You are on page 1of 13

Katuturan ng Maikling Kwentong Filipino

    Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at
nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip
ng mga mababasa. (Arrogante, et al, 1991).

    Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento:

    -ang maiklig kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.

    -ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. May kapayakan at kakaunti ng mga tauhan.

    -Tinataglay  ng maikling kwento ang mga sumusunod na katangian: 

    1. tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.

    2. gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga 

        tauhan;

    3.  gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.

    4. nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan 

        kaagad ng wakas;

    5. nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

    Ang mga manunulat ng maikling kwento ay nahahati sa dalawang pangkat; yaong sumusunod sa dating
pamamaraan ng pagsulat at yaong sumusunod sa makabagong pamamaraan. Ang unang pangkat ay
naniniwalang mahalagang magkaroon ng isang balangkas ang maikling kwento habang ang ikalawang
pangkat ay naniniwalang hindi na kailangan pa ang balangkas sa pagkatha ng kwento, kundi ang higit na 
mahalaga ay makintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maalis sa
kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang kalooban.

    Mga Sangkap ng maikling Kwento

1. Banghay- ang sangkap na ito ay tumutukoy sa maayos kawingkawing at magkasunud-sunod na


mga pangyayari sa kwento. Kapag nakalas na ito, tapos na rin ang kwento. Ang bawat kawing ng
pangyayari ay kinakailangang magmula sa mga nakalipas na pangyayari. Bukod dito, ang
kawilihan ng mga magkakawing na pangyayari ay kailangang patindi nang patindi hanggang sa
umabot sa kasukdulan o rurok ng mga panyayari na susundan agad ng wakas ng kwento.
2. Tauhan at Paglalarawang-Tauhan- tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw  sa kwento, na
maaaring pangunahing tauhan at panttulong na tauhan. Mahalagang papel ang ginagampanan nila
sa pagsulong ng mga pangyayari sa kwneto.

    Dalawang Uri ng Paglalarawang - Tauhan


a. Tuwirang   pagpapahayag kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga
katangiang tauhan
b. Madulang pagpapahayag, kung matimpi ang paglalarawang-tauhan, na nangangahulugang
mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tinutukoy ng sangkap na ito ang lugar at oras na pinangyarihan ng kwento. Sinisikap
ng may-akda nag awing makatotohanan ang daigdig na inilalarawan niya sa ating imahinasyon
nang sagyon ay maging makatotohanan din ang mga pangyayaring magaganap dito.

3. Paningin- Ipinakikilala ng paningin ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang


kwento. Nakikilala ng bumabasa sa pamamagitan ng paningin ang nilikha ng nagsasalaysay, ang
lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay, ang taong pinagsasalaysayan nito, ang relasyon
ng pagsasalaysay at ng pangyayaring isinalaysay at kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

Uri ng Paningin

a. Paningin sa unang-panauhan - na ang may- ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang


nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang panauhan (“ako”).
b. Paningin sa pangatlong panauhan - na ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong
panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwneto.
c. Tinakdang Obhetibong paningin, - na ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa
kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya’y alinman sa mga katulong na tauhan sa
kwento ang tagapagsalaysay.
d. Obhetibong paningin - o oaninging palayon, na ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o
malayang nakalilibot habang itinatatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay
ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay ng puna o paliwanag.
Tumatayong  tagapanood lamang  siya ng  mga pangyayari sa kwento.
e. Paninging panarili - isang paraan ng pagsulat sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o stream
of consciousness. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang
isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang.
f. Paninging laguman-, magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa
pamamagitan ng paninging ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagamat hindi
rin siya dapat pumasok sa katauhan ng ibang tauhan maliban sa pangunahing tauhan.

5. Paksang-diwa o tema- ito’y tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha .  Ito ang sentral na ideya
ng kwento na naghahayah sa pagkaunawa sa buhay.

Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento 


 
1.Sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat  - nanininwalang mahalagang magkaroon ng
isangbalangkas ang maikling kwento.
 2.Sumusunod sa makabagong pamamaraan - naniniwalang hindi na kailangan pa ng
balangkas sapagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga
mambabasa ang isanglarawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama nila ang
masidhing damdaming pilit natitinag sa kanilang kalooban.
 
