You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikatlong Markahan– Modyul 1:
Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1:Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangaring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Awtor : Maureen B. Alfaro

Co-Awtor - Content Editor : Maria Fe B. Visda


Co-Awtor - Language Reviewer : Lyn Espiritu
Co-Awtor - Illustrator : Reicy L. Due
Co-Awtor - Layout Artist : Sherrie Shane S. Peñaflor
DISTRICT MANAGEMENT TEAM:

District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD


Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala
District SLM Book Designer : Firstname MI. Lastname

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE Chief Education
Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kultura ng Ating Lahi, Ating
Pahalagahan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong
sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang malaman ang kahalagahan ng
kulturang materyal.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

* Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbasa ng mga pamanang kulturang materyal (hal.


kuwentong bayan, alamat, mga epiko) at di-materyal mga magagandang kaugalian at pagpapahalaga
sa mga nakatatanda)

EsP4PPP-llla-b-19

- 1.1 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pamanang kulturang materyal

- 1.2 Naipapakita ang kasiyahan sa pakikinig o pagbasa ng kuwentong bayan, alamat at epiko

- 1.3. Naibibigay ang kahalagahan ng mga kuwentong bayan, alamat, at epiko sa makabagong panahon.

Subukin

Piliin ang sagot sa mga nakasulat sa lobo. Handa na ba kayo? Tara na ating sagutan.
1.Ito ay isang pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa mga ibat–ibang
grupong etniko. ______________
2 .Ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng tao. _______________

3 .Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o pook. ________

4. Ito ay mga kuwento at salaysay na hinggil sa mga likhang- isip o kathang isip na may mga
tauhang kumakatawan sa mga uri at pag- uugali ng mga mamamayang sa isang lipunan. _______

5. Ito ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa paniniwala, tradisyon o


nakagawian na walang kinalaman sa materyal na bagay. __________

Aralin
Kultura ng Ating Lahi, Ating
1 Pahalagahan
Ang Kultura ay mga kasanayang gawain na minana natin sa ating mga ninuno. Ibat–ibang paraan o
istilo ng kasanayan upang mabuhay sa lugar na kanilang ginagalawan. Kaniya–kaniyang paniniwala,
kaugalian, tradisyon, pag papahalaga, mga gawi at mga bagay na nagpapakilala sa ating pinagmulan.
Kultura rin ang nagbubuklod sa atin upang tayo’y magkaisa at magkaunawaan.

Materyal o di- materyal man ito nanatiling nakaukit sa puso natin mga Pilipino. Kagaya na lamang ng
mga kuwentong bayan, alamat, at epiko hanggang sa ngayon patuloy natin binubuhay upang
mapagyaman at makapagbigay aliw sa atin.

Kaya tungkulin nating alagaan, mahalin, ipagmalaki at ipagpatuloy ang kultura natin. Saan man lugar
o bansa tayo mapunta laging isapuso ang mga kaugaliang namana. Sa pamamagitan nito tayo ay
makikilala saan man tayo magpunta.
Balikan

Pag-aralan ang salitang nakagulo sa loob ng banga. Ayusin ang mga letra upang
mabuo ang mga salitang may kinalaman sa kultura.

YALTERMA

KAGIANLUA
Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Alamat ng Mangga

Isang araw, nagkaroon ng anunsiyo ang hari para sa kaniyang kaarawan. Ayon sa
hari, nais niyang makatikim ng bagong pagkain. Kaya naman hinihikayat niya ang
lahat na magdala ng isang uri ng pagkain na hindi pa niya nakakain at tutuparin ng
hari ang anumang hiling nito.

Naisip ng mag-ina na kung makahahanap sila ng


bagong pagkain para sa hari ay makahihiling
sila na pakawalan ang kawal.

Nagpunta sila sa gubat upang maghanap ng


bagong bunga na hindi pa natutuklasan.
Lumipas ang maghapon at wala silang nakita. Pauwi na sila nang
masalubong ang isang diwata.

Binigyan sila ng isang bungang kulay berde na tinatawag na


mangga. Bilin ng diwata, itago muna ito ng ilang araw bago ibigay sa hari.

Ilang araw lamang ay naging kulay ginto ito at naging napakabango.


Hindi sila nagkamali at nagustuhan ito ng hari. Tinupad nila ang hiling
nito at nakalaya ang kawal.

Ipinatanim ng hari ang buto nito at natikman ng lahat ang masarap na


mangga.
A. Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang anunsiyo ng hari sa kanyang kaharian?


