You are on page 1of 25

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 2:
Pakinabang sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Cristy L. Pelayo, Jonas A. Forro, Donnah B. Brillo
Wella c. Ramirez, Wianne C. Jorca
Mga Tagaedit: Rossana A. Cabrera
Chistopher J. Pelayo
Tagasuri: Lorna T. Padua : LR Evaluator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS TLE/EPP
Arlene P. Norico , Lorelie C. Salinas , Jay Sheen A. Molina
Tagalapat: Ysmael Yusoph E. Alamada
Illustrator Ralph Vincent B. Feller, Joenary D. Silao
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo Tagapamahala:
Carlito D. Rocafort, CESO V : Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO V : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon, PhD : Division EPS/TLE/EPP Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayon tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang pagtatanim ng halamang ornamentals ay kaaya-aya at


puno ng kapakinabangan. Marami itong maitutulong sa buhay
ng tao at sa kapaligiran. Ilan sa mga ito ay ang kagandahang
naidudulot nito sa ating paligid at pamayanan. Tumutulong din
ito upang mabawasan o maiwasan ang polusyon sa hangin, at
higit sa lahat ay makatutulong upang madagdagan kitang
pangkabuhayan ng isang pamilya.
Sa modyul na ito, matututunan ninyo ang mga sumusunod na
aralin:
Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental, para sa pamilya at sa pamayanan. EPP4-AG-Oa-1
Lesson 1 : Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
Lesson 2 : Nakakabawas sa polusyon sa hangin
Lesson 3 : Nagbibigay lilim at sariwang hangin
Lesson 4 : Napagkakakitaan
Lessin 5: Nakapagpapaganda ng kapaligiran
Pagkatapos ng modyul na ito, kayo ay inaasahang:
1. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental na nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha,
2. Natatalakay kung paano makababawas sa polusyon sang mga
halamang ornamental,
3. Nailalahad ang pakinabang ng halamang ornamental na
nagbibigay lilim at sariwang hangin,
4. Naiisa-isa ang paraan kung paano napagkakakitaan ang mga
halamang ornamental,
5. Natatalakay ang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang
ornamental na nagbibigay kagandahan sa kapaligiran,
6. Napapahalagahan ang mga pakinabang sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental,
7. Nabibigyang halaga ang mga dulot na pakinabang ng halamang
ornamental sa buhay ng tao,
8. Nasisiyahan sa pagbuo ng mga salita gamit ang palaisipan.
9. Nakasusulat ng mga halamang ornamental na nakatutulong sa
pagpigil ng pagguho ng lupa at pagbaha,
10. Nakasasagot sa mga gawain at pagsasanay tungkol sa
pakinabang ng pagtatanim ng halamang ornamental, at
11. Nakabubuo ng album tungkol sa pakinabang na dulot ng
pagtatanim ng mga halamang ornamental sa kapaligiran.
Subukin
Paunang Pagtataya
A. Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. 1. Alin sa mga sumusunod ang pakinabang sa pagtatanim ng
halamang ornamental?
a. Nagdudulot ng basura c.Nagdudulot ng polusyon
b. Nagbibigay ganda sa kapaligiran d. Dagdag gastos
2. Anong uri ng polusyon ang mababawasan dahil sa pagtatanim
ng halamang ornamental?
a. Polusyon sa tubig c. Polusyon sa tunog
b. Polusyon sa lupa d. Polusyon sa hangin
3. Paano mapagkakitaan ang halamang ornamental?
a. Ibebenta b. Ipimimigay c. Iiwan sa daan d. itatapon
4. Paano nakapagpapaganda sa kapaligiran ang pagtatanim ng
halamang ornamental?
a. Nagsisilbing palamuti c. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya d. Lahat ng nabanggit ay tama
5. Alin sa mga sumusunod na halaman ang nakapagbibigay
lilim?
a. Adelfa b. Bermuda c. daisy d. orchids
B. Punan ang mga patlang ng wastong sagot. Pumili ng tamang
sagot sa loob ng kahon.
a. carbon dioxide b. oksihen (oxygen) c. erosyon
d. kapaligiran e. mapagkakakitaan
1. Ang _______________ ay ang pagguho o paglipat ng lupa sa
ibang lugar.
2. Ang hangin na ibinibigay ng mga halamang ornamental na
ginagamit ng tao sa paghinga ay ang ____________________.
3. Nagbibigay ng ___________________ hangin ang mga halamng
ornamental.
4. Magtanim ng halaman at ayusin ang mga bulaklak at dahon
upang ipagbili at ___________________.
5. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay
nakapagpapaganda ng ___________________.

