarili ko sa harap ng
naging papel ko sa buhay… mamamatay ba ‘kong hindi
iyon nasusumpungan? Minsa’y kinagagalitan ko ang sarili
ko na iniismol ko ang mga naging papel ko: Ang maging asawa’t
ina’y isa na ring propesyon. Amanda; na hindi
pinagtatagumpayan ng lahat ng babae!
Pero parang demonyong sasagot ang isang panig ng
katinuan ko: ‘Asan ang tagumpay?”
(Kab.27, pp.181-182)

8. Kasiningan ng Paggamit ng Wika, Talinhaga, Pahiwatig na Pananalita


at Pangungusap

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 110 ng 126
Dayalogo
“All right hon, maliwanag ang papeles ng mga anak mo.
Sang-ilan na lang at ang mga anak mo’y magiging
opisyal namga tao ng panlalaking mundong ito…ng mundong
ito kung saan kayong mga babaeng parang dahong
natutuyo sa sanga sa kahihintay sa ngiti’t pansin naming
mga lalaki, hanggang sa maawa kaming isali kayo sa ligaya’t
luwalhati ng mundong ibabaw. Wala kayong magagawa.
‘Yon ang butas. “It’s a man’s world.”

Wa na ko say. Nakatanga na lang ako by goodbye,


ako nga ay may mga binata na!”
(Kab.1, p.19) (Julian Sr.)
Monologo
Minsa’y kinagagalitan ko ang sarili ko na iniismol ko ang mga
naging papel ko: Ang maging asawa’t ina’y isa na ring propesyon.
Amanda; na hindi pinagtatagumpayan ng lahat ng babae!
(Kab.27, pp.181-182) (Amanda)

Narralogo
Pero sa panahong ito ay isa na ‘kong mulat at matalinong
babae at mahirap man para sa ‘kin ay nagawa kong
pangatwiranan na nambabae ang asawa ko. Tao rin ‘yan,
‘kako; naghahanap din ng pagtingin ‘yan. Huwag natin
siyang sisihin. After all, it’s a man’s world too.
(Kab.29, p.193) (Amanda)

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan
1. Maka-Diyos – Itinuro sa nobela ang kahalagahan ng pagtitiwala sa
Panginoon lalo na sa mga panahon na nakaranas nang matinding pagsubok
ang pamilya ni Amanda. Ang pagkawala at pagkamatay ng kaniyang mga
anak ang nagtulak sa kaniya upang mas lalo siyang maging malapit sa
Diyos.

2. Makatao – Makikita ito sa bahaging may pagpapahalaga ang mga anak ni


Amanda na sina Jules, Emmanuel at Gani. Pinahahalagahan nila ang
kalagayan ng bayan hindi lamang ang kabutihan ng kanilang pamilya kundi
pati na rin ang ibang tao partikular ang mga mamamayan na nakaranas
nang pagmamalupit sa kamay ng pamahalaan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 111 ng 126
3. Makabayan – Makikita ito kung paano ipinagtanggol ng mga anak ni
Amanda partikular si Jules, sa pamamagitan ng pagsali sa NPA para
makamit ang hustisya sa kamay ng mapang-abusong gobyerno noong
panahon ng Martial Law. Ang labis na kalupitang ito ng pamahalaan ay nais
nilang mapigilan at mawaksi upang maibalik ang kaayusan at kapayapaan
sa bayan.

4. Makakalikasan – Ang kalikasan sa nobela ay gaanong nabigyang-diin


dahil ang mga tinalakay na paksa ay pawang may kaugnayan sa sosyal na
aspekto ng lipunan. Walang gaanong pagbanggit tungkol sa kalagayan ng
kalikasan sa partikular sa pangngalaga rito.

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan


1. Realismo – Mahalaga ang konteksto o ang lipunan at panahon. Nasasalamin
ng akda ang mga pangyayari sa kasayasayan ng lipunan. Mahalaga ang
pagsusuri sa mga tauhan, kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon
pati na ang umiiral na tunggalian: sa sarili, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa
kalikasan.

2. Feminismo – tumutukoy ang Feminismo sa prinsipyo o paniniwalang dapat


maging pantay ang katayuan, oportunidad at karapatan ng mga babae at ng
mga lalaki. Sa teoryang ito, maaaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan,
posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaaring ilantad din ang
mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.

Sa teoryang ito nalalantad ang mga sumusunod:


 tradisyonal na isteryotayp o pananaw sa mga babae- tingnan kung
inilalarawan sa teksto ang mga babae bilang anghel, galit, tukso,
mandaraya, mangkukulam, at iba pa;

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 112 ng 126
 mga pangkalahatang akusasyon laban sa mga babae- tingnan kung
inaakusahan ng teskto ang babae ng pagkasentimental, hindi
pagiging makatwiran, pakikipagsabwatan at pagiging walang tutol;
 pag-abuso at pagkutya – tingnan kung minamaliit ng teskto ang mga
nagawa ng mga babae, pinagtatawanan sila, o inaabuso sila; at
 sinasadyang pag- alis sa mga babae sa mga narativ kung saan dapat
naroroon sila.

3. Post-Kolonyalismo – Ang mga tauhan sa Dekada ’70 ay kakikitaan ng


karanasan sa pagmamana sa lupit ng pamahalaan. Sa nobela ipinakita ang
tunay na pangyayari patungkol sa panahon ng Batas Militar. Ito ay patungkol
sa katiwaliang nagaganap sa parehong nobela, katiwalian at kasamaan ng
pamahalaan, partikular ng mga sundalong umaabuso sa pagpapatupad ng
kapangyarihan at/o batas.

4. Modernismo – Kakikitaan ng paggamit ng teoryang Modernismo ang nobela


ni Bautista dahil masasalamin mula rito ang mga makabagong pananaw at
kaisipan ng mga tauhan. Ang kanilang pagtingin na kasabay ng pagbabagong
nagaganap sa mundo ang kilos o gawi ng mga tao sa lipunan.

5. Existensyal – Sa teoryang Eksistensyalismo, ang bawat tao ay may


kalayaang pumili sa kanyang sarili. Malinaw itong makikita sa mga tauhan sina
Amanda, Jules at Emmanuel. Sila ang patunay na ang kapangyarihan ng
pagdedesisyon ng kanilang mga aksyon at pag-iisip ay kontrolado o hawak
nila. Ang pagkakaroon nila nang malinaw na kaisipan ay pagpapakita lamang
na hindi nila gustong magpakulong sa kumbensyon ng kung ano ang
nakasanayan nang mangyari partikular sa lipunan.

KONKLUSYON
Ang nobelang isinulat ni Lualhati Bautista ay isang pagpapatunay ng
mayaman at matapat na uri ng panitikan. Mayaman sapagkat masasalamin dito

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 113 ng 126
ang mga kultura, tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino na binigyang buhay ng
mga tauhan. Matapat sapagkat nagawang mailantad ni Pascual ang katotohanang
namamayani sa pagitan ng lalo pang lumalawak na pader ng dalawang
nagtutunggaling uri: ang mga nasa itaas at ang mga nasa mababang antas ng
lipunan. Pinatotohanan din niya na may epekto sa isa’t isa ang paraan ng
pakikitungo ng tao sa kaniyang kapwa. Malakas pa rin ang impluwensya ng mga
taong nasa kapangyarihan at nagtataglay ng salapi. Minsan din ipinakita sa
nobela na isang paraan ito ng pagbuhay sa natutulog na kamalayan ng mga
mahihirap upang magising sila sa katotohanan at ipaglaban ang kanilang mga
karapatan.
At ang rebolusyon ay nangangahulugan ng pagtayo sa sariling mga paa
upang maipakita ang kalayaan at ang indibidwalidad. Palaging may mga taong
nakahandang lumaban sa sandaling maputol ang tali na nag-uugnay sa kanilang
pasensya at pagtitiis.
Naipakita rin sa nobela na ang mga nasa mababang uri ay patuloy na
naghahangad ng pagbabago at pag-unlad sa kanilang mga sarili kahit pa may
mga taong pilit na humahadlang sa pagkamit nila sa mga ito. Ginamitan din ang
nobela ng mga pangyayaring gigising sa kamalayan ng mga mambabasa tungkol
sa mali at hindi makataong pakikitungo sa mga mahihirap. Ang pang-aapi at
pang-aabuso na makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan dahil hindi nila
nagawang maipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Sinasabi lamang sa nobela na kung magpapatuloy ang ganitong mga
tunggalian ng uri ay marami pang rebolusyon ng tao ang posibleng maganap.
Ang matapang na paglalahad na ito ni Bautista ay patunay lamang ng
pagiging makatotohanan ng nobela sa maraming bagay at makabubuti rin sana
kung mas marami pang tao ang makakabasa nito upang mabigyang sila ng mas
malinaw pang pananaw tungkol sa mga tunggalian ng uri sa lipunan. Mahalagang
magkaroon pa ng mga ganitong klase ng nobela na makakapagpalawak pa ng
kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa ganitong mga uri ng
namamayaning sistema at kalagayan ng lipunan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 114 ng 126
XAVIER SCHOOL

