You are on page 1of 1

Arc Janry Tolentino

1401585

Tanong:
Ano ang mga naiaambag ng ekspresyong lokal sa pag-unlad natin sa larangan ng
pakikipagtalastasan bilang mga Pilipino?

Sagot:

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapahayag, pakikipag-


ugnayan, at pagbibigay o pagpapalitan ng impormasyon. Wikang Filipino ang ating pambansang
wika na siyang nagbibigay sa atin ng daan upang lahat tayo ay magkaintindihan. Sa Pilipinas,
ang bawat rehiyon o lugar ay may kanya-kanyang mga wikain o diyalekto na siyang
nakasanayan at nagsisilbing pagkakakilanlan. Mayroon tayong tinatawag na ekspresyong lokal
na siyang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng
pilosopiya. Ang ekspresyong lokal ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa
pagpapahayag ng damdamin o pakikipag usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi ito maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa
lenggwahe. Sa pagkakaroon ng ekspresyong lokal, ang Wikang Filipino ay naging daynamiko.
Ang wika natin ay buhay at aktibo na siyang nakakasabay sa pagbabago ng panahon. Sa patuloy
na pagdagdag natin ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, lalong yamayabong
ang wikang Filipino. Yumayaman rin ang ating bokabularyo sa patuloy na pagtuklas ng iba pang
mga salita. Ang pagkakaroon ng mga bagong bokabularyo ay nakatutulong para sa bawat tao o
grupo ng tao na piliin ang nais nilang gamiting salita. At dahil sa mga bagong ekspresyong
lokal,lalong nagaganap ang modernisasyon ng Wikang Filipino.

You might also like