Mga Katangian ng Maikling Kwento: 
 
1.Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
 2.Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga    
tauhan.
 3.Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
 4.Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan    
kaagad ngwakas.
 5.Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan. 

Ugat ng Maikling Kwento

1. Pabula- ang pabula ay mga salaysaying likha lamang ng guniguni kayat hubad sa
katotohanan. 
2. Mito/Mulamat- tumutukoy sa mga kwentong may kaugnayan sa mga bathala, diyos o
diyosa, o mga anito, sa pagkakalikhan ng tao o mga iba’t ibang bahagi ng kalikasan, tulad ng
buwan,araw, daigdig, bituin atbp.
3. Parabula- gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay
madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas
ng buhay.
4. Alamat- isang uri ng matandang panitikan na naglalahad ng pinagmulan ng isang tao,pook,
pangyayari, halamanan, hayop, bulaklak, prutas, katawagan at kung anu-ano pang mga
bagay-bagay sa daigdig.
5. Kwentong-bayan-binubuo ng mga kwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-
iibigan, katatakutan, at katatawanan na kapupulutan ng magagandang aral sa buhay. Ang mga
ito’y nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga tao at dahil dito, mahirap tukuyin ang
katotohanan ng mga ito. (Santiago et.al 1986)

PAMAMARAAN NG PAMUMUNA

    May mga paraan sa paghusga ng isang akda. Ayon sa mga kritiko, hindi mahirap humusga lalo pa at
ang isang manunuri ay may mga pamantayang sinusunod.

    Ilang pamantayang iminumungkahi sa panunurng pampanitikan.

1. Intrinsik
    -Ang intrinsik ay isang paraan ng pamumuna na ang binibigyang-diin ng isang kritiko ay ang
istruktura at istilong ginamit ng manunulat sa pagbuo ng kanyang akda. Tunay na
pinahahalagahan ng isang manunuri ang kabuuan ng akda at inihahambing sa iba pang akdang
binasa at pinuna.

2. Impresyunistik
    -Tinawag na impresyunistik ang paraang ito sapagkat sa pagsusuri, pinalulutang ng
mambabasa o manunuri ang pansariling impresyon tungkol sa binasang akda. Dito,sinusunod ng
krtiko ang pulso at tibok ng kanyang damdamin upang maisagawa ang pagsusuri.

3. Hudisyunal
 Sa ganitong paraan ng pagsusuri, inilalagay ng mambabasa ang akda sa
Isang tiyak na panahon. Sinusuri niya ang akda ayon sa batayang  pamantayan ng isang panahong
kinabibilangan ng akda. Ang akda ay hinuhusgahan ng kritiko batay sa mga simulaing lumalabas
sa panahong kinasasangkutan nito.

4. Teknikal
- Ang pinakapokus ay ang panlabas na kaanyuan ng akda. Pinapansin dito ang kaangkupan
ng wika o kaangkupan ng salitang ginamit. Ang tuon ay sa istilo ng manunulat sa
paglalahad ng kaisipan. Sa panlahat na pagtingin, sinusuri ng kritiko ang pagkakabuo ng
akda at saka nagbibigay-payo sa ibang manunulat tungkol sa pagpapaunlad ng paraan ng
pagkatha.

PAGDULOG SA PANUNURI NG MAIKLING KWENTO AT NOBELA

    Ang panunuri sa anomang  akda ay tinatawag sa wikang Ingles na “Literary criticism”. Ito ay
isang paghatol o paghusga sa isang sining. Ito ay isang disiplinadong pagtatangka para maunawaan
ay mabigyang-halaga ang isang akda sa pamamagitan ng isang batayan o pamantayan.
    Sa proseso ng pamumuna ng maikling kwento at nobela, maaaring gamitin ang apat na lapit o
pagdulog tulad ng pagdulog pormalistiko, pagdulog moralistiko, pagdulog sosyolohikal at pagdulog
humanismo.