LESSON PLAN

(Based on Ignatian Pedagody)

“Teaching the Ignatian Way”

Asignatura FILIPINO Taon G10 School Year 2019-2020

Paksa:Paglaya sa Tanikala Markahan


Pagbasa at Pagsusuri ng Obra Maestrang Dekada ’70 ni Lualhati
Bautista Ikatlong
Markahan
Mga Kasanayang Pampanitikan:
1. Pagsusuri sa mga pangyayari, sanhi at bunga
2. Pagbibigay-kahulugan sa mga simbolismo
3. Pagtukoy sa napapanahong isyung panlipunan
4. Pagbibigay-katwiran o pananaw sa sa mga isyung panlipunan
5. Pagsusuri sa konteksto ng kultura at pamumuhay ng mga Pilipino
6. Paghihinuha sa maaaring kahinatnan ng mga pangyayari, tauhan

Materyales: Bilang ng
Pagkikita:
Kopya ng nobelang Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
4

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 115 ng 126
Handouts/worksheets

Diksyunaryo

Macbook

Pangkat A B C D E F G H

Petsa

KONTEKSTO

Regular ang mga klase sa ikatlong taon nasa One2One. Nabasa na ng mga mag-aaral ang
nobelang Noli Me Tangere. Nakasusuri na rin sila ng mga elemento ng maikling kuwento
kabilang na ang tema at simbolismo ng mga akdang pampanitikan. Inaasahang sa
pamamagitan ng mga akdang ito ay mamumulat ang mga mag-aaral sa mga isyung
panlipunan na tinatalakay sa bawat akda. Nagtatangka rin ang araling ito na maayos na
maiproseso ang mga mag-aaral sa mga akdang tumatatalakay sa mga isyung may
kinalaman sa ”gender sensitivity.”

AKSYON

Transfer Goal

1. Maging mulat at mapanuri sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang kapaligiran.


2. Nag-iisip at naiuugnay ang sarili at lipunan sa bawat nasasaksihan.
3. Makapagdulot ng kabutihan sa lipunan ang malalim na pagkilala sa mga taong
nakasasalamuha sa araw-araw.
4. Makapagpahayag sa pasalita o pasulat na pamamaraan ng iba’t ibang kaalaman,
damdamin at karanasan.
5. Makapagbigay ng pangagatwiran sa hinggil sa mga napapanahong isyu.

Mahahalagang Kaisipan ng Yunit

1. Sinasalamin ng panitikan ang karanasan ng isang tao.


2. Ang bawat tao ay may kakayahang makabuo ng isang kuwento ayon sa kanyang
kaalaman at karanasan.
3. Maipapahayag sa isang malikhaing paraan ang nilalaman ng puso at isipan.

Layunin sa Pagkatuto Mga Pagtatasa

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang Mga Pagtataya:


mga mag-aaral na…

Mahabang Pagsusulit
1. Makapagsuri ng mga simbolismong
makikita sa mga akda Paggawa ng Advocacy/Awareness Video
2. Makapagsuri ang katauhan ng mga
tauhan sa akdang batay sa kanilang mga

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 116 ng 126
naging aksyon at mga pahayag. Paggawa ng Papel Pagsusuri
3. Makapaghinuha ng mga maaaring
kahinatnan ng tauhan ayon sa mga
inilahad na pangyayari.
4. Makapaglahad ng mga kaganapan sa
lipunan na nasasalamin sa mga
pangyayari sa akdang binasa.
5. Maging mulat ang isipan sa taglay na
pagkakaiba-iba ng mga nilalang.

REPLEKSYON

Mahahalagang Katanungan

1. Ano ba ang konsepto ng tamang katwiran?


2. Paano ko patutunayang hindi totoong pagpapayaman lamang ang inaatupag ng mga
mayayaman?
3. Ano ang maaari kong gawin sakaling ipinagkait sa akin ang aking karapatan?
4. Sa isang labanan, ano ang mas magandang armas: ang pisikal na lakas o ang lakas at
talas ng pag-iisip?
5. Ano ang nagtutulak sa isang tao upang mamuhi sa kanyang kapwa?
6. Paano nakaaapekto ang pamamahala sa kaunlaran ng isang bansa?
KARANASAN

UNANG ARAW

Pagpapabasa/pagtalakay sa teksto sa nilalaman ng akda, pangkatang gawain

Lakas ng Sambayanan

PRELEKSYON

1. Ipapanood sa mga mag-aaral ang kopya ng Lakas ng Sambayanan na may pagbibigay-


tuon sa bahagi ng First Quarter Storm.
2. Habang pinapanood, tuwi-tuwinang ihinto ang pagpapalabas upang bigyang-paliwanag
ang ilang mahahalagang bahagi ng panahong tinatalakay sa dokumentaryo. Ang mga
mahahalagang dapat maipaunawa sa mga mag-aaral ay ang mga sumusunod:
*Ang First Quarter Storm- saan,paano at kailan ito nagsimula?

*Pagpapatupad ng Batas Militar

3. Mahalaga itong matalakay at maiproseso sa klase sapagkat dito magmumula ang


makabuluhang pag-uugat ng kontekstong nakapaloob sa nobelang dekada ’70.

TALAKAYAN

Anong Uri ng Lipunan ang Kinabibilangan ng Pamilya Bartolome? (Pagsusuri sa mga Isyung

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 117 ng 126
Panlipunan sa Nobela)

Sa puntong ito ay dapat matalakay ang mga mahahalagang konsepto sa ibaba habang
sinisimulang ilahad, ilarawan at palutangin ang bawat katangian ng mga Miyembro ng
pamilya Bartlome gayundin ang mga nakapaloob na mga isyung panlipunang makikita sa
mga kabanata 1-10

Pangkatang Gawain:

1. Mga Epekto sa Lipunan ng Pagbababa ng Martial Law


a. pag-aresto sa mga lider-estudyante
b. pagsuspindi sa mga student councils
c. pagsuspinde sa writ of habeas corpus
d. pag-uumpisa ng mga zoning at raids
e. pagpapasara sa mga ”subersibong” babasahin tulad ng Manila Times, Free
Press, etc.
2. Talakayin ang buhay na nais tahakin ni Isagani
a. pagnanais na makapasok sa US Navy (Ano ang naging reaksiyon ni
Jules dito at bakit? Ano naman ang naging tugon ni Julian Sr. sa ambisyon ng
anak?)
b. pagbubuntis ni Evelyn (nagbigay-banta sa pagtigil sa pag-aaral ni
Isagani)
c. Anu-ano ang mahahalagang saloobin ng kani-kaniyang pamilya nina
Isagani at Evelyn ukol sa pagbubuntis ng huli
3. Amanda Bartolome – ”...ang pagbubuntis ang kapangyarihang hindi kailanman
maaagaw ng lalaki sa babae. » (p.39)
a. Bakit nagkaroon ng ganitong kaisipan si Amanda?
b. Anu-ano ba ang mga nararanasan niya kasama ang kanyang asawa
upang isiping matagal na dapat niya itong natanto?
c. Bakit ang pagbubuntis ang kapangyarihang hindi kailanman maaagaw
ng lalaki sa babae?
4. mahahalagang saloobin ni Amanda Bartolome ukol sa mga kaganapan sa buhay ni
Isagani
a. dapat napangaralan niya ang kanyang mga anak noon pa ukol sa
maagang pag-aasawa
b. sana’y mas naging bukas siya sa kanyang mga anak ukol sa usapin ng
seks
c. ”... puro lalaki ang anak ko. Kung naging babae san sila, hindi ako
mahihiya sa kanila.” (p.40)
d. Sa puntong ito, anu-ano ba ang mga responsibilidad ng isang ina sa
kanyang anak?
e. Bakit kailangang magkaroon ng kaunting ”pagsisisi” si Amanda ukol sa
pagpapalaki niya sa kanyang mga anak? May kinalaman ba ang lipunan dito?
5. pagiging mulat ni Jules sa mga kaguluhan sa lipunan
a. paggawa ng guryon para kay Bingo gamit ang official paper ng
Communist Party
b. mga akdang tumutuligsa sa batas-militar na nasa mesang sulatan ni
Jules

