You are on page 1of 24

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang
ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel.

"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang


bulaklak."

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw


ba'y maligaya sa iyong paligid?"

"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang


gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na
taboy ng hangin ay kahali-halina!"

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito.


"Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?"

"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon,
siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!"

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G.


Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?"

"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra!


Pag malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang
matulad sa narra!"

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong


matibay na puno?"

"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para


sa iyong sarili?"

"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta
ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi
nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"
Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-
aaway itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, "O, gusto mo ba talagang patunayan ko na


mas malakas ako kaysa iyo?"

Ngumiti ang araw. "Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin.
Hayun, may lalakeng dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang
makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas."

"Payag ako. Ngayon din", magkakasubukan tayo, "malakas na sagot ng


hangin. "Ako ang uuna," dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging
pangalawa sa anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila


nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang
lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang paghihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones


hanggang sa may leeg ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas
sa paghihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit
dahil tila giniginaw na siya.

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa paghihip niya ay talagang


hindi niya makuhang mapaalis ang damit ng lalake. "Sige," sigaw niya sa
araw. "Tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman
mapapahubad ang taong iyon."

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang
pawis ng lalake. Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang
lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at
tinanggal nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang
araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.

Ang Ating mga Likas na Palatandaan


Marami sa magagandang tanawin ng ating bayan ang mga tangi at kilalang
palatandaan. Isa na rito ang Look ng Maynila. Ipinalalagay na isa ito sa mahuhusay
na daungan ng mga sasakyang-dagat sa silangan. Sa makitid na pasukan nito,
naroroon ang Pulo ng Corregidor na naging tagpo ng mga di-malilimot na
pangyayari noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan. Sa baybay nito, naroroon
naman ang baybayin ng Cavite, Manila, Bulacan, Pampanga, at Bataan. Ang mga
pook na ito ay naging saksi ng mga dakila at mahalagang pangyayari sa ating
kasaysayan.

Sa Mountain Province, mga tatlundaang milya sa hilaga ng Maynila, naroroon ang


rice terraces na bantog sa buong mundo bilang isa sa Walong Hinahangaan sa
Daigdig. Ang mga baytang-baytang na taniman ng palay na ito ay itinayo ng mga
unang-unang ninuno ng mga kasalukuyang Ifugao, noong mga tatlunlibong taong
nakaraan.

Sa lalawigan ng Batangas, naroon ang Lawa ng Taal. Sa gitna ng lawa ay may isang
bulkang gising. May paniniwalang ang lawa ay bunga ng malakas na pagsabog ng
bulkan noong nakaraang panahon. Ang abo at putik na ibinuga ng bulkan ay
kumalat sa malawak na lupa sa Greater Manila Area.

Noong ika-28 ng Setyembre 1965, pumutok ang Bulkang Taal. Ang mga baryo sa
baybay ng lawa ay lumubog sa putik at abo. Ang pagputok na iyon ay lumikha ng
panibagong butas sa bulkan at nakamatay sa libu-libong tao. Nawalan ng tahanan
ang mga napinsala at inilipat sila sa ibang tirahan. Kumilos nang sama-sama sa
isang kilusang pangkawanggawa ang pamahalaan, ang mga samahang pambayan,
mga bahay-kalakal, at libu-libong mamamayang pribado upang damayan at
tulungan ang mga napahamak sa pinakamalubhang kapahamakang umabot sa
ating bansa noong 1965. Mula noon, muling tumahimik ang Taal upang muling
mabigyan ng kariktan ang tanawin.

Ang Bulkang Mayon, bantog din sa buong daigdig, ay nasa lalawigan ng Albay,
malapit sa Lungsod ng Legaspi. Ito ay pitung-libo't siyamnaraang talampakan ang
taas at ang taluktok ng bulkan (perfect cone) ay balita sa buong mundo.

Ang Lawa ng Lanao ay nasa Pulo ng Mindanao. Dalawang libong talampakan ito sa
ibabaw na pantayang-dagat at umaagos sa Ilog Agus. Sa dakong malapit sa
Lungsod ng Iligan, ang tubig sa Ilog Agus ay bumababa ng walumpung talampakan
sa ilalim at siyang bumubuo ng Talon ng Maria Cristina. Ito ang nagpapalakad at
nagbibigay ng elektrisidad na ginagamit sa bayan-bayan at sa mga sentro ng
kalakalan at industriya sa Mindanao.

Bukod sa mga nabanggit na palatandaan, marami pang magagandang tanawin at


makasaysayang pook ang bayan, na makapagdudulot sa mga turista ng kawili-wili
at kasiya-siyang pagdalaw sa Pilipinas.

Ang Bulkang Taal


Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya't nag-utos ang
amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng
mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon nguni't wala
isa man sa kanilang makakita sa singsing.

Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi
lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya. "Iyang singsing
na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang mga raha at
lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-asawa."

"Patawarin ninyo ako, mahal kong ama," luhaang sabi ni Taalita. "Alam ko po ang
kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng
pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit..."

"Huwag kang lumuha, anak," sabi ng ama. "Hayaan mo't makikita pa rin iyan."

Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di-naglulubay sa pagsisikap na


makita ito. Hiningi niya ang tulong ng langit at di nga nagtagal ay nakita ang
hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.

Ibinalik niya ito sa prinsesa at sa laki ng utang-na-loob ng mag-ama naging malapit


sa kanila ang binata. Hindi naglaon at naging magkasintahan si Taalita at Mulawin.
Pumayag naman ang ama sa pag-iisang-dibdib nila dahil alam niyang mabait,
matapat at mapag-kakatiwalaan ang lalake.

Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang raha, si Mulawin na ang
namahala sa barangay. Madalas na ang ginagawa nilang pasyalan ay ang lawa.
Namamangka ang mag-asawa at natutuwang minamasdan ang mga isda at ibang
nabubuhay sa dagat.

Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni Taalita ang isang di-karaniwang


bulaklak na nakalutang sa tubig. "Kay ganda ng bulaklak na iyon. Kukunin ko," at
bago napigilan ng asawa ay nakatalon agad sa tubig. Hinintay ni Mulawin na
lumitaw ang asawa nguni't hindi ito pumapaibabaw. Dagling tumalon din ang lalake
para saklolohan ang asawa, ngunit pati siya ay nawalang parang bula.

Laking pagluluksa ng buong barangay sa nangyari sa kanilang mahal na Raha


Mulawin at Prinsesa Taalita. Hindi naglaon, may lumitaw sa, gitna ng lawa, sa
kinalinuran ng magsing-irog, na isang pulo. Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang
ibinigay ng amang datu para laging ipagunita ang nawalang mga anak.

Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang marinig kapag napapalapit sila sa
Bulkan ang masayang awit ng mag-asawang Mulawin at Taalita, na kahit sa
kabilang-buhay ay masaya at nagmamahalan.

Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at


matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng
Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang
Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang
nanginginain ng damo sa kaparangan.

Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng mga


mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa
mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga
mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom.

Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang


halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong
Ginto. Nawala rin ang prinsesa.

Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng


gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon,
nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako sa kanilang mga anitos.

Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto.
Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di
kaya'y magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.

Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong.


Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay
huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na
binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit.

Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano'y


ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!

Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng
Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot.
Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.

Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang


iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng
Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay
hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago
na rin at nanatiling mabubuting tao.

Ang Kabayong Humingi ng Katarungan

"Ito ay kampana ng katarungan," ang sabi Ing hari. "Ito ay para sa inyo, aking
mamamayan at nasasakupan. Tugtugin ninyo kung may gumawa sa inyo ng
masama. Dali-daling paririto ang mga hukom upang kayo'y bigyan ng katarungan.
Ito ay para sa lahat - mayaman ma't dukha; bata o matanda. Ngunit huwag ninyong
tutugtugin kung sa akala ninyo ay hindi naman kayo inaapi."

Maraming mga taon ang nakaraan kaya marami ring mga kamalian ang naituwid at
marami ring mga salarin ang naparusahan. Humina na ang lubid na nakatali sa
kampana at ang ibaba nito ay nalagas at napatid kaya matangkad lamang ang
puwedeng makaabot sa lubid upang makatugtog.

Ang sabi ng isa sa mga hukom, "Problema ito. Kung sakaling may batang pinaslang,
paano niya ito mapararating sa kaalaman namin?"

Ipinag-utos ng mga huwes na palitan ang lubid. Wala namang makitang mahabang
lubid sa bayan. Kung sila naman'y magpasugo at magpakuha sa gubat ay baka
malaunan. "Anong gagawin kung sa mga sandaling ito ay magkaroon ng kaso ang
isang bata at dalhin sa amin?"

Sa mga istambay na nakikinig ay may isa namang nagprisinta, "Ako'y kukuha ng


mainam na tali." Ito'y umalis at nang magbalik, may dalang mahabang baging.

Siya'y umakyat sa tore at itinali ang baging sa kampana. Ito'y nakalawit at puno ng
mga sariwang dahon.

"Maayos na iyan!" ang sabi ng mga hukom at tuloy pinasalamatan ang nag-
magandang-loob.

Di-kalayuan sa pamilihang-bayan may nakatirang isang kawal. Siya'y matapang


noong kanyang katanghalian. Malaki ang kanyang karanasan sa digma. Malalayong
bayan ang kanyang narating at naging kasama ang kanyang kabayong di-
miminsang nagtawid sa kanya sa mga panganib.

Nang siya'y tumanda, wala na sa kanyang isip ang digma. Hindi na siya naniniwala
sa katapangan at kabayanihan. Walang laman ang kanyang ulo kundi ginto. Walang
iniisip kundi kayamanan. Ang kanyang sinasamba ay salapi. Ipinagbiling lahat ang
mga ari-arian at tumira na lamang sa maliit na dampa sa bukid. Wala siyang gawa
kundi bilangin ang kanyang pera. Dumating ang sandali na ang kanyang kabayo ay
ayaw pakainin.

Isang araw, naisip ng lalaki na ipagbili ang kanyang kabayo. "Ngunit sinong bibili sa
kanya? Payat, matanda at di na makahila. Walang tatanggap sa kanya kahit ibigay
ko pa. Siya'y pasanin lamang! Akin na lamang aalpasan at bahala na siyang
manginain ng damo sa lansangan!"

Ang kabayo ay inalpasan. Ito'y naging masasakitin at papilay-pilay. Binabato ng


mga bata sa daan. Siya'y tinatahulan ng mga aso. Nagpalibot-libot ngunit walang
makaing damo. Ang kapaligira'y kalos na kalos pagkat tag-init.

Sa di kinukusa, napadako ang kabayo sa pamilihang-bayan. Walang tao sa


lansangan pagkat sila'y nasa bahay dahil sa alinsangan ang panahon. Bukas ang
tarangkahan ng pamilihan. Ang kabayo ay nakapasok at namataan niya ang baging
nakabitin na tali ng kampana. Para bang siya'y kinawayan ng mga dahon at ang
sabi, "Halika, ikaw'y nagugutom."

Sinimulang kainin ng kabayo ang mga dahon. Tuwing dadakmain ang mga dahon,
nahahaltak ang baging, kaya ang kampana ay tumutugtog.

Narinig ng mga taong-bayan at mga huwes ang tugtog ng kampana. Wari'y isang
panawagan, "Ako'y pinabayaan, ipinagtabuyan, kaya kaawaa't bigyan ng
katarungan."

