You are on page 1of 34

1

Panahon ng mga Katutubo

 Alibata o baybayin ang tawag sa


katutubong paraan ng pagsulat
 Binubuo ito ng labimpitong (17) titik:
tatlong (3) patinig at labing-apat (14)
na katinig

2
Alibata / Baybayin

3
 Ang mga katinig ay binibigkas na may
kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung
nais basahin o bigkasin ang mga katinig na
kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan
ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala,
kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais
isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay.

4
 Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang
anumang tunog ng patinig na kasama ng
katinig sa hulihan ng isang salita,
ginagamitan ito ng panandang krus (+)
bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling
tunog.

5
 Gumagamit ng dalawang pahilis na
guhit // sa hulihan ng pangungusap
bilang hudyat ng pagtatapos nito.

6
Panahon ng mga Kastila
 Maraming pagbabago ang naganap at
isa na rito ang sistema ng ating
pagsulat.
 Ang dating alibata ay napalitan ng
Alpabetong Romano na binubuo
naman ng 20 titik, limang (5) patinig
at labinlimang (15) katinig.
 a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n,
ng, p, r, s, t, w, y

7
 Pagpapalaganapng Kristiyanismo
ang isa sa naging layunin ng
pananakop ng mga Kastila.

 Ngunit nagkaroon ng suliranin


hinggil sa komunikasyon.

 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng


mga paaralang magtuturo ng
wikang Kastila sa mga Pilipino
ngunit ito ay tinutulan ng mga
prayle.

8
 Ang mga misyonerong Kastila mismo ang
nag-aral ng mga wikang katutubo.

1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang


rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang
Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at
mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga
diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa
mabilis na pagkatuto nila ng katutubong
wika

9
 Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni
Haring Felipe II ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng
katutubo
 Hindi naging matagumpay ang mga
kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II
ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang
mga probisyon sa mga nabanggit na batas.
Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga
hindi susunod dito.
 Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni
Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos
na gamitin ang wikang Kastila sa mga
paaralang itatatag sa lahat ng mga
pamayanan ng Indio.

10
Panahon ng Propaganda
 Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino
ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa
upang kumuha ng mga karunungan.
 Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Marcelo H. del Pilar
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat
sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang
nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing
damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
11
Panahon ng mga Amerikano
 Nagsimula na naman ang pakikibaka
ng mga Pilipino nang dumating ang
mga Amerikano sa pamumuno ni
Almirante Dewey
 Ginamit nilang instrumento ang
edukasyon na sistema ng publikong
paaralan at pamumuhay na
demokratiko
 Mga gurong sundalo na tinatawag na
Thomasites ang mga naging guro
noon.
12
 William Cameron Forbes – naniniwala
ang mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang
wikang Ingles upang madaling
magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano
 Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na
pinamumunuan ni Schurman na ang
layunin ay alamin ang pangangailangan
ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan
ng mga Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na
gamitin bilang wikang panturo ang Ingles

13
 Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng
sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang
Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng
diyalektong lokal

 N.M Saleeby, isang Amerikanong


Superintende – kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay
hindi pa rin ito magiging wikang panlahat
dahil ang mga Pilipino ay may kani-
kaniyang wikang bernakular na
nananatiling ginagamit sa kanilang mga
tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na
gawain

14
 Bise Gobernador Heneral George
Butte – naniniwalang epektibong
gamitin ang mga wikang bernakular
sa pagtuturo sa mga Pilipino

 Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na


gamiting wikang panturo ang mga
wikang bernakular sa mga paaralan
ay nanatili pa rin ang Ingles na
wikang panturo at pantulong naman
ang wikang rehiyonal

15
Panahon ng Hapones
 Sa pagnanais na burahin ang anumang
impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit
nila ang katutubong wika partikular ang
wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang panahong namayagpag ang
panitikang Tagalog.

 Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na


nag-uutos na gawing opisyal na wika ang
Tagalog at wikang Hapon

16
Panahon nga Malasariling
Pamahalaan
 Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3,
Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.”
 Dahil sa probisyong ito, itinatag ni
Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang
Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa
pagpili ng wikang pambansa.

17
18
 Nilikha ng Batasang Pambansa ang
Batas Komonwelth Blg. 184 –
opisyal na paglikha ng Surian ng
Wikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre 1936
 Ang tungkulin nito ay magsagawa ng
pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng
wikang pambansa ng Pilipinas

 Si Jaime C. de Veyra ang naging


tagapangulo ng komite
19
 Napili nila ang TAGALOG bilang
batayan ng wikang tatawaging Wikang
Pambansa

 Ipinalabas noong 1937 ng Pang.


Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas
na Tagalog ang batayan ng wikang
gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa

20
 Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang
napiling batayang wika :

1. Mas marami ang nakapagsasalita at


nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa
ibang wika

2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog


kumpara sa ibang wikain sapagkat sa
wikang ito, kung ano ang bigkas ay
siyang sulat

21
3. Tagalog ang ginagamit sa
Maynila at ang Maynila ang
sentro ng kalakalan sa Pilipinas

4. Ang wikang Tagalog ay may


historikal na basehan sapagkat
ito ang wikang ginamit sa
himagsikan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio
5. May mga aklat na
panggramatika at diksyunaryo
ang wikang Tagalog
22
 Dahil sa pagsusumikap ni Pang.
Quezon na magkaroon tayo ng
wikang pagkakakilanlan, hinirang
siyang “Ama ng Wikang Pambansa”

 Kautusang Tagapagpaganap Blg.


263 noong Abril 1940 –
nagpapahintulot sa pagpapalimbag
at paglalathala ng Talatinigang
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa.

23
 Pinasimulan ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa mga paaralan
pampubliko at pampribado sa buong
bansa

24
 Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg.
570 na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang opisyal
ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940

 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay


ang Proklamasyon Blg. 12 noong
Marso 26, 1954 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa ay magaganap mula sa ika-
29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril
bilang pagbibigay-kahalagahan sa
kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
25
 Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang
Proklamasyon Blg. 186 noong
Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa
paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika
mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto
bilang pagbibigay ng kahalagahan sa
kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19)

26
 Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni
Gregorio Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-
uutos na ituro at awitin ang Pambansang
Awit sa mga paaralan

 Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero


ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong
Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino ang
gagamitin
27
 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96 na nagtatadhana ng pagsasa-
Pilipino ng mga pangalan ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan
noong Oktubre 24, 1967

28
 Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael
Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-
aatas ng paggamit ng wikang Pilipino
sa mga opisyal na komunikasyon sa
mga transaksyonng pamahalaan

 Memorandum Sirkular Blg. 488 noong


Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat
ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng Linggo ng Wika

29
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksyon 2 at 3 –

“Ang Batasang Pambansa ay


magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t
hindi binabago ang batas, ang Ingles at
Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas”

30
 Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng
Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-
uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng
kurikulum na pandalubhasang antas

 Nabagong muli ag Konstitusyon nang


sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25,
1986 at nahirang na pangulo ng bansa si
Gng. Corazon c. Aquino

31
 Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, nasasaad
tungkol sa wika:

32
 Sek.6. Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay FILIPINO

 Sek.7. Ukol sa mga layunin


ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang
batas, Ingles

33
 Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat
ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Espanyol

 Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng


isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap
at pagpapanatili

34

You might also like