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 118 ng 126
c. mga pananaw ni Jules ukol sa mga tulong ng Amerika sa Pilipinas
d. muling pagtatalo nila ng kanyang ama ukol sa usaping politika
e. Paano ito tiningnan ni Julian bilang haligi ng tahanan? Ano ang naging
tugon niya kay Amanda?
6. pagkamulat ni Amanda sa mga katotohanang nagaganap sa lipunan (pang-aabuso ng
mga dayuhan)
a. pagbabasa ng isang akdang nakita niya sa mesang sulatan ni Jules
b. isyu ng multinational companies sa bansa
7. muling pagbabalik ni Jules at pagbabalitang pinatay si Willy, na kanyang kaibigan.

PAGWAWAKAS

1. Sa paanong paraan nakita ang epekto ng mga pangyayari sa lipunan batay sa mga
naging pagkilos ng mga sumusunod na mga tauhan sa nobela?
2. Patunayan at talakayin ang laging sinasabi ni Jules Sr. na ”Its A Man’s World”. Paano
ito nakita sa pakikitungo niya sa kanyang asawa at pagtrato niya sa kanyang mga
anak?

IKALAWANG ARAW
Pagsusuri sa nilalaman
Sino ang Pamilya Bartolome? (Pagkilala at Pagsusuri sa mga Tauhan)

PRELEKSYON
1. Magpapapanood ng isang bahagi ng pelikulang Dekada ’70.
2. Bibigyang tuon ditto ang mga pinanggagalingang karakter/katangian ng bawat
Miyembro ng pamilya/
3. Atasan ang mga mag-aaral a magtala ng mga mahahalagang detalye na makatutulong
sa talakayan sa klase.

TALAKAYAN
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit may ganoong uri ng ideolohiya si Jules gayong kung tutuusin ay maaari siyang
manatali sa karangyaan ng buhay na mayroon siya? Ano sa palagay mo ang
nagbunsod sa kanya upang tumugon sa kanyang lipunan sa ganoong paraan?
2. Sa paanong paraan binigyang kulay ni Amanda ang kanyang tauhan sa pagbibigay
representasyon sa mga kababaihan noong panahon ng martial law?
3. Sa paanong paraan nagkakaiba ng pananaw at pagtugon ang mag-asawang Julian at
Amanda sapagpapalaki at paghubog sa kanilang mga anak?

Pagpapalalim

1. Burol ni Willy
a. pagkamatay ni Willy sa panahong hindi alam ni Amanda na may armadong
labanang nagaganap sa lipunan
b. pagkatanto ni Amanda na masarap maging ina habang bata pa ang mga
anak (p.52)
c. malaking pagbabago ni Jules para kay Amanda (pagbabago ng kanyang mga

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 119 ng 126
kaisipan at mga paninidigang ipinaglalaban)
2. matapang na pananalita ni Amanda kay Julian ukol sa mga nagaganap sa buhay ng
kanilang mga anak (unang pagkakataon na nagawa ito ni Amanda sa loob ng
mahabang panahon nila bilang mag-asawa)
a. pagkasawa ni Amanda sa pagiging tauhan lamang ni Julian
b. tagatimpla ng kape at tagamasahe ang kanyang tungkulin
c. bakit kailangang may pagraranggo sa lalaki’t babae sa pagiging magulang
d. gusto niyang pagsisihan na naging ina lang siya ng mga ank ni Julian
3. pagpunta ni Jules sa Bicol
a. exposure trip lang daw ayon kay Jules, ngunit ito’y pagsama sa mga taong
lumalaban sa pamahalaan
b. ”...mabuti pa, tsaperonan mo na ’ko! Baka sakaling mamulat pa pati ikaw!” –
Jules
c. pagsampal ni Amanda kay Jules  pagkatanto ni Amanda na ito ang kulang sa
kanila ni Julian (ang pagbubuhat ng kamay kaya hindi alam ng kanilang mga
anak kung sino ang boss sa kanilang tahanan)
d. pagluha ni Jules, paghingi ng tawad sa kanyang ina at ang kanyang tuluyang
pag-alis
4. Julian: ”Bakit mo gagawin ang isang bagay kung maguiguilty ka pala? Hindi yata
honest ’yon, ha, Em? Ang alam ko, lahat ng gawin ng tao, dapat niyang gawin ayon sa
kunsensya niya!” (p.63)  bilang sagot sa pahayag ni Em na naguilty rin naman si
Jules sa kanyang pag-alis nang walang paalam
a. mahihinuhang hindi matanggap ni Julian na ginawang tau-tauhan lamang siya
ni Jules  pagpapakita ng ”pagkatalo” ni Julian kay Jules
b. pagkainsulto na si Em ang kinakausap ni Jules tungkol sa mga plano niya imbis
na si Julian  pagpapakita muli ng ”pagkatalo” ni Julian kay Jules
5. Amanda: Somewhere along the way, bumibitiw nga ang bata sa kanyang ina para
maging ”ang laki laki na!” (p.65)  isang katotohanang kailangang makasanayan ni
Amanda ngayong nagkakaroon na ng sariling pag-iisip ang kanyang mga anak
6. Julian: ”Every man should have something he’d die for. A man who has nothing he’d
die for is not fit to live.” (p.67)  pagpapaunawa kay Amanda na:
a. malalim ding dumama ang mga anak (na nag-aalala rin siya kay Jules dahil
anak niya ’yon)
b. hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na kausapin si Jules dahil hindi niya
nauunawaan ang anak
c. may karapatan ang anak nilang sundin ang sarili niya, na hanapin ang
katuparan niya
7. paghahambing ni Gani sa relasyon niya kay Evelyn sa relasyong Julian-Amanda
(pagkainggit ni Gani kay Julian)  ikinapikon ni Amanda ang tuwinang pagkukumpara
ng mga lalaki sa isa’t isa
8. tula ni Gibran Kahlil Gibran na ipinadala ni Jules para kina Gani at Evelyn  ”walang
pananagutan ang mga anak sa kanilang mga magulang”
9. Domeng
a. Isa sa mga kasamahan ni Jules na lumagi sa tahanan nila (masipag, magalang)
b. Naging close sa pamilya Bartolome lalo na kay Bingo
c. Pinakamasamang sinabi ni Domeng kay Bingo: magpabili ng bisikletang ten-
speed
10. usapan nina Amanda at Bingo tungkol sa komunismo  ano ang mga
mahalagang natanto ni Amanda tungkol sa komunismo na naipabatid niya kay Bingo?

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 120 ng 126
PAGWAWAKAS

Ipaliwanag at pag-usapan ang mga ito sa klase:

”Walang pananagutan ang mga anak sa kanilang mga magulang.”

”Ang mga bata/anak ay tulad din ng mga ibon.”

IKATLONG ARAW
Bisang pangkaisipan, pandamdamin, pangkaasalan
Si Amanda at ang Kaniyang mga Papel sa Buhay (Pagsusuri sa Tauhan, Pagsusuri
sa mga Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari)

Preleksyon
1. Ipapanood sa klase ang The Empowered Filipina (1) na mula sa
http://www.youtube.com/watch?v=F4obH9is-EE
2. Matapos mapanood ay hahayaang ang mga mag-aaral (dyad) ay gumawa ng kanilang
sariling paghahambing sa mga babaeng napanood/napanayam sa video at sa mga ilang
mga kababaihang tauhan sa Noli Me Tangere ( Maria Clara, Sisa, Hermana Rufa)
3. Ito ay tahimik muna nilang gagawin gamit ang googledocs at matapos ay ilalahad sa
klase ang kanilang mga naging paghahambing at pagtatambis.
4. Matapos ang pagbabahaginan ay nararapat na magkaroon ng makabuluhang pagliliang
mga mag-aaral kung bakit sa palagay nila ay napakalaki na ng pinagkaiba ng mga
kababaihan noon sa ngayon? Mahalagang mapalutang kung mas nakabuti o nakasama
bas a lipunan ang mga pagbabagong ito.

