You are on page 1of 24

Mga Ibong Mandaragit

Amado V. Hernandez
Sino si Amado V. Hernandez
• Isinilang noong ika-13 ng Setyembre, 1903
• Napangasawa niya si Honorata "Atang” de la
Rama na tinaguriang "Reyna ng Kundiman“
• Isang makata, nobelista, mandudula
• Kinilala din sa mga pangalang Herminia dela
Riva, Amante Hernani at Julio Abril.
Ang Nobela
• Nailathala ang nobela sa pamamagitan ng
Progressive Printing Palace sa Quezon City
• Binubuo ito ng 69 na kabanata at 402 na pahina.
• Sinimulang isulat ni habang nakakulong siya noong
1956 at natapos noong 1964
• Masasalamin sa nobela ang kalagayang
pampulitika, pang-ekonomiya at pang-agraryo ng
Pilipinas sa kasaysayan ng pananakop ng mga
Amerikano, pagsakalay ng mga Hapon at sa muling
paghahari ng mga Amerikano pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Nobela
• Isinulat noong 1969
• Ito ay isang Nobelang Pangsosyopolitika
• Naglalahad ng katayuan sa pamumuhay at kabuhayan
ng mga mamamayang Pilipino.
• Kalagayan ng mga mamamayan sa pagdating ng
industriyalisasyon
• Pagnanais ng tao na lumaya sa makapangyarihang
puwersang panlipunan.
• Nagsasalaysay at tumatalakay ng mga suliranin ng
mga mamamayan, ng buhay ng madla't lipunan at ng
kanilang kapaligiran 
Pinagmulan ng Pamagat ng Nobela
• Hango sa editoryal ng pahayagang El
Renacimiento noong Oktubre 3, 1908 na
pinamagatang “Aves de Rapina”
• Nangangahulugang “Mga Ibong Mandaragit”
at ipinasara ng mga gobyernong Amerikano
dahil sa subersibo ang editoryal.
Mga Tauhan
• Mando Plaridel- ang pangunahing tauhan ng
nobela na sinundan ng mga mambabasa nito.
Bawat galaw at kaisipan niya ay inilalahad sa
bawat kabanata.
• Don Segundo Montero- ang antagonista sa
nobela na dahilan ng paghihiganti ni Mando.
Ang karakter na ito ay epektibo upang
humubog sa isang Mandong matalino,
matapang at hindi nag paaapi.
Mga Tauhan
• Puri at Dolly- mapapansin sa dalawa ang
dalawang mukha ng mga Pilipina. Isang Maria
Clara na mahinhin ngunit mas matapang pa sa
barako katulad ni Puri at si Dolly naman ay
isang Maria Clarang nangingibabaw ang tawag
ng laman at pagiging marupok sa pag-ibig.
Mga Ibong Mandaragit
• Noli Me Tangere ay may Pilosopo Tasyo na
nagsilbing gabay ni Crisostomo Ibarra sa
kanyang mga pagkilos, sa “Mga Ibong
Mandaragit” naman ay naroon ang karakter ni
Matias Dipasupil na mas kilala sa tawag na
Tata Matyas bilang tagapayo at gabay ng
pangunahing tauhan na si Mando Plaridel.
Mga Ibong Mandaragit
• Nagsimula ang nobela sa taong 1944 at sa unang
kabanata ng nobela ay ipinaliwanag ni Tata Matyas kay
Mando Plaridel kung ano ang ginawa ng mga
mananakop sa Pilipinas gamit ang sumunusunod na
diyalogo:
• “Talagang ganyan ang pakana ng mga konkistador.
Pinapawi nila ang mga katibayan, pati bakas at alaala
kung maaari, ng mga magigiting na anak ng bayang
nilupig. Ang gusto nila’y igising ang bagong salin sa
kalagayan at kaugaliang alipin. (Kabanata 1, p.10)”
Mga Ibong Mandaragit
• Sa nobela, nabigyang diin ang kasahulan ng
impormasyon sa mga bayaning lumaban sa
mga mananakop na Kastila at Amerikano kung
kaya nais nina Mando Plaridel, katulong ang
makabayang propesor at siyentipiko na si Dr.