Maraming mga mamamayan ang nagpunta sa pamilihang-bayan. Nakita nila ang


kabayo. Sigaw ng isa, "Iyo'y kabayo ng sundalo. Talagang masamang tumarato!"

"Kahit hayop ay natutung magsakdal dahil sa kanyang kaapihan!" sambat naman


ng isa.

Ipinatawag ng mga hukom ang may-ari ng kabayo.

Nang humarap ang kawal sa tribuna, siya'y hinatulan ng ganito, "Pinagsilbihan ka


ng kabayo mo nang mahabang panahon. Ikaw ay iniligtas niya sa sarisaring
panganib. Siya ang nagbigay sa iyo ng iyong kayamanan. Ang kayamanang iyan ay
hahatiin at ang kalahati ay ilalaan sa iyong kabayo. Siya'y ibibili ng pastulan,
pagkain at kabalyurisang matatahanan. Gugugulin ang pera sa kanya habang
buhay!"

Nanlumo ang kawal nang marinig ang hatol. Masakit para sa kanya ang magbitiw
kahit isang kusing!

Nagsigawan ang mga tao, "Sa wakas ay nagtagumpay rin ang katarungan!"
Salamat sa , kampana ng katarungan!

Ang Matalinong Pintor

Masama ang loob ni Zandrey habang minamasdan niya ang kahabaan ng bakuran
nila. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang lata ng pinturang puti at sa kaliwang
kamay ang brotsang gagamitin sa pagpipintura.

Nag-aalmusal pa siya nang sabihin sa kanya ng nanay niya na, "Huwag kang aalis,
Zandrey, dahil may ipagagawa ako sa iyo."
"Ano po iyon, inay?" tanong ni Zandrey na nag-uumpisa nang mag-alala. Kasunduan
nilang mga magkababata na maglalaro ng basketbol sa parke ngayong umaga.

"Pangit na ang pintura ng ating bakod. Kupas at marumi pa. Nakabili na ako ng
pinturang puti at brotsa at maaari mo nang masimulan pagkakain mo."

Hindi maaring hindi susunod sa utos. Mabait ito kung sa mabait, ngunit ang mga
utos niya ay parang utos ng reyna na di mababali.

Habang minamasdan ni Zandrey ang bakuran, lalo namang nagsisiksikan sa pag-


iisip niya ang tiyak na nasa laruan nang mga kababata, malamang ay inip na inip na
sa pag-aantay sa kanya, o di kaya'y naglalaro na at hindi na siya hinintay.

Isinawsaw niya ang brotsa sa lata ng pintura at dahan-dahang idinampi sa isang


sulok ng mahabang bakuran. "Sa lahat ng trabaho, ito talaga ang nakakapundi,"
wika niya sa sarili. "Binabalak pa naman namin ni James na ilampaso ngayon sina
Henry."

Nang walang kagana-ganang isasawsaw na uli ang brotsa sa lata ng pintura,


natanaw niyang dumarating ang kapwa bata ring si Vince.

"Hoy, Zandrey!" Di siya lumingon at kunwari ay walang narinig. Binilisan niya ang
paghahaplos ng pintura sa bakod.

"Ano ang ginagawa mo, Zandrey?"

Wala pa rin siyang narinig. Humakbang siya sa likod at sinipat ang napinturahan na.

"Kawawa ka naman, Zandrey. Nagpipintura ka."

"Oy, nandiyan ka pala, Vince. Di kita napansin."

Isinawsaw na uli ni Zandrey sa lata ang brotsa at ganadong-ganadong itinuloy ang


pagpipintura. Maya't-maya'y sinisipat ang napintahan na. Sisipol-sipol siya at tila
tuwang-tuwa sa ginagawa. Si Vince ay nakatungangang nagmamasid.

"Papinta rin nga," maya-maya'y pakiusap, nito. "Titikman ko lang magpintura."

"Ay, huwag! Baka hindi mo kaya. At saka, magagalit ang nanay ko. Kailangang
maayos ang pintura nito."

"Sige na, patikim lang. Aayusin ko. O, ibibigay ko sa iyo ang trumpo ko, pagpintahin
mo lang ako."

"O, sige na nga." Naupo si Zandrey sa isang tabi at hinayaang magpintura ang
kababata. Habang pinapanood niya si Vince, nabuo sa isipan niya ang isang balak
para mapadali ang trabaho niya at makaipon pa siya ng mga regalo.
Nang umalis na ang napagod nang si Vince, sumunod namang naisahan ni Zandrey
si Armel. Binigyan siya nito ng yoyo kapalit ng pagpipintura sa bakod. Sumunod
naman dito si Erick, saka si Ethan, si Alexander, si Richard.

Nang matapos ang araw, malaking kayamanan ang inisa-isang bilangin ng


matalinong si Zandrey - may yoyo, trumpo, tatlong malalaking sigay, kandadong
walang susi, larawan ni Batman at Robin, komiks na Superman, mahabang tali ng
borador, plastic na baril-barilan, singsing na tanso....

Pinagmasdan niya ang bakod na pininturahan. May makapal, may manipis, may
paayon, pasalungat, may kulang-kulang na pintura. Ngunit sa paningin ni Zandrey,
ang bakod ay napakaganda, dahil ni-kaunti man ay di siya napagod at nakakamal
pa siya ng maraming yaman.

Ang Pagdalaw ng mga Pastol at Tatlong Hari

Hindi pa naglalaon ang kasal ni Jose kay Maria nang iutos ni Emperador Caesar
Augustus na ang lahat ng tao sa buong Roma ay magpatala sa senso. Sila ay dapat
magpatala sa pinagmulan ng kanilang pamilya. Sina Maria at Jose ay mula sa
pamilya ni David kaya nilisan nila ang Nazareth upang pumunta sa Bethlehem
pagkat dito isinilang si David.