Talakayan
Mahahalagang Punto sa Pagtalakay

1. Amanda Bartolome vs. Evelyn Bartolome (Kabanata 11-13)


a. Nais ni Evelyn na magtrabaho kaya’t pinili na lang niya na lisanin ang bahay
b. Hindi siya maipagtatanggol ni Amanda kay Julian sakaling hindi pumayag si
Julian sa pagtatrabaho ni Evelyn (balikan ang pananaw ni Julian ukol sa
mga babaeng naghahanap-buhay)
c. Mga pangamba at pagkahiya ni Amanda ukol sa mga posibleng pagtingin sa
kanya ni Evelyn bilang babae/asawa/ina
d. Sa bahay at buhay ni Amanda ay hindi siya ang higit na nagpapasiya

2. pagkabalisa ni Amanda sa tuwing pinapapasok siya ni Julian sa kuwarto


a. hindi tuwirang sinasabi ni Julian kung ano ba ang gagawin nila (kahit alam na
naman ni Amanda kung ano iyon)
b. wala nang dinadalang kasiyahan sa loob ni Amanda ang pakikipagtalik sa
kanyang asawa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 121 ng 126
c. …iyon lang ba talaga ang silbi ko sa buhay: ang magsilbi kay Julian? (p.86)

3. muling pagtatagpo/pagkikita nina Amanda at Jules sa loob ng mahabang panahon


a. pagpapakilala kay Mara bilang napupusuan ni Jules
b. pagpapaunawa kay Amanda na ang pagbatikos sa naghaharing sistema sa
lipunan ang magiging buhay na niya kahit siya ay mag-asawa na
c. tunay na pagkatao ni Domeng
1. adyaks
2. pakawala ng militar; pinapasuweldo ng militar; nagrereport sa militar ng
bawat kilos nina Jules
3. sarhento ng PC
d. mga bilin ni Jules upang huwag mapahamak ang kanyang pamilya
e. ”...hindi personal na relasyon ang pinag-uusapan dito... labanan ‘to ng
prinsipyo." – Jules (p.94)
f. Pagpapaalam ni Jules na baka tuluy-tuloy na ang kanyang pag-alis matapos
ang pagkikitang iyon  pagkatanto ni Amanda ng hirap ng isang ina (Bakit sa
ganitong mga paglisan ng mga ina, higit na nahihirapan ang mga ina?)

4. pagliligpit ng mga gamit ni Jules sa tahanan ng mga Bartolome


a. pagpapaunawa ni Julian kay Amanda na hindi dapat siya magalit kay Domeng
dahil ibinibigay lamang nito ang kanyang buhay sa kapaniwalaan ni tulad ng
ginagawa ni Jules
b. ang paglaban para sa kanyang prinsipyo ang humuhubog sa pagkatao ng isang
mamamayan
c. ... all is fair in love and war (Anong kabalintunaan sa buhay ni Amanda
ang ipinapahiwatig ng katagang ito  ? Totoo ba ang sinasabi ng
katagang ito sa buhay ni Amanda ?)
5. pagpunta ni Amanda sa tahanan nina Evelyn (susubukang mabago ang desiyon ni
Evelyn ukol sa pakikipaghiwalay sa asawa dahil ”naaawa” sa anak na si Gani)  hindi
laging ang pagkakaroon ng ibang lalaki ang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-
asawa
a. ”Wala ho tayong magagawa. Nagbabago talaga ang tao. Nagbago na lahat ng
nararamdaman ko nun.” – Evelyn  pagpapakita ng dahilan kung bakit
nakipaghiwalay si Evelyn kay Gani (pagiging mature ng pag-iisip ni Evelyn)
b. naalala ni Amanda ang winika ni Jules: The only permanent thing is change.
6. usapin ng paghihiwalay (Amanda at Julian)
a. lumulutang ang mga pinapahalagahan ni Julian sa isang relasyon: PERA,
POSISYON sa buhay, PRINSIPYO/PANININDIGAN (3 P’S)  nagpapakita
ng kapangyarihan ng mga lalaki sa isang relasyon (kung maayos ang lahat ng
ito, walang dahilan upang makipaghiwalay ang isang tao sa kanyang asawa)
b. Amanda: kailangan ng babae ng sense of achievement na karaniwang hindi
nila nakukuha sa isang relasyon (tulad ng sa kanya at sa relasyon nina Gani at
Evelyn)
c. pagbabalita ni Amanda kay Julian na naghiwalay na sina Gani at Evelyn
(pagkabigla ni Julian sa balita)
7. pagkapanalo ni Amanda laban kay Julian
a. pangungulit ni Amanda kay Julian tungkol sa pagtanggap kay Evelyn sa
kanilang bahay

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 122 ng 126
b. isyu ni Amanda: ”Masama lang ang loob mo dahil naisahan ang anak mo… at
lalaki ’yong anak mo! Pero kung ’yong anak mo ang nakipaghiwalay, sasabihin
mo, sundin ang loob niya. May karapatan siya. Meron siyang human rights!”
(p.107)
c. Ano ang masasabi tungkol sa pagkatao ni Amanda sa puntong ito ng nobela?

Pagwawakas

1. Sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay na iyong iuupload sa iyong wordpress


account ay patunayang hinuhubog ng lipunan ang kanyang mga mamamayan sa paraan
ng pagtugon sa mga pangangailangan nito. Ilahok ditto ang iyong mga patunay mula sa
mga kabanatang tinalakay gayundin ang pagbuo sa iyong sariling mga pananaw ukol sa
naging kinalabasan ng mga tauhan sa kabanata (Amanda,Jules, Julian)

IKAAPAT NA ARAW

Teoryang Pampanitikan
Paano Binago ng Lipunan ang Buhay ng Pamilya Bartolome? (Pagsusuri sa Tauhan,
Pagsusuri sa mga Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari) (Kabanata 18-23)

Preleksyon
Pagbabalik-aral. Balikan ang mga mahahalagang punto at pangyayari sa mga tinalakay na
kabanata sa Dekada ’70.

Talakayan

a. Teoryang Marxismo
 Batay sa Marxistang pananaw sa mga isinulat nina Karl Marx at Friedrich Engels.
 Sinagupa ang namamayaning pananaw sa buhay at pilosopiya noong ika-19 siglo.
 Pinag-aralan kung bakit may pagkakaiba ng mga uri sa lipunan.
 Pumasok naman ang Marxismong pananaw sa kritisismo ng panitikan noong dekada
’70.
 Ang anyo ng komunidad ay mula sa paraan ng produksyon at ugnayang nakaugat sa
relasyong pangkabuhayan.
 Nalilikha ng anyo ng ekonomiya ang mga uri sa lipunan.
 Hal. PYUDALISMO (magsasaka vs. panginoong may-lupa)
 Ang kasalukuyang anyo ng ekonomiyang nagbabanggaan ay ang KAPITALISMO at
KOMUNISMO/SOSYALISMO
 Ang panitikan ay hindi lamang dapat maging salamin ng buhay. Ito ay isang
instrumentong politikal.
 Tunggalian ng mga uri (class struggle)
a. Proletaryo (proletariat)
b. Petiburgesya (petit-bourgeoisie)
c. Burgesya (bourgeoisie)