PAGDULOG PORMALISTIKO

        Ito ay isang lapit sa panunuri ng anyo at porma ng isang akda. Sa panunuri ng maikling kwento
at nobela, pinupuna ang mga elementong bumubuo sa akda tulad ng tauhan, tagpuan, at banghay.
Sinusuri dito ang mahahalagang salik tulad ng tema, himig, paningin at simbolismo. Bukod sa mga
nabanggit, kailangang bigyan din ng pansinin ang istilo ng may-akda sa paglalahad kasama na ang
paglalahad ng panimula, daloy ng kamalayan, (stream of consciousness), ang mga pangungusap at
mga dayalogo. Ang kawing ng mga pangyayari ay kinapalooban ng mga suliraning inihahanap ng
lunas mula sa kasukdulan hanggang sa wakas.

Panunuri sa Pamagat

Makatutulong ang mga katanungang ito sa pagsusuri ng pamagat:

1. Anu-ano ang ipinahihiwatig ng pamagat?


2. Paano nakatutulong ang pamagat sa pag-unawa sa akda?

Panunuri sa Tagpuan
    Mahalaga ang tagpuan sa isang maikling kwento at nobela. Sa
panunuri, nararapat lamang na mabatid kung saan naganap ang
madudulang tagpo ng buhay na inilalahad sa akda. Kailangan ding
mabatid kung paano inilalarwan ng may akda ang tagpuan, ang
kabuluhan nito sa akda at kung ito ba’y nakalikha ng isang kapaligiran.
    Mahalagang mabatid ng mga manunuri ang kaligirang panlipunan sa
panahong nasulat ang akda. Kung ang tagpuan ay sa lunsod, mahalagang
Makita ang kaligiran tulad ng: a) ang pamamaraan ng pamumuhay ny
mayayaman at mahihirap; b) ang kaugaliang umiiral sa mga tao; c) at ang
kagandahan at kapangitan ng buhay sa lunsod.

Makatutulong ang sumusunod sa katanungan upang lalong masuir ang


tagpuan:

1. Paano ipinahiwatig ng manunulat ang tagpuan?


2. Anu-anong detalye ang ginagamit?
3. Inilarawan ba ang mga detalye sa kabuuang larawan ng pook?
4. Kapani-paniwala ba ang napiling pook upang kumilos ng ganito o
ganoon ang mga tauhan?
5. Ano ang pinakamahalagang bagay na ginamit ng may-akda upang ilantad
ang tagpuan?
6. Angkop ba an tagpuan sa pagkilos at paksa ng kwento?

PANUNURI SA MGA TAUHAN

    Sa panunuri sa mga tauhan, maaaring gamitin ang dalawang paraan sa


pagkilala ngkarakterisasyon ng isang tauhan.

1.Tauhang round o bilog


    Maasabing round ang isang tauhan kung may pagbabago sa kanyang
katayuan, kalagayan, at pag-uugali mula sa simula hanggang sa wakas ng
kwento.

2.Tauhan flat o lapad


    Ang tauhan ay masasabing flat kung walang pagbabago sa kanyang
pag-uugali, paniniwala, kalagayan, at katauhan mula sa simula hanggang
saw akas ng kwento.

Sa panunuri, kailangan mabatid ng manunuri ang sumusunod:

1. Ang mga tauhan sa akda;


2. Ang kanilang katangiang pisikal;
3. Ang uri ng kanilang pagkatao ayon sa hanapbuhay at propesyon;
4. Ang kanilang mga suliranin; at
5. Ang mga nagaganap na pagbabago sa kanilang buhay at kung paano ito
nangyari.

Sa panunuri, maaaring sagutin ang sumusunod na mga katanungan upang


masuri ang mga tauhang ginagamit ng manunulat sa pagbibigay-buhay sa
istorya:

1. Ang pangalan bang ginamit ay nakapagpapagunita ng kasaysayan?


2. Mayroon ba itong kahalagahang simbolikal?
3. Ang tunog ba ng pangalan ay may hatid ding konotasyon?
4. Ano ang hitsura ng tauhan? Pananamit? Kalagayan?
5. Paano siya magsalita? Mag-reak sa iba? Ang kaisipan?
6. Paano ang trato ng iba sa kanya?
7. Angkop ba ang pangalan ng mga tauhan sa kwento?
8. Ano ang mga teknik na ginagamit sa pagpapakilala sa mga tauhan?
9. Paano nakaaapekto ang katangian ng mga tauhan sa kinahihinatnan ng
kwento?
10. Kapani-paniwala ba ang katangian ng mga tauhan?
11. May pagbabago ba sa mga tauhan mula sa simula ng kwento?
12. Ganap bang naihanda ang mga pagbabago sa kilos o pahiwatig lamang?
13. Kapani-paniwala ba ang pagbabagong naganap kung ihahambing sa
tunay na buhay?

