You are on page 1of 29

MGA GAWAING

PAMPAGKATUTO NG
MGA MAG-AARAL
(Learner’s Activity Sheet )

Filipino 4
Kuwarter 3- Unang Linggo

Kasanayang Pampagkatuto:
1.Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain

Sanggunian:
RO 10, S,2020 - Guidelines On The Implementation of MELC Pivot4A Budget
of Work (BOW) in all Learning Areas For Key Stages 1-3

RM 306,S 2020- Corrigendum to The Enclosures in Regional Order


No.10,S.2020. p.43

Yaman ng Lahi 4 Wika at Pagbasa sa Filipino

Philstar.com/Pilipino-star-ngayon/opinion 2020/12/03

1
Aralin
Pagbibigay ng Hakbang ng
1 isang Gawain

Panimula (Introduksyon)

Marunong ka bang gumawa ng calamansi juice? Basahin mo muna


ang pangunahing sangkap nito –ang kalamansi.
Ang kalamansi’y siansabing nanggaling sa bansang Tsina bilang isang
antas ng hibrido mula sa isang maasim , angat ang balat na mandarin sa
kalaunan , ito’y kumalat na at naging malawak ang taniman sa Silangan,
lalo na sa Indonesia at Pilipinas.
Sa Pilipinas, tinatawag itong kalamondin o kalamonding, limonsito,
sintonis, aldonisis, kalamansi, dalandan, dalanghita at dayap. Paborito ito
ng mga Pilipino dahil sa maasim nitong katas. Ito’y komersyal na
pinoproseso bilang de-boteng konsentrasyon at katas. Ginagawa itong
Marmelada at prineserba sa arnibal. Ginagamit ito sa paggawa ng buong
chutney at bilang panangkap na pampasarap sa mga lutuing pagkaing-
dagat at karne. Ang katas nito’y nagagamit na pang-alis ng mantsa , pang-
alis ng amoy at dumi ng katawan ng tao., pampaputi ng balat, shampoo at
panggamot sa pangangati ng balat. Gamot din ito sa ubo , pang-alis ng
pamamaga, pampurga at pampalabas ng plema kapag inihalo sa paminta.
Ang ugat naman nito ay gamot sa kabag. Ang nectar nito ay ginagawang
pulot ng mga bubuyog. Ito ay nagtataglay ng tubig , protina, taba,
carbohydrate at abo. Ang kalamansi ay punong puno ng bitamina C.

Gawain 1:
Panuto: Basahin at pagsunud -sunorin ang mga hakbang sa paggawa ng calamansi
lagyan ng bilang 1-6 sa patlang ayon sa wastong pagkaksunod-sunod.

A. Kapag nalagyan na ng asukal at tubig ay lagyan naman ng 4 na kutsarang


honey o pulot _____
B. Lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig ________
C. Hugasan at patuyuin ang mga kalamansing gagamitin.________
D. Pigain ang kalamansi sa isang salaam. _________
E. Hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatan na huwag mahiwa ang mga
buto. _________
F. Haluin at ilagay sa isang lalagyan. Palamigin o lagyan ng yelo kung
nais._______

2
Gawain 2:
Panuto: Gumawa ng banana cue sa inyong tahanan. Ibigay ang mga hakbang sa
paggawa ng banana cue sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Piliin ang mga
sagot na nasa loob ng kahon upang makabuo ng hakbang.

1. Ano-ano ang mga kailangang ihanda bago magluto ng banana cue?


2. Ano ang kailangan mong talupan?
3. Ano ang dapat mong pakuluan sa kawali?
4. Ano ang unan mong ihuhulog mo sa kawali ?
5. Ano ang susunod mong ihuhulog sa kawali para maging matamis ang saging?
6. Kapag natunaw na ang mantika at kumapit na sa piniprito mong saging ay
saan mo tutuhugin ang mga saging pagkaluto?

saging na saba isang boteng langis o mantika,

isang piling na saging na sabang hinog,

isang tasang asukal o panutsa ilang patpat na pantuhog

Gawain 3
Panuto: Umisip ng isang pagkain na maaaring itinda sa isang mini-fair . Isulat ang
pamamaraan o hakbang kung paano ito ihahanda. Gamitin ang format na nasa
ibaba.

