You are on page 1of 5

Modelo at Proseso ng Komunikasyon

Modelo at Proseso ng Komunikasyon

Modelo ni Aristotle batay sa kanyang Retorika nagbigay ng 3 sangkap ng komunikasyon

nagsasalita

ang sinasabi

ang nakikinig

Aristotle

Modelo ni Claude Shanman at Weaver

Ayon kay Claude Shanman at Weaver lima (5) ang sangkap ng komunikasyon

Pinanggalingan

Tagapaghatid (transmitter)

Senyas o Kodigo

Tagatanggap ng pahatid (reciever)

Distinasyon

Modelo ni Shanman at Weaver

Batay sa pag-aaral ni Shanman at Weaver, mayroong pinagmulan ng mensahe o sino ang tagabigay ng
mensahe. Ikalawa sino ang tagapahatid ng menshae o sino ang nagdadala o naghahatid ng mensahe.
Pangatlo, saan nagdadaan ang mensahe, sa celfon, telepono, senyas ba o nagsasalita? Malinaw ba o
magulo ang linya? Senyas, simbolo o salita ang pinagdadaanan ng mensahe? Marami bang tao o maingay
ang kapaligiran? Ayon kay Shanman at Weaver, ang inga ay malaking epekto sa pagkakaunawa ng
mensahe. Dapat malinaw at maliwanag ang pinagdadaanan ng mensahe upang maunawaan ang
komunikasyon.

Modelo ni Berlo

May apat na elemento ng komunikasyon

Painagmumulan

Mensahe

Tsanel

Tagatanggap

Ayon kay Berlo, apat ang elemento ng Komunikasyon

Pinagmumulan ng mensahe – maaring isang tao, grupo ng mga tao, tagapagsalita o tagapanayam kung
may pulong o seminar, professor sa loob ng klase o estudyante na nagpapaliwanag. Maaari ring isang
brodkaster, sa radio o telebisyon. Manunulat sa isang pahayagan o magasino o aklat o anumang
babasahin o karaniwang usapan ng mag-ama o mag-ina o mag-pamilya.

Mensahe – anumang ideya, opinion, kaisipan: maaaring ito ay nagtuturo, nagpapatawa, nagbibigay ng
impormasyon formal o di-formal.
Tsanel o daluyan ng mensahe – saan dumdaan ang mensahe, gaya ng fax machine, celfon, telepono,
radio, telebisyon, advertisement, sulat, e-mail, senyas, anumang daanan, verbal o di-verbal. Tinaggap
ang mensahe sa pamamagitan ng pagbasa ,sa pakikinig, paningin, pandama at iba pa.

Tagatanggap ng mensahe – ang taong tumatanggap at nagpapakahulugan ng mensahe. Halimbawa : ang


taong nakabasa ng pahayagan, paano tinanggap ang mensahe, ang taong nakarinig, paano tinanggap ang
narinig na mensahe; ang taong nakapanood, ano ang reaksyon sa pagpapakahulugan ng mensahe.

Si Wilder Schrama ay nagsasabing tatlo rin ang elemento ng komunikasyon.

Ang pinanggalingan

Ang mensahe

Ang distinasyon

Ayon kay Wilder Schrama

Ang Pinanggalingan - Halimbawa: taong nagsasalita, sumusulat, gumuguguhit, palimbagan, estasyon ng


radio at telebisyon o mula sa tanghalian.

Ang Mensahe – Halimbawa: porma ng tinta sa papel, usok buhat sa siga, tunog ng tambol o kampana,
tunog na dala ng hangin, kampaw ng kamay, bandilang iwinawagayway, kodigong morse.

Ang Distinasyon – Halimbawa: taong nakikinig, nanonood o nagbabasa, pangkat ng nagtatalakayan,


pangkat na nakikinig sa panayam, pangkat na nanonood ng basketball, nagbabasa ng pahayaganm
nanonood n gtelebisyon, nakikinig sa radio at iba pa.
Modelo ni Swanson at Marquard

Ayon naman kay Richard Swanson at Charles Marquard, 1974 lima ang sangkap ng komunikasyon.

Pinanggalingan – mensahe (sumulat/nagsasalita).

Ideya o mensahe

Kodigo – (Wika, kumpas, ekspresyon ng mukha).

Paraang paghahid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad).

Tumanggap ng mensahe (bumasa o nakinig) Pinanggalingan ng mensahe.

Layunin – pagbibigay ng kabatiran, manghikayat, manlibang o magbigay aliw.

Ang modelo ay maaring maipakita ang kabuuan sa pamamagitan ng ilustrasyong ito.

May anim (6) na mahalagang elemento sa proseso ng komunikasyon: ang tagabigay, ang mensahe, ang
daluyan o daanan ng mensahe, ang tagatanggap, ang tugon at ang mga maaaring sagabal sa
komunikasyon.

Mga Sagabal sa Komunikasyon

1. Edad – mahalagang makilala ang tagapakinig o tagatanggap upang maiangkop ang wikang
gagamitin, halimbawa: kung ang mga tagapakinig ay mga batang magtatapos sa Day Care School o
kindergarden o magtatapos sa kolehiyo, tiyak na malayo ang agwat ng tagapakinig o mga kabataang nasa
kolehiyo. Maliban sa mga nattanging okasyon kung ang mga taong makikinig ay mga retirado o kaya may
mga kapansanan

2. Pinag-aralan – kilalanin ang mga tagatanggao ng mensahe o tagapakinig kung ito’y mga
pangkat ng propesyonal, gaya ng akademya, mangangalakal, enhenyero, medesina at ba pa. Kung
nattango ang makikinig, kailangan iangkop ang wikang gagamitin sa linya ng disiplina na kanilang
kinabibilingan, depende rin sa anong pakse o okasyon ang pagtitipon. Ang bawat disiplina ay may kanya-
kanyang wika na napapaloob sa kanilang propesyon.

3. Hanapbuhay – mahalagang malaman ng tagapagsalita nag kinabibilangan na hanapbuhay ng


mga tagapakinig. Sila ba’y karaniwang manggagawa sa lunsod o sa probinsya, magkaiba ang
pangangailangan nila sa buhay at magkaiba ang ginagawalang pamumuhay gaya ng mga magsasaka,
mangingisda, nag-aalaga ng hayop o kaya manggagawa sa mga pabrika. Iba rin ang pangkat ng mga
nagtatrabaho sa mga opisina, artista, administrador sa iba’t ibang uri ng kompanya. May kanya-kanyang
linya o wika maliban sa pook at panahon na kinabibilangan ng bawat tagapakinig.

4. Kalagayang sosyal – nagkakroon ng suliranin ditto lalo na sa mga katawagan ng ginagamit ng


mga tao sa kanilang antas ng buhay na kanilang gingalawan at pook na kanilang kinabibilangan. Malaki
ang suliranin ng tagapagsalita kung hindi niya alam kung sino ang kanyang tagapakinig.

5. Daluyan o daanan ng komunikasyon – maaaring maingay ang linya ng telepono o celfon,


mahina ang baterya o kaya hindi maganda ang ginagamit na mikropono.

6. Pagpapakahulugan ng salita – maaaring iba o mali ang pagtanggap o pagkakahulugan ng


salita gaya ng salitang bumigay – maaaring pumayag na o namatay na.

You might also like