PANUNURI SA BANGHAY

Masusuri ang banghay ng kwento at nibela sa pamamagitan ng


sumusunod:

1.Panimula
    Dito ipinakilala ang mahahalagang tauhan, tagpuan, panahon at pook
na pinangyarihan sa akda tulad ng:

a. Paano sinimulan ng manunulat ang akda?


b. Napupukaw ba ang interes ng mga mambabasa?
c. Anu-ano ang inilalahad sa panimula? Anu-ano ang makikita rito?

2. Mga suliraning inihahanap ng lunas


    May dalawa, tatlo, o apat na suliranin ang inilalahad mula sa
madudulang pangyayari sa akda. 
    Anu-anong pangyayari ang bumuo sa mga suliraning inihanap ng
lunas?
    Anong partikular na problema ang inihanap ng lunas o solusyon?
    Ang tunggalian ba’y sa pagitan ng pangunahing tauhan at ng
kalikasan? Sa kapwa? Sa sarili? O, kumbinansyon ng mga nabanggit?
    Anu-anong mga pangyayari ang lalong nagpapaigting sa mga
tunggaliang dapat malutas? Bakit kaya pinili ng manunulat ang ganoong
pangyayari? Detalyado ba ang pagbangit sa mga pangyayari o pahiwatig
lamang?
    Angkop ba ang lenggwaheng ginagamit upang mapalutang
damdaming namamayani sa akda? Magaan ba ang lenggwaheng
ginagamit lubhang pormal? Mabigat o plastic?
    Angkop bas a kilos ng tauhan ang istilo ng paglalahad?
    Ano ang masasabi sa tono ng nagsasalita? Nakaepekto ba ito sa
interpretasyon ng kwento?
     Ano ang pangkalahtang himib ng akda?

3. Punto de vista
    Masusuri rito kung ang naglalahad sa kwento. Nasa unang panauhan
ba? Ikalawa o ikatlo?
    Ang pagsasalaysay ba ay konsistent mula simula hanggang sa
katapusan, o may pagbabago na nakapagpapahayag ng hindi kailangan
ipahayag?
    Komsistent din ba ang pananalita at obserbasyon ng nagsasalaysay?
Mayroon bang hindi dapat banggitin?
    Bakit kaya pinili ng manunulat ang isang partikular nap unto de vista?
Kung iba ang nagsasalaysay, mayroon kayang pagbabaging magaganap
sa kwento? Magiging higit na epektibo kaya?

ANG MAIKLING KWENTO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

      Mula't sapul, ang ating mga ninuno ay naniniwala sa kapangyarihan at kahiwagaan ng kalikasan.
Marami sa mga pangyayaring negt ganap sa kanilang buhay ang iniuugnay nila sa kalikasan, tulad ng
kanilang pagkakasakit, tagtuyo't, kalamidad, kamalasan, atb. Nagkakaroon sila ng mga katanungan sa
kan.lang mga isipan kung bakit nagaganap ang mnga ito. Upang malunasan naman ang mga ito, sila'y
nakikipagkasundo sa kalikasan sa pamamagitan ng mga seremonya at ritwal. Nakabubuo ngayon sila ng
mga kwento na nagpapaliwanag o nagpapukahulugan, may lohika man o wala. tungkol sa mga bagay-
bagay na nagaganap sa kanilang buhay at kapaligiran. Ang mga kwentong ito ay tinatawag na kwentong-
bayan at ngpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon hanggang sa umabot sa kasalukuyang panahon.

    Ang mga kwentong bayan na binubuo ng mga mito o mulamat, alamat, pabula, parabula, kwentong
katatawanan, kwentong kababalaghan, at palaisipan, ay ipinalalagay na mga sinaunang uri ng maikling
kwentong Pilipino Nasasalamin sa mga ito áng tradisyon, kaugalian, paniniwala. uri ng pananampalataya
at paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno. 

