You are on page 1of 2

Kasaysayan ng

Wikang Pambansa
Panahon ng Sinaunang Austronesyano

200
Sa panahong ito nalaman ang pinagmulan ng lahi at ng wika.
Ang wikang Austronesian ay ang sinasabing batayan ng maraming
wika sa Pilipinas.

B.C.E Ang mahigit walumpung wika sa Pilipinas ang nauugnay sa mga


Austronesian kung saan hawig ang pagbilang ng mga numero ng
mga Ifugao, Tagalog, atbp.

Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol


Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa, marurunong

1521
nangmagbasa at magsulat ang mga Katutubong Pilipino.
Mula sa dating baybayin o mas kilalang “alibata”, ito ay napalitan ng
Alpabetong Romano na binubuo ng dalawampu’t siyam (29) na titik.
Nakapag-ambag sa wika ang mga mananakop dahil sa
pagkakasulat nila ng diksyunaryo at aklat panggramatika.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino/Panahon ng Propaganda


Ito ang panahon kung saan namulat ang makabayang damdamin ng
mga Pilipino.
Naitatag ang Kilusang Propaganda na ang layunin ay: magkaroon ng
pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa ilalim ng

1872-1898
batas; gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas; panumbalikin ang
pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Korte ng Espanya; at ibigay
ang Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.
Sa pamumuno nina Rizal, Del Pilar, Luna, at Jaena, ginamit ang
wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan
upang gisingin at pag-alabin ang damdaming makabayan – tula,
sanaysay, kwento, at iba pa.

Panahon ng mga Amerikano


Gamit ang pangakong demokrasya at edukasyon ay tuluyang
napasakamay ng mga Amerikano ang bansa.
Nagtayo sila ng mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng The
Education Act of 1901 (Act no. 74); ang mga sundalong Thomasites ang

1900- 1941
naging guro; at ipinag-utos gamitin ang wikang Ingles bilang midyum
sa pagtuturo.
Ayon sa linggwistang si David Doherty, hindi sapat ang paggamit ng
wikang bernakular sa pagtatamo ng maayos na edukasyon kung kaya
dapat gamitin ang wikang Ingles sa mga paaralan.
Naniniwala si Joseph Ralston Hayden, dating gobernadora at
isa sa tagapagtaguyod ng edukasyong Amerikano, na hindi
maitatangging ginagamit pa rin ng mga Pilipino ang kanilang
katutubong wika sa iba’t ibang gawain na hindi naman
kailangang gamitan ng wikang Ingles.

Panahon ng Malasariling Pamahalaan


Ang misyon nina Quezon at Osmeña nagpahalaga sa
importansya ng wikang pambansa.
Layunin ng edukasyon- debelopment ng diwa ng
pambansang pagkakaisa o nasyunalismo.
Naniniwala ang mga lider na mahalaga ang adapsyon ng
isang panlahat napambansang wika.
1943 – nagkaroon ng Kombensyong Konstitusyonal na
tinalakay ang problema sa wika, kung ano nga ba ang

1935-1946
gagamiting Opisyal na wika?
1935 – Saligang Batas ng 1935 (Art.Blg.XIV, s.3) – ang
kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at
pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na ibabatay sa
mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
Nob. 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184 – Itinatag ang
surian ng Wikang Pambansa (SWP) – Binigyan ng
kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng
mga sinasalitang wika sa Pilipinas at magrekomenda ng
pinakamagaling na magiging batayan ng isang
pambansang wika. TAGALOG ang kanilang pinili.
Nob.9, 1939 – Isinumite ng mga miyembro ng surian kay
Pang. Quezon ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang
gagamiting batayan ng wikang pambansa.
Kasaysayan ng
Wikang Pambansa

Panahon ng Imperyalistang Hapon


Order Militar Blg. 13. Nagkaroon din ng pagpapatupad ng
batas na ito na nag- uutos na ang wikang Tagalog at Hapon ay
siyang gagawing opisyal na wika ng bansa.
Dito nagsimulang mamayagpag ang panitikang Tagalog.
Sa pagnanais ng mga Hapon na burahin ang bakas ng
impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit

1942-1945 ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa


panitikan gamit ang katutubong wika.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang
masigurong hindi mababahiran ng kanlurang ideya ang
panitikang nililikha.
Gintong Panahon ng Panitikang Filipino. Ang panahong ito sa
kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian, at paniniwalang Pilipino ang mga ito.

Panahon ng Bagong Republika


Hulyo 4, 1946 – Batas Komonwelt Blg. 570 – ang wikang
pambansa ay isa nang Wikang Opisyal sa Pilipinas.
1946 – ang wikang pambansa ay tatawaging “WIKANG

1946
PAMBANSANG PILIPINO.”
1951 – Ang Wikang Pambansa ay tatawaging “WIKANG
PILIPINO.”
Agosto 13, 1959 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 – ang
wikang pambansa ay tatawaging “PILIPINO.”
1970 – Resolusyon blg. 70 – Ang wikang Pambansa ay naging
wikang panturo sa antas elementarya.

Panahon ng Bagong Lipunan


1972 – Saligang Batas ng 1972(Art.XV, s.2-3) Ang Batasang

1972
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang
tatawaging PILIPINO at hangga’t di binabago ang batas, ang
Ingles at Pilipino ang mananatiling mga opisyal na wika ng
Pilipinas.
1973 – Resolusyon Blg. 73-7 – Patakarang Edukasyong
Bilingguwal.
September 10, 1983 – Ang Constitutional Commission ay
inaprubahan na pormal na pagtibayin ang FILIPINO bilang
Wikang Pambansa.

1986 - Kasalukuyan
Oktubre 12, 1986 – pinagtibay ang implementasyon ng

1986
paggamit ng FILIPINO bilang pambansang wika.
Enero 1987 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 –
pinalitan ang SWP ng LWP o Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas.
Mayo 1987 – Inilabas ni Dr. Lourdes Quisumbing (Kalihim ng
Edukasyon) ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 32,
FILIPINO – wika ng literasi, ENGLISH – wika ng agham at
teknolihiya.
Agosto 14, 1991 - Batas Republika Blg. 7104- Nilikha ang
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang
Proklamasyon Blg. 1041. Nagpapahayag sa taunang
pagdiriwang ng BUWAN NG WIKANG PAMBANSA tuwing
Agosto 1-31.

You might also like