Pamagat _____________________________________________
Layunin _____________________________________________
Mga Sangkap ________________
________________
________________
________________
________________
________________

Mga Hakbang:

3
1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________
4. ___________________________________________
5. ___________________________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Panuto:Nakasusulat ng simpleng resipi at patalastas

Gawain 4
Panuto: Ayusin ang mga paraan sa paggawa ng mga sumusunod upang makagawa
ng isang simpleng resipi

Resipi 1: Paggawa ng Burong Mangga

____A. Iayos nang patayo ang mga piraso ng mangga sa bote

____B. Hugasang mabuti ang mga kagamitan at mga sangkap.

____C. Ang susunod na huhugasang mabuti ay ang mga manga. Pagkatapos ay


talupan at hiwain nang pahaba o pahalang.

____D. Punuin ng tubig alat ang garapong may mangga.

____E. Kailangang ihanda ang tubig na may asin.

____F. Imbakin ng isang Linggo bago kainin.

____G. Takpan nang mabuti ang garapon.

Gawain 5:
Panuto: Suriin ang patalastas at sagutin ang mga tanong:

4
Gawain 6:
Panuto: Sa isang kalahating manila paper o sa likod ng lumang kalendaryo ay
gumawa ng isang simpleng patalastas tungkol sa paligsahan sa pag-awit na
gagawin sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa inyong barangay. Lagyan ng
wastong impormasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong

PATALASTAS

Ano:
Sino ang maaring sumali:
Saan gaganapin ang paligsahan:
Kailan ito gaganapin:
Bakit magkakaroon nito:
Paano makakasali ang interesado:

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

5
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin

Gawain 7
Panuto: Bilugan kung paano inilarawan ang kilos na nakasalungguhit sa mga
sumusunod na pangngusap. ilarawan din ang tauhan batay sa kanyang ikinilos,
sinabi at naging damdamin. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Dahan dahan niyang hinugasan ang mga babasaging plato at baso. “Sayang,
Napakamahal ng ibinili sa mga ito. Dapat itong ingatan upang magamit pa sa
mga susunod na araw.
A. Kuripot B. Maingat C. mabagal

2. Sinuntok niya nang malakas ang kanyang kaaway . Sinundan pa niya ito ng
isa, dalawa at marami pang suntok hanggat hindi dumudugo ang kalaban
kahit nagmamakaawa na ito sa kanya.
A. Takot B. walang awa C. matapang

3. Padabog niyang sinunod ang utos ng kanyang ina. Sumimangot pa ito at


nandilat ang mata dahil ayaw niyang maabala sa kanyang panonood ng
telebisyon na naging dahilan kaya siya napalo.
A. walang galang B. maligalig C. makulit

4. “Yahoo! Ako ang nanalo sa paligsahan . Nakatanggap ako ng isanlibong


premyo, inay!” Patalong sumigaw na ibinalita niya sa kanyang ina.
A. nagmamalaki B. tuwang-tuwa C. hindi matanggap

5. Nakakatuwa ang aking anak. Kahit nahihirapan ay seryoso niyang


sinasagutan ang kanyang modyul . Hindi siya sumusuko at hindi binibilisan
ang pagsagot para hindi siya magkamali.
A. matiyaga B. masipag C. mabagal

6. “Napakatagal namang dumating ni tatay. Gustong Gusto ko nang makauwi.


Bakit wala pa siya? Iwanan ko na kaya siya. Ayoko sa lahat ang matagal na
naghihintay”, pabulong niyang sinabi sa sarili.
A. mabilis B. mainipin D. matiyaga

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang editoryal, argumento,

6
debate, pahayagan at ipinapahayag sa editoryal cartoon

Gawain 8:
Panuto: Pagmasdan at suriin ang editoryal kartun. Sagutin ang mga tanong
batay sa ipinapahayag nito

1. Sino ang tinatapakan ? Sino ang sinisimbulo ng tao na


tinatapakan? ____________________________
2. Tungkol saan ang mensahe ng kartun?___________
3. Ano ang ipinapahayag ng mensahe?_____________
4. Ano ang epekto ng suliranin na ito sa tao?_______
5. Sa iyong palagay, paano malulunasan ang suliraning ito?
________________________________________

Gawain 9
Panuto: Basahin at unawain ang editoryal sa pahayagan. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong.

Face-to face classes h’wag muna Sir/Mam!