ANG MITO O MULAMAT 

    Ang mito o mulamat ay tumutukoy sa mga kwentong may kaugnayan sa mga bathala, diyos o diyosa, o
mga anito, sa pagkakalikha ng tao o mga iba't ibang bahagi ng kalikasan, tulad ng buwan, araw, daigdig,
bituin, atb. 

    Ang bawat bayan ay may sariling angking mito na halos magkakapareho ng taglay na tema.
Masasalamin sa mga mitong ito ang paraan ng pagsamba; paniniwala, pananampalataya, at iba pa ng mga
taong nakatira sa bayang pinagmulan ng mitong ito.

ING ALDO AMPO ING BUWAN (ANG ARAW AT ANG BUWAN)

 (Kapampangan) 

Noon ang araw at buwan ay itinuturing na g-asawa, dahil silang dalawa ay magkasama halos
magkasingliwanag. Dahil din sa ganitong sitwasyon ng araw at ng buwan, ang mga tao ay nahihirapan
daw sa kanilang pamumuhay, dahil hindi nila alam ang oras ng kanilang namamahings tie nakakaramdam
ung pagod, hindi sila matutulog dahil sa liwanag ng buwan. ey nakikita nila ang kanilang ginagawa ay
Hindi sila tumitigil sa pagtatrabaho. Kung hindira t biin naman ang kanilang mga anak, S Haring Araw
ang ininuturing na lalaki at si Reynung Buwan naman ang itinuturing na babas, Aani a pagsasama ng
dalawa ay malimit silang nag-aaway dahil gusto ni Reynang Buwan ra ian Hanng Araw. Nagalit si Haring
Araw dahil si Reynang Buwan ay dapat na sa panahon g pamamahinga maging maliwanag. Awangwa na
si Haring Araw sa mga tao sa walang tigil nila sa pagtatrabaho at sa epekto ng ang liwanag ni Reynang
Buwan, Naging masyadong mayabang ito at ayaw talagang padaiE,, A mapune na ar hindi na nakatiis kay
Reynang Buwan si Haring Araw, nagalit ito at sinabuyan barty ang asawa hanggang sa dumilim ang
kabilang bahagi ng mukha nito, Nagalit din tema ng Buwan kaya nagpasyang humiwalay na siya kay
Haring Araw, Dahil si Buwan ang in. sa kanya ang kanilang mga anak na Bituin. Wala noon ay naging
malamlam na ang liwanag ng buwan hindi gaya ng aruw na sadyang nd. Simula rin noon ay naging
maayos na rin ang kalagayan ng mga tao. Aiam na nila ang ton ng kanilang pamamahinga. Ang pagsikat
ng araw ay tinatawag na araw, m liwanag at ang pilat ng buwan ay nangangahulugang gabi na madilim.

ANG ALAMAT 

    Ang alamat ay isang uri ng matandang panitikan na naglalahad ng pinagrmalan ng isang to, k pyyari,
halaman, hayop, bulaklak, prutas, katawagan, at kung anu-ano pang mga bagay A Bagamat ang mga
pangyayari ny likhang-isip lamang ng ating mga ninuno, masasalamin g sa alamat ang kanilang mga
katutubong kaugalian, paniniwala, pananampalataya at katangian. Ang alamat ay mabisa ring
tagapagpahiwatig ng kalinangan at kabihasnan ng ating mga ninuno.

         ANG ALAMAT NG LAWA NG PAOAY (locano) 

     Ang Lawa ng Pasay ay matatagpuan sa Paoay, Ilocos Norte. Ayon sa kuwento ng mga matatanda,
www ay binubuo ng tatlong magkakalapit na baryo noong unang panahon. Ang mga tao roon ay razuhay
nang masagana. Ngunit sila'y pinarusahan ng kanilang Diyos dahil sa kanilang kapalaluan. 