2. Saan nagpunta ang mag-ina?
3. Sino ang naghanap ng pagkaing hinahanap ng hari?
4. Bakit naisipan ng mag-ina na hanapin ang kakaibang pagkain na hindi pa nakakain ng hari?
5. Paano naging kapakipakinabang ang mangga sa lahat?

B. Batay sa alamat na iyong binasa, iguhit ang emosyong naramdaman ng

mag-ina nang bigyan sila ng diwata ng bungang kulay berde.


Nagustuhan mo ba ang kuwentong iyong binasa? Ito ay isang halimbawa ng alamat. Ang alamat ay
isang halimbawa ng kuwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa mundo. Ilan sa mga kilalang alamat na paboritong basahin ng mga kabataan
ay ang mga Alamat ng Pinya, Alamat ng Lansones at Alamat ng Saging. Kay sarap basahin at balik-
balikan ang mga kuwentong may hatid kagalakan sa sino mang magbabasa ng mga ito. Gayundin
din naman ang mga kuwentong bayan. Ito ay kathang isip na kuwento na ang kumakatawan ay ang
mga pag-uugali at turo ng mga mamamayan. Ilan sa mga sikat na kuwentong bayan ay ang Ang
Inahing Manok at Lawin, Ang Punong Kawayan, at Ang Pagong at ang Matsing. Epiko naman ay
isang pangunahing pasalitang anyo ng panitikan na matatagpuan sa mga ibat –ibang grupong etniko.
Binibigkas ito ng paulit-ulit sa tonong pakanta. Nandiyan ang Hudhud ni Aliguyon, Ang Ibalon, at
Biag ni Lam-ang. Napakasarap isipin na sadyang napakayaman ng kultura ng ating bansa. Mayroon
tayong kulturang materyal at di–materyal. Kabilang sa dimateryal na kultura ay ang mga kaugalian,
tradisyon, gawi, paniniwala o relihiyon at sining. Dapat lamang na ating pahalagahan at pagyamanin
ang mga kulturang pamana sa atin.
Pagyamanin

Gawain 1

Piliin sa loob ng kahon ang mga halimbawa ng epiko, alamat at mga kwentong bayan. Ilagay sa loob
ng basket ang mga halimbawa ng epiko, sa loob naman ng bayong ang mga halimbawa ng alamat at
sa loob ng baul ang mga halimbawa ng kwentong bayan.

epiko

Gawain 2
Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino? Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Basahin at unawain ang bawat pangungusap at punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang
konsepto ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon.

Ang 1.) _________ ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng nakagawian ng at


3.)________________.

Bilang isang Pilipino, tungkulin natin 4.)__________ ang kultura upang


5.)_________________ buhay.

Isagawa

Gawain 1
Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng magandang kaugalian at pagpapahalaga sa
nakakatanda ang bawat sitwasyon at malungkot kung hindi.

__________1.Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa


pagsagot sa inyong nanay.

___________2. Nakita mo na parating si Aling Lusing na halos hindi na makalakad sa bigat ng


kanyang dalang bagahe sinalubong mo ito at kinuha ang kanyang dala.
___________ 3. Binigyan ni Ana ng pagkain ang matandang pulubi.
___________4. Tinulungan makatawid sa daan ang mamang pilay.
___________ 5. Sinisigawan ni Lando ang kanyang inang bingi kapag sila ay naguusap.

Tayahin

Isulat kung Tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at Mali kung hindi. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

_______1.Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa.

_______2. Bilang isang Pilipino tungkulin nating alamin at pagyamanin ang ating kultura.

_______3. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman sa isang pangkat, kinakailangan malaman


mo ang kultura nito.

_______4.Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang natatanging pagpapahalaga sa kultura.

_______5. Ang epiko ay pasalitang anyo ng panitikan na matatagpuan sa mga grupong etniko.

_______6. Dapat nating ikahiya ang ating kultura.

_______7.Gawing kawili-wili ang pagbabasa ng kuwentong bayan, alamat at epiko.

_______8. Tangkilikin ang mga kuwento at palabas na gawa ng mga Koreano.

_______9. Isapuso at bigyang halaga ang mga kuwentong pamana ng ating mga ninuno.

_______ 10. Mayaman ang Pilipinas sa kultura.


Karagdagang Gawain

Pumili ng isang kuwentong bayan, alamat o epiko. Gumuhit ng larawang


sumasagisag sa

mensahe nito.

You might also like