You are on page 1of 49

Batayang Kaalaman sa

Wika
Kahulugan ng wika

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang


maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Ang
kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan,
damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong
prosesong bunga ng kanyang karanasan—kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga
pangarap at mithiin.

Espina at Borja (1999:1)


Edward Sapir

Ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdain at mithiin.
Carroll (1964)

Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na


binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta
ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na
pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t
ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.
Todd (1987)

Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga


sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi
lamang binibigkas na tunog kundi ito’y
sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag
na ito ay arbitraryo at sistematiko.
Archibald A. Hill

Ang wika raw ay ang pangunahin at


pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga
tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa
isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang
mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang
arbitrayo at kontrolado ng lipunan.
Gleason

Ang wika raw ay masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
Katangian ng wika
Ang wika ay masistemang balangkas.

Ano mang wika sa daigdig ay


sistematikong nakasaayos sa isang tiyak
na balangkas. Walang wika ang hindi
nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng
wika ay nakabatay sa tunog.
Ang wika ay binubuo ng mga sagisag o simbolo

Kapag nagsasalita tayo, ang bawat salitang


binibigkas natin ay isang serye ng mga tunog
na kumakatawan sa isang bagay (lapis, bag,
papel), ideya (pag-aaral, katotohanan),
damdamin (pag-ibig, kaligayahan) o isang
fangsyon (si, nang, ni).
Ang wika ay mga sagisag na binibigkas

Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog


ay may kahulugan. Sa mga tao, ang makahulugang tunog
na nalilikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng
pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatwid, ang
mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita ay
nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang
pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa
pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at
minomodipika sa resonador.
Upang magiging makabuluhan ang nabuong tunog,
kailangan itong mabigkas nang mabuti upang
makilala ng tagapakinig ang pagkakaiba ng mga
tunog. Ang paraang pasulat ay representasyon
lamang ng mga tunog na sinasalita.
Ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog

Ang salitang arbitraryo ay nangangahulugang


walang tiyak na batayan. Ibig sabihin ang pagbuo
ng mga simbulo at tunog na kumakatawan sa
kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang
tiyak na batayan o tuntuning sinusunod. Ito’y
pinagkakasunduan ng mga tao sa tiyak na pook o
pamayanang gumagamit ng wika.
Kaya magkakaiba ng mga salitang
ginagamit ang iba’t ibang pook tulad
ng salitang rice sa Ingles, arroz sa
Kastila, bugas sa Cebuano, bigas sa
Tagalog, at abyas sa Kapampangan.
Ang wika ay ginagamit

Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at


katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang
tuluy-tuloy itong ginagamit. Ang isang
kasangkapang hindi na ginagamit ay
nawawalan na ng saysay. Gayon din ang wika.
Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, unti-
unting mawawala at tuluyang mamamatay.
Wika ay nakabatay sa kultura.

Nagkakaiba ang wika sa daigdig dahil na rin sa


pagkakaiba ng kultura ng mga bansa at mga
pangkat. Ito ang naging paliwanag kung bakit may
mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa
ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika
ang kaisipang iyon ng isang wika. Katulad ng sa
Ingles at Filipino.
Ang wika ay nagbabago.

Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging hindi


magbabago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay
tulad ng hindi paggamit niyon. Ayon kina Paz (2003:6) lahat ng
bagay ay nagbabago at sa panahon ngayon ng makabagong
teknolohiya at madaling paglalakbay ng mga tao, masasabing
lumiliit na ang mundo. Ang bunga ng pagliit na ito ng mundo na dala
na rin ng midya ay ang dumadaling ugnayan ng mga tao na maaaring
nagdadala ng pagbabago sa kanya, sa kanyang kultura at sa kanyang
wika. Ang pinakamadaling maapektuhan ng pagbabago sa wika ay
ang bokabularyo nito.
Ang wika ay pantao.

Ang wika ay para sa, ukol sa, at gamit lamang ng


tao. Iba ang wika sa ungol o huni ng hayop. Ang aso
ay tumatahol, ang pusa ay ngumingiyaw, ang leon
ay umaatungal, ang sisiw ay sumisiyap, ngunit ang
mga ito ay hindi wika. Napag-aralan ng isang tao
na salitain ang isang wika, ang wika ng ibang
pangkat etniko. Hindi mapag-aaralan ng isang aso
ang atungal ng leon o tilaok ng isang manok, ang
pagtahol ng aso.
Kahalagahan ng Wika
Instrumento ng Komunikasyon

Ang wika pasalita man o pasulat, ay


pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa
micro level, ang dalawang tao ay
nagkakaunawaan sa pamamagitan ng
epektibong paggamit ng wika.
Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman

Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang salin-


lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa
wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay
naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit
patuloy itong napakikinabangan sa ating panahon
dahil may wikang nagkakanlong dito at nag-iingat
hanggang sa kasalukuyan.
Nagbubuklod ng Bansa

Ano mang wika, kung gayon, ay maaaring


maging wika ng pang-aalipin, ngunit
maaari rin itong gamitin upang
pagbuklurin ang isang bansa sa layuning
pagpapalaya.
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

Ito ang nagpapagaan ng ating imahinasyon. Sa


ating isipan, nalilikha natin ang bawat larawan ng
mga tagpo sa kwento o nobelang ating binabasa o
pelikulang ating pinapanood. Ang wikang nakasulat
na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga
tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta
sa ating isipan upang gumana at lumikha ng
imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating
malikhaing pag-iisip.
Tungkulin ng Wika
Pang-interaksyunal.

