You are on page 1of 9

PANIMULA

Ang pag-aaral ng ponemiko at ponemikong tunog ay napapasa-ilalim sa ponemika. Ang

ponemika kasi ay ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba’t ibang makahulugang tunog na

ginagamit sa pagsasalita.

Sa pag-aaral na ito ang ating mga layunin ay mapag-aralan ang ponemiko at ponetikong

tonog, masuri ang pagkakaiba ng ponemiko at ponetikong tunog, at matutunan ang konsepto

ponemiko at ponetikong tonog sa iba’t ibang wika.

Ang alin mang wika ay binubuo ng iba’t ibang tunog. Karamihan sa mga tunog na ito ay

makahulugan o makabuluhan bagama’t ang ilan ay hindi. Ang pagkakaiba ng mga

makahulugang tunog ang siya nating malimit na napapansin sa isang wika; ang di makahulugang

mga tunog ay hindi.Napapansin natin ang pagkakaiba ng tunog ng mga ponema sapgakat ito’y

nagdudulot ng pagbabago sa kahulugan. Kapag ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay

makahulugan, sinasabi nating ang pagkakaiba’y ponemiko; kapag naman ang pagkakaiba’y di

makahulugan, sinasabi nating ang pagkakaiba’y ponetiko.

May uri ng tunog ang lahat ng wika na mahahati sa dalawang antas: ponetikong antas at

ponemikong antas.Sa pagsusuri ng isang dalubwika sa isang wika ang unang-una niyang

ginagawa ay ang pagtatala o pag-iimbentaryo ng lahat ng iba’t ibang tunog na kanyang naririnig

sa mga nagsisipagsalita ng nasabing wika. Pagkatapos ay susuriin ang naitalang tunog upang

alamin kung alin sa mga ito ang ponemiko at ponetiko.

Madaling nakikilala ng isang nagsusuri ng wika ang mga ponema sa wikang kanyang

sinasalita kaysa sa mga ponema ng ibang wika lalo na’t hindi niya ito naiintindihan. Halimbawa,

kung madali makilala ng isang Cebuano ang iba’t ibang tunog sa kanyang wika, hindi ito

nangangahulugang madali rin sa kanya na makikilala ang iba’t ibang tunog ng wikang Meranao.

1
Sa isang taong hindi masyadong bihasa sa pagsusuri ng wika, ang pinaka-alam niyang set

ng mga ponema ng kanyang wika ang siyang nagdudulot ng suliranin sa kanyang pagsusuri. Ito

ay nangyayari sapagkat ang isang pares ng mga ponema ay nagsasalungat sa kanyang wika ay

hindi nangangahulugang ganun din sa ibang wika.

Mga halimbawa: Sa Ingles ay malinaw na malinaw na hiwalay at magkaibang ponema

ang /f/ at /p/, tulad ng mapapatunayan sa mga sumusunod na pares minimal – fin:pin , fine:pine.

Ngunit sa Pilipino, ang /f/ ay hindi pa maituturing na ponemiko sapagkat ang mga salitang hiram

sa ibang wika na may ganitong ponema’y karaniwang pinapalitang /p/. Halimbawa:

formal=pormal, café=kape. Sa mga pares minimal na salitang nabanggit, mapapatunayang ang

kahulugan ng salita ay hindi nag-iiba. Gayundin naman ang ponemang /v/ sa Ingles karaniwang

pinapalitan lang ito ng /b/ sa Pilipino. Halimbawa: vinta=binta. Pati na rin ang ponemang/v/ sa

Kastila karaniwang pinapalitan lang ito ng ponemang /b/ sa Pilipino. Halimbawa:

vintana=bintana. Samakatuwid, ang isang Amerikano at Espanyol nagsusuri sa wikang Pilipino,

ang ganitong sitwasyon ay maaaring makalito.

Sa Kastila, gayundin sa Pilipino, ang mga tunog na /s/ at /z/ ay hindi ay hindi maituturing

magkahiwalay at magkaibang mga ponema sapagkat ang mga ito’y hindi magkasalungatan o

nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran, tulag ng zigzag:sigsag na kahit bigkasin ng [zigzag] o

[sigsag] ay hindi nagbabago ang kahulugan. Samakatueid, ang pagkakaiba sa bigkas ng [s] at [z]

ay hindi maituturing na ponemiko. Ngunit sa Ingles ay tiyak na mga ponemiko ang /s/ at /z/,

tulad ng makikita sa pares minimal na sue at zoo.

