You are on page 1of 7

Maikling kuwento Handout

1. 1. ANG MAIKLING KWENTO Katuturan: - isang anyo ng panitikan na naglalayong


magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. - maikling katha na
nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o
buod ng isang nobela. - Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at
ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na
inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw. Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling
Kwento 1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang
magkaroon ng isang balangkas ang maikling kwento. 2. sumusunod sa makabagong
pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas sa pagkatha ng kwento
kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang larawang
hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming
pilit na titinag sa kanilang kalooban. Mga Katangian ng Maikling Kwento: 1. Tumatalakay sa
isang madulang bahagi ng buhay. 2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan. 3. Gumagamit ng isang mahalagang
tagpo o ng kakaunting tagpo. 4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan
hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng wakas. 5. Nagtataglay ng iisang
impresyon o kakintalan. Mga Sangkap ng Maikling Kwento: 1. Banghay – tumutukoy sa
maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari. 2. Tauhan – tumutukoy sa
mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na
tauhan. Ang mga akdang tuluyan gaya ng alamat ay may nga tauhang kinikilala. 1.
Pangunahing Tauhan – ang pinakamahalagang tauhan ng isang akda. Sa kanya umiinog
ang kasaysayan ng akda. 2. Katunggaling Tauhan – ang sumasalungat sa hangarin ng
pangunahing tauhan. Malaga ang ginagampanang papel ng katunggaling tauhad dahil siya
ang nagbibigay ng buhay sa daloy ng pangayyari ng akda. 3. Mga Katuwang na Tauhan –
mga karaniwang tauhan ng akda na kasama ng pangunahing tauhan bilang kapalagayan ng
2. 2. loob. nagbibigay ng suporta ang katuwang na tauhan sa pangunahing tauhan at ilang
tagpo ng akda. 4. May-akda – Ayon kay Domingo Landicho sa kanyang Manwal sa pagsulat
ng Maikling Kuwento, ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagging magkasama o
magkasanib sa loob ng akda. Bagama’t ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng mga
tauhan, sa likod ay lagging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. Uri
ng Tauhan 1. Ang tauhang lapad (plain character) ay uri ng tauhan sa anumang anyo ng
panitikan na hindi nagbabago ang katuahan sa loob ng kwento. Ibig sabihin mula umpisa ng
pelikula hanggang wakas, ang kanyang pagkatao ay ganoon pa rin. Halimbawa sa novelang
Noli Me Tangere, hindi nagbago ang katauhan ni Tiya Isabel sa kabuuan nito. Siya ay
mahinhing babae, masunirin na kapatid at mapagmahal at maalahaning tiyahin. Bilang ang
kanyang kilos at tipid siya sa pananalita. Ang mga katangiang ito ay taglay pa rin niya
hanggang sa katapusan ng novela at walang nagbago sa kanyang katauhan sa kabuuan
nito--- ibig sabihin hindi nagbago ang kanyang katauhan at lapad ang kanyang pagkatao sa
kabuuan ng panitikan. Ngunit bijhira ang ganitong uri ng tauhan sa mga
kwento.Samantalang, ang 2. Tauhang bilog (round character) naman ay kabaligtaran ng
tauhang bilog. Nagbabago ang katauhan ng isang tauhang bilog sa loob ng kwento.
Halimbawa, sa Noli Me Tangere ipinakilala si Ginoong Crisostomo Ibarra bilang isang taong
tahimik at mapagtimpi. Ngunit nabasa ang kanyang katahimikan at pagkamatimpi sa
ikatatlumpung kabanata. Sinunggaban niya si Padre Damaso at saka tinutukan ng kutsilyo
sa leeg. Ibig sabihin, mayroong pagbabago sa kanyang katauhan habang tumatakbo ang
kwento. Ang dati'y mapagtimpi ay sumabog at hindi na maawat na tao. Si Ibarra ay
halimbawa ng isang tauhang bilog. 3. Peripetia – mga tauhan/ tauhan na nagbabago ang
karakter batay sa sitwasyon. Halimbawa sa telenovelang “Mari Mar” nagpapabago-bago ang
karakter ni Mari Mar batay sa sitwasyon sa kanyang buhay at paligid. 4. Versimilitudes –
masasabing sobrang tangang karakter. Halimbawa na lamang nito ay ang karaketr ni Maria
Clara sa nobelang “Noli Me Tangere. Naging sunod-sunuran lamang siya sa kanyang ama-
amahan/amang si Padre Damaso. Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:
a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento
ang mga katangian ng tauhan b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan
ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng
pagkilos at pagsasalita niya. 3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng
kwento. Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang
makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.
