You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES


Tamag, Vigan City
2700 Ilocos Sur

___________________________________________________________________________

PANGGITNANG PAGSUSULIT: DALUMAT 3


( Atayan, Jayric F. )
( Bsed and III )

I. SIMULA

Sa isang barangay sa Vigan City nakatira ang pamilya Ankantara. Sila'y kilala sa
kanilang barangay dahil sa pag-uugali ng padre pamilya nila na si Tonyo na isang
tambay at palaging nanggugulo kapag lasing ito. Si Maribelle naman ang kanyang
asawa siya ang naghahanap buhay sa kanilang pamilya. Ang kanyang trabaho ay hindi
permanente sapagkat hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman nagpapataya
lamang ito ng huweteng sa kanilang barangay. Ang kanyang sinasahod dito ay sakto
lang para sa pang-araw-araw na pangangailangan nila na minsan nagkukulang pa ito.
Nabiyayahan sina Tonyo at Maribelle ng dalawang anak na sina Angel at Marko. Si
Angel ay labing-anim na taong gulang na ito at kasalukuyang nag-aaral ng high school
at si Marko naman ay nasa grade 5 palang.

II. GITNA

Isang araw Miyerkules si Maribelle ay mayroong napanaginipan na magkakaroon


siya ng maraming pera at bilang isang tagapagpataya ng huweteng binigyan niya ng
simbolong numero ang kanyang panaginip at tumaya ito. Umaasa si Maribelle na
magkatotoo ang kanyang panaginip dahil kailangang-kailangan nito ng pera dahil may
sakit ang kanyang anak na si Marko. Habang si Tonyo ay palagi paring tumatambay sa
parke na napapasakali na makahanap ito ng pagkakakitaan. Noong nakatambay ito
mayroong isang lalaki na lumapit sa kanya at nagalok ng pagkakakitan. Tinanggap nito
kaagad dahil kailangan nila ng pera pampaospital sa kanilang anak kahit hindi ito
sigurado kung ito ay ligtas na trabaho. Ang trabahong ibinigay ng lalaki sa kanya ay
paghahatid ng isang bag sa ibat-ibang lugar na ang laman nito ay droga na hindi nito
alam. Nagkaroon sila ng pera at naipagamot nila ang kanilang anak. Magkatotoo rin ang
panaginip ni Maribelle nanalo ito sa huweteng kaya naman nagkaroon sila ng pera.
Pagsapit ng linggo ay pumunta sila sa simbahan upang magpasalamat sa biyayang
natanggap nila at mamasyal na rin. Noong namamasyal sila binilhan ni Maribelle ang
kanyang anak na si Angel ng bagong selpon at si Marko naman ay mga damit sapatos
na jejemon. Habang sila'y namamasyal ay ginamit na nila ang bagong selpon na binili
nila upang magselfie sa lugar na pinaslayan nila. Kumuha sila ng maraming litrato bilang
ala-ala nila sa pamamasyal. Ngunit hindi masyadong natutuwa si Maribelle dahil siya
lang gumastos kahit may pera rin si Tonyo hindi nito ibinahagi na napakaselfies niya na
sarili nilang ang pinang-gagamitan niya kapag alam nitong may pera ang kanyang
asawa.

III. WAKAS

Kinabukasan pumasok na ang mag-asawa sa kanilang trabaho. Maghahatid ulit ito


ng isang bag papunta sa Candon City ngunit sa kasamaang palad ito ay natukhang
hinuli ito ng pulis dahil sa droga. Ang kanyang paghahatidan ng bag na iyon ay isang
pulis pala kaya ito nahuli ng hindi niya alam ang kanyang kasalanan. Kaya naman
nagmadaling pinatawagan niya ang kanyang asawa upang sabihin na siya ay hinuli ng
pulis, ngunit hindi nila matawagan ang selpon ng kanyang asawa dahil lobat ito. Kahit
miskol ito ng miskol ay hindi nasasagot ang tawag niya. Kaya naman nanghina siya at
nalobat dahil hindi nito masabi kung nasaan siya ngayon. Ngunit noong naicharge na
ang selpon ni Maribelle ay dali dali nitong tinawagan ang selpon ng kanyang asawa at
noong nabalitaan nito na nahuli siya ay napaluha at nanghina ito dahil problema na
naman nito ang perang gagamitin niya pampiyansa. Kinabukasan ay pinuntahan niya
kaagad ang kanyang asawa upang kumustahin habang ito ay naghahanap ng pera para
sa pampiyansa nito upang makalabas din sa kulungan.

IV. ARAL

Ang aral sa kwentong ito ay ang isang pamilya ay dapat magtulungan ang
mag-asawa sa pagtataguyod ng kanilang pangangailangan sa araw-araw. Hindi lang iisa
ang naghahanap buhay bagkus magtutulungan sa hirap at ginhawa na sinumpaan nila
sa simbahan. Kung ano ang trabaho mo huwag itong ikakahiya basta ito ay marangal
kahit maliit ang kita. Ang mahalaga ay tama at hindi gumagawa ng masama. Sa
paghahanap ng trabaho dapat siyasatin ito ng mabuti upang malaman kung ito ay ligtas
at walang halong kasamaan. Higit sa lahat dapat marunong tayong magpasalamat sa
maykapal sa anumang biyaya na ating natatanggap araw-araw.

You might also like