Ang mahabang paglalakbay ay mahirap pagkat si Maria'y nagdadalang-tao at


malapit nang magsilang. Nang sila'y sumapit sa Bethlehem, ito'y siksik ng tao dahil
sa mga nagsisipagpatala. Pagkat walang matuluyan, sina Jose at Maria'y nagkasya
na lamang sa sabsaban ng mga hayop.

"Huwag kayong matakot," sabi ng anghel, "akoy may masayang balita. Sa araw na
ito'y isinilang ang mananakop, ang tagapagligtas, si Kristo na ating Panginoon. Ang
bata ay nasa isang sabsaban sa Bethlehem."

Walang anu-ano'y ang langit na tinitingala ng mga pastol ay napuno ng mga anghel
na lumuluwalhati sa Diyos at umaawit ng:

"Glorya sa Diyos sa kaitaasan


At sa daigdig ay kapayapaan,
Maligayang ban sa sangkatauhan."

Nang makapag-alisan ang mga anghel, ang mga pastol ay kaagad nagpunta sa
Bethlehem at nakita roon ang sanggol sa sabsaban. Ibinalita nila kina Maria at Jose
ang tungkol sa mga anghel, kung ano ang kanilang narinig hinggil sa sanggol. Ang
lahat ay nagtaka nang narinig ang kanilang salaysay.

Sa isang bansa sa silangan, may tatlong Magong nag-aaral tungkol sa langit. Isang
gabi'y nakita nila ang isang maningning na tala kaya kanilang nabatid ang
pagsilang ng Hari.

Nang makita nila ang tala, ang mga Mago ay nagsimulang maglakbay papunta sa
Jerusalem, ang punong-lungsod ng mga Hudyo.

"Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Hudyo?" ang kanilang tanong.


"Sinubaybayan-namin ang tala sa silangan, kaya kami'y narito ngayon upang
sambahin ang Hari."

Ngunit walang nakarinig at nakakita sa Haring bagong silang.

Nang marinig ni Herodes, hari ng Hudeya, ang paghahanap ng mga Mago, siya'y
nabalisa sa paniniwalang baka maagaw ang kanyang korona. Pinulong niya ang
mga pari at tinanong kung saan ipinanganak ang Hari ng Israel.

"Sa Bethlehem," ang sagot sa kanya.

Ipinasiya ni Herodes na ipapatay ang bagong hari upang manatili siya sa


kapangyarihan.

Sinabi ni Herodes sa tatlong Haring Mago, "Sa Bethlehem ninyo siya hanapin at
kung makita'y ipabatid sa akin upang ako ay pumunta rin doon upang siya'y
sambahin."

Natagpuan ng mga Mago ang sanggol. Nakilala nila agad ito bilang Hari. Sila'y
lumuhod at nanalangin. Si Hesus ay kanilang hinandugan ng alaalang ginto, insenso
at mira.
Sa pag-uwi ng mga Mago nais nilang magdaan sa Jerusalem upang ibalita kay
Haring Herodes ang tungkol sa Mesiyas. Nang gabing yaon sa pamamagitan ng
panaginip, ay.nagpakita sa kanila ang isang anghel at pinagbawalang huwag
magbalik sa Jerusalem.

Dalawang Lapis

Isang hapon, dalawang lapis na kapwa nalaglag sa playground ng paaralan mula sa


dalawang batang mag-aaral ang nagkatagpo at sila ay nag-uusap.

Lapwan: "Hoy, laptu, kumusta ka?"

Laptu: "Mabuti, ikaw, Lapwan, kumusta ka rin?"

Lapwan: (Umiling-iling) "Hindi mabuti, kaibigan."


Laptu: "Kung hindi mabuti, marahil ay masama. Gayon nga ba?"

Lapwan: "Oo, gayon nga."

Laptu: "Bakit naman?"

Lapwan: "Dahil ang amo ko ay hindi mabuting amo. Mahina sa klase. Salbaheng
bata. Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa at ipinagagawa sa akin."

Laptu: "Ano'ng ibig mong sabihin ng mga 'kalokohan'? Anu-ano ba 'yon?"

Lapwan: (Bumuntung hininga) "Napakaraming kalokohan, pero ilan lamang ang


sasabihin ko sa iyo at sapat na 'yon. Heto... Ako'y madalas niyang isulat at
ipagdrowing sa baro ng mga kaklase niyang nakatalikod sa kanya pag hindi
nakatingin si Titser. Isinusulat din niya ako at ipinangdodrowing sa dingding ng
classroom, sa desk at kung saan-saan pa. At isang araw, nang may nakagalit siyang
kaeskuwela, ay ginamit niya akong panaksak. Isinaksak niya ako sa kanyang
kaaway, at mabuti na lamang at nakailag ito at kumaripas ng takbo."

Laptu: "Hindi nga pala mabuti. (Umiling-iling.) Hindi nga pala mabuti."

Lapwan: "Ikaw naman, bakit mabuti ang buhay mo?"

Laptu: "Dahil ang amo ko ay isang mabuting amo. Marunong siya at mabait. Hindi
gumagawa ng anumang kalokohan, hindi nakikipag-away. Ako'y ginagamit niya
lamang sa pagsulat sa kanyang notebook at pad paper. Sa mga test at examination
ay ginagamit din niya ako at madalas ay 100! At sinulatan ng 'Very Good' ng mga
titser niya ang mga ipinagawa niya sa akin, sulat o drowing man. Ikaw ano ang mga
grades na natatamo ng iyong amo kapag ginagamit ka niya...?"

Lapwan: "Ay naku, nakakahiya ang mga grades ng amo ko. Madalas ay itlog o zero.
Kung minsan ay hindi ako ginagamit ng amo ko kung may test sila. Nagkukunwari
lamang siyang sumulat. Minsan nga'y nahuli siya ng titser niya at siya'y
napagalitan. Walang pag-asang makapasa ang amo ko. Mabuti pa'y magtanim na
lamang siya ng kamote!"