3. 3. 4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento. Nakikilala
rito ang mga sumusunod: a. paglikha ng nagsasalaysay b. ang lugar at panahong
sumasaklaw sa pagsasalaysay c. ang taong pinagsasalaysayan nito. d. ang relasyon ng
pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay e. kung gaano ang nalalaman ng
nagsasalaysay. Mga Uri ng Paningin: a. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay
sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng
unang panauhang “ako” b. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay
gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at
sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at
pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto
niyang sabihin o itago ang nais niyang itago. c. tinakdaang obhetibong paningin – ang
pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o
di kaya’y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay. d.
obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o
malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang
tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna
o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita
niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang
masasabi ang kanilang iniisip o nadarama. e. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat
na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang
kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay
naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa
pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip
na “ako”. f. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon
sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa
pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan
maliban sa pangunahing tauhan.
4. 4. 5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na
ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa
isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap. Halimbawa: “
ang pagsama ng isang tao” - kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito: “kung
minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang karanasan sa buhay ” 6.
Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na
pag-iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang
pighati. 7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda.
Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging
malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa
mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din
nito’y nagiging matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu’t bagot sa sinumang
bumabasa ang paglalantad ng mga sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga
bilang isa sa pangunahing sangkap ng maikling kwento. 8. Simbolo – ito ang mga salita na
kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa. Halimbawa: Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o
kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa katapangan o kaguluhan. 9. Suliranin
– mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang
magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano
kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap. 10. Tunggalian – ito
ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-
panabik ang mga panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito
sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa
katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng
layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong
huli. Mga uri ng Tunggalian: a. tao laban sa tao b. tao laban sa sarili c. tao laban sa
kalikasan
5. 5. 11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang
madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang
kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang
pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng
mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa
kahihinatnan ng pangunahing tauhan. 12. Himig – ito’y tumutukoy sa kulay ng damdamin.
Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng
damdamin. 13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at
hindi artipisyal ang dayalogo. 14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga
tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang
nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng
pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali. 15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng
paglalaban ng mga tauhan sa akda. 16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-
unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito
sa wakas ng katha. 17. Wakas – bagama’t ang kwento’y maaari nang magwakas sa
kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga
pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa
tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga
mambabasa. Mga Bahagi ng Maikling Kwento 1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing
paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng mga pangyayari. 2. May-akda –
tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito ay dapat
makilala kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang maikumpara ang
kanyang talino at pagkatao sa paglikha ng mga kwento at ang kaugnayan nito sa sariling
karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid na kanyang kinabibilangan. 3. Panimula – ito
ang simulain ng kwento. May iba’t ibang paraan ng pagpapakilala rito: a. Pagpapakilala sa
mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang pangunahing tauhan,
mapangibabaw ang katangian ng pangunahing tauhan upang magkagiliw agad sa kanya
ang mga mambabasa.
6. 6. b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang pagitawin ang
suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya
iinog ang mga sumusunod pang pangyayari. c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng
damdaming pagigitawin sa kwento – ang lahat ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay
kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa. d. Paglalarawan ng
tauhan – sa ‘di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga
mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga bayani sa akda;
mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kakaharapin ng
pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa mambabasa. 4. Tunggalian – ito
ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaaring isa ring
kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya. 5. Kasukdulan – ito ang
pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang at malalaman
na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang
suliranin. 6. Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga
tauhan sa mga suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng
kwento. MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng Maikling kuwento 1. Ang Pamagat
Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian: 1. hindi pangkaraniwan
2. Kapansin-pansin 3. kapana-panabik Mga Pamagat na Dapat Iwasan 1. pangkaraniwan –
halimbawa ay “Ulam” 2. pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “
Anak na Suwail,Nagsisi.” 3. pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa –
halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.” 4. pamagat na masasabing kahangalan –
halimbawa ay “Apoy na Mainit.” Maaaring Maging Mabuting Pamagat 1. pook na may
malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M.