Ang pagkakaiba sa tunog ng [s] at [z] ay hindi gaanong napapansin ng isang Pilipino o ng

isang Kastila sapagkatang pagkakaibang ito ay hindi makahulugan sa kani-kanilang wika.

Katulad din naman sa Ingles na ang pagkakaiba ng [ ph ] at [p] sa mga salitang pan [phæn] at span

2
[spæn] ay hindi halos napapansin ang sapagkat ang pagkakaibang ito ay hindi ponemiko. Ngunit

sa ilang wikain sa Tsina ang pagkakaiba ng tunog na aspirado at di aspirado ay ponemiko. Dito

naman nagkakaroon ng suliranin ang isang Amerkanong mag-aaral ng wikang Intsik sapagkat sa

wikang Intsik ay nakakapagpapabago ng kahulugan ang pagkakaroon at pagkakawala ng

aspirasyon.

Sa bahaging ito ay napapansin din na ang transkripsyong pamponetiko ay naghuhudyat

na may tunog o mga tunog na nakkukulong ng mga braket [] na di-ponemiko, samantalang ang

transkripsyonng pamponemiko ay naghuhudyat naman na ang mga tunog na nakukulong ng mga

pahilis na guhit o virgules // ay tiyak na mga ponemiko.

Sa wikang Pranses ay walang tunog na /θ/. Kaya’t sa isang Pranses na nag-aaral ng

Ingles, ang /θ/ ay nagiging /s/, kaya’t ang ‘thin’ /θin/ ay nagiging ‘sin’ /sin/. Dahil ditto nabubuo

ang ang suliranin sa pakikipag-usap ng isang Pranses sa mga Amerikano.

Kung gusto nating malaman kung ang dalawang tunog ng isang wika ay may

pagkakaibang ponetiko o ponemiko; una, ay subukin natin kung ang mga ito ay matatagpuan sa

magkatulad na kaligiran. Pagkatapos ay subukin kung ang mga ito’y nagsasalungatan o

nagkokontrast sa gayong kaligiran. Kapag ang dalawang tunog ay hindi nagkokontrast sa

magkatulad na kaligiran, sinasabi nating ang pagkakaiba ng dalawang tunog ay di-ponemiko.

Sa salitang Ingles ang ganitong phenomena ay karaniwang ginagamit ito. Suriin natin ang

kalagayan ng /t/ sa salitang top at stop - [ t h ap] : [stap]. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang [ t h ]

at [t]? Wala, sapagkat ang [ t h ] ay nasa pusisyong inisyal samantalang ang [t] ay nasa pusisyong

midyal. Maaaring pagpalitin ang pusisyon ng [t] at [ t h ], na ang [t] ay ilagay sa pusisyon ng [ t h ]

sapagkat ang ang pagkakaiba sa bigkas ng dalawang tunog na ito ay hindi maituturing na

ponemiko. Ngunit sa sandaling ang [ t h ] ay malagay sa pusisyon ng [t], ito’y magkakaroon ng

3
pagbabago – magiging [t] na rin dahil sa impluwensya ng nauunang ponemang /s/. Gayundin

kapag ang [t] ay inilagay sa pusisyong inisyal, ito’y magkakaroon ng aspirasyon - [ t h ] – dahil sa

hinihingi ang ganiong paraan ng pagbigkas sa lahat ng ponemang pasara o istap na /p, t, k, b d, g/

kapag nasa pusisyong inisyal malinaw na marinig ng nakikinig ang ponemang nasa pusisyong

inisyal. Dahil dito, masasabi natin na ang [t] at [ t h ], sa katotohanan, ay mga alopono lamang ng

isang ponema. Nagkakaroon lang ito ng bahagyang pagbabago ayon sa kinalalagyang kaligiran,

o ayon sa distribusyon.

