You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin

Sa loob ng isa't kalahating oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nabibigyang pagpapakahulugan ang salita ayon sa sitwasyong pinanggagamitn.
b. Natutukoy ang tauhan sa kwento
c. Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong buhay.
d. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsasadula tungkol sa
hinihinging sitwasyong.

II. Paksang Aralin

Paksa: Maikling Kwento, Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Mature


Sanggunian: Bantayog III, Pahina 113-114
Materyal: Laptop, speaker, White board pen

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Pagbati
Magandang Umaga/Hapon klas! Magandang umaga/hapon sir.

Panalangin
Pagtatala ng lumiban Wala pong lumiban sir.
Pagganyak

Okay klas magpapakita ako ng ilang Opo sir.


larawan na may kaugnayan sa ating
paksa ngayon. Pagkatapos nito ay
magtatanong ako kung ano ang
ipinapakita at ipinapahiwatig ng mga
larawan.

Sa mga larawan na nakita niyo ano - Patungkol ito sa buhay ng isang guro
ang ipinapakita nito? sir.
- Sa mga larawan na ipinakita niyo sir
ay patungkol sa mabuting karakter
ng isang guro.

- Tungkol ito sa buhay ng isang


estudyante sir.

- Tungkol ito sa responsibilad ng guro


sir.
Magaling. Tama lahat ng sinabi niyo
na ang mga larawan na ipinakita ko
ay patungkol sa buhay,
responsibidad, gawain, at ugali ng
isang guro.

Ngayon klas lahat kayo ay pupunta Opo Sir.


sa harap at bubunot ng isang
kapirasong papel. May limang piraso (Ang mga limang nakabunot ng papel na
ng papel na may nakasulat na may nakasulat na salitang mabuti ay nanatili
salitang mabuti at kung sinumang sa harapan at nagbahagi ng kanilang hinuha
makakabunot nito ay mananatili sa sa paksang tatalakayin.)
harapan upang magbahagi ng hinuha
sa paksang ating tatalakayin. Sa - Ito ay tungkol sa buhay ng guro.
kabilang banda kung sinumang - Tungkol sa mga responsibilad ng
nakabunot ng blankong papel ay isang guro
maaari nang bumalik sa kanilang - Kabayanihan ng isang guro.
upoan. - Tungkol sa paggabay ng guro sa
pagtupad ng mga pangarap ng mga
mag-aaral.
Paglalahad

Magagaling ang inyong sagot klas. Opo Sir.


Ang ating pag-aaralan ngayon ay
isang kwento ng guro na
pinamagatang “Ang Kwento ni
Mabuti” ni Genoveva Matute. Ito ay
may kinalaman sa dedikasyon ng
isang guro sa kanyang propesyon.

Handa na ba kayong basahin ang


kwento klas?
Pag-alis ng Sagabal

Pero bago nating simulan basahin


ang kwento nais kung salungguhitan
ninyo lahat ng talasalitaan na
nakapaloob na makikita niyo habang
binabasa niyo ang kwento at
bibigyan natin ito ng kahulugan.
Upang maintindihan niyong mabuti
ang kwento.

Okay klas! Bago niyo tuluyang


basahin, ibibigay ko na ang mga
katanungan kailangang masagutan
pagkatapos basahin.

Ano ang dahilan kung bakit Mabuti


ang tawag nila sa guro?
Sa dinami dami ng salita bakit kaya
mabuti ang laging sinasambit na
salita?
Anong aral ang napulot niyo sa
kwento?

(pagkatapos mabasa)
Nagustuhan niyo ba ang akda klas? Opo Sir.
Sino-sino ang mga tauhan nito? Si Fe na mag-aaral at si Mabuti na guro Sir.
Batay sa inyong binasa bakit Mabuti - Ang salitang mabuti ay naging
ang tawag nila sa guro? karaniwan na nitong sinasalita kapag
ito ay nagtuturo.
- Ito ang salitang palagi niyang
sinasabi kapag nagsasalita ito sir.
- Tinawag siyang mabuti dahil
kakakitaan ito sa kanyang pag-
uugali bilang isang mabuting guro.

Tama kayo,tinawag siyang Mabuti dahil ito


ang bukambibig niya at naging expresyon
na niya ito.

Sa inyong palagay bakit Mabuti ang palagi - Para sa akin sir pinili nitong salitang
nitong sinasabi marami namang salitang mabuti dahil nais nitong maging
mapigpipilian? mabuti at huwaran na guro.
Maaaring ganon, ano pa klas? - Maaari rin pong sa paraang
paggamit nito ng salitang mabuti ay
matatakpan nito ang kalungkutan
nadarama niya.
Ano ang pangalan ng batang nakausap ni - Ang pangalan ng batang iyon ay si
Mabuti sa silid-aklatan? Fe po sir
- Si Fe po sir.

