You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
DIBISYON NG SORSOGON

11
IKATLONG DISTRITO NG MAGALLANES

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Sanayang Papel Sa Pagkatuto Kuwarter 1 Bilang 6

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ______________


Baitang at Seksyon: __________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Mahalagang maintindihan mo ang kasaysayan ng ating wikang pambansa. Sa iyong


pagbalik-tanaw sa naakaraaan ay matutuklasan mo ang mga pinagdaanan ng ating sariling
wika. Sa araling ito ay mas lalo mong mauunawaan ang pinanggalingan ng wikang Filipino
bilang ating lingua franca na bumibigkis sa hiwa-hiwalay na pulo ng Pilipinas at ito rin ang
sumisimbolo ng ating pagka-Pilipino.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-


unlad ng Wikang Pmabansa F11PS – Ig – 88
Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
F11PB – If – 95

III. MGA GAWAIN


A. PAG-ARALAN MO!
Bago pa man tayo magkaraoon ng wikang pambansa ay marami na itong
pinagdaanan. Halina’t sabay-sabay nating alamin ang kasaysayan ng ating wikang
pambansa.

“Marami nang pinagdaanan, ang


mahalaga’y naisakatuparan
Ang pagtalaga sa isang wikang
pambansa na nagpapakita
Na tayo’y mamamayang may
iisang diwa.” - Anonymous

alvinbombeo.blospot.com
1
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ang mga katutubo ay may sarili ng alpabeto at


Panahon ng mga sinaunang Pilipino Sistema ng pagbaybay na mas kilala sa tawag na
Alibata.

Ipinakilala nila ang kanilang sariling bersyon ng


alibata ito ay tinawag nilang abecedario o wikang
Panahon ng mga Espanyol Espanyol. Noong ika-2 ng Marso 1634 ay iniutos
ni Haring Felipe II ang tungkol sa pagtuturo ng
wikang Espanyol sa lahat ng katutubo ngunit ito
ay nabigo kaya linagdaan ni Carlos II kung saan
ay inulit ang probisyon ng nabanggit na
kaautusan at nagtakda rin siya ng parusa para
sa mga hindi susunod dito. Sa panahong ito ay
lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino.

Noong 1872 ay nagkaroon ng kilusan ang


propagandista na siyang naging sinula ng ng
Panahon ng Rebolusyong Pilipino kamalayan upang maghimagsik. Ang wikang
Tagalog ang ginamit nila sa mga kautusan,
pahayagan at maging sa larangan ng panitikan
tulad ng tula, kwento, sanaysay at iba pa na
nagpapakita ng damdaming makabayan.

Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng


Panahon ng Amerikano Pilipinas dahil nadagdagan ito ng wikang Ingles.
Ito ang naging pangunahing wikang ginamit sa
pagtuturo.
Sa panahong ito ipinatupad ang Ordinansa
Panahon ng Hapones Militar Blg. 13 na nag-uutos nag awing opisyal
na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones
(Nihonggo).

1935 1936

October 27, 1936


Pebrero 8, 1935
Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa
Artikulo XIV sec.3 ng konstitusyong 1935 ang
ng pag-aaral sa wikang katutubo.
bagong wik a ay ibabase sa mga kasalukuyang
katutubong wikang mayroon sa ating bansa.

Nobyembre 13, 1936


Pinagtibay ang batas komonwelt
Nagkaroon ng Unang Hakbangin blg. 184 na limikha ng Surianng
ang Pilipinas ang magkaroon ng Wikang Pambansa at itinakda ang
wikang Pambansa kapangyarihan nito.

2
Nobyembre 9, 1937
1937
Pagtibayin ang Tagalog bilang Hinirang ni Pang. Quezon ang
saligan ng Wikang Pambansa. mga kagawad ng Surian ng
Wikang Pambansa.

Nobyembre 13, 1937 Disyembre 30, 1937

Sa pamamagitan ng kautusang
Ang unang Pambansang Asemble
tagapagpalaganap blg. 134 ni Pang.
ang siyang bumuo sa Institusyon
Quezon. Ang wikang Pambansa ay
ng Wikang Pambansa. 1940 ibabatay.

Hunyo 7, 1940 Abril 1, 1940

Batas komonwelt Blg. 570, mula Hulyo Ipinalabas ang kautusang


4, 1946 ang wikang pambansa ay isa sa nagtadhana ng paglilimbag ng isang
mga opisyal na wika ng bansa. balarila at isang diksyunaryo sa
1954 wikang pambansa.
Marso 26, 1954
Agosto 12, 1959
Ipinag-utos ni Pangulong
Magsaysay ang taunang Tinawag na Pilipino ang
pagdiriwang ng Linggo ng wikang pambansa na
Wikang pambansa 1959
nilagdaan ni kalihim Jose
Romero, Kagawaran ng
Edukasyon ang kautusang
Blg.7
Oktubre 24, 1967

Nilagdaan ni Pangulong Marcos


1967
na ang lahat ng mga gusali at
mga tanggapan ng pamahalaan
ay ipangalan sa Pilipino.

