You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

2 Z est for
P rogress Z eal of

P artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 3 - Modyul 1:
Karapatan Mo,Karapatan Ko

Name of Learner:

Grade & Section:

Name of School:
Alamin
Sa modyul na ito, ating matututunan ang kahalagahan ng
karapatang dapat nating tamasahin at matutukoy kung paano
natin ito pasasalamatan.
Layunin ng modyul na ito ang gabayan kayo sa pagkamit ng
kasanayang ito:
1. Nakapagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat sa
anumang karapatang tinatamasa; halimbawa; pag-aaral
nang mabuti at pagtitipid sa anumang kagamitan
EsPPP-III-a-b-6

Subukin
Panuto: Sabihin kung ano ang iyong nararamdaman kapag
ginagawa mo ang sinasabi sa pangungusap. Iguhit ang masayang
mukha kapag masaya ka at malungkot na mukha kung hindi.
_____ 1. Nag-aaral ako ng mabuti.
_____ 2. Nagbibigay galang ako sa mga nakakatanda.
_____ 3. Inagawan ko ng laruan si Nena.
_____ 4. Minahal at ginagalang ko ang aking pamilya.
_____ 5. Kumain ako ng wastong pagkain araw-araw.

MODYUL
1 KARAPATAN MO, KARAPATAN KO

BALIKAN
Napag- aralan mo sa nakaraang aralin na dapat tayong
magpapakita ng pagmamalasakit sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan sa lahat ng pagkakataon.
Panuto: Isipin mo na ikaw ang may-ari ng mga gamit
na nasa larawan.Kulayan mo kung alin sa mga ito ang
iyong ibibigay bilang donasyon sa biktima ng kalamidad?

2
TUKLASIN
Basahin ang tula na nasa ibaba.
Munting Bata
( Ni V.G. Biglete)

Ako’y isang munting bata,


Pinagpala ng Poong lumikha.
Sa kanyang mga biyaya.
Ako’y tuwang-tuwa.

Pinapaunlad ko’t ginagamit,


Mga katangian kong nakamit.
Sa paligsahan man o pagsusulit.
Pasasalamat walang kapalit.

Sa lahat ng ating biyaya,


Pasalamatan Poong Lumikha.
Mga kakayahang ipinagkatiwala.
Laging gamitin ng tama.

3
Sagutin:

1. Nagustuhan mo ba ang tula?

2. Sa paanong paraan pinapasalamatan ng munting bata sa tula


ang ating Poong Lumikha?

3. Kung ikaw ay kagaya ng munting bata sa kwento,


nagpapasalamat ka rin ba sa ating Panginoon? Bakit?

Suriin
Ating Tandaan
Dapat tayong magpasalamat para sa mga karapatang
ating tinatamasa. Maipapakita natin ang ating
pagpasasalamat kung tayo ay sumusunod sa mga payo ng
ating mga magulang. Sa kahit anong paraan dapat nating
pahalagahan at pasasalamatan ang mga karapatang ating
natamo dahil hindi lahat ng bata ay nakatatamasa ng
kanilang mga karapatan.

Sagutin:
Panuto: Isulat ang Oo kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pagpapasalamat ng ating karapatang tinatamasa at Hindi kung
hindi ito nagpapahayag.
_____1. Ipinadama ko ang aking pagmamahal sa aking mga
magulang.
_____2. Binibigyan ko ng pagkain ang batang nanlilimos sa kalye.
_____3. Binibigyan ako ng sapat na edukasyon ng aking mga
magulang para mapaunlad pa ang aking kakayahan.
_____4. Hindi ko sinusunod ang utos ni Inay.
_____5. Nakasimangot ako tuwing inuutusan akong maghugas ng
pinggan.

Pagyamanin
Panuto: Alin sa sumusunod na mga larawan ang nagpapakita
na ang isang bata ay pinapahalagahan at pinapasalamatan ang
karapatang tinatamasa.Bilugan ang letra ng tamang sagot.

4
A. C.

B. D.

E.

Isaisip
Ngayon alam mo na kung paano magpapasalamat ng
anumang karapatang ating tinatamasa at kung paano ito
pahalagahan.
Buuin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang tamang
sagot.
1. Ang pagpapasalamat ng ating mga biyayang natanggap
galing sa Panginoon ay ( mabuting, masamang ) gawain.
2. Pinagpapala ng Panginoon ang mga taong marunong (
magpasalamat, magdamot) sa kapwa.
3. (Nakikinig, Nagbibingihan) ako sa mga pangaral ng aking
magulang.

Isagawa
Panuto: Iguhit sa kahon ang thumbs up ( )kung ang mga
pahayag ay nagpapasalamat sa mga karapatang tinatamasa at
thumbs down ( ) kung hindi nagpapasalamat.