May gamit interaksyunal ang wika kung ginagamit


ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal,
katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon,
panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat
at paggamit ng mga salitang pang-teen-ager,
liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla,
propesyunal na jargon, palitang ritwalistik, at
dayalektong rehiyunal.
Pang-instrumental

May gamit na intrumental ang wika na tumutulong


sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang
gawin. Maisasagawa niya ang anuman at mahihingi
ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.
Samakatwid, magagamit ang wika sa
pagpapangaral, verbal na pagpapahayag,
pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap
at liham pangngalakal.
Panregulatori

May gamit ding regulatori ang wika na


nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa
mga sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang
pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay
o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay,
pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri
at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang-
ayon, pagbibigay ng direksyon, paalala, babala at
pagbibigay panuto.
Pampersonal

Personal naman ang gamit ng wika sa


pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng
isang indibidwal. Nasa anyo ito ng iba’t ibang
pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi
ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling
damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa,
kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.
Pang-imahinasyon

Ito ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa


paglikha at/o pagpapahayag ng malikhain,
estetiko o artistikong kaisipan. Kasama rito
ang verbal o kaya’y pasulat na pag-awit,
pagtula, pagkukwento, deklamasyon, akdang
pampanitikan at iba pang gawaing ginagamit
“ang wika para sa wika.”
Pangheuristiko

May gamit heuristik ang wika kung ginagamit ito ng


tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na
kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko
at/o propesyunal na sitwasyon. Ito ay ang
pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang
dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-
depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
Pang-impormativ

Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang


iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa
mundo. Ang wika ay ginagamit upang
magbigay ng impormasyon/datos. Tulad ng
pag-uulat, pagtuturo, pagpapaliwanag,
pagsagot, pagtuturo at pamanahunang papel.
Antas ng Wika
Pormal

Ito ang mga salitang istandard


dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami
lalo na ng mga nakapag-aral ng
wika.
Pambansa

Ito ang mga salitang karaniwang


ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mnga
paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga paaralan.
Pampanitikan

Ito naman ang mga salitang gamitin ng


mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Ito ang mga salitang
karaniwang matatayog, malalalim,
makulay, talinghaga at masining.
Halimbawa

PAMBANSA PAMPANITIKAN

Ina Ilaw ng tahanan

Baliw Nasisiraan ng bait

Magnanakaw Malikot ang kamay


Impormal

Ito ang mga salitang karaniwan,


palasak at pang-araw-araw na
madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.
Lalawiganin

Ito ang mga bokabularyong pandayalekto.


Gamitin ang mga ito sa mga partikular na
pook o lalawigan lamang, maliban kung ang
mga taal na gumagamit nito ay magkikita-
kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong
naibubulalas. Makikilala rin ito sa
pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang
tinatawag ng marami na punto.
HALIMBAWA

PAMBANSA LALAWIGANIN
Upo Tabayag
Kalamansi kalamunding
Talukbong pandong
Aba nga naman ala eh naman
Gabi gabi-i
Bote boti
Kolokyal

Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita


ngunit may kagaspangan at pagkabulgar,
bagamat may anyong repinado at malinis
ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
salita ay mauuri rin sa antas na ito.
HALIMBAWA

PAMBANSA KOLOKYAL
Saan naroon Sanaron
nasaan nasan
naroon naron
kani-kaniya kanya-kanya
aywan ewan
tayo na tana
tala na tana
Balbal

Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga


salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may
pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan. Sa mga grupu-grupo
nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, sa gayon, para
nga namang code, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-
uusapan. Pabagu-bago ang mga salitang balbal. Pana-panahon kung
mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ang mga
salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan,
salita ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla
ay swardspeak.
HALIMBAWA
PAMBANSA KOLOKYAL
Matanda Gurang
Kapatid Utol
Inom Toma/tagay
Security guard Sikyo
Original Orig
Amerikana Kana
Bata Atab
Pulis Lispu
Kotse Tsikot
Mama Ermat
Papa Erpat
Hiya Dyahi
Sigarilyo Yosi
Asawa Waswas
Nobya Chuvachuchu
Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Malinaw na ipinahahayag sa Banal na Kasulatan ng mga


Kristiyano na ang wika ay kaloob ng Diyos. Sa mga
relihiyoso, walang duda ito. Napakarami at
napakasalimuot nga naman ng mga wika at halos kung
hindi man perpekto ang pagkakaayos ng mga wika sa
daigdig. Walang makagagawa nito kung hindi ang
Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay kung
paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa daigdig ay
nagkaroon ng iba’t ibang wika. Naaalala mo pa ba ang
kwento kay Babel at sa kanyang tore (Gen. 11:1-9)?
Teoryang Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng


tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay
kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa
kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
ito.
Teoryang Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa


teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla,
at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’y napapa-
Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-
Ouch! Ano’ng naibulalas natin kung tayo’y
nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Teoryang Yo-he-ho

Pinaniniwalaan ng mga nagmumungkahi ng


teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi
nga ba’t tayo’y nakalilikha din ng tunog kapag
tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng
tunog ang nalilikha natin kapag tayo’y nagbubuhat
ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?
Teoryang Ta-ta

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng


kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita. Tinawag
itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga
namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang
pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw
ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
Teoryang Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika


ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang
kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

You might also like