You are on page 1of 3

a

Republic of the Philippines


Department of Education
Division of Lapu-Lapu City

LESSON PLAN

Grade Level Grade Four Quarter Third Week 2


Learning
Category EPP IV
Area Home Economics
Content Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay
Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
Performance
Standard makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling
tahanan..

Most Essential  Nakikilala ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay


Learning  Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananhi sa kamay
Competency
 Napapahalagahan ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay
Valuing: Pag-iingat sa paggamit ng kagamitan sa pananahi sa
kamay
References:Aralin 1 K to 12 – EPP4,pp.227-231,Module in EPP4
Learning Week 2
Resources Tsart , larawan ng sewing box ,realia sa kagamitan sa pananahi sa
kamay,power point
Balik -aral :Sabihin ang “tsek”kung ang pangungusap ay pangangalaga sa sariling
kasuotan at sabihin ang”‘ekis “kung ito ay hindi.
1.Ang damit na namantsahan o narumihan ay dapat labhan
kaagad.
2.Hayaang magusot ang mga damit/uniporme na may pleats.
3.Mag-ingat sa pag -upo upang hindi marumihan ang damit o
Introductory pantalon.
Activity 4.Tahiin agad ang damit kapag may natastas ito upang hindi
___ minutes
lumaki.
5.Ilagay kahit saan ang hinubad na maruming damit.
Pagganyak : Ipakita ang larawan ng sewing box.
Ano nakikita ninyo ? Ano-ano ang nasa loob ng sewing box?
Alam ba ninyo kung paano ito gagamitin?

Activity Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa ng Activity. (Isulat ito ng guro sa tsart at


___ minutes ipabasa sa buong klase.
Pangkatang Gawain: Hinati sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.

Pangkat 1 – Isulat ang salitang “Opo” kung ang pahayag ay tama, “Hindi po” kung
ang pahayag ay mali.

1. Isang kawili-wiling gawain ang pagtatahi gamit ang kamay.


2. Ilagay kahit saan ang karayom pagkatapos gamitin.
3. Ang pagtatahi ng sirang kasuotan ay nakakatipid sa pera.
4. Iligpit ang kagamitan sa pananahi sa kamay sa tamang paraan upang
magamit sa oras g kailangan.
5. Mahalagang matuto ang isang bata sa pagtatahi gamit ang kamay upang
malinang ang kanyang kakayahan at magamit niya ito sa kayang sarili.
6. Ang pagtatahi ay pambabae lamang.
Pangkat 2 : Basahin nang mabuti ang bawat bilang.Piliin sa loob ng kahon
ang sagot at isulat sa patlang.

__________1. Isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayom


sa pagtatahi.
__________2. Dito itusok ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi
kalawangin.
__________3. Ginagamit sa paggupit ng telang itatapal sa damit na napunit o
damit na susulsihan.
__________4. Kagamitan sa pananahi sa kamay na palaging magkakasama
kung gagamitin.
__________5. Ginagamit sa pagsukat ng telang tatahiin bago gupitin upang
maging akma ang sukat.
__________6.Mainam lagyan ng karayom pagkatapos gamitin.

Pangkat 3 : Hanapin sa Hanay B ang deskripsiyon ng mga kagamitan sa Hanay


A. Isulat ang titik sa tabi ng bilang.

Hanay A Hanay B

1. A. Itinusok dito ang karayom kapag


hindi ginagamit upang hindi kalawangin.

2. B. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.

3. C. Upang hindi matusok ang daliri, ilagay mo ito


sa gitnang kamay.

4. D. Ginagamit ito sa paggupit ng tela

5. E. Ito ay ginagamit
sa pananahi. Dapat magkasingkulay ang
sinulid at tela o damit na tinatahi.

6. F.Dito ilagay ang karayom pagkatapos gamitin.

Pangkat 4 : Ibigay ang sagot ng bugtong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Narito si Pansenalita, hila-hila ang bituka. __________


2. Hinlalaki ay sinusumbreruhan, nang sa pananahi ay di masugatan. __________
3. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay nagpapasyal,
nahahawi ang dinadaanan. ____________
4. Malambot na parang lupa, sa karayom tumatanggap. ______________
5. Hindi tao, hindi hayop, pinupulupot sa katawan upang sukat ay malalaman.
______________
6. Unan na buhangin , karayom di kalawangin kung ilalagay.______________

Ano ang gamit ng gunting sa pananahi gamit ang kamay?Ano ang gamit ng medida?
Analysis
Ano ang gamit ng pin cushion?Ano ang gamit ng sinulid at karayom? Ano ang gamit
___ minutes
ng emery bag?Ano ang gamit ng didal?
Abstraction Ipakita sa mga bata ang totoong kagamitan sa pananahi sa kamay.Pagkatapos
____ minutes ipakita sa kanila kung ano ang gamit nito sa pamamgitan ng panonood ng isang
video.
Ano-ano ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay ?Ang pananhi ba ay pambabae
lamang?
Bakit mahalaga ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay?Paano natin
mapahalagahan ang mga kagamitan sa kamay?Ano ang dapat nating tandaan kapag
gumagamit tayo ng kagamitan sa pananahi sa kamay?
Ipabasa ang plascard ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay sa buong klase.
A.Panuto:Isulat sa inyong tagboard ang pangalan ng kagamitan sa pananahi sa
kamay na aking ipapakita.
1.pin cushion 2.gunting 3. Sinulid at karayom 4.didal 5.emery bag
6.pin cushion
B.Panuto :Isulat sa inyong tagboard ang kagamitan sa pananahi sa kamay ang
tinutukoy
Application 1.Ginagamit sa pagputol ng tela na tatahiin
____ minutes 2.Dito itinusok ang karayom at aspili kung hindi gagamitin upang hindi kalawangin
3.Ginagamit ito upang sukatin ang telang tatahiin bago gupitin
4.Magkasamang gagamitin sa pananahi at dapat magkasingkulay ang sinulid at
telang tatahiin.
5.Ilagay ito sa gitnang daliri upang itulak ang karayom at maiwasang matusok ang
ating mga daliri.

Panuto :Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.


1.Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.
A.medida B.didal C.gunting D.emery bag
2.Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
A.sewing box B.pin cushion C.emery bag D.didal
Assessment
3.Ginagamit ito sa paggupit ng tela
____ minutes
A.madida B.didal c.gunting D.emery bag
4.Upang hindi matusok ang daliri ,inilalalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
A.medida B.didal C.gunting D.emeru bag
5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi
A.karayom at sinulid B.didal C.gunting at lapis D.emery bag at didal
Magdala ng damit na may punit at isag maliit na tela na pantapal nito. Huwag
Assignment kalimutan dalhin ang kagamitan sa pananahi sa kamay.

You might also like