KONKLUSYON

Sa kabuuan ang ponemiko ay ang pagkakaiba sa dalawang tunog na makahulugan,

kumbaga ito yung mga salitang may pagkakapareho sa bigkas ngunit iba ang kanyang kahulugan

at iba rin ang ponemang ginagamit. Samantalang ang ponetiko ay ang pagkakaiba ng dalawang

tunog ay hindi makahulugan sapagkat hindi nagbabago ang kahulugan ng salita kahit na pinalitan

na ito ng ibang ponema. Nangyayari ang mga ito sa iba’t ibang wika. Nagkakaroon ng mga

suliranin ang mga taong nag-aaral ng ibang wika dulot ng pagkakaiba ng unang wikang kanyang

natutunan o ang kanyang sariling wika sa wikang gusto niyang matutunan. Mas masalimoot na

suliranin ang nagaganap kapag wika ng ibang bansa ang pinag-aaralan sapagkat hindi ito

kabisado ng nagsusuri lalo’t bago palang siya sa larangan ng pagsusuri ng mga tunog ng wika.

Kaya naman aahalagang pag-aralan ang ponemiko at ponetikong mga tunog sa iba’t ibang uri ng

wika upang hindi mahirapan ang mga taong nag-aaral ng wika. Sapagkat sa bawat uri ng wika ay

nagkakaiba ang mga tunog ng mga salita. May mga salita din na akala natin na ang pagbaybay ay

4
ganun rin natin basahin pero hindi natin napapansin ang ibang tunog. Katulad nalang mga

salitang may malambot na glottal na h.

REKOMENDASYON

Ang pag-aaral sa ponemiko at ponetikong tunog ay maaring gamitin sa paggawa ng

pananaliksik patungkol sa wika. Kailangang pag-aralan natin ang mga tunog na ito, hindi lamang

sa wika natin kung hindi pati na rin sa ibang wika sapagkat iba-iba ang mga tunog na ating

maririnig sa ibang wika. Mahalagang malawak ang ating kaalaman sa iba’t ibang wika upang

hindi tayo mahirapan sa pagsusuri sa mga tunog ng iba’t ibang wika. Palagi lang tandaan na ang

ponemikong tunog ay makahulugan ang pagkakaiba ng dalawang wika at ang ponetikong tunog

ay di-makahulugan ang pagkakaiba ng dalawang wika. Ito ang pinaka mabisang gabay upang

maging maayos ang pagsusuri ng mga tunog ng wika kung balak mong magsuri ng mga tunog ng

wika.

MGA REPERENSYA

 Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika sa Pilipino. Quezon City: Rex

Printing Company, Inc.

5
MGA TANONG

1. Kapag ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay makahulugan, sinasabi nating ang

pagkakaiba’y __________.

A. Ponetiko

B. Ponemiko

C. Ponema

D. Ponolohiya

2. Kapag ang pagkakaiba dalawang tunog ay di-makahulugan, sinasabi nating ang

pagkakaiba’y __________.

A. Ponetiko

B. Ponemiko

C. Ponema

D. Ponolohiya

3. Ano ang unang-unang ginagawa ng isang dalubwika sa pagsusuri ng isang wika?

A. Pagsusuri

B. Pagtatala

C. Pag-iimbentaryo

6
D. B at C

4. Ang pagkakaiba sa bigkas ng [s] at [z] sa salitang /sigsag/ at /zigzag/ ay hindi maituturing

na ___________.

A. Ponetiko

B. Ponemiko

C. Ponema

D. Ponolohiya

5. Ano sa lang wikain ng Tsina ang pagkakaiba sa bigkas ng tunog na aspirado at di

aspirado?

A. Ponetiko

B. Ponemiko

C. Ponema

D. Ponolohiya

6. Sa wikang Ingles ang pagkakaiba sa bigkas ng salitang top at stop ay itinuturing

na_________.

A. Ponetiko

B. Ponemiko

C. Ponema

D. Ponolohiya

7
7. Ano sa Ingles ang pagkakaiba sa bigkas ng [ ph ] at [p]?

A. Ponetiko

B. Ponemiko

C. Ponema

D. Ponolohiya

8. Sa isang pranses na nag-aaral ng Ingles, ang /θ/ ay nagiging ________.

A. /c/

B. /t/

C. /p/

D. /s/

9. Ano ang tawag sa pagkakaiba sa salitang pan [phæn] at span [spæn] sa wikang Ingles?

A. Ponema

B. Ponemiko

C. Ponetiko

D. Ponolohiya

10. Ang sumusunod na pares minimal ay halimbawa ng hindi maituturing na ponemiko

maliban sa________.

A. top:stop

B. sue:zoe

C. pan:span

8
D. fin:pin

You might also like