Laptu: (Napatawa ng Malakas) "Kawawa ka naman. Teyka, bakit nga pala ganyan
ang ayos mo? Parang nginatngat ng daga ang pagkakatasa sa iyo..."

Lapwan: (Bumuntong-hininga naman) Alam mo, kaya ganito ang tasa ko,
nakalimutan ng amo kong patasahan ako sa kanyang Tatay sa bahay nila. At
kanina, nang magpasulat si Titser, ay tinasahan ako ng dali-dali ng amo ko sa
pamamagitan ng kanyang mga ngipin!"

Laptu: "Ay naku, talaga palang nakakaawa ka. Tama nga pala ang sagot mong
'Hindi mabuti' nang kumustahin kita. Kung matutulungan lamang kita... Pero, huwag
kang mawawalan ng pag-asa. Baka mapulot ka ng isang mabait at marunong na
mag-aaral!"

Himala sa Kapaskuhan

Isang gabi ng kapaskuhan, may isang batang lalaki na patungo sa katedral. Siya ay
si Raul. May dala-dala siyang maliit na kandila na tanglaw niya sa paglakad. Balak
niyang itirik ito sa altar ng katedral para gumaling ang malubha niyang ina.

May isang balon na kaniyang nadaraanan sa pagbagtas sa kagubatan. Ito raw, ayon
sa sabi, ay pinagmumultuhan. Kung ikaw raw ay magdaraan at di maghuhulog sa
balon ng barya ay may hahatak sa iyo sa balon at di na muling makalalabas.

Nang malapit na siya sa balon ay nakarinig siya ng halinghing, isang hinaing.


Naalala niyang hindi nakapagdala ng barya panghulog sa balon. Natakot si Raul at
tumakbong palayo.

Subalit siya'y nadapa sa lugar na malapit sa balon. May narinig siyang boses ng
isang bata. Anito: "Tulungan mo akong makaahon dito. Ibigay mo sa akin ang iyong
kandila upang makita ko ang aking lalabasan."

Sumagot si Raul: "Ang kandilang ito ay para sa aking ina. Ititirik ko ito sa altar
upang gumaling siya."

"Hindi mo ba ako mapagbigyan sa gabi ng kapaskuhan?" ang samo ng tinig.

Nag-isip sumandali si Raul. Pagkatapos ay inihagis niya ang kandila sa balon.


Lumuhod siya, sumubsob sa dalawang palad, at umiyak.

Biglang-bigla... nagliwanag! Nang itaas ni Raul ang kanyang ulo ay nakita niya ang
isang bata na tangan-tangan ang kanyang kandilang inihagis sa balon. "Magbalik ka
sa inyo," ang sabi ng bata. "Ang iyong ina ay magaling na."

Patakbong umuwi si Raul, at nakita niya ang naghihintay niyang ina. Ito ay
magaling na at parang hindi nagkasakit.

Nang nakapag-usap ang mag-ina ay sabay silang nagtungo upang magdasal ng


pasasalamat. Sila ay hindi sa katedral nagtungo kundi sa lumang simbahan.

Nang sila'y pumasok sa simbahan ay halos nasilaw sila sa liwanag na nagmumula


sa altar.

Sa ganoong pangyayari ay naging maganda ito tulad sa katedral.

"Raul, bakit ganoon ang liwanag? Paano at bakit ang isang kandilang munti ay
makapagbibigay ng ganoong liwanag?" ang pasigaw na tanong ng ina ni Raul.

Lubhang namangha si Raul. Habang siya'y nakaluhod ay tiningnan niya ang kandila.
Nakilala niyang iyon ang kandila niyang inihulog sa balon at dala-dala ng batang
kanyang tinulungan.
Tanong:
1.Ano ang tinanong ng anghel sa punong-kahoy?
A. Ayos ka lang ba?
B. May nararamdaman kaba?
C. Ikaw ba ay maligaya?
D. Anong ginagawa mue?
2.Bakit ang damo lang masaya sa lahat ng iba pang mga tinanong ng anghel?
A. Kase sya ay pogi
B. May-roon syang na-iibig
C. Wala syang problema
D. Gusto nya ang sarili nya
3.Bakit hindi nasisiyahan ang bulaklak?
A. Dahil wala itong halimuyak
B. Dahil wala itong bunga
C. Dahil wala itong sanga
D. Dahil di sya pinapasin ng iba
4.Ang sinabi ng dami na “Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!" ay
dapat nating?
A. Patunayan
B. Patotohanan
C. Gayahin
D. Sundin
5.Bakit bumaba ang anghel sa langit?
A. Para tingnan kung masya ba ang mga nilalang sa kagubatan
B. Para tingnan kung ang kanyang bahay ay nandun pa
C. Kakain sya ng prutas mula sa punongkahoy
D. Pipitas ng bulaklak sa halamanan
6.Sa lahat ng kaniyang mga pinagtanungan sino sa kanila ang pinaka-masaya?
A. Punong-kahoy
B. Gardenia
C. Damo
D. Saging
7.Ano ang nais ipararating ng kwento sa mambabasa?
A. Wag kang mainggit sa iba maging masaya ka kung anong meron ka
B. Maging masaya ka kung ano man ang meron ka
C. Di mo kailangan lumingon sa iba para makita kung ano ang kulang sa sarili mo
D. Wala sa nabanggit
8.Kung ikaw ang anghel paano mo maaayos ang kanilang mga problema?
A. Sasabihin ko na may layunin sila kung bakit sila ganun
B. Sasabihin na “Bahala kayo basta walang akong problema”
C. Ang lahat ng panget ay gaganda at ang lahay ng maganda ay papanget
D. Ang mahalaga mahal tayo ng mama natin
9.Bakit naiiingit ang saging sa narra?
A. Dahil di ito namumunga
B. DAhil matibay ang puno nito
C. Di sya minamahal ni bulaklak
D. Wala sa nabanggit
10. Kung ikaw ang damo may problem aka kayang madadanas di katulad ng damo sa kwento?
A. Meron,problema ko ang mga tae ng mga hayop na lagi nalang ako tinataehan sa muka
B. Meron,lagi nalang ako pinuputol ng mga tao pag mahaba na ako
C. Wala,dahail wala na akong poproblemahain dahil di ako maarte
D. Wala,dahil gagayanin ko nalang ang damo katulad sa kwento para di ako mag-kaproblema

