You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
DIBISYON NG SORSOGON

11
IKATLONG DISTRITO NG MAGALLANES

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika atPapel
Sanayang Kulturang Pilipino
Sa Pagkatuto Kuwarter 1 Bilang 1

Sanayang Papel Sa Pagkatuto Kuwarter 1 Bilang 1

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: ______________


Baitang at Seksyon: __________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Isang paraan ng komunikasyon ang wika. Ito ay nagsisilbing instrumento upang


magkaroon ng isang mabisang pakikipagtalastasan at mabuting pakikipagkapwa-tao.
Madalas ay hindi natin gaanong nabibigyang-pansin ang kahulugan at ang gampanin ng
wika sa ating lipunan sapagkat tila ba natural na sa atin ang paggamit ng wika mula pa sa
ating pagkabata at maging sa kasalukuyan. Handa ka na bang alamin ang kahulugan at
kabuluhan ng pagkakaroon ng isang wika? Simulan mo na. Tiyak kong masisiyahan ka sa
aralin natin ngayon.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.


F11PT – Ia – 85

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!
Halina’t magbalik-tanaw. Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa
iyo. Tingnan ang una bilang halimbawa.

midyum ng
komunikasyon

WIKA

1
B. PAG-ARALAN MO!
“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon
Makakatulong sa pagkakaroon ng mabungang interaksiyon.” - Anonymous

Ang wika ang behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe


sa isa’t-isa pasalita man o pasulat. Ang salitang latin na lingua ay nangangahulugang “dila”
at “wika” o “lenggwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at popular
na pagpapakahulugang Sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na
ginagamit ng bawat miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t
isa. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga dalubwika na nagbigay din ng ibang
pagpapakahulugan sa wika.
• Henry Allan Gleason, Jr. – ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na
pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang
sa iisang kultura.
• Alfonso O. Santiago – wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad,
paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
• Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000) – ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan ng pagsama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
• Bernales et al. (2002) – ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
• Mangahis et al. (2005) – ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanngap ng mensahe sa susi ng pagkakaunawaan.
• Bienvenido Lumbera – Siya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na
sinabing ang wika ay parang hininga. Gumagamit tyao ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.
• Paz, Hernandez at Peneyra – ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ginagamit ng tao ang
wika sa kanyang pagiisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang
tao at maging sa pakikipag-usap sa sarili.

2
Ngayong alam mo na ang kahulugan ng wika, atin namang alamin ang mga katangian
ng isang wika. Alam naman natin na lahat ng bagay sa mundo ay may katangian o kalikasang
taglay gayundin ang wika.

Ano kaya ang mga katangian ng wika?

1. Ang wika ay may masistemang balangkas – Pangunahing katangian ng isang tunay na


agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang makaaagham ang wika, naging
batayan ito upang umiral ang larangan ng linggwistiks. Mayroong sinusunod na
pamantayan o mga haakbang upang makabuo ng mga salitang gagamitin. Kapag
nakabuo ng salita, maaari itong ayusin bilang parirala, pangungusap o talata.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog - ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog. Ponema
ang tawag sa pinakamaliit nay unit ng tunog. Sa pamamagitan ng tunog, nalalaman ang
emosyon at kahulugan ng salita.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos - kailangan piliin ang wastong gamit ng salita upang
hindi magdulot ng kalituhan sa iyong kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo – pagkakaroon ng sariling istilo ng paggamit ng wika maging
indibidwal man o komunidad.
5. Ang wika ay nakabatay sa kultura - ginagamit ang wika ayon sa lugar na kinabibilangan
nito.
6. Ang wika ay dinamiko – nagbabago ang anyo at gamit ng salita ayon sa takbo ng
panahon. Dahil sa modernisasyon ay patuloy na nag-iiba, nadadagdagan at may mga
salitang maaaring mawala o hindi na ginagamit.
7. Ang wika ay natatangi – walang dalawang wika ang magkatulad ang katangian. Ang
bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan at palaugnayan.
8. Ang wika ay para sa tao.

Ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa,


Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Wikang Pambansa
Ang Pilipinas ay isang kapuluaang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong
gumagamit ng iba’t ibang wika. Ang kalagayang ito ang nagging pangunahing dahilan kung
bakit kailangan magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng lahat.
Nakasaad sa artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon na “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at paayamanin pa salig
sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Bilang pambansang wika, Filipino ang nagbabandila sa mundo na tayo ay hindi alipin
ng alinmang bansa at hindi nakikigamit ng wikang dayuhan. Ito ang simbolo ng ating
pagkakakilanlan. Ito ang wikang nagbubuklod s aatin bilang mamamayan ng bansang
Pilipinas.

Wikang Opisyal at Wikang Panturo


Ayon kay Virgilio Almario, ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging
wika sa opisyal na taalastasan ng pamahalaan. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo
XIV, Seksiyon 7 “Ukol sa layunin ng komunikasyon, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hanggat’t walang ibang itinatadtahan ang batas, Ingles.” Sa kasalukuyan,
tinatanggap din ang Ingles bilang isa sa wikang opisyal ng Pilipinas. Nakasaad sa ikalawang
bahagi ng artikulo XIV, seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon ang paggamit ng wikang Filipino
bilang opisyal na panturo sa sistemang pang-edukasyon. Maraming sikolohista ang

3
naniniwala na ang katulong ng utak sa pagproproseso ng kaalaman ay ang wikang
nauunawaan. Kung kaya’t mahalaga na gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo. Sa
pagpasok ng K-12 Curricilum, ang Mother Toungue o unang wika ang nagging opisyal na
wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Napatunayan sa mga isinagawang
pag-aaral local at internasyonal man an ang paggamit ng wikang kinagisnan sa mga unang
taon ng pagaaral ay nakalilinang upang mas mabilis na matuto at umangkop ang mga mag-
aaral sa pag-aaral ng pangalawang wika (Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingkes).

C. PAGSANAYAN MO!

Ngayon ay natutukoy mo na ang kahulugan at kabuluhan ng konseptong pangwika,


maaari mo ng gawin ang mga sumusunod na pagsasanay.
Pagsasanay 1
Tukuyin kung anong katangian ng wika ang ipinapahayag ng bawat pangungusap.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik sa patlang.

a. Nakabatay sa kultura d. Dinamiko

b. Arbitraryo e. May sistemang balangkas

c. Natatangi f. Pinipili at isinasaayos

______ 1. Ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang
nagbibigay ng c.ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.
______ 2. Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema na nakakalikha ng
mga yunit ng saita na nakabubuo ng ma parirala, pangungusap at talata.
______ 3. Pinagkakasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
______ 4. Ang wika ay sumasabay sa pagbabago ng panahon at malaya itomg tumatanggap
ng mga pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong.
______ 5. Walang wikang superyor sa isa pang wika.

Pagsasanay 2: Mag Havey at Waley Tayo!


Isulat ang salitang HAVEY kung tama ang ipinapahiwatig ng pahayag at WALEY
naman kung hindi.
_________1. Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang latin na lingua na ang ibig
sabihin ay wika.
_________2. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika.
_________3. Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng tao ang kaniyang naiisip,
makapagbahagi ng karanasan at maipadama ang kaniyang nararamdaman.
_________4. Kailangang maging puro ang wika at hindi dapat tumaggap ng mga pagbabago.
_________5. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

D. TANDAAN MO!

Batay sa mga kahulugan ng wika na tinalakay, masasabi na ang wika ay kabuuan ng


sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas at ng mga simbolong sinusulat. Hindi

4
matatawaran ang kahalagahan ng wika dahil dito tayo ay nagkakaunawaan at nagkakaisa.
Wika din ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman. Ito rin ang tagapagpanatili ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga
mamamayan nito.