Gonzales. 2. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio
Gar. Matute. 3. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R.
Ocampo
7. 7. 4. isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan ni
Mabini Rey Centeno 5. katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento:
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo. 6. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento
halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga Bulaklak ni Jose F. Sibal 2. Ang Pagiging Sang-ayon
ng Akda sa Karanasan sa Buhay Mailalarawan nang buong limnaw ng isang manunulat ang
mga bagay na nais niyang ilarawn kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang
nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi dapat tumalakay ng mga paksang hindi
nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na malayo sa katotohanan.
Isang halimbawa’y isang manunulat na naglalarawan sa kanyang kuwento na tungkol sa
bansang Inglatera ngunit hindi pa siya nakararating sa naturang bansa. Magagawang
malinaw at kapani-paniwala ang paglalarawan o pagsasalaysay sa pamamagitan ng pagamit
ng tiyak na mga katangian o tiyak na mga pangyayari. Sa ganitong paglalarawan,
kailangang ilarawan ang pook na pagdarausan ng kasayahan, ang kapaligiran, mga ilaw,
mga pagkain, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa pagbuo ng larawan sa isip ng
mga mambabasa. 3. Ang Usapan sa Kuwento Ang mga sumusunod ay mga katangian ng
isang mabuting usapan: 1. pagiging natural – Kailangan ang sagutan ay katulad ng sa tunay
na usapan. Nauugnay ang sinasabi ng sumusunod na nagsalita sa sinabi ng nauna.
Mayayamot ang bumabasa kung sa dalawang nag-uusap ay isa lamang ang palaging
nagsasalita at ang kausap ay tagausisa lamang na kahit mawala ay hindi magiging
kakulangan sa kuwento. Ang mga sinasabi ng tauhan ay hindi dapat na napakahaba na tila
nagtatalumpati, maaring mahaba ang sinasabi ng tauhan kung gayon ang hinihingi ng
kuwento. Hindi kailangang maging buo ang pangungusap.Maaring magsalita, isang parirala,
o paputol-putol ang pagsasalita. 2. angkop ang tauhang nagsasalita – Sa pagsasalita ng
tauhan ay kailangang makilala ang likas niyang sarili at ang damdaming nag-udyok sa
kanyang ikinilos. Kailangan ang isang tauhan ay mamumukod sa mga kasaman niya sa
pamamagitan ng kanyang mga sinasabi. Maari siyang seryoso, madaldal, palabiro, utal,
nakayayamot, o kaya’y mapambuska. 3. angkop na pangyayari – Kailangan sa
pamamagitan ng sinasabi ng tauhan ay malaman ng mambabasa kung anong damdamin
ang nag-uduok sa kanya upang magsalita nang ganoon.ang isang taong nagsisisi nang
buong puso ay hindi magsasalita nang mapangmataas. Ang isang taong takut na takot ay
8. 8. hindi maaring magsalita nang mahinahon at buong katalinuhang sagutin ang tanong sa
kanya. Kung ang tauhan ay nagtatampo, bayaang makilala ang pagtatampo sa kanyang
mga sinasabi. 4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento – Kailangan ang pag-
uusap ay tumutulong sa pagsulong na galaw ng kuwento. Ang pag-uusap ay hindi dapat
gamiting kasangkapan upang maiparangalan ng may-akda ang kanyang karunungan at
kaliksihang isip. 4. Paglalarawang-Tauhan Ang mga sumusunod ay mga karaniwang
pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan: 1. paglalarawan ng
isipang naghahari sa tauhan 2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan 3.
paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan 4. tiyak na pagsusuri ng kanyang
katauhan 5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga
kasangkapang kanyang ginagamit 6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga
pangyayaring kanyang kinakaharap 7. paglalarawan ng mga sinasabi nfg ibang mga tauhan
tungkol sa isang tauhang tinitukoy sa kuwento 8. paglalarawan ng damdaming kanyang
ginigising sa mga kasama niyang tauhan 5. Masining na Pagsulat May tatlong parran ang
masining na pagsulat. 1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang 2.
Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa pananalita.
3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag- pansin. Mga Kailangan ng Isang
Maikling Kuwento Tunggalian May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang
magkaroon ng tunggalian upang magkaroon ng dula. Tinatawag na tunggalian ang
paglalaban ng pangunahing tauhan at iba pang mga tauhan. Ang isang kaisipan ay maaring
makipagtunggali sa isa pang kaisipan. Ang ikapagtatagumpay ng alinman sa dalawa ay
nasa manunulat. Maari namang ang isang tauhan ay makipagtunggali sa kalikasan, tulad ng
bagyo, at iba pang dulot ng kalikasan. Nakapagdudulot ito ng kapanabikan at kasiyahan sa
mga mambabas ang bawat tunggalian. Hindi mabuting kuwento ang isang akdang walang
tunggalian. Hindi ito magiging kawili-wili sa mga mambabasa. Kasukdulan Nagbibigay na
pananabik sa mga mambabasa ang bawat tunggalian. Ang mga tungggalian sunud-sunod
ay dumarating sa isang tanging bahagi na nagdudulot ng pinakamasidhing pananabik. Ang
bahaging ito ng pinakamasiding pananabik ay tinatawag na kasukdulan. Katapusan Ang
mga mambabasa’y nananabik kung ano ang magiging wakas ng kuwento hangga’t hindi
sumasapit ang kasukdulan. Nagpapatuloy ang mga mambabasa sa pagbasa
9. 9. upang malaman kung ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan. Ang kuwento’y
magwawakas na pakatapos ng kasukdulan. Hindi dapat na pahabain pa ang kuwento
pagkatapos ng kasukdulan sapagkat mawawala ang ganda nito. Dagling sundan ng wakas.
Ang isang makabagong manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang kuwento. Ang
wakas ay malimit na ipinapaubaya niya sa guni-gini ng kanyang mambabasa. MGA
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MAIKLING KUWENTO Ang katangiang dapat
taglayin ng isang mahusay na maikling kuwento ay ang mga sumusunod: 1. Kaisahan Ang
kaisahan ng maikling kuwento ay tumutukoy sa isang panggitnang kaisipan. Kailangang
makapag-abuloy sa kaisahan ng kaisipang nais palitawin ng may-akda ang bawat bagay sa
kuwento. Ang mga kilos at pag-uusap ng mga tauhan ay nararapat ding makapag-abuloy sa
kaisahan. Ang kaisahan ay bumubuo sa isang pangungusap mataposs mabasa ng
mambabasa ang kuwento. Maaaring isaisip ng isang mambabasa na ang paksa ng kuwento
ay tungkol sa pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, ang pagkamakabayan ng
isang lalaki, ang kahalagahan ng karunungan, ang pagtatagumpay ng kabutihan laban sa
kasamaan, pagpapahalaga sa karapatang pantao, atbp. Ang Mabuting Pagpapahayag Ang
mabuting pagpapahayag ay pagpili ng mga wastong salita na angkop sa diwang nais
ipahatid ng may akda. Ang paggamir ng mga pili at angkop na mga salita ay mahalaga
sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay magiging mabisa ang kaisipang ipinapasok ng
manunulat sa mga tauhan at magiging malinaw ang paglalarawan. Ang mahusay na
pagpapahayag ay nakatutulong sa kaisahan ng kuwento. Ang Pamamaraan Iba’t iba ang
pamamaraang ginagamit ng mga kuwentista. Ang bawat isa’y may sariling kakanyahan. Ang
mga manunulat na sumasang-ayon sa dating pamamaraan ng pagsulat ng maikling kuwento
ay nanniniwala sa pamamaraang nagbibigay-diin sa balangkas. Ang pamamaraang ito ay
may mga sumusunod na bahagi: i. Panimula (Kasama rito ang tagpuan) Maraming
tungkuling ginagampanan ang panimula. Inilalahad nito ang tagpuan(setting) na siyang
nagpapakilala sa mga mambabasa ng mga tauhan,panahon, at lunan ng kuwento. May mga
kuwentong inilalahad na lahat ng tagpuan, ang tatlong sangkap ng tauhan, panahon, at
lunan. Kung minsan nama’y ang inilalahad ng tagpuan ay tauhan at panahon lamang,
ipinauubaya na sa mga mambabasa na hanapin ito sa kabuuan ng kuwento? ii. Saglit na
kasiglahan Ang mga bahaging naglalahad ng unang suliraning inihaharap ng lunas ay
tinatawag na saglit ng kasiglahan. Higit na umaakit sa mga mambabasa ang bahaging ito
upang ipagpatuloy ang pagbasa. Ang pag-aakit ng mga mambabasa sa panimula dahil sa
pamamaraang ginagamit ng may-akda ay pansamantala lamang. Ibang uri ng pagkaakit ang
naramdaman nila ang pamiminto ng isang pangyayaring gumising ng isang tiyak na
damdamin kung hindi man maging kawili-wili.