Tanong:
1.Sa nabasang kwento ano ang pagalingang ginawa ng araw at hangin ?
A. Kung sino ang unang makatanggalng damit ng lalaking nag-lalakad
B. Kung sino ang mas maiinit
C. Kung sino ang mas malamig
D. Wala sa nabangit
2.Ano ang ugali ni hangin?
A. Mayabang
B. Mabait
C. Masigasig
D. Maamo
3.Nag-tagumpay ba si hangin sa kaniyang ginawa?
A. Oo
B. Hindi
C. Ewan
D. Baka
4.Nag-tagumpay ba ang araw?
A. Oo
B. Hinde
C. Ewan
D. Siguro
5.Sino sa kanilang dalawa ang nag-tagumpay?
A. Hangin
B. Araw
C. Kidlat
D. Ulap
6.Anong nang-yari nang hinipan ni hangin ng malakas ang lalaki ?
A. Nanlamig na sya
B. Nainitan
C. Nag-papogi
D. Lalong sinikipan ang butones para hindi sya lamigin ng husto
7.Ano naman ang nangyari nung sininagan ni araw ang lalaki?
A. Syempre nainitan
B. Baka nilamig
C. Nakaramdam ng init at lamig
D. Tinagtag nya ang kanyang damit
8.Kung ikaw si hangin ano ang paraan mo para matagtag ang damit ng lalaki?
A. Hihigopin ko ang lalaki para matagtag ang damit
B. Kakausapin ko ang lalaki na mag-hubad
C. Tatawag ng kasama para tumulong
D. Walang tamang sagot
9.Anong ang moral na ibinigay sa atin ng kwentong binasa?
A. Wag mag-yabang kung hindi naman kaya
B. Maging masuba sa lahat ng makikita
C. Laging lamangan ang taong nasa paligid
D. No comment na po ako dyan!
10.Bakit nag-papagalingan si hangin at si araw?
A. Dahil wala silang magawa
B. Para malaman kung sino talaga ang mas magaling sa kanilang dalawa
C. Para mag-karoon sila ng matatag na bond sa isat-isa
D. Lahat ng nabanggit

Tanong:
1.Gaano kalayo ang maynila sa mount province?
A. Isang-daang milya
B. Dalawang-daang milya
C. Tatlong-daang milya
D. Apat na daang milya
2.Ano ang meron sa gitna ng lawa ng taal?
A. Mga isda
B. Bulkang-gising
C. Bulkang-tulog
D. Bulkang-dimapakali
3.Pumutok ang bulkang-taal ng Setyembre,28____?
A. 1945
B. 1978
C. 1965
D. 2020
4.Nasaan ang Lawa ng Lanao?
A. Pulo ng Luzon
B. Pulo ng Visayas
C. Pulo ng Mindano
D. Pulo ng China
5.Nasa Mount province ang isa sa pitong bantog na hinahangan ng mundo (Seven wonders of the
earth) ano ito?
A. Bulubundukin
B. Chocolate hilss
C. Mayon Volcano
D. Rice terraces
6.San namang lalawigan naroroon ang Bulkang-mayon?
A. BAtangas
B. Palawan
C. Lecca
D. Albay
7.Ano ang dapat nating gawin upang mapanatili itong ating likas na yaman?
A. Mag-hihikayat ng turista para maging famous
B. Mag papasikat kay crush
C. Magiging maingat sa paggamit ng mga ito
D. Magiging Maburara sa gamit
8. Ilang talampakan ang taas ng bulkang –taal?
A. Pitongpu’t syamnaraang taas
B. Siyam na pu’t tatlongdaang taas
C. 4,500 feet
D. 10,000 feet
9.Ilang palatandaan ang binanggit sa kwento?
A. Isa
B. Dalawa
C. Sampu
D. Lima
10.Ano ang paksa ng kwento?
A. Mga tanawin sa pilipinas
B. Mga turistang napunta sa pilipinas
C. Ang ating pilipinas
D. Bahagdan na populasyon sa pilipinas

Tanong:
1.Ano ang nawala kay prinsesa taalita?
A. Hikaw
B. Singsing
C. Palamuti
D. Ps4
2.Nahanap ito ng lalaking nagngangalang ____?
A. Ibon adrana
B. Maya
C. MUlawin
D. Lancelot
3.San nakita ng lalaki ito?
A. Sa malaking isda
B. Sa malaking aso
C. Sa malaking pusa
D. Sa malaking daga
4.Nag-katuluyan ba ang lalaki at si prinsesa taalita?
A. Oo
B. Hindi
C. Ewan
D. Siguro
5.Saan nawala si prinsesang taalita at ang lalaki?
A. Sa gitna ng lawa ng taal
B. Sa Balete
C. Sa amin
D. Sa bulkang taal
6.Ano ang nangyari sa dalawa?
A. Sumaya
B. Nalungkot
C. Nawala
D. Nag-party
7.Ano ang tumubo sa gitna ng lawa?
A. Puno
B. Pulo
C. Puto
D. Puso
8. Bakit nawala ang dalawa?
A. Dahiil sa nakita ni prinsesa taalita na bulaklak
B. Dahil sa isada
C. Ewan
D. Wala sa nabanggit
9.NAlungkot ba ang mga taong bayan sa pag-kawala ng dalawa?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
10.Ano ang paksa ng kwento?
A. Ang alamat ng bulkang taal
B. Ang Pag-iibigan nina mulawin at prinsesang taalita
C. Ang singsing
D. Wala sa nabanggit