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 123 ng 126
b. Teoryang Feminismo

tradisyonal na isteryotayp o pananaw sa mga babae- tingnan kung inilalarawan sa
teksto ang mga babae bilang anghel, galit, tukso, mandaraya, mangkukulam, at iba
pa;
 mga pangkalahatang akusasyon laban sa mga babae- tingnan kung inaakusahan ng
teskto ang babae ng pagkasentimental, hindi pagiging makatwiran,
pakikipagsabwatan at pagiging walang tutol;
 pag-abuso at pagkutya – tingnan kung minamaliit ng teskto ang mga nagawa ng mga
babae, pinagtatawanan sila, o inaabuso sila; at
 sinasadyang pag- alis sa mga babae sa mga narativ kung saan dapat naroroon sila.
c. Kabanata 18-20
 pangungulila ni Amanda sa pagsasama nila ni Julian
 nais makipagtalik kahit alam niyang hindi siya masisiyahan
 kailangan lamang ng patunay na magkasama pa nga sila
 matanda na’y hindi pa rin alam kung ano iyong kulang sa buhay niya
 Julian kay Amanda: ”...nalulungkot ka para kay Jules, maligaya siya sa ginagawa
niya. It’s not fair!... and I’m really proud of you.”  unang beses na pinuri ni
Julian si Amanda sa loob ng matagal na panahon
 pagdating ni Rene sa tahanan nina Amanda
 nasugatan mula sa isang labanan
 hindi pagpayag nina Amanda at Julian sa simula (dahil sa panganib na posibleng
kaakibat ng pananatili ni Rene sa kanilang tahanan)
 sa pag-alis muli ni Jules: tanging kapalit na hiniling ni Amanda ang
pagkukuwentuhan nilang mag-ina sa muling pagbabalik ni Jules
 pagturing ni Amnda kay Rene bilang si Jules  ”Sana ang ginagawa kong ito’y
gagawin din ng lahat ng ina sa lahat ng batang galing sa labanan...”
 Mga kuwento ni Rene
 isyu ng mga manggagawa sa mga minaha
 isyu ng mga manggagawa sa taniman ng tubo
 isyu ng mga mamamayang nawalan ng tahanan dahil sa demolition
 pagpoprotesta ng mga mag-aaral at religious communities noong Labor Day 1975
 isyu ukol sa piyudalismo, mga impluwensiyang dala ng mga mananakop
 pagkakaiba ng pananaw ni Amanda sa pananaw ni Rene ukol sa papel ng
pamahalaan
 pagbabalik ni Jules
 dala na niya si Mara (buntis at kasal na sila)
 hindi pagsasabi ni Jules ukol dito dahil lalaki naman siya at it’s a man’s world
(dulot ng pamamaraan ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang)
 hindi mahalaga ang relasyong personal sa mga taong “naroon”
 pagkakaiba ng mga lalaki at babae sa paniniwala sa pag-ibig at sa pag-aasawa
(Julian)
 babae: ito na ang kanilang buhay; sapat na ang kanyang pagiging asawa at ina
 lalaki: bahagi lamang ito ng kanilang buhay (mayroon pa silang trabaho,
ambisyon, pagkagutom sa lakas at kapangyarihan)
 mga paniniwala ni Amanda ukol dito:
 hindi sapat na maging asawa’t ina na lang habambuhay
 mga lalaki lamang ang nagturo nito sa kanila
 basta maligaya ang mga lalaki, dapat maligaya na ang mga babae (mali ito para kay
Amanda)
 bakit pa ako ipinanganak knug ang buhay ko ay para sa iba?

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 124 ng 126
 bakit para ako sa iyo pero ikaw ay para sa iyo pa rin?
 lumaki rin kasi siyang may paniniwalang dapat unahin ng mga ina ang kanilang pamilya
 Amanda vs. Mara
 pagpapasiyang lumaban sa pamahalaan sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga
magulang (Mara)
 pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga nangyayaring pang-aabuso sa
kanyang lipunan (Mara)
 isyu ng mga naghaharing-uri bilang hindi sila pagmumulan ng pagbabago sa
lipunan
 naiinggit si Amanda kay Mara
 pagsilang kay Rev, ang unang anak ni Jules
 pagkuwesityon ni Amanda sa silbi ni Jules bilang ama
 Jules  paglaban sa batas militar bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang
anak (inaayos niya ang lipunang kalalakhan ng kanyang anak)

Kabanata 21-WAKAS

 pananatiling kontrolado ng Amerika ang Pilipinas sa kabila ng pagiging ”malaya” nito


 pagdating ng mga PC sa tahanan ng mga Bartolome
 paghahanap kay Jules, bilang si Jules ay isang Political Officer ng mga grupong
bumabatikos sa batas militar
 pagsusumbong ni Rene kay Jules (Ano kaya ang dahilan kung bakit ito nagawa ni
Rene sa pamilya ni Jules sa kabila ng kabutihang ipinakita ng pamilya Bartolome
sa kanya? Labanan ba muli ito ng mga prinsipyo?)
 pagkatuwa ni Amanda  hindi nagkamali ng sagot ang kanyang pamilya
 mga kaguluhan sa lipunan
 pinakamahalagang isyu sa lipunan: Interim Batasang Pambansa at
paghamon sa oposisyon ng pangulo na magparada ng kanilang kandidato
 kaguluhan sa lipunan
 pagkakatatag ng ilang mga partido
 mismong si Julian ang nakasaksi nito
 pag-aalala ni Amanda sa kalagayan ng kaniyang mga anak  masasabing unti-
unti na nilang nararamdaman ang epekto ng batas militar sa pmamagitan ng mga
pagbabago sa kanilang mga anak
 Hunyo 22  pagkatuklas na nahuli si Jules noong Hunyo 12; naka-detain sa
Camp Crame
 kalagayan ni Jules sa loob ng kampo
 under investigation pa; incommunicado; hindi pa pwedeng dalawin
 mga tanda ng pang-aabuso kay Jules sa loob ng kampo:
 marka ng mga paso ng sigarilyo
 pagiging mapula’t malalim ng kanyang mga mata
 pinagsusuntok at pinagtatadyakan
 pagkoryente sa kanyang bayag
 hubo’t hubad na pagpapahirap
 magdamag na ibinilad sa kuwartong may aircon habang walang saplot
 sumasakit ang ulo, may sipon, may tuyong ubo at sipon
 pagpapakita ng hindi makataong pagpapahirap ng mga taong nasa pamahalaan
sa mga taong kumakalaban sa kanila
 trahedya ng isang ina: hindi maangkin ang mga dinaramdam ng kanilang anak at

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 125 ng 126
walang magawa kung hindi iyakan ang kanilang pagdurusa (Ano ang sinasabi nito
ukol sa pagkatao at mga paniniwala sa buhay ni Amanda?)
 mga realisasyon ni Amanda sa pagkakahuli kay Jules
 pinatutunayan ng lalaki ang kanyang kapangyarihan at pagkalalaki sa
pamamagitan ng karahasan
 “…kung ang lalaki ay hindi laging nag-aambisyon ng kapangyarihan at
pagkalalaki, hindi isa-isang maiimbento ang mga sandatang pamuksa.”
 “Ang daigdig ay hindi sana naging ganito karahas at ang mga karanasan ng tao,
hindi ganito kalungkot.”
 Mahalagang puntuhin ang papel ng lalaki sa lipunan. Magandang gawing
halimbawa si Julian bilang tauhang may malaking pagkauhaw sa lakas at
kapangyarihan.
 pagiging mabagal ng takbo at hustisya sa bansa kaya’t ayaw na rin namang
magpetisyon nina Amanda

Pagwawakas
 Ano ang maaaring ipahiwatig ni Amanda sa kanyang sinabing: “…kailangan na nga yata
natin ng rebolusyon!” Ano ang maaaring simbolismo ng sinabi niyang ito batay na rin sa
transpormasyon na pinagdaanan ng kanyang pagkatao sa lipunang kanyang
ginagalawan?
 Masasabi bang napapanahon na talaga para sa transpormasyon ng lipunan ng mga
panahong iyon? Patunayan sa pamamagitan ng mga tiyak na pangyayaring
makasaysayan sa Pilipinas nang pumasok ang dekada 80’s.
 Sa puntong ito ay iuugnay naman ng guro (pahapyaw) ang nobelang susuriin ng klase na
tampok rin sa panahon ng martial law ngunit sa pananaw naman ng mga manggagawang
may ipinaglalaban. Ipababatid ng guro sa klase na magkakaroon ng kolaboratibong
pagpapangkat sa klase sa pagtalakay sa Desaparesidos.