Ilang education officials at pati mga guro ang nagmumungkahi na ibalik


na ang face to face sa mga lugar na walang transmission ng COVID-19 o yung
mababa ang kaso ng virus infection. Hihilingin umano nila ito at kung papayagan
ng COVID inter agency task force, posibleng maibalik ang face-to-face classes.
Pero daraan umano ito sa mabusising pag-aaral kung dapat na nga ba na bumalik
na sa face-to-face classes.

7
Maraming dahilan kung bakit may mga opisyal ng edukasyon at guro na
gusto nang maibalik ang face-to-face classes. Marami anilang problema na
kinakaharap ang mga estudyante sa ipinatutupad na blended learning.
Nahihirapan umano ang mga estudyante sa bagong mode ng pagtuturo.

Kabilang sa mga nararanasang problema ng mga estudyante ay ang kakula-


ngan ng gadgets at ang mahinang koneksyon ng internet o WIFI connection.
Kabilang din sa problemang nakita ay ang pagiging masikip sa loob ng bahay.
Makipot ang lugar para sa mga mag-aaral.

Nakita rin na hindi nagagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak
habang nasa blended learning. Maraming magulang din ang hindi preparado at
walang nalalaman para turuan ang anak sa mga aralin nito. Karamihan sa mga
magulang ay naghahanapbuhay para may makain ang pamilya. Nakita ring
problema na may mga magulang na hindi alam ang gagawin para sa nag-aaral
nilang mga anak. Hindi umano abot ng mga magulang kung ano ang tamang gagawin.

Ang planong i resume ang face-to face classes ay agad namang sinalungat
ng Department of Interior and Local Government (DILG). Hindi pa pupuwede sa
ngayon sapagkat mataas pa ang kaso ng COVID sa bansa. Kung papayagan ang
face-to face classes, maaaring lumobo ang kaso ng COVID. At sino ang
magpapagamot sa mga batang magkakasakit kapag pinayagan ang face-to face
Classes? Maraming bansa sa kasalukuyan na sumipa muli ang kaso ng COVID mula
nang magluwag sa patakaran.

Sagutin ang mga susmusunod:

1. Ano ang hihilingin ng mga education officials at mga guro?


2. Ano ano ang mga nararanasang problema ng mga mag-aaral sa blended
learning?
3. Ano-anong problema ang nakita sa mga magulang?
4. Bakit sinalungat ng Department of Interior and Local Government na
maibalik agad ang Face to face?
5. Ano ang sarili mong opinyon sa nabasang isyu sa editoryal?

8
9
10
11
12
13
14
15
16
Gawain 1

Panuto: Bigkasin ang simulang tunog ng larawan


pagsama-samahin ang mga simulang tunog upang
makabuo ng isang salita

1.

_____ ____ ___ ____

17
Anong salita ang inyong nabuo nang pagsama-samahin
mo ang mga simulang tunog ng mga larawan?

Sagot:____________

Ilang pantig mayroon ang nabuong salita? ___


Baybayin nang wasto ang salita.

2.

____ _____ ____ ____

_____ _____ ______

Anong salita ang iyong nabuo? __________

Ilang pantig mayroon ang nabuong salita? ____


Baybayin nang wasto ang salita.

3.

18
_____ ____ ____ ___

___ ____ ____ ____


Anong salita ang iyong nabuo? _________
Ilang pantig mayroon ang nabuong salita?______
Baybayin nang wasto ang salita.

Gawain 2

Panuto: Ayusin ang mga letra upang maitama ang


baybay ng mga salita pagkatapos ay baybayin nang
pasalita.

1. b l a o

Sagot:___________

19
2. . o b o l

Sagot:__________

3. s t a a

Sagot: ___________

4. __________ s b a o

Sagot:____________

5. k a n i a m

20
Sagot:_________

6. kabnudukna

Sagot: ________________

7. kangitanla

Sagot: __________________

8. winastuk

Sagot: ____________

Gawain 3
Panuto: Bilugan ang salitang may tamang baybay.

21
1. malisin malinis mailnis masinil

2. watawat waatwat watataw watatat

3. mabisil masibil mabilis masilib

4. kakilala kalalaik kilalaka kilakala

5. simual silamu siumla simula

Gawain 4
Panuto: Tumingin ka sa loob ng inyong bahay .
Maglista ka ng 5 bagay na makikita sa kusina
na ang salita ay binubuo ng tatlong pantig.
Baybayin ang salita nang pasulat.
Halimbawa: kawali

Sagot: key-ey-dobolyu-ey-el-ay

1.

2.

3.

4.

5.

