You are on page 1of 5

TARLAC STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF ARCHITECTURE & FINE ARTS


Department of Architecture
San Isidro Campus, Tarlac City

Ang Lumbay ng mga Lumad


Sanay say na isinulat ni Francis A. Geologo
(panitikang hinggil sa kahirapan)

Ipinasa nina:

Tulio, Eldrin Paul P.


Lacanilao, Michael Joshua
Julian, Shayra Jimenez
Labrador, Ron Jester Bueno

Ipinasa kay:
Jobert Marlon A. Jotic
I. Pamagat ng Katha-may-akda
Ang Lumbay ng mga Lumad ay Sanaysay na isinulat Francis A. Geologo.

Sa kasalukuyan si Dr. Francis A. Geologo ay isang propesor sa Unibersidad ng Ateneo de Manila


at isa sa mga kilalang na miyembro ng NRCP (National Research Council of the Philippines)
 Dating history department chairperson sa Unibersidad ng Ateneo de Manila
 Dating commissioner sa National Historical Commission of the Philippines
 Prominenteng naglalahad sa mga kabataan ng kahalagahan ng ating kasaysayan
 Nakikibaka sa mga Makabayan at mapagpalayang edukasyon
 Awtor ng kauna-unahan at pinaka-matandang libro (88yrs old) patungkol sa kasaysayan
ng Pilipinas. Na may titulong A History of the National Research Council of the
Philippines. Sinimulan itong isulat noong taong 1934 at na published noong taong 2021
araw ng Oktubre 14

II. Buod
Ang mga alingawngaw o mga bali-balita tungkol sa kaguluhan na nararanasan ng mga
lumad. Palagi nalang itong ulat sa mga pagpatay sa mga lider ng mga lumad, pagsasara
ng kanilang mga paaralan, ang malawakang pagbakwit ng mga pamayanan at ang
panggigipit sa mga lugar na pinagbakwitan ng mga ito. Kahit ganito ang bali-balita, hindi
maitatatwa na marami pa rin ang hindi nakakakilala sa mga lumad. Usap-usapan, ngunit
hindi maikakaila na marami pa rin ang hindi nakakakilala sa mga Lumad. Kahit na ang
mga pangunahing aklat ng kasaysayan ay bihirang sumasaklaw sa kasaysayan ng mga
katutubo bilang mga grupong etniko sa iba't ibang panahon.

Ang mga lumad ang mga katutubong pangkat etniko ng Mindanao. Kasama dito ang mga
grupo ng Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa,
Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Subanen, Tagakaolo, Tasaday, Tboli,
Teduray, at Ubo. Naaayon din ito sa pagkilala sa kakaibang pag-uugali na naiiba sa kaso
ng mga Moro, tulad ng Tausug, Sama, Yakan, Maranao, Maguindanao, Subanen at
Bajau, na karaniwang mga unang tao kapag iniisip ng mga tao. ng. Nabanggit ang mga
taga-Mindanao.