    Sa isang hugar sa Ilocos, may matatagpuang malawak na lawang dinarayo pa ng mga turista Noong
unang panahon, walang tubig ang lugar na ito. Makikita rit ang maraming tanim, malalagong punsong
kahoy at malalaking bahay na pagaari ng mga mayayamang taong nakatira rito. Sila ay matiyaga,
matulungin sa kapwa, at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Kaya naman natutuwa ang Diyos sa kanila at
hindi Niya pinababayaan ang mga ito. Dumaan ang maraming taon. Ang mga tao sa lugar na iyon ay lalo
pang yumaman. Ngunit agago sila ng pag-uugali. Sila ay naging mayabang at labis ang naging pagtitiwala
nila sa tanlang urili. Naging mainggitin din sila sa kanilang kapwa. Kapag nakita nilang nagpatayo ng ay
ang kanilang kapitbahay, nagpapatayo rin sila ng higit pang malaki rito. Kapag nagsuot ng ng damit ang
kanilang kapwa, nagsusuot din sila ng lalo pang magarang damit. Kapag may bumili ng alahas bibili rin
sila ng mas marami. Nagsisimba sila hindi upang magpuri sa Pangint on upang ipakita at ipagmayabang
ang kanilang mga kasuutan at alahas. Anupa't tuluyan na dang nakalimutan ang Diyos na nagpala sa
kanila. Sa lugar na ito ay may mag-asawang hindi gumaya sa mga kapitbahay. Bagkus, sila'y nanatil ing 
tapat sa Panginoon. Nagsisimba sila upang manalangin. Nanatili silang mabait sa mga taong mahihirap
lalo na yaong naliligaw sa kanilang lugar. 

    Isang gabi, napanaginipan ng mag-asawa na mapaparusahan ang kanilang lugar dahil sa labis Ang
Masamang ginagawa ng mga tao. Narinig nila sa kanilang panaginip ang isang tinig na mag-uutos sa
kanilang makabubuting lumikas muna sa bundok na matatagpuan sa likod ng simbahan. Ipinagbilin din
ng tinig na kapag narinig nila ang unang kulog, agad na silang umakyat sa bundok - na iyon. 

    Kinaumagahan, ipinamalita ng mag-asawa sa kanilang mga kanayon ang tungkol sa kanilang
panaginip. Sinabi nila ang tungkol sa ipinagbilin ng tinig. Ngunit sa halip na maniwala ang mga tao,
pinagtawanan pa nila ang mag-asawa. 

    Isang araw, may isang lalaking pulubi na dumating sa lugar na iyon. Nakakaawa ang kanyang
kaanyuan. Nagmakaawa siya sa raga tao ngunit walang sinumang pumansin sa kanya. Biglang naglaho
ang matanda at lumitaw sa kanyang kinatatayuan ang isang makisig na laiaki na nakasuot ng kak aibang
damit. 
    Pagkaraan ng ilang sandali'y nagkatipun-tipun ang mga ulap at pagkatapos ay kuinidlat, kumulog at
humangin ng pagkalakas-lakas. Nahintakutan ang lahat ng tao sa lugar na iyon.     Magdamag na umulan
kaya't tumaas ang tubig hanggang sa nalampasan na nito ang bubungan ng simbahan. Nang humupa ang
ulan, isang malaking lawa ang nakita ng mag-asawa sa dati nilang lugar. Nulungkot ang mag-asawa sa
sinapit ng kanilang mga kanayon. Sa lawang iyon ay nakita nile ang mga isdang may kakaibang kulay at
hitsura.

    Lumipas pa ang mga taon. Tinawag ng mga tao ang lawang ito ng Paoay Lake (Lawa ng Paoay) na
matatagpuan sa Paoay, Ilocos Norte.

ANG PABULA 

    Ang pabula ay mga salaysaying likha lamang ng guniguni kayat hubad sa katotohanan. Ang mga ito ay
naglalayong magpunla sa isipan at kaluluwa ng mga bata ng tungkol sa mabubuting Spain at
kagandahang-asal, tulad ng katapangan, kagitingan, pagkamasunurin sa magulang, paggalang sa
matatanda, pananampalataya sa Diyos, atb. 

    Ang mga tauhang gumaganap sa pabula ay mga hayop, na kumikilos at nagsasalita na parang bo
Madalas na inilalarawan dito ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ento na
nagwawagi ang may mabuting ugali at nag-iiwan ng aral.

