You are on page 1of 4

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W2-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP( Home Economics )


Markahan / Ikalawang Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay

B. 1. Panimula :

Mayroon bang ganitong bagay sa inyong tahanan? Anong gamit ng mga bagay na ito?
Paano ito nakakatulong sa pangangalaga sa iyong kasuotan?

Ang pananahi sa kamay ay isang kapaki-pakinabang at kawili-wiling gawain.


Ang kaalaman at kasanayan sa pananahi sa kamay ay mahalagang
matututunan .Mahalaga na matutunan mo muna ang mga kagamitan sa pagtatahi
gamit ang kamay at kung paano ito gamitin.Upang maayos ang damit mong
punit/sira, kailangan mo munang alamin ang mga gamit na dapat mong gamitin at
kung paano ginagamit ang mga ito.

Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay


1. Karayom – Gagamitin sa paghihilbana ng tatahiing tela.
2. Sinulid - Ito ay mga pangunahing gamit sa pananahi.Dapat magkasingkulay ng
tela o damit na tinatahi.
3. Medida – Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay sukatin muna ito gamit ang
medida upang maging akma ang sukat nito.
4. Didal – Kapag ikaw ay nagtatahi lalo na sa matigas na tela,ginagamit ang didal. Ito
ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayom sa pagtatahi.Sa
ganitong paraan, maiiwasang matusok ng karayom ang mga daliri.
5. Pin cushion – Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtatahi, mainam na ilagay ito
sa pin cushion.
6. Gunting – Gumagamit ng angkop at matalas na gunting sa paggupit ng telang
itatapal sa punit na damit o damit na susulsihan.
7. Emery bag – Itutusok ang karayom dito kapag hindi na ginagamit upang hindi
kakalawangin.
8. Aspili – Ginagamit sa paglalapat o pagdugtong ng tela habang ito ay tinatahi.
9. Sewing box – Mainam na iligpit dito ang mga gamit sa pananahi sa kamay.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________


Reference for Further Enhancement:
https://quizizz.com/admin/quiz/5dde6f2039dba1001f0bae81/kagamitan-sa-pananahi-sa-kamay

2. Mga Gawain

Gawain 1: Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa Mga Kagamitan sa
Pananahi sa Kamay.

Integrate
d the Development of the Following Learning Skills:
1.) Communication
a) Reasoning
b) Responding to Ideas
2.) Critical Thinking
3.) Character

Gawain 2: Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga pangungusap upang mabuo ang Crossword
Puzzle.

PAHALANG:
PABABA:
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

C. Tandaan!

May mga kagamitan sa pananahi sa kamay.Ang bawat isa ay may angkop na


gamit.Dapat din na tandaan kung paano ang mga ito itatago sa tamang paraan
upang magamit sa oras na kakailanganin ang mga ito.

D. Pagtataya:
Panuto: Paghambingin ang Hanay A sa Hanay B.Isulat ang sagot sa patlaang bago
ang bilang.

HANAY A HANAY B
1. Dito mainam na itago ang mga kagamitan sa pagtatahi gamit ang
A. karayom
kamay.
2. Ito ay ginagamit sa paglapat ng damit/telang tatahiin upang hindi
B. sinulid
gagalaw.
3. Ito ay ginagamit sa paggupit ng telang tatahiin. C. didal
4. Ito ay isa sa pangunahing gamit sa pananahi.Ito ay ginagamit sa
D. medida
paghihilbana ng telang tatahiin.
5. Ito ay dapat kasing kulay ng telang tatahiin. E. gunting
6. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng telang tatahiin upang maging akma F. emery
ang sukat nito. bag
G.pin
7. Dito itinutusok ang karayom na di na ginagamit upang kakalawangin.
cushion
8. Dito mainam na iligpit ang mga karayom at aspili na di ginagamit. H.aspili
9. Ito ay isang kapaki-pakinabang at kawili-wiling gawain. I.sewing box
10. Sa pagtatahi ng matitigas na tela, ito ay isinusuot sa gitnang daliri J.pananahi
upang di matusok ng karayom sa pagtulak nito habang nagtatahi. sa kamay
1.) Communication
a) Reasoning
b. following instructions/directions
c. Responding to Ideas

2.) Creativity
a) Writing

Inihanda ni:
MERIAM G. MINDAJAO
EPP IV - Teacher
Marcela Marcelo Elementary School

https://images.app.goo.gl/3o7rMnMWwoKeuh999

KEY TO CORRECTION: MODULE CODE: PASAY-EPP4HE-Q1-W2-D1

Gawain 1
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Gawain 2

PAHALANG PABABA
1.medida 2. sinulid
3. pin cushion 4. pananahi sa kamay
5. sewing box 7. sinulid
6. aspili 10. gunting
8. emery bag
9. didal

Gawain 3

1. I.
2. H
3. E
4. A
5. B
6. D
7. F
8. G
9. J

You might also like