10. 10. iii. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas Ipinaliwanag sa dakong unahan na ang saglit ng
kasiglahan ay simula ng pagtungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas.
Ang susunod ay mga pangyayaring kailangang maayos ang pagkakalikha at pagkakahanay.
Ang naturang mga pangyayari ang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas. Ang
mga ito ay lumilikha sa isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi hanggang sumapit ang
pinakamasidhi na tinatawag na kasukdulan. iv. Kasukdulan v. Kakalasan Mga Uri ng
Maikling Kwento 1. Kwento ng Pag-ibig 2. Kwento ng Katutubong –kulay 3. Kwento ng
Tauhan 4. Kwento ng Kaisipan 5. Kwento ng Katatakutan 6. Kwento ng Kababalaghan 7.
Kwento ng Katatawanan 8. Kwento ng Talino 9. Kwento ng Pampagkakataon 10 Kwento ng
Kapaligiran 11. Kwento ng Makabanghay MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng
Maikling kuwento 6. Ang Pamagat Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na
katangian: 1. hindi pangkaraniwan 2. Kapansin-pansin 3. kapana-panabik Mga Pamagat na
Dapat Iwasan 5. pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam” 6. pamagat na magbubunyag sa
lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail,Nagsisi.” 7. pamagat na maituturing na
labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.” 8. pamagat na
masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.” Maaaring Maging Mabuting
Pamagat 7. pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at
Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales. 8. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa:
Impong Sela ni Epifanio Gar. Matute. 9. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa:
Bakya ni Hernando R. Ocampo 10. isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa :
Maghilom May Balantukan ni Mabini Rey Centeno 11. katotohanang pandaigdig o
katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo.
11. 11. 12. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga
Bulaklak ni Jose F. Sibal 7. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay
Mailalarawan nang buong linaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang ilarawan
kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi
dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat
maaaring limabas na malayo sa katotohanan.. 8. Ang Usapan sa Kuwento Ang mga
sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan: 1. pagiging natural 2. angkop ang
tauhang nagsasalita 3. angkop na pangyayari 4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng
kuwento 9. Paglalarawang-Tauhan Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang
ginagamit ng mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan: 1. paglalarawan ng isipang
naghahari sa tauhan 2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan 3. paglalarawan
ng mga bahagi ng kanyang katawan 4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan 5.
paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang
ginagamit 6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang
kinakaharap 7. paglalarawan ng mga sinasabi ng ibang mga tauhan tungkol sa isang
tauhang tinitukoy sa kuwento 8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga
kasama niyang tauhan 10. Masining na Pagsulat May tatlong paraan ang masining na
pagsulat. 1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang 2. Dapat na
maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa pananalita. 3.
Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag- pansin. URI NG MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-
araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan. 1.
katutubong kulay – binibigyang diin ang kapaligiran at ang pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. 2. pakikipagsapalaran –
nasa balangkas ang pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kwentong ito.