Tanong:
1.Saan nakatira ang mabait na prinsesang reyna ng makulot?
A. Balete
B. Batangas
C. LIpa
D. Cuenca
2.Ano ang tawag sa hayop na tulay ng pag-ibig ng mga mamamayan?
A. Kalabaw
B. Baka
C. Torong ginto
D. Gamu-gamo
3.Ang prinsesa ba ay mabait ?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
4.Bakit takot ang mga mamayan sa torong ginto?
A. Dahil marami itong kasama
B. Dahil marami itong dalang sakuna
C. Dahil ito ay mapanganib
D. Dahil nangangain ito ng mga tao
5.Ano ang ginawa sa binata?
A. Sinunog
B. Nilunod
C. Tinusok
D. Pinahirapan
6.Ano ang ginawa ng reyna sa binata?
A. Niligtas nya ito
B. Pinabayaan
C. Pinag-Laruan
D. Binigyan ng chocolate
7.Ano ang pamagat nang kwentong binasa?
A. Ang alamat ng itlog
B. Ang alamat ng ilaw
C. Ang alamat ng laptop
D. Ang Engkantada ng makulot
8.Ano ang nangyari sa reyna at sa binata?
A. Dinala ito ng mangkukulam
B. Dinala ito ng torong ginto
C. Dinala ito sa kamatayan ng mga mamamayan
D. Dinala ito kay crush
9.Ano ang ginawa nang prinsesa para mailigtas ang binata?
A. Iwinagay way niya ang kanyang mahiwagang baston
B. Nag-bigay sya ng paalala para maging ligtas ang may alam
C. Nagtawag sya ng caballero
D. Wala syang ginawa
10.Ano ang moral sa kwentong binasa?
A. Maging matulungin ka sa kapwa mo
B. Wag maging barumbado sa school
C. Makinig sa imong mam
D. Wag mag-cutting

Tanong:
1.Natamo ba nang kabayo ang inatawag nilang “kampana ng katarungan”?
A. Oo
B. Hinde
C. Siguro
D. Baka
2.Ano ang nag-silbing tali upang makaakyat ang tao sa tore?
A. Sariwang dahon
B. Lubid na matibay
C. Buhok ni Rapunzel
D. Kumot ng kama
3.Nang pinaalsan ng amo ang kabayo ano ang nangyari ditto?
A. Naging masasakitin
B. Naging masigla
C. Naging pogi
D. Naging chicks
3.Kung ikaw ang kabayo gusto mo bang makatamasa ng katarungan?
A. Oo,dahil nag-pakahirap ako para sa amok o
B. Oo,dahil kailangan ko ito
C. Hindi,dahil kabayo ako eh hindi tao
D. Hindi,dahil may sarili akong buhay
4.Naisip ban g amo na ipagbili ang kabayo?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
5.Kung ikaw ang amo ipagbibili mo ba ang kabayo?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
6.BAkit kailangan bigyan ng katarungan ang kabayo?
A. Dahil ito ang nag-payaman sa amo
B. Dahil ito asy isang salot
C. Dahil naawa ang mga mamamayan sa kabayo
D. Dahil ito ang simbolo ng katarungan
7.Bakit kailangan nating bigyan ng pantay na karapatan ang bawat buhay na naninirahan sa mundo?
A. Dahil,ang dyos ay hindi ginawa ang mga hayop oh tao para alipinin ang bawat isa
B. Dahil,ang hayop ay parang tao din na may buhay
C. Dahil,ito ay nakasaad sa isang artikulo na hindi ko alam kung saan ito matatagpuan
D. Dahil,mayroon tayong bagay na hindi natin na papansin na kailangan pala nating pansinin
8.Ano ang moralsa kwentong binasa?
A. Maging mabuti ka sa kahit anong taong nakakasalamuha mo
B. Pag-may tiyaga may nilaga
C. Ang ating buhay ay maikli wag nyo na itong pahabain
D. Di talaga magiging sapat ang “never enough”
9.Ang kwentong nabasa ay isang?
A. Maikling kwento
B. Mahabang kwento
C. Parabula
D. Pabula
10.Kung ikaw ang nag-gawa ng kwentong ito paano mo ito pagagandahin pa?
A. Papagaanin ko ang buhay ng kabayo upang matamasa talaga nya ang buhay ng katarungan
B. Paluluwagin ko ang buhay ng kabayo
C. Pabibigatin ko ang buhay ng amo D. wala akong gagawin