Ipagpatuloy mo ang pagbabasa!

clipart-library.com

3
Marso 1968 1968 Agosto 7, 1969

Ang tagapagpaganap na si
Nanawagan sa mga
Rafael Salas na ang. Lahat ng
pinuno at
pamuhatan ng liham ng mga
empleyado ng
kagawaran at mga sangay nito
pamahalaan si
ay maisulat sa Pilipino. 1969 Ernesto Maceda na
dumalo sa mga
seminars sa
Agosto 17, 1970
Pilipino na
idinaraos ng Surian
Pagpapalabas ni Alejandro Melchor ng Wikang
ng Memorandum Sirkular Blg. 384 Pambansa upang
1970
na nagtatalaga ng mga may maipalaganap ang
kakayahang tauhan upang mamahala wikang pambansa.
ng lahat ng komunikasyon sa
Pilipino.
Marso 4, 1971
Marso 16, 1971 Pinalabas ni Alejadro
1971 Melchor ang
Memorandum Sirkular
Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos
Blg. 443 na lahat ng
ang kautusang Tagapagpaganap Blg.
tanggapan ng pamahalaan
304. Naliliwanag nito ang
ay magdaos ng
kapangyarihan at tungkulin ng Surian
palatuntunan para sa
ng Wikang Pambansa.
kapanganakan ni
Balagtas.

Hulyo 29, 1971


Agosto 7, 1973
Memorandum Sirkular Blg.
1973
488 na nagsasaad na ang Resolusyong nagsasaad na
lahat ng tanggapan ng ang gagamiting midyum sa
pamahalaan ay magdaos ng pagtuturo sa lahat ng
palatuntunan sa paaralan ay Pilipino.
pagdiriwang ng Wikang
Pambansa, Agosto 13-19
Hunyo 30, 1976
1974
Hunyo 19, 1974
Department Memo no.
194 – Ang naturang
Nilagdaan ni kalihim Juan revised Filipino
Manuel ang kautusang Alphabet ay binubuo ng
Pangkagawaran Blg. 25 para sa 1976
31 na letra.
pagpapatupad ng Edukasyong
Bilingwal.

4
Sa tingin niyo,
kailan kaya tayo
nagkaroon ng
Wikang Pambansa
na Filpino?

Sa pagpasok ng 1987 Konstitusyon ay


nagkaroon tayo ng wikang Pambansa na
Filipino. Dito rin ipinalabas ni Kalihim
Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon ang kautusan ng paggamit ng
wikang Filipino bilang pangunahing midyum
na panturo sa lahat ng antas.
pinterest.com
Sa taong 1987, ang Alpabetong
Filipino ay binubuo ng 28 na letra.

Noong ika-25 ng Agosto, 1988, ang Kautusang Tagapagpaganap


Blg. 335 ay ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino na nagtadhana ng
Komisyon Pangwika. Ipinalabas naman ni Kalihim Quisumbing ang
Kautusang Tagapagpaganp Blg. 335 noong ika-9 ng Setyembre, 1989 na
nag-uutos na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng komunikasyon at
transaksiyon sa pamahalaan.

B. PAGSANAYAN MO!
Pagsasanay 1

Tukuyin kung kailan naganap ang mga sumusunod na pangyayari sa pag-unlad


ng Wikang Pambansa. Piliin sa loob ng kahot ang tamang sagot at isulat lamang ang titik.

a. Pebrero 8, 1935 b. Setyembre 9, 1989 c. Abril 1, 1940

d. Agosto 7, 1973 e. Agosto 12, 1959 f. Nobyembre 9,


1937

g. Marso 26, 1954 h. Marso 16, 1971 i. Oktubre 24, 1967

j. Hunyo 19, 1974

5
_____ 1. Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa.

_____ 2. Lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay ipangalan sa Pilipino.

_____ 3. Nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa.

_____ 4. Ipinalabas ang kautusan ng paglimbag ng isang balarila at isang Diksyunaryo sa


Wikang Pambansa.

_____ 5. Pagtibayin ang Tagalog bilang saligan ng Wikang Pambansa.

_____ 6. Ang bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wika.

_____ 7. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat
ng komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.

_____ 8. Ipinatupad ang edukasyong bilingwal.

_____ 9. Resolusyong nagsasaad na gamiting midyum ang pagtuturo sa lahat ng paaralan


ang Pilipino.

_____10. Tinawag na Pilipino ang wikang pambansa

Pagsasanay 2

Suriin ang sumusunod na mga paniniwala ng mga awtor at bigyan ito ng sarili mong
pananaw.

1. Ayon kay Prof. Portia P. Padilla, ang sariling wika ay daan papunta sa Filipino o sa
iba pang mga wika.

Pananaw:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ayon sa sinabi ni Frank Blake na ang wikang Tagalog ang siyang wikang nababagay
sa yaman at flexibility para sa pag-unlad ng panitikan.

