You are on page 1of 7

4

4
ARTS
Ikaapat na Markahan

LEARNING ACTIVITY SHEET


Arts 4
Modyul 2
Pangalan: ____________________________________________ Baitang: ________________
Seksiyon: _____________________________________________ Petsa: __________________

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


(Learning Activity Sheet)
3D at Iskultura Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas

Panimula (Susing Konsepto)

Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit salit ng material gaya ng buli o pira-
pirasong papel na inaanyo pahaba at pabalagbag upang maabuo ng kahanga-
hangang disenyo. Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo.Ang
kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng
kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala.Dito makikita ang pagkakaiba
sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba’t ibang lokal na materyales
at istilo sa pagdidisenyo. May iba’t ibang tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa
paglalala ng banig. Isa na rito ang uri ng materyales, kulay, at disenyo. Ang banig ay
isang kagamitan na karaniwang ginagamit bilang higaan sa pagtulog lalo na sa
Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa
paglalala ng banig. Ang banig ay maaaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong
damo. Isa sa bantog na lugar sa paglalala ng banig sa Pilipinas ay ang Basey, Samar.

Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda


Discusses pictures or actual samples of different kinds of mat weaving
traditions in the Philippines-A4EL-Ivb

Gawain I: Banig na Papel


Panuto: Makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala.

Kagamitan: lumang magasin, gunting, at pandikit (glue).

Pamaraan sa Paggawa:

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na


kulay.
2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel habang naglalala.
3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa paglalala, maaaring
lagyan ng patnubay na linya ang mga bahaging gugupitin.
4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan, sundin ang
sumusunod na hakbang.

a. Gupitin ang papel na lalalahin.


b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maaaring isa o dalawang
sentimetro ang lapad ng bawat isa.

c. Lalahin nang salitan ang papel.


d. Gamitin ang pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel pagkatapos ng
paglalala.
e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.

Rubrik sa Pagpupuntos
Panuto: Ipasuri ang output sa magulang/kapatid upang mabigyan ng kaukulang
puntos ang iyong output. Isumite sa guro ang iyong output.

Nakasunod Nakasunod
sa sa Hindi
pamantayan nang pamantayan nakasunod sa
PAMANTAYAN higit sa subalit may ilang pamantayan
inaasahan pagkukulang (1)
(5) (3)

1. Naipamalas ko
ang kakayahan sa
paglalala.

2. Ang
kumbinasyon
ng kulay, linya,
hugis, disenyo at
pattern ay naipakita
ko sa likhang-
sining.
3. Nasunod ko nang
tama ang
pamamaraan sa
paggawa.
4. Naibahagi ko
ang damdamin sa
kapareha tungkol
sa likhang-sining
na nabuo.

Gawain II: Paggawa ng Pot Holder

Kagamitan : retaso o ginupit na lumang damit na may sukat na 2x8 na pulgada

Panuto: Makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala.

Pamaraan sa paggawa
1. Gumupit ng 20 pirasong tela na lalalahin na may sukat 2x8 na pulgada.
2. Ilagay nang pasalungat sa ibabaw ng mesa ang isang piraso ng tela at itali ang dulo
ng sampung iba pa na magkaka-hilera.
3. Kumuha ng isang linas (strip) sa natitirang tela at itali ang isang dulo nito sa unang
nakabitin na tela.
4. Lalahin nang salitan ang tela.
5. Itali ang dulo ng tela, at gupitin ang sobrang tela.
6. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit, at linisin ang lugar na pinaggawaan.
Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos

Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit


ang rubrik.

Nakasunod sa Nakasunod sa
Hindi
pamantayan pamantayan
nakasunod sa
PAMANTAYAN nang higit sa subalit may ilang
pamantayan
inaasahan pagkukulang
(3) (1)
(5)
1. Naipamalas ko
ang kakayahan sa
paglalala.
2. Ang
kumbinasyon ng
kulay, linya, hugis,
disenyo at pattern
ay nakikita sa
aking
likhangsining.
3. Nasunod ko
nang tama ang
pamamaraan sa
paggawa.
4. Natutukoy ko
ang pagkakatulad
at pagkakaiba ng
mga disenyo sa
paglalala.

Gawain III : Tissue Holder na Gawa sa Banig


Kagamitan : dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na maaring
gamitin sa paglalala, gunting, kahon ng sapatos at pandikit.
Panuto: Makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala.

Pamaraan:
1. Ihanda ang mga linas (strip) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa paglalala.
2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas (strip) na maging pusod ng banig.
3. Tupiin ang isang linas (strip) at isingit ang isang linas nang pasalitsalit sa dalawang
linas.
4. Gawin ito nang paulit–ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at lapad.
5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
6. Idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig para gawing Tissue Holder at mabuo
ang isang 3D na likhang-sining.

7. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinanggagawaan.

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos (if necessary)


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng inyong sagot sa tapat ng bawat sukatan.

lubos na Hindi
Sumasang-ayon
PAMANTAYAN sumasang-ayon Sumasang-ayon
(3)
(5) (1)
1. Naisagawa
ko ang
disenyong nais
bilang batayan
sa paglalala
ng banig?

2. Naisagawa
ko ang
paglalala ng
banig gamit
ang dahon ng
niyog/buri o
anumang
bagay na
nakikita sa
kapaligiran?
3. Nakagawa
ako ng disenyo
batay sa mga
disenyong
napag-aralan?
4. Naisagawa
ko ng buong
husay at
malinis ang
ginawang
banig?
5. Natapos ko
ang paglalala
sa takdang
oras?

Reflection/Pangwakas

Ang natutunan ko sa gawaing ito ay

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

__________________________________________________________________

References for learners/Mga Sanggunian


Musika at Sining (Kagamitan ng Mag-aaral, 249-259)

Answer Key/Susi sa Pagwawasto

Batay sa Scroring rubrics

You might also like