    Ipinalalagay na nagsimula ang pabula kay Esopo, isang aliping Griyego sa taong 400 B.C. Siya'y
pangit, tuso at matalino ngunit dahil sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng pabula, sya'y pinalaya at
nagkaroon ng tungkulin. 

    ANG KARITON AT ANG BAKA (Ilocano) 

Ang buhay ng tao ay punung-puno ng mga pagsubok. Kung minsan, dumarating ang punto ne a niya
makayang dalhin ang mga ito. Halos gusto na niyang bumigay. Gayon pa man maaaring dumaan ang
lahat ng ito kung dadalhin lamang niya ang mga ito nang maluwag sa kanyang kalooban at nang may
pagtitiwala sa Diyos. Sa pabalang ito, nais ipakilala ng may-akda ang tamang pagdadala ng mga
suliranin / pagsubok dumarating sa ating buhay. Nakita ni Baka na kasalukuyan na namang inihahanda si
Kariton. Kumunot ang kanyang noo. Naiinis na naman siya. Nawalan tuloy siya ng gana. *O is imoakol
na naman ang mukha mo, Baka," kantiyaw ni Kariton habang papalapit siya kay Baka Umiling si Baka.
Nagpupuyos ang kanyang damdamin sa galit dahil hihilahin na naman niya si Kariton. "Huwag kang
masyadong sumimangot, Kaibigan," pag-aalo ni Kariton. "Bakit hindi ako sisimangot, e tingnan mo nga,
marami na naman akong dadalhin sa bayan. Ang bibigat pa !" "Pase asya ka na, Baka !" "Ganito na lang
bang lagi? Magtitiis na lang ako hanggang sa aking kamatayan?" Sa paglalakad ni Baka, may dalawa
pang lalaking sumakay sa Kariton. Lalong bumigat ang hihilahin ni Baka. Mabato pa ang daan. Hirap na
hirap na siya sa paghila sa Kariton. *Subukan mong ngumiti sa gitna ng iyong kahirapan," sinabi ni
Kariton kay Baka. "Makikita mo, gagaan ang iyong hinihila." "Nasa tabi mo lamang iyan dahil hindi ikaw
ang himihila, Kariton. Kung masubukan mo lang sana itong ginagawa ko, aywan ko lang." Nguni hindi
pinansin ni Kariton ang sinabi ni Baka. Idinugtong niya. "Ay nuku, aawit pa siguro ako." Galit na galit na
si Baka. Gusto na niyang magwala. Ngunit dumapo sa kanyang katawan ang pamalo ng nakasakay sa
Kariton. Lalong nainis si Baka . . . "Ayaw mo kasing makinig sa sinasabi ko, e," paniniwala ni Kariton.
"Walang masama kung susundin mo ang sinasabi ko. Makikita mo na kahit pa sa gitna ng kahirapan ay
gagaan ang iyong kalooban es tiyak gagaan din ang iyong hinihila." "Napatialalim na putik na naman ito
at siguradong mahihirapan na naman ak..." hindi na naipagpatuloy pa ni Baka ang kanyang sasabihin
dahil nalublob sa malalim na putik ang gulong ni Kariton. Naalaa a ni Baka ang sinabi ni Kariton at naisip
niyang sundin yon. Alam niya kung gaano kahirap hilain si Kariton mula sa putik an. Nadama rin niya
ang bigat ng hinihila niyang karga. Walang sama ng loob na ibinuhos ni E aka ang kanyang kakayahan at
damdamin sa paghila kay Kariton. Nagtaka siya dahil nakaya niyang hilahin si Kariton nang walang
gaanong hirap. Ang sabi ni Baka, "Tama ka, Karitor. Magiging magaan nga talaga ang lahat kung
catanggapin mo ito nang maluwag sa iyong kaloot an. Tulad sa buhay, kapag pinagtiyagaan mo ang hirap.
darating dir ang panahon na ito'y mawawala o lilipas at mapapalitan ito ng swerte." Kung dadalhin mo
ang maluwag at may pagmamahal ang iyong krus na buhay na ito. Siguradong magtatamo ng gantimpala.