Marami na ring mga ibat ' ibang grupong Kristiyano ang nagsipag datingan sa Mindao na
itinuring na rin nilang sarili nilang tahanan. Ngunit sa katayuan ng mga lumad sa
katutubo ng Mindanao sinasabing maraming pangangamkam ng lupa at pagpapaalis sa
mga katutubo ang nagaganap dahilan na rin na maraming hanap buhay at iba pang
kaugnay na pagkuha ng mga likas yaman sa lupang ninuno.
Sila din ay pinaghihinalaan na kasamasila sa mga rebeldeng kumakalaban sa gobyerno
kaugnay ang mga paaralang katutubo bilang mga institusyong nagsasanay para labanan
ang pamahalaan. Dito na nag-ugat ang ilang mga sigalot na nagdulot ng pagkamatay ng
mga katutubo, na nakakuha ng atensyon sa mga taga-Maynila na naglunsad ng kampanya
upang tigilan ang tinawag nilang lumad killings. Ng magbalik ang mga lumad sa
Mindanao, iginiit Ang kanilang hininaing sa pamahalaan. Ilang mga grupong Moro, Aeta
na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, at mga Mangyan ng Mindoro na
sumama sa Lakbayin ng mga Katutubo upang makiisa sa mga lumad at ipahayag na
magkatuwang sila sa pagpukaw ng atensyon sa kalagayan ng mga katutubo sa
Mindanao.Sa katunayan, sa unang gawa pa lamang ng pagbubuo ng kolonyal na
pamahalaang Espanyol, marami nang katawagan ang nasambit upang maipakitang
mabangis, marahas, magulo, mababa ang kalagayan ng mga katutubo. Naging malalim
ang implikasyon ng klasipikasyon ng mga katutubo bilang mga ‘mababangis’ at
‘magugulo’ dahil pinatatag nito ang diskriminasyon sa pagtingin ng mga taga-patag sa
ibang mga katutubong grupo. Kabilang ang mga Katutubo ang hindi tumatanggap sa
sibilisasyong Amerikano. Dahilan na rin sa mababang pagtingin sa mga lumad at iba
pang katutubo dahil sa mga patakarang kolonyal. Walang pagkilala sa karapatan at
kakanyahan ng mga katutubo na pamahalaan ang kanilang sarili kaya itinuring ng Census
na ang mga ‘sibilisado’ lamang ang binigyang karapatan sa pamamahala. Kung tutuusin,
lahat naman ng mga mamamayan sa Pilipinas ay katutubong Pilipino, subalit dahil sa
mga patakarang kolonyal, nagkaroon ng paghahati ang lipunan at naging mababa ang
pagtingin sa mga katutubo. Ang kawalan ng kaunlaran, ang pagiging iba ng kalinangan,
wika, gawi, paniniwala – ang kalimitang binabanggit bilang batayan kung bakit iba ang
mga katutubo sa nakararaming mga Pilipino. Ang pwersahang paglipat ng relihiyon,
pagtanggap sa Kristiyanong kalinangan, ang pagiging ‘makabago’ tulad ng mga
nakatanggap ng pananakop – mga patakarang pawang naglalayon ng asimilasyon at
integrasyon ng mga katutubo sa kultura ng nakakarami – ang mga isinulong na patakaran
sa mga katutubo. Subalit ang asimilasyon at integrasyon ng mga katutubo ang siyang
magiging ugat ng suliranin sa pagbura ng kultura ng mga katutubo. Kung magiging
katulad na ng iba pang mga taga-patag na Kristiyano ang mga katutubo sanhi ng ‘pag-
unlad’ o ‘development’ na ipinapahayag ng mga nasa pamahalaan, ano na ang
mangyayari sa katutubong kultura, paniniwala, kalinangan, wika, at pamamaraan ng
pamumuhay ng mga lumad, ng mga Moro, ng mga taga-Kordilyera at ng mga Mangyan?
Ano ang pag-unlad kung mabubura naman ang kanilang lipunan dahil lalamunin lamang
ito ng mga kalinangang kanluranin? Maraming insidente ng karahasan na ang
nararanasan ng mga lumad. Pinipilit silang magbakwit sa kanilang sariling pamayanan.
Pinapasarhan ang kanilang mga paaralan. Ginagawang minahan ang kanilang lupang
ninuno.
Ang kanilang mga bayan ay nagiging lugar ng digmaan at miltarisayon. Nang idulog ng
mga lumad ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng lakbayan, sinalubong ang
paglalakbay ng mga lumad sa Kamaynilaan kamakailan ng karahasan ng sandatahang
lakas at pulisya. Muli, napuna ang kalagayan ng naratibo ng mga katutubo sa
pambansang naratibo. Karahasan ang nagiging tugon sa mga hiling ng mga lumad na
kilalanin ang karapatan bilang pambansang minorya. Muli, lumabas na naman ang
naratibong ‘marahas’, ‘mabangis’, ‘salvaje’ at ‘cimarron’ ang mga katutubong
nagpoprotesta kaya kailangang tapatan sila ng kapangyarihan ng estado upang maging
‘payapa’ at ‘sibilisado’ ang kanilang pag-iral. Marami pang mapait na pamana ang ating
kasaysayan na kailangan nating kaharapin upang makilala kung sino talaga ang
‘sibilisado’ at ‘mabangis’ sa ating

III. Pagsusuri

A. Uri ng Pampanitikan
Ang Lumbay ng mga Lumad ay sanaysay na anyong pampanitikan na naglalahad ng mga
kontemporayong usapin at paksian sa nagbabagong mundo. Ang mahalaga sa anyongito
ang pagbabahagi ng manunulat ng kanyang karanasan at dipa namamalayang pananaw
ukol sa nababago niyang paligid kaya maiituturing ituong makabagong anyo.

B. Tayutay
Pagwawangis – maraming katawagan ang ang na sambit upang maipakitang
mabangis, marahas, at magulo (tiyakang naghahambing)

IV. Sariling Reaksyon

A. Pananalig Pampanitikan/Teorya

o Sosyolohikal- Ipakita ang kalagayan at suliranin panlipunang kinabibilangan ng


may akda.
o Realismo- Pagtatala ng ibat’t ibang mukha ng buhay

V. Bisang Pampanitikan
Bisang Pampanitikan Bisa sa Isip –
Tumatak sa aking isip na paano na lamang kung tuluyan ng lamunin ng pag unlad at hilahin ang
mga kapatid na Lumad sa kapatagan katulad na lamang sa mga ibang mga kapatid nating
katutubo na nakapag adap sa buhay sibilisado ng mga pilipino, mapapanatili at maipagpapatuloy
pa kaya nila ang kanilang mga tradisyon at mga paniniwala kung masasakop na sila ng pag unlad

Bisa sa Damdamin –
Nakakalungkot lang na ang mga katulad lang nating tao ay hindi naituturing bilang tao at halos
ihalintulad na sila sa mga hayop, pinapa alis sa kanilang sariling tirahan, tinatanggalan ng
karapatan, at at parang mga mababangis na hayop kung ituring at walang puwang dito sa ating
bansa, nakakaranas ng karahasan, naiipit sa mga digmaan, at karahasan lamang ang nakuha ng
hilingin na kilalanin ang kanilang Karapatan, nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan

Bisa Kaasalan –
Isang pagpaparating sa atin na anoman ang kulay ng ating balat, ano man ang antas ng ating
buhay, unat o kulot man ang buhok ay parapareho tayong may karapatan dito sa mundo,
karapatang mabuhay, mamili at ituring bilang tao, kaya huwag basta mang yurak ng pagkatao ng
iba dahil lamang sa paniniwala nila o itsura man nilay iba.

Bisa sa Lipunan –
Pare-pareho tayong mamamayan, pare-parehong may karapatan sa buhay, irespeto ang bawat isa
at igalang kung ano paniniwala ang meron sila, pare-pareho lang tayong tao, pantay-pantay, hindi
tayo nakakataas at walang karapatang mangyurak ng pagkatao ng iba, naway maging patas at
pantay ang tingin ng lipunan sa bawat isa lalong lalu na sa mga kapatid nating katutubo.

You might also like