You are on page 1of 2

Pamagat: Ibong Mandaragit

May Akda: Amado V. Hernandez

Genre: Nobela

Buod:

Nagsimula ang kuwento sa kalagitnaan ng taong 1944 kung kailan humuhina na ang imperyo ng mga
hapon dito sa Pilipinas. Inatake ng hapon ang sampitan sa tangkang agawin ang infanta mula sa mga
gerilyong Pilipino, nagkaroon ng sagupaan. Dahil sa kakulangan sa mga armas na pandigma ay halos
naubosang hukbo ng mga Pilipino. Isa sa mga nakaligtas ay si Mando. Habang tinatahak ni Mando ang
kagubatan upang makaligtas ay nakilala niya sina Karyo at Martin. Sabay-sabay na tinahak ng tatlo amg
daan patungo sa bahay ni TaTa Matyas na isa ding gerilya noong kapanahunan pa niya. Pagkatapos
kumain ay nagpahinga sin Martin at Karyo samantalang sa labas ng bahay ay nag usap sina TaTa Matyas
at Mando. Napag usapan nila ang Rizal, Nole me Tangere at ang El Fulibusterism. Ipinahayag ni TaTa
Matyas na isa ding gerilyero noong kapanahunan pa niya. Kanya ring ipinahayg ang kagustuhang sisirin
ang mga kayamanan ni Simoun kung siya ay kasingedad pa ni Mando. Sa tulong ni Tata Matyas, hinanap
nina Mando kasama sina Karyo at Martin ang dagat kung saan sinasabing tinapon ang mga kayamanan
ni Simoun, natagpuan nila ito sa Atimonan. Sa kabila ng tagumpay ay namatay si Karyo dahil sa isang
paying na sumalakay sa kanya samantalang si Martin naman ay pinatay ni Mando dahil sa pagiging sakim
nito. Nagwakas na din ang digmaan at muling nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan, ngunit kaakibat
nito ay ang pagbalik din ng di makatarungan at mga makasariling gawain ng mga nakaangat sa buhay.
Nagtayo si Mando ng isang pahayagan at tinawag niya itong Kampilan. Umalis at nangibang-bayan si
Mandoupang magkaroon ng salapi para sa kanyang pahayagan. Ipinagkatiwala niya ang ito sa dati ding
grilyero na sina TaTa Matyas, Magat, Andres, Rubio, at Doctor Sabio. Bukod sa isang pahayagan ay
nagtatag din si Mando ng isang Pamantasan ng Kalayaan na naglalayon na mapabuti at mapangalagaan
ang mga kabataan.

Paksa:

Pagbabago at pag-angat ng kalagayan ng lipunan. Naglalahad ng katayuan ng pamumuhay at kabuhayan


ng mga mamamayang Pilipino.

Bisa sa Isip:

Ang nobelang ito ay naglalayong matatak sa isipan ng mambabasa na mayroong tayong magagawa para
sa pagbabago, na mayroon tayong karapatang bumago ng mga hindi makatarungang batas na ipinaiiral
sa bansa. Nagpapahiwatig rin ito na hindi lang pera ang dapat nating isipin ngunit dapat ring isaalang
alang kung ito ba ay nakabubuti o nakakasama. At Malaki man ang agwat ng estado natin sa buhay,
porke ika’y mayaman o mahirap, lahat ay pantay-pantay sa mata ng maykapal, iisa ang
pinanggagalingan, iisa rin ang kahahantungan at yun ay lupang wala kang madadala ni isa.
Bisa sa Damdamin:

Ang nobelang ito ay nakakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa sapagkat inilalahad nito ang hindi
matawarang pagmamahal nila sa bayan. Isang patunay noong paglalakbay sina Mando at ang kanyang
mga kasama nang walang tiyak na direksyon, walang matinong pagkain at inumin ngunit isinakripisyo
nila ito dahil sap ag iibig nila sa bayan. Nakakabagabag ng damdamin ang pag aalipusta sa mga
magsasaka ng walang malay na ipinaparatang sa kanila. Ngunit aanhin mo ang karangyaan kung ang
ugali mo’y mas masahol pa sa aso.

Bisa sa Kaasalan:

Pinatunayan nito na ang pagiging gamhanan sa salapi at sa kapangyarihan ay hindi lang nakakasira ng
reputasyon kundi pati ng dignidad mo bilang tao. Dapat maging kontento kung anumang meron sa atin
at huwag ipagpilitang kunin ang hind isa iyo. Ang paglabag sa batas ng tao at diyos ay hindi magandang
huwaraan para sa kabataan.

Mensahe:

Panatilihin ang kabutihan at kagandahang asal. Ating wakasan ang diskriminasyon at di pagkakapantay-
pantay ng tao sa lipunan, wag maging gamhanan/sakim sa salapi.

Teoryang Ginamit:

Realismo

You might also like