Inihanda ni: G. Glenn B. Gomez

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 126 ng 126
Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralinng Obrang Maestrang
Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista
Rhaffy M. Onofre

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 127 ng 126
A. Buod

Nag-umpisa ang istorya sa pagmamartsa ng mga mag-aara na magtatapos sa kinder, isa si


Maya, ang anak ni Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay
ng honors ay may inilatag na isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si
Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o
kahit lipstick man lang si Maya dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa
mayk-up o kung anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder
ang anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya
bilang third honors.  Nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang
karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si
Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na
itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na iyon nang
tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng
pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay
Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na
binilinan ito ni Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-
amang Ojie at Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon
nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak
nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na
palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa
loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala
raw makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik na si
Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay gusto na nitong
magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa
Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro
sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng
magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang
magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila
ng officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato,
muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea ang balita ay dali-dali
itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino,
laman ito ng balita at libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang
kuwarter ng pasukan at ibinigay na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa malalim na
pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito sa report card ng mga bata, kaya naman nagbigay

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 128 ng 126
siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang at magbabayad na lamang siya,
pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan siyang kausapin ng principal. Nang magka-
usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya
dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea.
Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na naospital ang
kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni Ojie at gasgas
naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang nanermon
ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay
iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay
niyayang manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa
kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas na ng ospital
ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi
niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita
rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding
na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at
nagpakasal sila noong pasko, at gusto nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa pagpili ng
kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at ang
paggradwayt ni Ojie ng elementarya.

B. Elementong Pampanitikan Batay sa Dulog Feminismo

Ang layunin ng dulog feminismo ng panitikan ay magpakilala ng mga

kalakasan at kakayahang pambabae at inangat ang pagtingin ng lipunan sa mga

kababaihan. Sa dulog na ito babae ang pangunahing tauhan at ipinamayagpag

ang mabubuti at magagandang katangian ng kababaihan.Binubuo ng mga

karaniwang paraan ng pagsusuri ang feminismo na ang pokus ay ang

pangunahing tauhan at ang banghay na naglalaman ng simula, suliranin,

tunggalian, kakalasan at ang wakas.

 Ipinakita sa nobela kung gaano katatag ang pangunahing tauhan na si Lea sa

mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin ang kaniyang pagmamahal

sa kaniyang dalawang anak na kung saan na kahit na may posibilidad na sumama

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 129 ng 126
ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang ama pero hinayaan niya pa rin ang mga

ito na sila mismo ang pumili at magdesisyon kung kanino sila sasama. Pinakita rin

sa nobela ang pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na kung

saan mas pinili ni Lea na kaniyang trabaho kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela

ang mga palaban na kababaihan sa paglalaban nila sa kanilang karapatan.

Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta laban sa nagaganap

na Martial Law sa bansa.

1. Uri ng Genre – Nobela ng Tauhan

Ang nobela ay isa sa pinakamakabuluhan, pinakamayaman, at pinakamakulay

na panitikan.Natutunghayan dito ang iba’t -ibang takbo ng buhay ng tao at ang

nangyayari’y para itong buhay na mga pangyayaring namamasdan sa pang-araw-

araw na pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa mundo.Ito rin ay tungkol sa

mga yugto at masalimuot na banghay na binubuo ng maraming tauhan at

kinakailangan ng mahabang panahon upang maging mabisa ang wakas.

Sa nobela ng tauhan, binibigyang-diin sa nobela ang pangunahing tauhan,

mga hangarin, kalagayan, sitwasyon at pangangailangan at ang ibang mga

tauhan ang nakakaapekto sa buhay ng pangunahing tauhan. Kinakailangan

masuri ang uri ng nobela upang mabatid kung paano iikot ang buhay ng

pangunahing tauhan sa kwento.Ang pag-uugali at gawi ng pangunahing tauhan

ang nais bigyan-pansin ng may akda upang maihayag ng may akda ang

mensaheng nais niyang ipabatid sa mga mambabasa. Mapapansin ito sa mga

susunod na talata :

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 130 ng 126
“May gusto rin akong maging sa sarili ko, Ojie”,abi ni Lea sa ana. “Ibig kong sabihin,
may pangarap din ako.Alam mo, masi mahal ng babae ang isang lalaki, hindi niya
pinapatay ang kaangkinan niya.

2. Paksang- Diwa o Tema

Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa

kaniyang mga anak, ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging

pantay-pantay ng babae sa lalaki at ang mga nangyayari sa lipunan katulad na

lamang ng kaliwa’t kanang pagpatay, pagprotesta ng mga mangagawa at ang

pagpatay ay Ninoy Aquino.

Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan

ipinakita rito ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang

lalaking naging parte ng kaniyang buhay.

3. Banghay

Ang banghay ay tumutukoy sa nilalaman ng akda.Inilalarawan sa bahaging

ito ang paraan ng pagsisimula at pagwawakas ng akda. Tinatalakay rin ditto ang

kinakaharap na suliranin, tunggalian at ang kakalasan sa akda.

3.1 Simula

Umiikot ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na

babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at

pagdiriwang. Sa umpisa, maayos ang takbo ng buhay ni Lea – ang buhay niya na

may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa

kaniyang pakikipagtulungan sa isang samahan na pangkarapatang-pantao.

3.2 Suliranin

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 131 ng 126
Subalit lumalaki na ang mga anak niya – at nakikita niya ang mga

pagbabago sa mga ito. Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-

uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad, samantlang si

Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.

3.3 Tunggalian

Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang

kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka

kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang dalawang anak. Kailangan

niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan

niya.

3.4 Kasukdulan

Isang araw naaksidente ang mga anak ni Lea dahil sa paglalaro ng

bisikleta. Nagkita-kita sina Lea, Raffy at Ding sa hospital at nang mga oras na

iyon ang sinisisi si Lea na parang siya pa ang may kasalanan. Araw ng pasko

hindi pa rin umuuwi si Ding hanggang dumating ang bagong taon, lumipas pa ang

ilang araw doon lang bumalik si Ding ngunit ang sinabi lang niya kay Lea ay

ikakasal na siya sa ibang babae.

3.5 Kakalasan

Naiwan si Lea na mag-isang magtatguyod ng kaniyng dalawang anak sa

dalawang lalaki. Nais kunin nina Ding at Raffy ang kanilang anak, ayos lang din

naman ito kay Lea. Ang desisyon ay nasa dalawang bata kung kanino nila gusto

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 132 ng 126
sumama sa kanilang ama ba o sa kanilang ina? Ito rin ang panahon ng EDSA na

halos lahat ng mga Pilipino ay nagkakaisa sa iisang layunin.

3.6 Wakas

Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya – isang
pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral
ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay
siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano
sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad
ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa
paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa
buhay ng isang tao.

4. Paglalarawang-tauhan

 Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at

Maya. Nagtratrabaho siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang

karapatan ng tao o isang human rights organization. Nagkaroon ng dalawang

asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak. Naniniwala siya na

mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito

sa iba. Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat mula umpisa

ay hindi nagbago ang ugali at pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa

nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga anak.

  Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng

trabaho sa Surigao. Siya ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama

ang kaniyang anak. Mayroon na rin itong asawa at magtatatlong buwan na itong

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 133 ng 126
buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika upang makapiling na niya ito. Siya

ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago ang pakitungo nito kay Lea at

ang pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang paglalaban  na

alagaan na lamang ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho pa ito sa

organisasyon.

  Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya.

Naging karamay ni Lea sa mga panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay

Raffy. Laging naroon sa kaniyang nanay. Siya ay isang uri ng tauhang bilog

sapagkat sa huli ay nagbago ang kaniyang pag-ibig kay Lea at nagpakasal sa iba.

  Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy  sa

Amerika. Kahit na kinaiinisan si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang

ipakilala sa kaniyang tatay. Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong

una ay sumusunod ito kay Lea pero kalaunan ay naging pabaya ito sa pag-aaral

at nakita na lamang ni Lea na nagsusugal ng pool kasama ang matatanda.

  Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms.

Kinder sa kanilang paaralan. Isang uri ng tauhang lapad si Maya dahil hanggang

sa huli ay ang pagmamahal niya kay Lea ang naging dahilan sa pagpili niya rito

kaysa sa pagsama sa kaniyang ama.

  Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay

tumutulong ito sa kaniya at may nangyari sa kanila. Dinakip siya ng mga pulis at

kinasuhan ng PDA. Isang uri ng tauhang lapad si Johnny dahil hanggang sa huli

ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban niya pa rin ang

karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 134 ng 126
Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni

Lea, nagalaskahan silang dalawa ng unang magkita at nagakita ng paghanga kay

Lea dahil kayang-kaya ni Leang lumaban sa karapatan ng tao ngunit siya ay hindi

dahil nasa kapahamakan ang kaniyang trabaho kung saka-sakali siyang lumaban.

Isang uri ng tauhang bilog dahil ng unang magkita sila ni Lea at parang hindi ito

gusto si Lea at sa huli ay naging mabuting magkaibigan silang dalawa.

5. Tagpuan

 Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.

 Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang

mga bata.

Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at

dito rin nagtapos ang nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng

talumpati.

Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea

na  kalaunan ay naging mabuting magkaibigan.

Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng

organisation kung paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.

Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari

sa pagkamatay, paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa

gobyerno.

6. Simbolo o Sagisag

Maraming mga simbolo o sagisag ang nagamit sa akdang aking nabasa, sa

unang kabanata pa lang ng nobela ay mababasa ang kagamitan na maaaring

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 135 ng 126
sumimbolo kay Lea. Ito kamera na ginamit nina Lea at Ding sa pagtatapos ng

kanilang anak na si Maya. Makikita ito sa mga susunod na talata:

Itinaas ni Lea ang nakahanda nang kamera, isenentro sa anak na nasa kalagitnaan ng

linya.Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at

ngumiti nang maluwag. Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang

kamay ng kaklase. Pinandilatan sila ni Mrs. Macasaya.

Sa talatang ito sinisimbolo ng kamera ay ang atensyon na binibigay ni Lea

kay Maya, sinisimbolo ng kamera kung gaano kahalaga si Maya sa buhay ni Lea.

Isa pa sa mga simbolong aking napansin sa akda, ay ang biseleta na binili ni

Maya kay Ding, siniimbolo nito na ang buhay ay tulad ng isang biseleta, sa una

ay matutumba ka, magagalusan ngunit kaaibat nito ang pagkatuto muling

tatayo, titibayan ang loob at ipagpapatuloy ang pagbibisekleta ng buhay.

7. Estilo

Hindi nakakabagot ang kabuuang ng nobel sapagkat ang istilong ginamit ng

may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at Filipino.Maraming nangyayari

sa bawat eksena at karamihan sa parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang

kaganapan ng mga panahon na iyon. Mas umiiral din ang pagiging ina ng may-

akda dahil mararamdaman ito ng mambabasa sa katauhan ni Lea, na kahit anong

mangyari ang kaniyang anak at sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.

8. Kasiningan sa Paggamit ng wika, Talinhaga, Pahiwatig na Pananalit

at Pangungusap

Ang diyalogo ng bawat tauhan sa nobela ay makikita sa kanilang edad.

Halimbawa na lang nito ay kay Maya na kung saan makikita ang kainosentehan

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 136 ng 126
nito sapagkat tanong ito nang tanong na nangyayari naman talaga sa ibang

batang katulad niya. Si Lea na kung saan ang pananalita niya ay makikita ang

pagiging isang ina nito.

B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Maka-Diyos

Ito ay pagbibigay halaga sa pangkatauhan na tumatalakay sa batas na

itinakda ng Diyos. Bukod ditto, masasabing banal maka-Diyos ang isang tao kung

isinasabuhay niya ang kanyang pananampalataya at pinapahalagahan ito sa

kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Sa nobelang aking nabasa ay hindi masyadong napgtuunan ng pansin ng

pangunahing tauhan ang kanyang pananalig sa lumikha.May mga pagkakataon na

nababanggit ang Diyos sa mga ibang talata ngunit walang naiiwan na kintal sa

isipan ng mambabasa,sapagkat ang Diyos ay nagiging parte lang ng diyalogo ng

mga tauhan sa nobela.Halimbawa nalang dito ang usapan nina Lea at Sister Ann,

mababasa ito sa mga susunod na talata :

Tumabi sa kanya si Sister Ann.Niyakap ni Lea ang


mga tuhod niya at inumpisahan ang madre:
“Sister Ann, me itatanong ako sayo.”
“Oo,”sagot naman agad ni Sister Ann.
“Ikaw ba,hindi ka nakakaisip ng pag-ibig?”
Nagulat si Sister Ann.

“Hindi pag-big sa Diyos, ha? Hindi pag-ibig sa


kapwa tao.Yong pag-ibig talaga.

2. Makatao

Ang pagiging isang babae ay mahirap, hindi lang dahil sa buwan-buwan itong

dinadatnan o kaya ay nanganganak. Noong panahon, ang mga babae ay ang

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 137 ng 126
tanging papel sa buhay ay maging karamay ng mga lalaki, sila ay nasa bahay

lang at nag-aalaga ng anak at asawa. Walang karapatan na gawin ang gusto

niyang gawin sa buhay. Pero pagdaan ng panahon, dahil na rin sa pagbabago sa

lipunan, nagkaroon na nang karapatan ang mga kababaihan, hindi na lamang

pambahay kundi panlabas pa. Si Lea ay maituturing na kababaihan sa modernong

panahon dahil sa ipinaglalaban niya ang kaniyang karapatan bilang babae sa

lipunan. Maraming parte sa nobela ang isinaad ang pakikipaglaban ni Lea sa

karapatan ng bawat tao sa lipunan, kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa

isang pamilyang iniwan ng ama, o di kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na

babae ang isang tao, makakaya niyang gawin ang isang bagay kung gugustuhin

niya at kaya na nitong makipagsabayan sa mga kalalakihan, hindi na lamang ito

pambahay. Mahirap din ang maging isang ina sapagkat lahat ay kaniyang

ginagawa para lamang sa kaniyang mga anak, si Lea ay isang halimbawa ng

babaeng matapang at mapagmahal. Lahat ng ina ay gagawin ang ikakabuti sa

kanilang anak.

3. Makabayan

Sa pagbabasa ng isang nobela ay kinakailangan ng maraming panahon para

basahin ito, lalo na kung ang nobelang binasa makaluma. Ang nobelang Bata,

Bata…Pa’no ka Ginawa ay maituturing kong isang napakagandang nobela sa

panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus ang nobela sa karapatan ng mga

kababaihan sa mundong ibabaw, ipinahayag din sa nobela ang mga pangyayaring

naganap ng Martial Law. Hindi man ganap na isinaad sa nobela kung sino ang

taong nasa likod ng Martial Law, malalaman kaagad na tungkol ito sa Martial Law

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 138 ng 126
sapagkat nabanggit ang pagkamatay ni Ninoy sa airport at ang protesta ng

napakaraming tao. Para saakin, mas mainam pa rin ang magbasa ng mga

makalumang nobela sapagkat may malalaman kang impormasyon tungkol sa

nangyari sa lipunan noong panahon, kaysa sa mga nobelang nababasa ngayon

tulad ng sa wattpad, puro pag-ibig at nakatuon lamang sa tauhan ang kuwento,

pero ang nobela talaga ay naglalaman ng mga pangyayari sa lipunan.  

4. Makakalikasan

Tumutukoy ito sa pagpapahalaga ng tao sa kapaligirang kanyang

kinabibilangan. Binibigyan pansin dito ang kalinisan ng kapaligiran at pagbibigay

importansya sa likas na yaman ng isang lugar.

Sa akdang aking binasa walang nabanggit o nabasa na may kaugnayan sa

kalikasan. Mas nabigyang pansin ang mga pangyayari sa paligid sapagkat ang

manunulat ay nakatuon sa isyu ng lipunan

C. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan

1. Feminismo

Ang layunin ng panitkan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang

pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan.Ayon kina Jane Moore at Belset na

malinaw na malinaw na nakikita sa mga aklat na naisulat ng mga kilalang awtor

tulad nina Kate Miller, Germaine Greer at Eva Figes, sa paglabas ng mga aklat

nina Showaltert, Gilbert at Gubar.