22
Panuto: Tumingin ka naman sa labas ng inyong bahay.
Maglista ng 5 tao na maaari mong makita
na ang salita ay binubuo ng apat na pantig
Baybayin ang salita nang pasulat.
Halimbawa: kaibigan
Sagot: key-ey-ay-bi-ay-dyi-ey-en

1.

2.

3.

4.

5.

Aralin Pagbibigay ng susunod na


2 pangyayari sa napakinggang
Kuwento

Kasanayang Pampagkatuto: Naibibigay ang susunod na

23
pangyayari sa kuwento F1-IVe-9

Panimula ( Introduksyon)

Ang kuwento ay maaari nating marinig mula sa ating


mga lolo’t lola, mga kaibigan, mga guro at iba pa.
Naranasan mo na bang may nagkuwento sa iyo
pero hindi niya natapos ang pagkukuwento? Dahil dito,
ikaw na mismo ang nagtutuloy ng maaaring sumunod na
pangyayari. Sa araling ito ay magkakaroon ka ng
kasanayan sa pagbibigay ng susunod na pangyayari sa
kuwento.

Gawain 1
Panuto: Pakinggan ang kuwento na maaaring
basahin sa iyo ng iyong magulang o guro ( Ang kuwento
ay nasa Bumasa at Sumulat LMS pahina 58-59 na may
pamagat na “ Si Peles Kamatis” )
Sagutin:
Isulat sa patlang ang maaaring kasunod na mangyayari
sa kuwento ni Peles Kamatis
1.Nakita ni Peles na maraming bunga ang kanyang
tanim na kamatis.__________________________

Gawain 2 (Ang kuwento ay maaaring basahin ng


tagasubaybay o guro para sa mag-aaral. Ang kuwento
24
na may pamagat na “ Maraming Salamat” ay nasa
Landas sa Wika at Pagbasa, pahina 18)
Sagutin: Basahin at unawain ang mga pangungusap.
Bilugan ang letra ng pangungusap na maaaring maging
kasunod ng pangyayari sa kuwentong napakinggan.
A. Naligaw si Lina sa daan at hindi niya natagpuan
ang bahay ng kanyang kaklase.
B. Agad niyang natagpuan ang bahay ng kanyang
kaklase.
C. Umuwi na siya sa kanilang bahay dahil walang
nakapagturo sa kanya ng bahay ng kanyang
kaklase.
D. Umiyak si Lina nang malakas, dahil hindi niya
natagpuan ang bahay ng kanyang kaklase.

Gawain 3 (Ang kuwento ay maaaring basahin ng


tagasubaybay o guro para sa mag-aaral. Ang kuwento
na may pamagat na “Ang Malikot na Sisiw”
ay nasa Landas sa Wika at Pagbasa, pahina 88-89)

Iguhit Mo: Iguhit mo sa loob ng kahon ang maaaring


susunod na mangyayari
“ Inay! Inay, tulungan mo ako! Tumakbo ang sisiw
patungo sa kanyang inahing sisiw. Takot na takot at
basang basa ang malikot na sisiw.

Sagot:

25
Gawain 4
Panuto: Babasahin ng iyong tagasubaybay sa
bahay ang mga sumusunod na pangyayari na may iba’t
ibang sitwasyon. Pakinggang mabuti at humandang
ibigay ang susunod na mangyayari.
1. Natanggap na ni Ana ang kanyang mga modyul.
Araw-araw siyang nagtitiyaga na basahin at pag-
aralan ang mga ito upang masagutan ng tama. Kapag
may hindi maintindihan ay nagtatanong sa kanyang
kuya o ate na agad naman siyang tinutulungan.
Pagdating ng araw ng Biyernes ay ibinalik na sa mga
guro ang mga modyul na kanyang sinagutan. Tuwang
tuwa ang kanyang guro matapos matsekan ang
kanyang mga modyul dahil
_____________________

2. Nagbigay ng paalala ang kapitan ng barangay na


huhulihin ang hindi nagsusuot ng face mask at
face shield kapag lumalabas ng bahay. Ang
26
mahuhuli ay dadalhin sa opisina ng barangay at
magbabayad ng isandaang piso bilang parusa.
Ang kapitan ng barangay ay halos minu-minuto
na naglilibot. Isang araw ay napalingon siya sa
isang bata na bumibili sa tindahan na walang
suot na face mask o face shield.___________
___________________________________

27
28
:

29

You might also like