You are on page 1of 2

EPP 4 – QUARTER 3

WEEKLY TESTS

Pangalan: ________________________________
Pangkat: _________________________________

WEEK 1:
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng tamang kaisipan
tungkol sa mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental at Mali
naman kung hindi.
________1. Ibinabalik ang kagamitan sa tamang lagayan pagkatapos gamitin.
________2. Sinisira ang mga bulaklak ng halaman.
________3. Hingin ang tulong ng nakakatanda kapag magtatanim.
________4. Mahusay na piliin ang mga halaman o binhi na madaling mabuhay.
________5. Dapat nating alamin at pag-aralan ang mga pamamaraan sa paghahalaman.
________6. Huwag na lang tayong magtanim para di tayo maabala sa paglalaro.
________7. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay pwedeng pagkakitaan.
________8. Ang halaman ay mahalaga kaya’t dapat alagaan tuwina.
________9. Ang pagtatanim ng halaman ay laging may kasamang pag-iingat.
_______10. Piliin ang mga gawain sa pagtatanim na angkop sa iyong edad at kakayahan.

WEEK 2:
Panuto: Gumuhit ng puso kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pakinabang sa
pagtatanim ng halamang ornamental at bilog kung hindi.
_________11. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang gawaing nagiging
pinagkakakitaan ng pamilya.
_________12. Ang mga halamang ornamental ay nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran
_________13. Nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental.
_________14. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagpigil
ng pagguho ng lupa.
_________15. Ang mga halamang punong ornamental ay nagbibigay ng sariwang hangin.
_________16. Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin ang mga halamang ornamental.
_________17. Sinasala ng mga puno ang maruming hangin sanhi ng usok ng mga
sasakyan at pagsusunog ng mga basura.
_________18. Kapansin-pansin ang mga halamang ornamental dahil sa makukulay na
mga bulaklak at dahon nito.
_________19. Maaring ibenta ang mga tanim na halamang ornamental.
_________20. Malaking kapakinabangan ang naidudulot ng pagtatanim ng mga
halamang ornamental.

WEEK 3
Panuto: Basahin ng mabuti at unawain. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
__________1. Saan maaaring itanim ang mga halamang matataas?
a. kahit saan b. harap ng bahay c. gilid, kanto o sa gitna d. fishpond sa halamanan
__________2. Saang banda ng ating bakuran mainam na itanim ang mga halamang
mababa?
a. sa kanto b. loob ng bahay c. labas ng bakod d. daanan o pathway
_________3. Ang mga namumulaklak na halaman ay dapat ihalo sa mga
halamang_________?
a. di namumulaklak c. mababang halaman
b. halamang nasa tubig d. matataas na halaman
_________4. Ang halamang lumalago sa lupa ay maaaaring itanim sa_____________.
a. gitna ng fishpond c. kahit saan basta tutubo
b. gitna ng halamanan d. tamang makakasama nito
_________5. Anong bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang
ornamental.
a. pagkukunan ng pagkain c. pagkukunan ng pagkakakitaan
b. ang kaangkupan ng panahon d. kaayusan ng paligid at tahanan
_________6. Alin sa mga halimbawa ng halamang ornamental ang may malambot at di
makahoy na tangkay?
a. Daisy b. Rosal c. Bermuda d. Morning glory
________7. Saan maaring itanim ang halamang Bermuda grass o carpet grass?
a. mabatong lugar c. malawak o bakanteng lugar
b. paso sa labas ng tahanan d. paso at ilagay sa loob ng bahay
________8. Dapat itanim ang mga halaman/punong ornamental na mahirap patubuin
sa____________?
a. kahit sa saan b.lugar na maalagaan c. likod ng bahay d.panabi o gilid ng tahanan.
________9. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagpili ng halaman/punong
ornamental maliban sa isa.
a. anyo ng lugar c. kaangkupan ng lupa at panahon
b. halamang lumalago sa lupa d. gamit ng bawat halaman/punong ornamental
________10. Saan magandang patubuin ang mga halamang tubig?
a. paso na may bulaklak c. sa lata na puno ng tubig
b. fishpond sa halamanan d. gilid ng daanan o pathway

WEEK 4
Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang payag ay nagsasaad ng wastong pamamaraan sa
paghahanda ng lupang taniman at ekis (x) naman kung hindi.
_________11. Mahalagang masuri muna ang lupa bago ito tamnan.
_________12. Ang loam ay uri ng lupang angkop tamnan sa paghahalaman.
_________13. Ginagamit ang asarol sa pagpatag ng lupang pagtataniman.
_________14. Piliin ang lugar na hindi nasisikatan ng araw sa paghahanda ng taniman.
_________15. Ang paglalagay ng pataba ay isang paraan upang pagyamanin ang lupang
pagtatamnan.
_________16. Diligin ang naihandang lupang taniman gamit ang regadera.
_________17. Ang pala ay mainam gamitin sa pagdurog ng matitigas at malalaking tipak
na lupa at sa paghuhukay ng mga ugat at batong malalaki.
_________18. Sa pagbubungkal ng lupa, ginagamit ang asarol upang ito ay mabuhaghag.
_________19. Ang pangunahing kagamitan sa paghahalo ng lupa, dumi ng hayop at
patabang ornganiko ay ang piko.
_________20. Lagyan ng pataba ang lupa at diligin ito matapos itong ihanda.

You might also like