12. 12. 3. Kababalaghan – mga di-kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga katatakutan
ang siyang diin ng kwentong ito. 4. tauhan – ang interes o diin ay nasa pangunahing tauhan
5. katatawanan – ang diin ng kwentong ito’y nagpapatawa at bigyang-aliw ang mambabasa
6. pag-ibig – ang diin ng kwento ay ukol sa pag- iibigan ng pangunahing tauhan at ng
kanyang katambal na katauhan 7. kaisipan o sikolohiko – sinisikap na pasukin ang kasuluk-
sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito 8. talino – ito’y punumpuso ng suliraning hahamon
sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang ganitong uri ng kwento ay karaniwang walang
tiyak na katapusan. 9. pampagkakataon – isinulat para sa isang tiyak na pangyayari gaya ng
Pasko, Bagong Taon 10. Kapaligiran – ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga na
lipunan. Ito rin ay kadalasang patungkol sa kwentong tumatalakay sa kalikasan. MGA
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO Ang maikling kwento gaya ng karaniwang taguri nito
ay sangay ng salaysay (narration) na may isang kakintalan (single impression). Ang maikling
katha ay hindi pinaikling nobela o buod gaya ng isang nobela. May sariling katangian ito na
siyang ikinaiiba ng maikling katha sa ibang sangay pampanitikan. Kabilang sa mga
katangiang ikinaiiba nito ay ang pagkakaroon ng: 1. iisang kakintalan 2. may isang
pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailanga lutasin 3. tumatalakay sa isang
madulang buhay 4. may mahalagang tagpo 5. may mabilis na pagtaas ng kawilihan
hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas MGA SANGKAP NG
MAIKLING KWENTO 1. Tauhan – likha ng manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na
tauhan. 2. Tagpuan/Panahon – dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar,
sa iba’t ibang panahon, kung saan at kalian naganap ang mga pangyayari. 3. Saglit na
kasiglahan – inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan. 4. Suliranin o Tunggalian – tumutukoy ito sa
paglalabanan ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay
maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili at tao laban sa lipunan. 5. Kasukdulan –
ito ang pinakamataas na uring kapananabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng
kanyang suliranin. 6. Kakalasan – kinalalabasan ng paglalaban. Sumusunod agad ito sa
kasukdulan. 7. Wakas – tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay
humahantong sa pagkabigo o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na
melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman ng kasiya-siya
para sa mabubuting tauhan.
13. 13. PAGLALARAWAN NG TAUHAN Isa sa katangian ng isang magandang kwento ay ang
masining at maliwanag na paglalarawan ng mga tauhan. Ito ay nagbibigay ng maliwanag ng
larawan sa isipan ng mga mambabasa kung ano ang damdamin at iniisip ng mga tauhang
gumagalaw sa kwento. Ang paglalarawan sa isang tauhan ay may iba’t ibang paraan o istilo.
Ito ay ang mga sumusunod. 1. tiyak na pagsusuri sa katauhan ng mga tauhan 2.
paglalarawan ng mga bahagi ng katawan ng tauhan 3. paglalarawan sa isipang naghahari
sa tauhan 4. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan 5. paglalarawan ng
kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang ginamit 6.
paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang hinaharap 7.
paglalarawang ng mga sinasabi ng ibang mga tauhan tungkol sa isang tauhang tinutukoy sa
kwento 8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan
TUNGGALIAN NG KWENTO Hindi magkakaroon ng buhay ang kwento kung walang
tunggalian. Kung ang isang akda ay walang tunggalian, walang kwento. Uri: 1. Pisikal – tao
ay laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan, maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol,
pagsabog ng bulkan, hayop sa gubat, panganib na mahaharap. 2. Panlipunan – tao laban sa
kapwa tao, o ang tao laban sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang diskriminasyon o pag-
uuri dahil sa kulay, kalagayang pangkabuhayan, at iba pang may kaugnayan sa lipunan ay
ilan lamang na nagsisilbing suliranin ng pangunahing tauhan. 3. Panloob o sikolohikal – tao
laban sa kanyang sarili. Tunggalian ng dalawang magkasalungat na hangad ng iiang tao.

You might also like