Lumitaw ang feminismo dahil na rin sa paniniwala ng karamihan na ang

mga panitikan ay nasa kamay ng mga lalaking manunulat.Bukod dito, ang mga

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 139 ng 126
babae ng panitikan ay inilalarawan ng ilang manunulat na lalaki bilang mahina,

marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan, at

masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng

operasyon ng kababaihan.

Kilalang manunulat na feminista sa Pilipinas ay sina Genoveva Matute,

Lualhati Bautista, Lilia Quindoza Santiago, Joi Barrios at iba pa. Sila ang mga

babaing manunulat na nais palayain ang kaisipan at damdaming nagpupuyos sa

personang nababalutan ng bestida patuna na rito ang pangunahing tauhan na si

Lea. Siya ay isang matapang na babae, kayang maging ina at ama sa kanyang

dalawang anak, hindi siya basta basta sumusunod sa sinabi ng kanyang mga

asawa. Isa rin siyang palaban na babae, hindi basta basta papatalo sa mga

diskusyon lalo’t alam niya na siya tama.Mayroon din siyang panindigan lalong lalo

na sa kanyang pangarap. Pinatunayan ni Lea na ang babae ay hindi lang

pangkama, pambahay at alipin ng kanilang asawa kundi ang babae ay kaya rin

mamuhay tulad ng isang lalaki, na may kakayang magsalita ng kanilang nais.

2. Humanismo

Ang pokus sa teoryang ito ay tao,at ang taong nakatuntong sa pag-aaral at

kinikilala ng kultura ay maituturing na sibilisado.Ang humuhubog at lumilinang sa

tao ay tinatawag naming humanismo.

Sa teoryang ito, binibigyang-diin na ang tao ay likas na matalino at henyo

sa kanyang sariling pamamaraan.Gayundin, naiisa-isa nito ang mga bahagi ng

akda na nagbibigay-puri sa mga tauhan.Natutukoy rin ang mga bahagi ng akda

na naglalahad ng kagalingan ng tao.Nasusuri rin ang mga tauhan sa akda batay

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 140 ng 126
sa kaisipan at paniniwalang inilahad maging ang kaisipang naglalahad ng

pagkamamamayan.

Ang nobelang Bata, Bata, Paano ka ginawa?Ito ay naglalaman ng katangian

at kakayahan ng isa tao, pinakita ng pangunahing tauhan na si Lea ang iba’t-

ibang kagalingan ng isang tao tulad ng padedesisyon, pagkakaroon ng

paninindigan, pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.

3. Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng

may akda sa kanyang lipunan.Sa pananaw rin na ito higit na mahalaga ang

katotohanan kaysa sa kagandahan.Walang hanggan ang pagbabago.Katotohanan

ang una’t huling hantungan ng lipunan.

Sa akdang aking nabasa, ipinakita ng manunulat ang totoong mga

pangyayari sa lipunan sa panahon ng rehimeng Marcos. Isinalaysay ng may akda

ang mga mararahas na karanasan ng mga Pilipino.Inilawan din ng manunulat ang

pamumuhay ng mga Pilipino, kung paano sila lumalaban sa pamahalaan at kung

gaano ng nagnanais ang mga Pilipino na mabago ang kanilang lipunan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 141 ng 126
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PANUNURING PAMPANITIKAN

UNANG ARAW

I. PAKSA/ MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Pagbasa/Pagsusuri sa Akda


Pagsusuring Genre : Nobela
Halimbawang Akda : Bata,Bata, Paano ka Ginawa? ni
Lualhati Bautista
Mga Kagamitan : Sipi, Istrip ng kartolina, Laptop
Kasanayang Pampanitikan : Pagtukoy sa mga teoryang
nagamit sa isang akda.
Kasanayang Pampag-iisip : Pagbubuod ng kaisipan
Halagang Pangkatauhan : Pagpapataas ng antas ng mga
kababaihan sa lipunan

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng


pinakamataas na katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
nabasang bahagi ng nobela.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 142 ng 126
B. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na gamit sa
akda
C. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
D. Madamdaming nabigkas ang palitang-diyalogo ng napiling bahagi ng
binasang nobela.
E. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggalian tao
laban sa sarili.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain :

1. Pagganyak :
Pagpapakita ng larawan ng mga sanggol at mula sa mga larawan
na ipinakita.

B. Paglalahad : Pangkatang Gawain

Pangkatang Pag-uugnay sa teksto sa karanasan ng mga mag-aaral.

Pagtukoy sa iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng mga kababaihan.

 Itala ang lahat ng mga suliraning inyong napag-usapan


 Pagsunud-sunurin ang mga suliranin –simula sa pinakamalala
 Ipakita ito sa pamamagitan ng pie graph
C. Pagbibigay ng hinuha sa pamagat ng akdang babasahin

D. Pagpapabasa sa buod ng nobelang Bata,Bata, Paano ka Ginawa?

1. Ang mga mag-aaral ay babasahin ng tahimik ang sipi at uunawain

mabuti ang nilalaman ng nobela.

E. Pagbubuod sa binasang akda.

PAG-IBIG
Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 143 ng 126
IKALAWANG ARAW

PAGSUSURI

A. Panimulang Gawain

Ang guro ay magpapanood ng maikling video patungkol sa pamilya at ang

mag-aaral ay magbibigay ng kanilang hinuha kung ano ang koneksyon ng

kanilang napanood at sa akdang kanilang nabasa.

B. Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan at

tatalakayin ito sa harap ng klase.

1. Ilarawan ang mga tauhan.Ibigay ang kanilang katangian

2. Paano pinangangatawanan ni Lea ang tungkulin ng ama at ina sa

pamilya

3. Totoo bang wala nang makahihigit pa sa pagpapakasakitng isang ina?

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 144 ng 126
4. Ipaliwanag:
Di baling walang ama, basta mayroong inang gumagabay,
nagmamahal at nag-aaruga.
C. Pagbibigay ng mga karagdagang feedback ng guro

D. Pagbuo ng sintesis ng napag-usapang paksa.

1. Paano ginagampanan ng kanyang ina ang kanyang tungkulin?

2. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Lea, paano mo gagantihan o susuklian

ang kadakilaan ng iyong ina?

IV. EBALWASYON

IKATLONG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pakikipag-usap at pagtatanong sa kapwa mag-aaral kung gaano nila

kamahal at pinapahalagahan ang kanilang ina

B. Pangkatang Pagsusuri

Sa tulong ng Fish Bone Organizer, magtala ng magagandang kaisipan na

matatagpuan sa dulang binasa. Pagkatapos, ito sa kanilang sariling karanasan.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 145 ng 126
C. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pag-uusap sa bawat pangkat.

D. Pagkuha ng feedback sa iba pang mga mag-aaral

E. Pagbibigay ng mga karagdagang feedback ng guro.

V. PAGLINANG NG MGA KASANAYAN

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Mula sa kasanayang TAC o Think About Consequences, sagutin ang


sitwasyon sa ibaba.

Kaarawan ng iyong ina, ulila ka na sa ama, ipinagluto at ipinaghanda ka ng


nanay mo.Sa araw ring iyon ay dapat kang dumalo sa pagpupulong tungkol sa
paghahanda sa panahon ng krisis at kalamidad dahil isa kang kabataang kasapi
ng samahang iyon sa inyong barangay. Hindi mo ito nagawa dahil pinagbigyan
mo ang iyong ina. Makalipas ang isang buwan, bumagyo ng malakas, buong
kabahayan ng inyong barangay ay nawasak, kasama na ang bahay niyo. Ito’y
karanasang di mo malimutan dahil sa desisyon mong di pagdalo sa pulong.

Ano ang positibo at negatibong gagawin mo?

B. Malikhaing Gawain

1. Gumawa ng mayabong at magandang family tree ng inyong angkan. Lagyan

mo ng larawan ang bawat isa

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 146 ng 126
2. Sumulat kayo ng isang liham sa taong mahal ninyo sa buhay tulad ng inyong

magulang,bilang tanda ng inyong pasasalamat sa kanilang ginawa.

Kritikal na Pagsusuri at mga Banghay-Aralin ng Piling Obra Maestrang Filipino Pahina 147 ng 126

You might also like