Sabio na maitayo ang Freedom University
upang labanan ang kolonyal na edukasyong
umiiral.
Mga Ibong Mandaragit
• “Kalabisan ang isang bagong unibersidad kung
magiging diploma mill lang o kaya’y
magpapayaman sa mga kapitalista. Gagawin natin
itong pandayan at palihan ng mga kabataang
makabansa, na magiging makabuluhang sangkap
sa iba-ibang larangan, at sa kanila magmumula ang
mga magiging karapat-dapat na lider sa gobyerno,
sa sosyolohiya, kultura, ekonomiya, siyensiya
natural at siyensiya pulitika. (kabanata 19, p.115)”
Dr. Sabio
Mga Ibong Mandaragit
• Paaralan na magtataguyod ng nasyonalismo at
pagtatangkang paunlarin ang kalinangang
Pilipino. Ito mismo ang nakikitang paraan ni
Amado V. Hernandez upang bakahin ang
Orientalismong itinakda ng mga mananakop sa
atin. Sa katauhan ni Dr. Sabio inilagay ni Amado
ang paghahangad ng isang edukasyong tunay
na tutugon sa pangangailangan ng
sambayanan at hindi ng mga kapitalista.
Mga Ibong Mandaragit
• Ang pera sa pagpapatakbo ng Freedom
University ay mula sa kayamanan ni Simoun na
matagumpay na natagpuan nina Mando
Plaridel sa Karagatang Pasipiko.
• Liban sa paaralan ay nagtatag din sila ng
pahayagan na pinangalanang Kampilan kung
saan ang patnugot ay ang makabayan at
dating gerilya na si Magat Dalisay.
Mga Ibong Mandaragit
• Ganito ang pahayag ni Magat:
• “Bilang bayang sakop, ang unang itinuro sa atin ay
ang pagtingala sa panginoon. Pinapaniwala
naparito sila alang-alang sa ating kabutihan.
Pinapaniwala rin tayong ang lahat nang dala at lako
nila ay siyang mabuti para sa atin. Ang kanilang
wika, ang kanilang negosyo, ang kanilang sistema
sa buhay, pati ang kanilang bisyo. Ang Pilipino’y
naging mabuting matsing, eksperto sa panggagaya.
Ang kalintikan nga lamang, karamihan sa ginaya
natin ay ang masama.” kabanata20, p. 118.
Mga Ibong Mandaragit
• makikita ang resulta ng Orientalismong
itinakda ng mananakop sa ating lahi na
nagbunga ng pagkalimot natin sa kung sino ba
tayo bilang lahi.
• Kung kaya’t tumingkad ang kaisipang kolonyal
sa mga mag-aaral na pumabor naman sa
pagtataguyod ng interes ng mga Amerikano sa
Pilipinas
Mga Ibong Mandaragit
• Dolly Montero sa nobela kung saan nagmistula
siyang modernong bersyon ni Donya Victorina.
• madali siyang napaibig ng mga dayuhang sina
Lt. Whitey, isang Amerikano at ni Col. Moto
isang Hapon, ngunit matapos niyang
maipagkaloob ang kanyang sarili ay kapwa
iniwan na lamang siya.
• Dolly ay simbolismo ng “manikang laruan”
Mga Ibong Mandaragit
• Si Puri ay ang pinakamagandang dalaga sa
Hacienda Montero. Isa siyang probinsiyanang
sanay sa hirap ng buhay ngunit palaban kapag
tinatapakan ang karapatan. Ipinakita sa katauhan
ni Puri na hindi kailangang maging modern sa kilos
at pananamit kung ang magiging kapalit nito ay
ang pagkawala ng dignidad at pagpapahalaga sa
sarili.