IV. PAGTATAYA

A.Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik o letra ng
tamang sagot mula sa pagpipilian.
_______1. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at komunikasyon sa
gobyerno pasulat man o pasalita. Ang wika ay gamit bilang
a.Lingua Franca b. Wikang Opisyal c. Wikang Pambansa d. Wikang Panturo
_______2. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas
a.Filipino b. Tagalog c. Bisaya d. Bikol
_______3. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon?
a.Wikang pambansa c. Wikang Panturo
b. Wikang Pang-edukasyon d. Wikang Opisyal
_______4. Sa bawat antas ng buhay ng tao, may partkcular na baitang o hagdan sa pagkatuto
ng wika. Anong katangian ng wika ang tinutukoy rito?
a. Masistema b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Buhay
_______5. Ano ang wikang ginagamit bilang panturo sa mga paaralang Pangsekundarya?
a. Bikol at Tagalog b. Tagalog at Ingles c. Filipino at Ingles d. Tagalog at Filipino
_______6. Ginagamit ang wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may
iba’t ibang unang wikang kinagisnan. Ang wika ay gamit bilang
a. Wikang Opisyal c. Lingua Franca
b. b. Wikang Panturo d. Wikang Pambansa
_______7. Ayon sa kanya, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao
sa komunikasyon
a. Henry Gleason b. Charles Darwin c. Bernales d. Bienvenido Lumbera
_______8. Tawag ito sa prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at
maging sa industriya.
a. Wikang Filipino c. Lingua Franca
b. Wikang Pambansa d. Wikang Opisyal
_______9. Ang balut at adobo ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng Pilipinas sa buong mundo
lalo na sa mga dayuhang dumarayo sa bansa. Anong katangian ng wika ang ipinapakita dito?
a. arbitraryo c. kaakibat at salamin ng kultura
b. dinamiko d. patuloy na ginagamit
______ 10. Sumasalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa isang lugar. Anong
katangian ng wika ang tinutukoy rito?
a. makapangyarihan b. arbitraryo c. buhay d. nakabatay sa kultura

B. Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa gampanin ng wikang Filipino sa


panahon ng COVID-19 pandemic. Subukin mong iuganay kung paano mo nakitang ginagamit
ang wika sa inyong barangay. Gawing gabay sa paggawa ang rubric sa ibaba.

5
Pamantayan Bahagdan
Mensaheng Taglay 50
Kaisahan ng mga ideya 30
Wastong baybay at gamit ng salita 20
Kabuoan 100

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagbalik-aralan mo
Magkakaiba-iba ang sagot
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. A 1. WALEY
2. E 2. HAVEY
3. B 3. HAVEY
4. D 4. WALEY
5. C 5. HAVEY

Pagtataya
A. B.
1. C 6. C Magkakaiba-iba ang sagot
2. A 7. A
3. C 8. D
4. A 9. C
5. C 10. B

VI.SANGGUNIAN

Aklat
• Dayag, A.M., at Del Rosario, M.G.G.(2016). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House,Inc.
• Taylan, D.R., Petras, J.D. at Geronimo, J.V.(2019) Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store, Inc.
• Garcia, L.H. DepEd Region V Self-learning module:Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino Modyul 1.1

Elektroniko
• https://wika101.ph/katangian-ng-wika/
• https://philnews.ph/2019/07/22/katangian-ng-wika-at-kahulugan/

6
Larawan
• https://www.google.com.ph/search?q=a+man+articulating+speech+clipart&tbm=isch
&hl=en&chips=q:a+man+articulating+speech+clipart,online_chips:png:-
CgtLHBGkL4%3D&prmd=vin&sa=X&ved=2ahUKEwjJ0pG0m4_yAhVCEqYKHbG-
AYUQ4lYoAXoECAEQBw&biw=360&bih=520#imgrc=xm9h1kZR0Bww9M&imgdii=nG
1v61AvZnHE2M

Inihanda ni:
KRISHIA ANN G. TAYAO, SST– I
Magallanes NHS

Tiniyak ang kalidad nina:

LEA MAE H. BASILIO, Guro – III


Magallanes NVHS

MA. ROSULA M. DOROTAN, Guro – I


Caditaan NHS

NICO G. ARIBACA, Guro – I


Pili NHS

You might also like