Pananaw:

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

C. TANDAAN MO!
Ngayong nabatid mo na kung ano ang kasaysayan ng ating wika ay mas lalo mong
paigtingin ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili mong wika. Ang wikang Filipino
ang sumisimbolo ng ating pagiging makabayan at ang ating pagiging tunay na mamamayang
Pilipino. Hindi natin maikakaila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang

6
nagbibigkis sa atin kaya atin itong gamitin ng tama at nararapat lamang na ipagmalaki. Tayo
ay magtulungan at magkaroon ng hangaring mapaunlad pa ang sariling wika natin.

IV. PAGTATAYA

A. Basahin nang mabuti ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. ______

a. Manuel Roxas c. Lope K. Santos

b. Virgilio Almario d. Manuel L. Quezon

2. Bago pa dumating ang ating mga dayuhan, ang mga Pilipino ay mayroon ng sariling wika,
ito ay ang alibata. Ang sumusunod ay mahahalagang dahilan kung bakit kailangang
magkaroon ng sariling wika ang isang bansa maliban sa______

a. nagpapakita ito ng pagkakakilanlan ng isang bansa

b. nagbubuklod ito sa iisang isip, diwa at adhikain ng bawat mamamayan ng isang bansa

c. sumasalamin ito sa kultura, gawi, paniniwala ng isang bansa

d. nakapagbibigay ito ng malalim na pagkilala sa mga piling lugar ng isang bansa

3. Ang alpabetong Filipino ngayon ay binubuo ng ilang letra. ______

a. 25 b. 26 c. 27 d. 28

4. Ang _____ ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat ng mga ninuno natin. ______

a. Baybayin c. Alpabetong Romano

b. Abecedario d. Alpabetong Filipino

5. Ang ahensiya na namahala sa pagbuo ng wikang pambansa ______.

a. Surian ng Wikang Pambansa

b. Linangan ng mga Wikain sa Pilipinas

c. Samahan ng Wikang Pambansa

d. Komisyon sa Wikang Filipino

6. Ito ang napiling basehan ng pambansang wika ______.

a. Bisaya b. Ilocano c. Tagalog d. Ingles

7. Ang nagwika ng “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong
isda.” ______.

a. Jose Rizal c. Andres Bonifacio

b. Manuel L Quezon d. Francisco Balagtas

8. Ang ahensya ng pamahalaan na binuo upang magsagawa ng mga pananaliksik,


paglilinang, pagpapalaganap at pagppaunlad ng wikang Filipino at iba pang wika sa bansa.
______

7
a. Surian ng Wikang Pambansa

b. Linangan ng mga Wikain sa Pilipinas

c. Samahan ng Wikang Pambansa

d. Komisyon sa Wikang Filipino

9. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa Pilipinas bilang wika ng komunikasyon. ______

a. Taglish b. Filipino c. Tagalog d. Bisaya

10. Ang mga akdang papanitikan sa panahon ng propaganda at himagsikan ay nakasulat sa


wikang ______.

a. Taglish b. Filipino c. Tagalog d. Bisaya

B. Sumulat ng isang talumpati na hihikayat sa ibang tao at lalo na sa mga kapwa mo


kabataan upang gamitin, ipagmalaki, at mahalin ang Wikang Filipino bilang ating wikang
pambansa. Gamitin ang rubrik sa pagsulat ng iyong talumpati. Gawin ito sa short size bond
paper.

Kulang sa
Napakahusay Mahusay Kasiya-siya
Kategorya kasanayan Iskor
5 4 3
2
Lubhang Malinaw ang Sapat lamang Hindi sapat
malinaw ginawang ang ginawang ang ginawang
Nilalaman ,mapanghikayat pagtalakay sa pagtalakay sa pagtalakay sa
at paksa sa paksa upang paksa may
komprehensibo pamamagitan matugunan kakulangan
ang ginawang ng kompletong ang mga sa hinihinging
pagtalakay sa paglalahad ng inaasahang impormasyon.
paksa. mga impormasyon.
kailangang
impormasyon.
Napakaayos ng Buo at maayos Iilang bahagi Kulang ang
paglalahad at ang pahayag lang ng mga bahagi ng
Organisasyon buo ang diwa at ng pangungusap pangungusap
maayos ang pangungusap ang maayos upang mabuo
pahayag ng ang ang pahayag
bawat pagkalahad
pangungusap. upang mabuo
ang pahayag

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

1. g 6. a Iba-iba ang sagot batay sa


2. i 7. b pananaw ng mga mag-aaral
3. h 8. j
4. c 9. d
5. f 10. e

8
Pagtataya

A. B.
1. d 6. C Magkakaiba-iba ang sagot
2. d 7. a
3. b 8. d
4. a 9. b
5. a 10. c

VI. SANGGUNIAN

Aklat
 Dayag, A.M., at Del Rosario, M.G.G.(2016). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House,Inc.
 Edma, C.G. DepEd Region V Self-learning module:Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino Modyul 7

Inihanda ni:

KRISHIA ANN G. TAYAO, SST– I


Magallanes NHS

Tiniyak ang kalidad nina:

LEA MAE H. BASILIO, Guro – III


Magallanes NVHS

MA. ROSULA M. DOROTAN, Guro – I


Caditaan NHS

NICO G. ARIBACA, Guro – I


Pili NHS

You might also like