You are on page 1of 5

Pangalan: Fabricante, Beaver Love Petsa: July 9, 2021

Taon at Kurso: BEED 1 Iskedyul: 2:15 PM

PAGSUSURI NG TULA

Pamagat: OFW sa gitna ng disyerto

Manunulat: Noel Malicdem

Uri ng akda: Tula

Link: http://ofw-bagongbayani.com/sali-ka-kabayan/ofw-sa-gitna-ng-disyerto.html

I. TALAMBUHAY NG MAY AKDA

- Si Ka Noel Malicdem, ay isang tubong Pangasinan at isang OFW.


Nakipagsapalaran sa ibang bansa sa hangad na mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga mahal sa buhay. Nagsimula
siya sa paglikha ng tula noong siya ay nasa Saudi Arabia. Naging
inspirasyon niya ang mga karanasan at saksi sa tunay na mga nangyayari
sa kalagayan at buhay ng kapwa niya mga OFW. Karamihan sa kanyang
mga tula ay sa Tagalog, sa wikang ito kasi ay mas naibabahagi niya ang
kanyang saloobin at mabigyan pansin ang kanilang mga karaingan at
malaman ng samabayanang Pilipino kung ano ang tunay na buhay ng
isang manggagawa sa banyagang bansa. Siya ngayon ay nakatira parin
sa United Arab Emirates upang matupad ang kanyang mga mapangarap
sa buhay. Alam niya na ang kanyang kinikita sa ibang bansa ay hindi
matutumbasan sa kung magkano ang kinkita niya sa Pilipinas.

II. KAYARIAN
 URI – Tulang Pasalaysay sapat ito ay naglalaman ng isang pangyayari
at mayroong isyu na kasali
 ESTOPA – Kwarteto dahil ito ay may apat na taludtod bawat saknong.

 RITMO/INDAYOG
Sukat – Walang magkaparehas na tugma bawat saknong. Gumagamit
ang manunulat ng malayang sukat.
Tugma – Patinig at Katinig

III. ANYO
 TONO
Galit – Ito ay para sa gobyerno na hindi pinahahalagaan ang mga
OFW
Kalungkutan – Ang maiwan ang pamilya, hindi magkaroon ng sapat na
kita at hirap sa pagtatrabaho.

 KARIKTAN
Pakikibaka – Pagkakaisa
Lupa ng Pera Piraso – Lupa ng Perang Ginto

 TALINHAGA
Simili – Nagpapakita ng pagkukumpara

Ang kaligayahan pansamantalang kinalimutan ko


Mapunta sa bansang lungkot ang karamay mo.

IV. PAGSUSURI
 PAKSA
Ang tula ay tungkol sa mga karanasan ng Pilipino tungkol sa gobyerno
at sa bansang pinuntanahan nito. Ang paksa ay puno ng kalooban at
nararamdaman ng isang OFW na siyang nasa ibang bansa upang
makipagsapalaran.

 DIWA
Nais iparating ng manunulat ang hirap na kanilang
 HIMIG
Sentemintal at Padamdamin – Ang tula ay naglalahad ng isang
damdamin ng isang OFW kung saan naalala niya ang kanyang buhay
ng siyay wala pa sa ibang bansa at sa ngayon na nakikipagsapalaran
na. Ang pagod at tiis na ginagawa upang may maihain sa lamesa.
 IMAHEN

Unang Saknong – Imbes na tulungan ng gobyerno ang mga OFW


tuwing inaabuso ay kanila lang itong sinasabihan na magtiis upang di
masira ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Hindi nila iniisip ang
tunay na kalagayan ng mga OFW.

Ikadalawang Saknong – Inilalarawan sa saknong ito kung paano ka


madadaya ang mga nasa pwesto. Sinasabi na mayroon ngang
nakatalaga upang tumulong ngunit ito naman ay mga abusado at hindi
kayang tuparin ang trabaho. Mas mahirap pa ang kanilang
nararanasan sa mga ito.

Ikatatlong Saknong – Inilalarawa sa saknong ito ang karanasan ng


isang OFW sa isang disyerto o sa isang bansa. Hindi pantay na trato
at minsan ay pinagkakaitan sila ng kita o sweldo.

Ikaapat na saknong – Sa saknong na ito ay naglalarawan ng isang


OFW na nangibang bansa upang may pang tustos sa pamilya na
iniwan sa Pilipinas. Ipnipakita na tinitiis ang lungkot na nadarama.
Ikalimang saknong – Hindi nagsisisi ang isang OFW sa pagpunta sa
ibang bansa at doon mag trabaho. Mas nahihirapan siya sa sariling
bansa dahil sa hindi pantay na gobyerno. Mas nagpapahirap ang
gobyerno na nakaupo sa pwesto ngnit wala naman magawa para sa
tao.

Ika anim na saknong – Inilalahad ang hiling ng mga OFW kung saan
pantay na trato. Bigyan din sila ng pansin at respeto dahil sila ay
naging malaking parte ng pag unlad ng Pilipinas.

V. TEORYANG PAMPANITIKAN (3)


 PATUNAY

Teoryang Realismo

Isa lang akong saksi buhay dito sa disyerto


Na kung tawagin lupa ng pera piraso
Dahil kung hindi huli limang buwang walang sweldo
Walang pakialam magutom man ang pamilya mo.

Di ko pinagsisihan ang pagpunta rito


Bahagi lang ito ng pakikibaka sa buhay ko
Hindi ang maging saksi sa mga mapagsamantalang politiko
Na lalo lang nagpapahirap pag nakaupo na sa puwesto.

Teoryang Romantisismo

Tama na sa akin ang tawaging OFW


Na umalis ng bayan para sa kinabukasan ng pamilya ko

Teoryang Sosyolohikal
Bayani kung ituring kami ng gobyerno
Wala naman magawa kapag kami’y inaabuso
Baka masira daw relasyon sa bansang kinalalagyan ko
Magtiis na lang hanggang matapos kontrata ko.

Mayroon nga tayong konsulado


Mga nakatalaga naman dito mga abusado
Walang pakialam kung ano kalagayan mo
Baka mas malala pa kapag napadpad ka rito.

 PALIWANAG

Teoryang Romantisismo – Ito ay nagpapakita ng sakripisyo at pagmamahal


sa pamilya.

Teoryang Sosyolohikal – Ito ay nagpapakita ng isyung panlipunan ukol sa


gobyerno at paan nila tratuhin ang bawat OFW.

Teoryang Realismo – Ito ay nagpapakita ng totoong nangyayari sa mga


OFW. Kung papano sila tratuhin sa ibang bansa.

You might also like