Ano ang pahayag ni Mabuti na nagpabago - Ang nagpabago sa damdamin ng


sa damdamin ng bata upang hindi siya bata ay ang salita ng guro na, "ang
umalis sa silid-aklatan? sulok na iyon.......na iniiyakan
natin....nating dalawa", "maging
higit na mabuti sana sa iyo ang
buhay".
Ito ang binanggit ni Mabuti sa guro - sana'y
masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin ko'y
hindi para sa mga bata pang gaya mo.
Mabuti sana'y hindi maging iyo ang
ganoong uri ng suliranin... kailanman... ang
ibig kong sabihi'y... maging higit na mabuti
sana sa iyo ang... Buhay.

Ano ang nais ipahiwatig ni Mabuti sa - Nais iparating ni Mabuti kay Fe na


pahayag na ito? sana'y hindi niya maranasan ang
mga pagsubok na dumaan sa
kanyang buhay. Dagdag pa rito,
hindi pa angkop sa edad ni Fe na
malaman kung ano man ang
problema ni Mabuti dahil nasisiguro
niyang hindi rin naman
maiintindihan ni Fe ang mga ito.
- Ibig sabahin ni mabuti na ayaw
nitong maranasan ni fe ang
nararanasan niyang problema sa
buhay.
- Ibig sabihin nito na gusto ni Mabuti
na hindi maranasan ni Fe ang
kanyang nararanasan na problema sa
buhay.
Tama, napagaan ni Mabuti ang pakiramdam
ni Fe noong binaggit niya ang mga pahayag
na iyan sapagkat sa murang edad
nauunawaan niya na ang kanyang kaharap
ay hindi lang guro na nagtuturo sa harap
nila bagkus guro na nangangarap nang
mabuting buhay para sa kanila.
Anong katangian mayroon si Mabuti? - Pagiging positibo dahil sa
Patunayan ang sagot pagkakaroon niya ng magandang
pananaw sa buhay, na kahit marami
siyang mga pagsubok na
pinagdadaanan, nanatili siyang
nakangiti sa harap ng kanyang mga
estudyante. Siya rin ang naging
sandalan ng kanyang mga
estudyante katulad na lamang ni Fe.
- Mapagmalasakit, masasabing kong
mapagmalasakit si Mabuti dahil
iniisip nito ang kapakanan ng
kanyang mag-aaral na hindi
naapektuhan ang kanyang trabaho
bilang guro. Higit sa lahat palaging
niyang ibinibigay ang kanyang oras
sa kanyang mag-aaral upang
tulongan sila kapag mayroon silang
problema na hindi na niya iniisip
ang kanyang sarili na kahit mayroon
din siyang problema ay binabalewa
niya ito basta makatulong ito sa
ibang tao.
- Ang katangian na mayroon si
Mabuti ay matatag dahil kahit
mayroon siyang pinagdadaanan ay
hindi siya sumusuko at hindi niya
pinapahalata bagkus linalaban niya
ito ng mag isa lang.
Tama kayo, maraming magandang
katangian si Mabuti, sa kabila ng madilim
na karanasan niya sa buhay ay ipinapakita
parin niya sa mga mag-aaral niya ang
kagandahan ng buhay.
Sa inyong binasa ano sa tingin niyo ang - Tungkol ito pamilya niya sir.
problema ni Mabuti? - Patungkol ito sa asawa niya sir.
Tama, sa kwento hindi saktong binanggit
kong ano ang problema niya pero ipinakita
doon na patungkol ito sa kanyang pamilya.
Ano ang ibig sabihin ng pahayag ni Mabuti - Para sa akin, ang ibig sabihin ni
na- Iyon lamang nakararanas ng mga lihim Mabuti sa binanggit niyang iyon ay
na kalungkutan ang maaaring makakilala ng makikilala mo lamang ang mga
mga lihim na kaligayahan? bagay na nakapagpapasaya sayo
kung may pinagdaanan kang hirap at
lungkot sa buhay, dahil kung walang
mga pagsubok, hindi makikita at
mararanasan ng tao ang tagumpay at
kasiyahan.
- Sa pagharap sa buhay kailangan
muna harapin ang hamon upang sa
ganoon ay maranasan muna ang mga
hirap na dinaranas at magbubunga
ito ng masagana. Halimbawa, kung
nafail ka sa klase, ang problemang
iyan ang susubok sa iyo upang
pagbutihin pa ang pag-aaral.
- Kung sino ang ang nakaranas ng
paghihirap at malungkot na
karanasan ay siya rin ang
makakagawa ng paraan upang at
lumigaya at maging masaya sa
buhay.
- Para sa akin upang maranasan mo
ang kaligayahan ay dapat na
maranasan mo rin ang kalungkutan
dahil ang buhay ay hindi lang saya
kundi halo-halong damdamin ang
ating nararamdaman. Ito ay parang
gulong umiikot lang ang mga
nararamdaman natin sa buhay.
Magagaling, Tama, iyon lamang
nakararanas ng lihim na kalungkutan ang
makararanas ng lihim na kaligayahan. Ibig
sabihin , higit na mararamdaman ang
kaligayan kapag dumaan at nasubukan ang
matinding kalungkutan.
Sa tingin niyo ano-ano ang katangian dapat - Malikhaing
taglayin ng isang guro? - May malawak na pag-una at pag-
iisip
- Mapagmahal
- Mapag-aruga
- May respeto
- Isang huwarang modelo sa mga
mag-aaral
Oo tama bilang mga pangalawang magulang
ninyo sa loob ng paaralan responsibilad
naming matulongan at gabayan kayo sa
tamang landas. Hindi lang pagbibigay aral
sa inyo kundi kabilang na rin na ipadama
namin na mayroon nagpapahalaga,
nagmamahal at nagmamalasakit sa inyo.
Ang pagiging isang guro ito ang
pinakamahalagang propesyon sapagkat ang
mga guro ang humuhubog sa kakayahan at
pag-uugali ng mga mag-aaral. Sa paaralan
nabubuo ang buong pagkatao ng isang
estudyante. Kaya mahalaga na ang isang
guro ay huwaran at may mabuting katangian
katulad ni Mabuti.
Pagpapahala

