You are on page 1of 4

STA.

CRUZ ELEMENTARY SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT SA H.E./R.T. V


T.P. 2013 – 2014

Pangalan: Petsa

Pangkat: Guro: Iskor:

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Si Loraine ay mahilig manahi, kadalasan kahit sa kamay ay tinatahi niya ang damit na may
punit, walang butones o tastas. Kaya’t siyaay nakapagbibihis ng_________

A. maayos na damit B. sira-sirang damit C. wala sa mga ito

2. Ang mga batang mag-aaral sa ikalimang baitang ay nahihirapan sa pananahi ilang isang
guro. Ano ang nararapat mong gawin?

A. ipagsawalang bahala ito


B. ipagpaliban na lang ang aralin
C. ipagpatuloy ang pagtuturo ng may kasanayan.

3. Nasabit ang iyong damit. Ano ang iyong gagawin?

A. sulsihan B. lagyan ng tape C. idikit

4. Natuto kang magsulsi ng punit na damit. Anong uri ng karayom ang dapat mong
gamitin?

A. may kalawang B. baluktot na karayom C. manipis na karayom

5. Ang mga batang mag-aaral sa ikalimang baiting ay mananahi. Ano ang unang hakbang na
dapat gawin upang maging maayos ang pananahi?

A. punasan B. itabi sa kainet C. langisan ang mga bahagi

6. Ilagay sa isang lugar ang makina upang hindi mahamugan at hindi kalawangin.
Saan ito dapat ipuwesto?

A. malayo sa bintana B. sa sulok ng bahay C. tabi ng bintana

7. Isang bahagi ng makina ang una munang paikutin bago manahi..

A. treadle B. feed dog C. balance wheel

8. Ito ay lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.

A. spool pin B. Presser foot C. bobbin case

9. Pumapatnubay sa koriya upang hindi ito mawala sa lugar.

A. belt B. treadle C. belt guide

10. Humawak sa karayom ng makina. Anong bahagi ito?

A. balance wheel B. needle clamp C. drive wheel

11. Ang bahaging ito ay tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
A. treadle B. belt C. stitch regulator

12. Hawakan ng kaliwang kamay ang ___ habang nananahi upang hindi mawala sa
lugar.

A. sinulid B. tela C. karayom

13. Ang wastong pagkakatakbo ng makina ay________

A. pabigla-bigla B. mabilis C. banyad at tuloy-tuloy

14. Sa pagputol ng sinulid, gumamit ng _________________.

A. karayom B. ngipin C. gunting

15. Huwag ipitin ng bibig ang ___________ na ginagamit.

A. tela B. gunting C. aspile

16. Bago manahi sa makina tiyaking _________________.

A. malinis ang kamay B. malinis ang paa C. maayos ang buhok

II. Panuto: Piliin ang panuntunan sa wastong pagpapatakbo ng makina. Lagyan ng tsek ( )
sa patlang ang wasto at ekis (x) ang hindi (17- 23)

________17. Umupo nang maayos at ilapat ang mga paa sa treadle na ang kanang
paa ay mataas ng kaunti kaysa kaliwa.

________18. Subuking ipadyak nang banayad ang treadle at tiyaking papunta sa iyo
ang ikot ng balance wheel.

________19. Ikabit ang belt sa balance wheel upang maidugtong ito sa drive wheel

________20. Paandarin ang makina ng mabilis upang matapos agad ang pananahi.

________21. Upang maging matibay ang iyong tahi kahit wala sa tamang direksyon.

________22. Magsanay ng pagpadyak nang tuloy-tuloy bna ang direksyon ng balance


wheel ay palaging patungo sa iyo.

________23. pagdating sa dulo ng tinatahi pigilan ang balance wheel upang huminto
sa pagandar sabay tigil ng pagpadyak.

III. Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat sa sagutang papel.

24. Ito ang kadalasang ginagamit sa mga polo-shirts, padyama at unipormeng khaki, dahil
kailangan matibay ang tahi ng mga kasuotang ito.

A. flat felled seam B. plain seam C. French seam

25.Ito ang pinakamadalas gamitin, karaniwang tahi nito ay maliit na tahing pabalik o
Backstitch. Ang halimbawa nito ay pouch bag o damit ng manyika.

A. flat felled seam B. French seam C. plain seam

26. Ito ay tinatawag na dugtong sa loob ng isa pang dugtong. Ginagamit sa mga punda, damit
ng sanggol, damit panloob at iba pang maninipis na kasuotan.
A. French seam B. plain seam C. flat felled seam

27. Nakabubuo ng isang kasuotang panluto na tahi sa makina sa pamamagitan ng _______.

A. pagsunod sa hakbang ng pananahi.


B. pagsunod sa gusto mo lang
C. pagsunod kung ano ang naisip.

28. Kayo ay magsasagawa ng isang proyekto sa pananahi. Ano ang unang ihahanda o
kailangan?

A. larawan ng proyekto B. plano ng proyekto C. mga layunin

29.Kung bibili ka ng tela para sa proyekto. Anong uri ng tela ang pipiliin mo?