• si Puri ay metapora ng pagpapahalaga sa dangal
ng Pilipina
Mga Ibong Mandaragit
• Ang nobela ni Amado V. Hernandez ay nagpapanukala ng
rebolusyon bilang natatanging paraan upang baguhin ang
kalagayan ng bansa. Sa huling kabanata ay ganito ang pahayag
ni Mando Plaridel:
• “Ibubuhos natin ang ating buong kakayahan at gagawin ang
lahat ng magagawa upang ang ating bansa’y maging tunay na
malaya at nagsasarili, at ang mamamayang Pilipino’y siyang
magiging tahas na panginoon sa kanilang lupain.
Makatarungang demokrasya: pagkakapantay-pantay sa batas
at sa pagkakataon sa buhay. Ito ang ating panata at hantungan
kasakdalang tayo ay magbuwis ng buhay!” (kabanata 59
p.402)
Mga Mahalagang Pahayag
• “Maraming mahusay sumulat, pero mahina ang
loob, madaling matakot sa malaki, at madaling
masilaw sa salapi, at malaki ang takot sa
katotohanan” (Mando Plaridel p. 100)
• “Nag-aantay pa po ako ng isang lider na
magsasabing sa ating bayan na tayo ay titindig sa
ating sarili, na hindi tayo mangungunyapit sa iba
paris sa isang baging, bagkus tutulad sa puno ng
mulawin na tuwid at matatag, sa gulugod ng
bundok, at sa gitna ng bayo ng hanging o hampas
ng unos.” (Mando Plaridel p. 262)
Mga Mahahalagang Pahayag
• “Ang malaking pangyayari’y kaparis ng isang
baha: tinatangay ang lahat ng bagay na mahina
at marupok; pero ang matitibay na haligi at
malulusog na punong kahoy e di natitinag.”
(Tata Matyas, p.13)
• “Sa isang malaking sunog e mi mga alipatong
lumilipad na kung pababayaa’y lilikha ng
panibagong sunog na malubha pa kesa
pinagmulan.” (Magat, p. 33)
Mga Mahahalagang Pahayag
• “Ang kabiguan at kamalian ay mga leksyon
lamang sa paglaki at pagsulong. Hindi lalaki
ang daga kung hindi mahuhulog sa lupa.
Bawat sanggol na nagsisimulang lumakad ay
masusugabang at masasaktan. Nagkakamali
ang bayan sa kagagawan ng mga lider, ngunit
ang lider ay madaling palitan at alisin habang
ang baya’y makapagpapatuloy...” (Mando
Plaridel, p. 246)
Mga Mahahalagang Pahayag
• “Inuulit ko na ang grabeng sakit ng ating bayan ay ang
kamangmangan. Naniwala ang bayan na ang mga
puting umaho’y kanyang tagapagligtas gayong siya’y
dinambong at dinarambong. Naniwala siyang ang buhay
sa mundo’y di siyang tunay na buhay, pagkat mi langit
sa kawalang-hanggan. Sa pananalig na lalasapin ang
kalwalhatiang yaon kung siya’y mamatay sa pagtitiis, na
siyang kabanalan… Nilulong lahat ang lako ng mga
mapanlinlang na naglagay ng kadena sa kanyang leeg at
takip sa kanyang mga mata at utak.” (Dr. Sabio, p. 113)
Mga Mahahalagang Pahayag
• “Kung ang mga mi hawak ng pangkabuhayan
ng baya’y labis ang pagsasamantala, at ang
mga puno ng gobyerno’y nagpapatay-patayan,
ang bayan ang dapat kumilos.” (Rubio, p. 279)
• “Ang mga limatik at pulgas na nabubuhay sa
pagsipsip sa dugo ng iba’y mangamamatay pag
wala nang dugong masipsip. Ganyan din ang
nagsiyaman at tumaba sa paghuthot sa kapwa
tao.” (Dr. Sabio, p. 134)
Kahalagahan ng nobela
• Binuhay ni Amado V. Hernandez ang mga
kaisipan ni Rizal sa nobela sa pamamagitan ng
pagpapatuloy ng mga kaganapan sa El
Filibusterismo.
• Malinaw nailarawan ng nobela ang kalagayan ng
Pilipinas sa panahon ng mga Hapon at Amerikano
• Nagtataglay ang akda ng mga makabuluhang
kaisipang maiuugnay sa iba pang panitikan at
kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan.

You might also like