Ano naman ang aral na napulot - Ang buhay ay puno ng pagsubok na


ninyo sa kwento klas? dapat nating lampasan.
- Dapat maging positibo sa lahat ng
oras.
- Bago nating makamtan ang tunay na
kaligayahan ay mararanasan muna
natin ang kalungkutan at paghihirap.
- Ang buhay ay parang isang gulong
na umiikot lamang na pabago bago
ang nararanasan natin sa buhay sir
na minsan masaya minsan naman ay
malungkot.
Paglalahat

Magaling klas, ngayon ay magkakaroon Opo sir.


tayo ng freedom wall sa white board natin.
Isa-isa ang pupunta sa harap at magsusulat
ng mensahe para gurong hinahangaan ninyo
ng lubos. Naintindihan ba klas?
Ebalwasyon Criteria

Ngayon naman ay papangkatin ko kayo sa Nilalaman – 20%


dalawang pangkat. Mula sa grupong inyong Kaakmaan sa paksa – 30%
kinabibilangan ay gagawa kayo ng maikling Kaayusan – 25%
kwento batay sa hinihingi at iprepresenta ito Pagganap – 25%
sa pamamagitan ng pagsasadula.
Kabuuan - 100%
Unang pangkat – ipakita ang mga mabuting
katangian na dapat taglayin ng isang
estudyante

Ikalawang pangkat – ipakita ang mga


mabuting katangian na dapat taglayin ng
isang guro.
Mahuhusay ang ginagawa ninyo klas,
nawa'y may napulot kayong aral sa ating
paksa ngayon na pwede ninyong maiugnay
sa inyong buhay at makatulong ito sa
pagtahak ninyo ng tamang landas para sa
inyong mga pangarap.

IV. Pagtataya
Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag. ( Ang sagot ay hindi hihigit sa 50 na
salita)

1. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring


makakilala ng mga lihim na kaligayahan”
2. Pinuno niya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at mga kaaya-
ayang tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang
kagandahan ng buhay.
3. “Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang
isang pilit na ngiti sa kanyang labi.”
4. Ang suliranin ko'y hindi para sa mga batang gaya mo. Mabuti sana'y
hindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin kailan man.

V. Takdang Aralin

Gumawa kayo ng isang sanaysay patungkol sa inyong gurong hinahangaan ninyo, ano
ang katangian nakita niyo sa gurong ito, at kung ano ang binago o naibigay nitong
impluwensya sa buhay ninyo. (Hindi kukulangin ng 300 salita at hindi hihigit sa 500
salita).

You might also like