A. telang matibay B. telang kupasin C. telang madaling malukot

30. Ano ang susundin hakbang bago manahi ng proyekto?

A. pagkakaroon ng sapat na gamit


B. Pangangailangan ng sarili
C. Katamaran ng katawan

31. Magiging lubos ang kasiyahan ng mananahi kung ang kasuotang panluto ay maisasagawa
ng__________

A. maganda at maayos
B. magawa lamang
C. madaling masira

32. Marami ang nagagandahan sa proyektong apron ni janet. Ano ang kanyang
nararamdaman?

A. maiiyak B. magagalit C. masisiyahan

33. Nais mong ibenta ang proyektong basahan at ang kabuuang halaga nito ay P32.00/
Puhunan + 15% bahagyang idaragdag. Magkano an kabuuang halag ng pagbenta?

A. P 35.70 B. P 36.80 C. P 37.10

34. Bakit kailangang magkasundo ang bawat kasapi ng mag-anak sa pamamahala ng


tingiang tindahan.

A. Upang lumago at umunlad ang tindahan


B. Upang makatulong s araw-araw na gastusin ng mag-anak
C. Maakit ang mamimili

35. Permiso upang makapagbukas ng tingiang tindahan ang _____________.

A. tubo B. capital C. Lisensiya

36-39 Pumili ng 4 na gawaing nakatutulong sa matalinong pamamahala ng tindahan.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. Tumutuong ng pagtitinda
B. Ipinagbibili ang mga nabubulok nang paninda
C. Pinapanatiling malinis at maaliwalas ang tindahan
D. Kulang sa sukli
E. Naglilista ng mga panindang malapit ng maubos
F. Pagbabayad ng buwis
40. Ang mga sumusunod ay mga alituntunin sa pagtitinda ng tinginang tindahan. Alin
ang hindi kasama?

A. Pagtatakda ng oras ng pagbubukas at pagsasara ng tindahan.


B. Ipinagbibili ang mga nabubulok nang paninda
C. Kailangan madaling Makita ng mga pamimili ang produktong hinahanap nila.

41. Kung tama ang timbang at wasto ang pagsusukli ng tindera, Anong katangian mayroon
siya?

A. magiliw B. masunurin C. matapat

42. Ang _________ tindera ay may malakas na resistensya.

A. malusog B. masunurin C. mahina

43. Ito ay ang isang paraan ng pamimili, kung saan ang pagbili ng paninda ay sabay-sabay at
bayad kaagad.

A. bayad-bili o kaliwaan B. pakyawan C. pag-angkat ng paninda

44. Kapag maayos at wasto ang _________ ng paninda, madaling maakit ang mga mamimili.

A. Pagdudulot C. pagtatanghal
B. Patatago D. pagmamarka

45. Ikaw ay nagmamay-ari ng isang tindahan upang umunlad ito kailangan na alam mo ang
pormula sa pagkuha ng tubo. Anong pormula sa ibaba ang iyong gagamitin?

A. Pinagbilhan - Puhunan = kabuuang tubo


B. Puhunan – Pinagbilhan = kabuuang tubo
C. Kabuuang tubo – puhunan = pinagbilhan

46. Ang kabuuang tubo mo sa tatlong tray ng itlog ay Php. 114.00 at ang gastos ay Php. 24.00
para sa pamasahe at plastic. Magkano ang netong tubo?

A. Php. 90.00 B. Php. 84.00 C. Php. 104.00

47. Si Aling Nena ay namili ng paninda para sa kanyang tingiang tindahan. Ang kanyang
kabuuang pinamili ay naghahalaga ng Php. 1, 225.00 at ang halaga ng pinagbilhan ay 1,625.00.
Magkano ang kabuuang tubo ng kanyang paninda?

Panuto: Punan ang wastong sago tang bawa patlang. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob
ng kahon sa ibaba.

48. Magkaroon ng sapat na________________ tungkulin sa mga produktong itinitinda.

49. Pakiharapan nang buong ________________ ang mga mamimili

50. Ang mga mamimili ay mawiwiling bumili at magpabalik-balik sa tindahang


____________________kung magtinda.

Tapat Kaalaman masungit


Mahigpit paggalang

Inihanda ni: Gng. Michelle R. Cabot


Guro sa E.P.P. V

You might also like