Tanong:
1.Bakit masam ang loob ni zandrey?
A. Dahil may batang humawak sa kanyang pinta
B. Dahil ito ay isang bugnuting tao
C. Dahikl wala syang makitang mag-pipinta ng kanyang bakuran
D. Dahil pinatay ng kanyang ama ang kanyang asawa
2.Ano ang ginawa nya ng tinawag sya ng kanyang mga kalaro?
A. Tumingin
B. Di pinansin
C. Di sumagot
D. Binuhusan ng pintura
3.Bakit di man lang napagod si zandrey sa pag-pipintura?
A. Dahil pinag-pintura nya mga kaibigan nya sa bakod
B. Dahil hindi sya nag-pintura
C. Dahil hindi niya ito tinapos
D. Dahil may isang kalaro syang niyaya at hindi nya ito natapos
4.Ano ang napala ni zandrey sa pag-pipintura?
A. Nag-karoon sya ng Ps4
B. Nag-karoon sya ng kapangyarihan
C. Nag-karoon sya ng pera
D. Nag-karoon sya ng crush
5.Kung ikaw zandrey gagagawin mo din ba yung ginawa nya?
A. Hindi,dahil pang-aabuso ang ginawa nya
B. Hindi,dahil masipag ako di tulad nya na tamad
C. Oo,dahil mga plastic sila sakin
D. Oo,dahil gusto naman nila na mag-pinta
6.Ano ang moral sa kwentong binasa?
A. Wag mong abusuhin ang kabaitan sa iyo
B. Pag meron ka nito wala kang talo
C. Tama nay an kantahan na
D. Ikay mangumpay na laang kung meron
7.Pumayag ba si zandrey sa pag-pipintura?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Baka
8.Ano ang pangunahing tauhan sa kwento?
A. Zandrey
B. Bekilots
C. Jullite
D. Vince
9.Ano ang pamagat ng kwentong binasa?
A. Ang matalinong pintor
B. Ang matalinong matsing
C. Ang matalinong mambabasa
D. Ang matalinong manunulat
10.Kung ikaw ay isa sa kaibigan ni zandrey paano mo sya ilalarawan?
A. Mapang-abuso
B. Mayabang
C. Masama-ugali
D. Walang respeto

Tanong:
1.Ano ang pamagat ng kwentong binasa?
A. Ang ating palasyo
B. Ang pagdalaw ng mga pastol at tatlong hari
C. Ang pag-silang ni hesus
D. Ang kamatayan ay susi sa kademonyohan
2.Sino ang tatlong haring dumalaw kay hesus?
A. Mel tiaco,mike enriquez,charo santos
B. Gaspar,Melchor,Baltasar
C. Dobi,dobi,dapdap
D. Dabi,dobi,dipdip
3.Saan si hesus pinanganak?
A. Sa ospital
B. Sa sabsaban
C. Sa bahay
D. Sa langit
4.Sino ang nagging ina ni hesus ?
A. Si maria
B. Si marta
C. Si Mario
D. Si martalita
5.Ano ang pinagbawal ng anghel kay jose at maria?
A. Bumalik sa Jerusalem
B. Mag-sama ng bata
C. Mag asawa ng iba
D. Tumanggi sa kahit na anong alok
6.Ano ang inialay kay hesus?
A. Ginto,insesu,mira
B. Pera,salapi,singsing
C. Ps4,Nintendo switch,psp
D. Gas,liquid,solid
7.San ipinanganak ang hari ng israel?
A. Sa balagtas
B. Sa Bethlehem
C. Sa Israel
D. Sa bayan ng ciudad
8.Bakit pinahanap ni herodes si hesus sa tatlong haring mago?
A. Upang malaman nya kung nasaan ito para kanyang sambahin
B. Upang ito ay kanyang mapatay
C. Upang ito ay kanyang sugudin
D. Upang sya ay pangaralan
9.Sino ang hari ng hudeya?
A. Hercules
B. Hermano
C. Herodes
D. Hermani
10.Ano ang inaaral ng tatlong magong?
A. Lupa
B. Langit
C. Ulap
D. Dagat

Tanong:
1.Sino ang dalawang lapis?
A. Lapwan at laptu
B. Pakwan at paktu
C. Buwan at buto
D. Aso at pusa
2.Mabuti ba ang amo ni lapwan ?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Baka
3.Ano ang ginawa ng amo ni lapwan sa kanya?
A. Isinulat sa bara ng kaklase at ipinandodrowing sa dingding
B. Kinakagat ang katawan
C. Isunusubo ang pambura
D. Tinapon
4.Mabuti baa ng amo ni laptu sa kanya?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
5.Ano ang ginawa ng amo kay laptu?
A. Ginagamit sa mabuting paraan
B. Hindi ginagamit sa mabuting paraan
C. Kung ano-anong masama ang ginawa
D. Isinuksok sa mata ng kanyang kaklase
6.Ano lagi ang marka ng amo ni lapwan?
A. 80
B. 74
C. 100
D. 0
7.Ano lagi ang marka ng amo ni laptu?
A. 80
B. 74
C. 100
D. 0
8.Ano ang ginamit ng amo ni lapwan para matahasahan ito?
A. Pantasa
B. Kutsilyo
C. Ngipin
D. Daliri
9.Ano ang moral sa kwento?
A. Maging maayos sa iyong gamity
B. Pagmay tyaga may canton
C. Lomi pa
D. Penge muna bente
10.Mabuti baa ng kalagayan ni lapwan?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan

Tanong:
1.Ano ang pamagat ng kwentong binasa?
A. Himala sa kapaskuhan
B. Kapaskuhan ng himala
C. Ng himala kapaskuhan
D. Himala kapaskuhan ng
2.Sino ang batang papunta sa katedral?
A. Raul
B. Paul
C. Law
D. Devil jin
3.Ano ang hawak ng bata habang sya ay nag-lalakad?
A. Paso
B. Bag
C. Laruan
D. Kandila
4.Ano ang balak gawin ng bata sa hawak nya?
A. Itapon
B. Itirik
C. Ibigay
D. Iusod
5.Ano ang nadaanan ng bata sa pagbagtas nya sa kagubatan?
A. Mga puno
B. Hayop
C. Balon
D. Tao
6.Ano ang narinig nya sa kanyang dinaanan?
A. Malakas na boses
B. Halinghing
C. Saklolo
D. Huni ng ibon
7.Tinulungan ba ng bata ang isa pang bata na nasa balon?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
8.Gumaling baa ng ina ng bata?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan
9.Anong nangyare sa ina ng bata?
A. Gumaling
B. Nagkasakit
C. Namatay
D. Yumao
10.Natuwa baa ng bata sa nangyare?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Ewan

You might also like