5
_____1. Ang bata ay nagmamano sa kanyang mga magulang
pag-uwi galing sa paaralan.
_____2. Ang bata ay naglalaro kasama ang mga kaibigan sa
parke.
_____ 3.Nag- aaral si Josh sa ikalawang baitang.
_____4.Ang bata ay binu-bully sa paaralan.
_____5.Nakatira ang bata sa pamilyang masayahin.

TAYAHIN
Basahin ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot .
1. Naisipan mong makipaglaro sa iyong mga kaibigan. Subalit alam mong
may pagsusulit bukas. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikipaglaro pa rin ako.
b. Mag-aaral ng mabuti para makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.
c. Huwag pansinin ang pagsusulit bukas at matolog na lang pagkatapos
maglaro.

2. Nakasalubong mo ang isang matanda na may kapansanan. Napansin


mong may mga batang nangungutya sa matanda. Ano ang iyong gagawin?
a. Pagsabihan ang mga bata na hindi mabuti ang kanilang ginagawa.
b. Sasali sa pangungutya sa matanda.
c. Hahayaan na lamang ang mga bata sa pangungutya sa matanda.

3. Palaging tinutukso si Nena lampa ng iyong kaibigan tuwing kayo ay


naglalaro. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Tutuksuin ko din si Nena.
b. Pagsabihan ko ang aking kaibigan na hindi ang kanyang ginagawa.
c. Pagalitan ko si Nena dahil tanga ito.
4. May kaklase ka na walang dalang lapis. Nalaman mong siya ay galing sa
pamilyang mahirap at tama lamang sa pagkain ang kanilang pera. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Tuksuhin ang kaklaseng walang pera.
b. Hayaan siyang walang lapis.
c. Ibigay ang ekstra kong lapis sa kanya.
5. Nakita mo si Shiela na wala siyang baon at alam mong marami kang
pagkain sa loob ng iyong bag. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Bibigyan ko siya ng pagkain at sabay kaming kakain.
b. Hayaan ko siyang magutom.
c. Sisigawan ko siya at paalisin sa aking harapan.

6
Karagdagang Gawain
Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang
at pasasalamat sa karapatang natatamasa. Isulat ang Mali kung hindi.

_____1. Laging nag-eehersisyo at kumakain si Jose ng masustansiyang pagkain


tulad ng prutas at gulay.
_____2. Nakikinig si Marisa sa mga pangaral ng kanyang mga magulang.
_____3. Mas gustong pumunta ni Roy sa computer shop kaysa pumasok sa
paaralan.
_____4. Laging sumasali si Ben sa mga paligsahan tulad ng pagsusulat ng tula
at pagsulat ng balita.
_____5. Pinagtawanan ni Lorena ang buong pangalan ng kaniyang kamag-
aral.

7
SUSI SA PAGWAWASTO
3. nakikinig Depende sa sagot ng mga bata.
2. magpasalamat Tuklasin
1. mabuting Maaring iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Isaisip: Balikan

5. 5.

i 4. 4.
5. Mali 5. Hind
4. Tama 3. 3.
i 5. a
3. Mali E 4. Hind 4. c 2. 2.
2. Ta,ma D 3. Oo 3. b
1. Tama B 2. Oo 1. 1.
2. a
A 1. Oo
Gawain 1. b
Pagyamanin Karagdagang Suriin Tayahin Isagawa Subukin

Sanggunian
• Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay- Caraan, Rolan Baldonado
Catapay, Isabel Monterozo- Gonzales, Edukasyon sa Pagpapakatao 2-
Ikalawang Baitang ( Inilimbag sa Pilipino: Kagawaran ng Edukasyon,
2013), p. 2-11
• Edukasyon sa Pagpapakatao 2 TG, pp. 48

Link ng mga larawang ginamit.


• https://www.google.com CLIPART OF CHILDRENS’ RIGHT - Bing images
• https://www.google.com
• https://www.google.com/ Online Pictures

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Lelanie D. Palor
Teacher- I , Bulawan Elementary School
Tagasuri: Riza L. Buca
Teacher - III, San Pedro Central School

Tagapamahala: Danny C. Cordova, EdD CESO VI ,SDS


MA. COLLEEN EMORICHA, CESE, OIC- ASDS
ISAGANI B. CABAHUG, SGOD Chief
Maria Diosa Z. Peralta, CID Chief
Jovita S. Dugenia, EPS - EsP

8
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed that I think that I shall never see A
I was walking along the beach with the poem lovely as a tree.
LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets of Against the earth’s sweet flowing breast;
footprints – one belong to me and the
other to the LORD. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
Then, later, after a long walk, I noticed
only one set of footprints. A tree that may in Summer wear A
nest of robins in her hair;
“And I ask the LORD. Why? Why? Why
did you leave me when I am sad and
Upon whose bosom snow has lain;
helpless?”
Who intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son, My son,
I have never left you. There was only one Poems are made by fools like me,
(1) set of footprints in the sand, because it But only God can make a tree.
was then that I CARRIED YOU!

You might also like