ANG KUWENTONG BAYAN 

    Ang mga kwentong bayan ay binubuo ng mga kwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, kaibigan,
katatakutan, at katatawanan na kapupulutan ng magagandang aral sa buhay. Ang mga a ito (Santiago et,
al, 1986).,

    Ang bawat pook sa ating bansa ay may iniingatang mga kwentong bayan na maaaring magpakilala
pananampalataya, atb. 

Y MASIPPO A BACO ANNA TADDAY A BAKA (ANG MABAIT NA MATANDANG BABAE AT


ANG BAKA)* (Ibanag)

    Isa sa mga di-kanais-nais na ugali ng mga tao ay ang kanilang kasibaan. Hindi sila nakukuntento mang
bagay na nasa kanila. Hanggat maaari ay gusto pa nilang magkaroon ng higit pa sa ning kasalukuyang
pag-aari kahit ito ay mangahulugan pa ng pagpapahamak sa kanilang kapwa. inla ng kwentong-bayang ito
ang magiging kahihinatnan ng isang taong walang pagkakontento sa kanyang buhay. 

    Noong araw ay may dalawang matandang babaeng magkapitbahay. Ang isa ay mabait at ang isa naman
ay matapang Isang araw, inanyayahan ng mabait na matandang babae ang matapang na matandang babae
upang humanap ng makakain. Hìndi sumama ang matapang na matan dang babae. Tumuloy ang mabait
na matandang babae. Habang naglalakad ay nasalu bong niya ang baka na nagtanong, "Saan ka pupunta
matandang babae ?" Sumagot ang mabait na matandang babae, "Pupunta ako sa bukid at maghahanap ng
makakain." Huwag ka nang tumuloy." sabi ng baka. "Ipasok mo ang iyong kamay sa bunganga ko at
kumuha ka ng kapiraso ng aking atay." Natakot ang mabait na matandang babae na baka itakbo siya ng
baka kaya't hindi niya sinunod ang sinabi ng baka. "Huwag kang matakot. Hindi kita kakaladkarin.
Sundin mo ang sinabi ko at - hindi kita sasaktan." . Kaya ipinasok ng mabait na matandang babae ang
kanyang kamay sa bunganga ng baka at kumuha ng kapirasong atay at pagkatapos ay nagpasalamat.
Lumakad na siyang papauwi. Habang naglalakad ay nasalubong niya ang matapang na maandang babae
at nagtanong kung ano ang laman ng kanyang basket. Ipinakita ng mabait na matandang babae ang atay at
ikinu wento niya kung paano niya ito nakuha sa baka. Nagpasiya ang matapang na matandang babae na
pupunta sa baka at hihingi ng makakain. Hindi nagtagal ay nasalubong niya ang baka. "Saan ka pupunta
matandang babae?" tanong ng baka. · "Pupunta ako sa iyo at hihingi ng kapiraso ng iyong atay," sagot ng
mata pang na matandang babae. "O sige," sabi ng baka. "Ipasok mo ang iyong kanang kamay at kumuha
ka ng kapirasong bahagi." Napakasaya ng matapang na matandang babae. Ipinasok niya ang kanang
kamay nang napakalalim sapagkat gusto niyang kunin ang buong atay ng baka. Ang baka ay nakaramdam
ng sakit, kaya't tumakbo nang mabilis at kinaladkad ang matapang na matandang babae hanggang ito ay
namatay.

 ANG KWENTO NI MABUTI


NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE
 
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa
walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang
palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-
aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa
isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang
anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula
sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng
halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at
nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng
uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo
sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang
lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay
ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,
pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin
.. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong
kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng
hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa
katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa
aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa
palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na
bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay
na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang
bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan
ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin…
nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang
suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa
hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa
sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon.
At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o
mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya
roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid,
maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-
asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng
mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin
naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi
pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na
aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya
ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa
kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-
ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa
mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon.
Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong
layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang
pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga
bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang
isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula
na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong:
“Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang
sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At
habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso
ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang
hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil
sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang
na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong
Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na
kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking
mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng
mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na
kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha,
muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni
Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 
 
 
 
 
 
 
 

   

You might also like