2
Aralin
Nakapipigil sa pagguho ng
1 lupa at pagbaha
Layunin:
1. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental na nakapipigil sa pagguho ng lupa at
pagbaha,
2. Nabibigyang halaga ang mga dulot na pakinabang ng
halamang ornamental sa buhay ng tao, at
3. Nakasusulat ng mga halamang ornamental na
nakatutulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa at pagbaha.

Balikan

Magandang araw! Sa nakaraang modyul ay napag-aralan


natin ang tungkol sa halamang ornamental.
Sa inyong pagkakaintindi, ano ang halamang ornamental?
Magbigay ng mga halimbawa nito.
Paano ito itinatanim?
Ano-ano ang mga uri ng mga halamang ornamental?

Alam mo ba na may mga pakinabang ang pagtatanim ng


halamang ornamental? Sa modyul na ito ay matutunan mo ang
iba’t ibang pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental.

Saguting ang mga sumusunod katanungan?


1. Bakit nagkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa?
2. Makatutulong ba ang mga halaman upang maiwasan ang
pagbaha at pagguho ng lupa?
3. Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong upang
maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa?

3
Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga ginulong salita sa ilalim. Ayusin ang
mga ito, upang mabuo ang mga salitang gagamitin natin sa ating
talakayan sa araw na ito. Anu-ano ang nabuo mong salita?

Ginulong salita Nabuong salita

1. gtua

2. abah

3. tibug

4. uhgo

5. apul

Suriin

Panuto: Sa araling ito matututunan mo ang mga kahalagahan sa


pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at
kapaligiran. May limang pakinabang ang pagtatanim ng
halamang ornamental. Tatalakayin natin ngayon ang unang
pakinabang.
Tingnan ang dalawang set-ap. Mayroong tig-dadalawang larawan
ang bawat set-ap. Ang mga nasa kanan na set-ap A at B ay
larawan pagkatapos bumuhos ang malakas na ulan.
A B

Ano ang napansin mong kaibahan sa dalawang set-ap?


Sa aling set-ap kaunti ang lupang gumuho?
Bakit kaya kaunti ang lupang gumuho?
Ano kaya sa tingin mo ang pumigil sa pagguho ng lupa?
4
Marami tayong nakikita at nababalitaan na pagbaha na
naging sanhi ng pagguho o kaya’y pagtangay sa lupa o erosyon.
Ano kaya ang sanhi nito? Ang pagtatanim ng mga puno at
halaman ay kasiya-siya at may maidudulot na mabuti sa ating
kapaligiran. Isa na rito ang pagpigil sa pagguho ng lupa at
pagbaha, sa tulong ng mga ugat ng mga halamang ornamental at
iba pang halamang ornamental. Ang mga ugat ay kumakapit sa
lupa kaya napapanatili nitong buo at hindi ito madaling maanod.
Tumutulong din ang mga ugat sa pagsipsip ng tubig kung kaya
humihina ang pagdaloy nito kaya naiiwasan ang pagbaha. Ang
mga dahon ng mga halamang ornamental ay tumutulong din sa
pagsalo ng malalaking patak ng ulan kung kaya’t dahan-dahan
itong nahuhulog a lupa at naiiwasan ang pagguho ng lupa.

Pagyamanin
Gawain 1.1
Panuto: Magbigay ng mga halamang ornamental na makikita sa
paligid na sa tingin mo nakapipigil sa pagguho ng lupa at
pagbaha.
1. ____________ 2. _______________ 3. ________________
4. ____________ 5. ___________

Isaisip
Gawain 1.2
Panuto: Gamit ang “Palaisipan na laro”. Pag-aralang mabuti ang
palaisipan at kahunan ang makikita mong salita. Ang mga ito ay
nakaayos nang pahalang, patayo, pahilig at pabaliktad.
o r n a m e n t a l
h b t h a l a m a n
u r k a h g d p s n
g m s b u m r d m k
g f h g r n y b a a
a a e a s k p f a p
p l w p o n n e t r
5
Ngayon, gamit ang nabilugang salita. Punan ng wastong sagot
ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin .

Ang pagtatanim ng halamang _____________ ay nakatutulong


na mapigilan ang _____________ng lupa at ____________. Ang mga
___________ ng ___________ ay nakakapit sa lupa kung kaya’t
napapanatiling buo ito.
Ano sa palagay mo ang unang pakinabang sa pagtatanim
ng halamang ornamental?

Isagawa
Gawain 1.3
Panuto: Sagutin ng TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap
ay tama at MALI naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
_________1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay
nakakatulong na maiwasan ang pagbaha.
_________2. Ang mga sanga ng halamang ornamental ang
nagpapanatiling buo ang lupa kung kaya hindi ito
naaanod.
_________3. Ang mga halamang ornamental ay walang
naitutulong na mabuti sa pamilya at iba pang tao sa
pamayanan. _________4. Ang malalaking punong ornamental
lamang ang pumipigil sa pagbaha.
________5. Ang malalaking ugat ng halamang ornamental ay
dapat putulin dahil sagabal ang mga ito.

Mahusay! Maaaring ka ng magpatuloy sa susunod na aralin.

6
Aralin

2 Nakababawas sa Polusyon

Layunin:
• Natatalakay kung paano makababawas sa polusyon ang
mga halamang ornamental,
• Napapahalagahan ang mga pakinabang sa pagtatanim ng
mga halamang ornamental, at
• Nakasasagot sa mga gawain at pagsasanay tungkol sa
pakinabang ng pagtatanim ng halamang ornamental.

Balikan
Magandang araw mga bata! Nasiyahan ka ba sa
pagbabasa at pagaaral ng unang aralin tungkol sa pakinabang
ng mga halamang ornamental, na nakapipigil sa pagguho ng lupa
at erosyon? Ano ang palagay mo sa iba’t ibang gawain? Marami
ka bang natutunan? Gusto mo bang malaman pa ang isa na
naming pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental?
Tandaan! Ang mga halamang ornamental ay maraming
pakinabang sa kapaligiran, lalo na sa pamumuhay ng tao.
.

Tuklasin
Tingnang mabuti ang dalawang larawan sa ilalim
at magbigay ng hinuha tungkol dito?

LARAWAN A LARAWAN B

7
Suriin

Ang mga sumusunod na termino na may koneksyon


sa kasalukuyang aralin. Basahing mabuti ang mga salita at ang
mga kahulugan nito.
1. Polusyon sa hangin – ang pagdumi ng hangin dahil sa
paghalo ng maruming elemento sa malinis na hangin.
2. Carbon Dioxide – ay isang bahagi ng hangin sa atmospera
na kadalasang nagmumula sa mga hayop, pagsusunog, usok
sa mga pabrika, o mga sasakyan. Ito ay ginagamit ng mga
halaman sa pagbuo ng kanilang pagkain
3. Oxygen – bahagi ng hangin sa atmospera na nagmumula sa
mga halaman. Ito ay ginagamit ng mga hayop at tao sa
paghinga upang mabuhay. Dahil sa mga halaman at punong
ornamental, ay nakakaiwas tayo sa polusyon sa hangin na
dulot ng nasunog na basura, usok ng sasakyan, mga
masangsang na amoy ng mga pabrika, at iba pa.
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at pag-isipang mabuti
kung paano nakatutulong na maiwasan ang polusyon sa hangin
dahil sa mga halamang ornamental.

Pagsusunog ng basura Usok mula sa mga sasakyan

8
Pagyamanin
Gawain 2.1
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin.
1. Ano ang mangyayari kung wala ng mga halamang
ornamental sa ating paligid na nagbibigay ng Oxygen?
2. Paano nakatutulong ang mga halamang ornamental upang
mabawasan ang Carbon Dioxide sa ating atmospera?

Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin.
1. Ano ang maaari mong gawin upang dumami ang mga
halamang ornamentals na nakatutulong upang maiwasan ang
polusyon sa hangin?
2. Mahalaga ba ang mga halamang ornamental sa sa ating
kapaligiran? Bakit?

Isagawa
Gawain 2.3
Panuto: Maglista ng mga halamang ornamental na likas sa iyong
paligid o tirahan na nakatutulong sa pagbawas nga polusyon sa
hangin
1. _______________ 4. ___________________
2. ___________________ 5. ___________________
3. ___________________

Binabati kita! Ikinagagalak ko ang kahandaan mo sa susunod na


aralin. Ang galing mo!

9
Aralin
Nagbibigay ng lilim at
3 sariwang hagin
Mga Layunin:
1. Nailalahad ang pakinabang ng halamang ornamental na
nagbibigay lilim at sariwang hangin,
2. Napapahalagahan ang mga pakinabang sa pagtatanim ng
mga halamang ornamental, at
3. Nakasasagot sa mga gawain at pagsasanay tungkol sa
pakinabang ng pagtatanim ng halamang ornamental.

Balikan

Natalakay na natin ang mga kapakinabangan sa


pagtatanim ng mga halamang ornamental. Ang halamang
ornamental ay nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha. Sa
pamamagitan ng halamang ornamental ay naiiwasan ang
polusyon sa hangin. Alam niyo ba na maliban sa dalawang ito
ay may isa pang pakinabang ang halamang ornamental sa
ating kapaligiran na hindi natin napapansin ngunit
pinapakinabangan natin? Alamin natin ngayon ang isa pang
kahalagan ng pagtatanim ng halamang ornamental.

Tuklasin
Tingnan nang mabuti ang dalawang larawan sa ilalim. Ano ang
masasabi ninyo sa mga larawang nakita?

10
Suriin

Ano pa ang pakinabang ng halamang ornamental? Bakit


mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental?
Mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental dahil
nagbibigay ito ng lilim kapag ito ay tumataas at yumayabong
habang tumatagal, puwede nating gawing pahingahan ang mga
lilim nito katulad ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree,
bougainnvillea, fire tree, adelfa at marami pang iba. Maaring
itanim ang mga ito sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na
puwedeng masilungan ng mga tao, hayop o mga sasakyan na lalo
sa panahon ng tag-init.
May mga halamang ornamental din na nakapagbibigay sa
atin ng sariwang hangin tulad ng snake plant, aglaonema, boston
fern, peace lily, arica palms, Dracaena “Janet Graig”, Flamingo
Lily or Anthurium),at marami pang iba. Sinasala ng mga tanim
na ito ang maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso,
pagsusunog at napapalitan ng malinis na oksiheno na siya
nating nilalanghap. Mga Halamang Nagbibigay Lilim

Bougainvillea Adelfa Mga Halamang Nagbibigay ng


Sariwang Hangin

11
Pagyamanin

Gawain 3.1
Panuto: Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng
sariwang hangin. Pangkatin ang mga sumusunod kung
nagbibigay lilim ang mga ito o hindi.

bougainvillea adelfa kalachuchi snake plant


fern pine tree
anthurium peace lily ilang-ilang
agloanema

Nagbibigay lilim Hindi nagbibigay lilim

Isaisip
Gawain 3.2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ayon sa ating
napag-aralan. Ayusin ang mga salitang ginulo sa loob ng panaklong.
1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ang may mga
________________ (bingpanaka).
2. May mga halamang ornamental na nagbibigay ng sariwang
____________ (ginhan).
3. May mga halamang ornamental na habang tumatagal ito ay
lumalaki at _____________ (yuboyamang).

12
4. Ang halamang bougainvillea ay nagbibigay ___________ (milil)
habang ito lumalaki at yumayabong.
5. _______________________ (hapalahagan) ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental dahil ito ay may mga pakinabang sa
atin.

Isagawa
Gawain 3.3
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan at mali kung hindi.
___________1.Nagbigbigay ng preskong hangin ang mga
halamang ornamental.
___________2. Ang halamang santan ay nakapagbibigay lilim.
___________3.Maruruming oksiheno (oxygen) ang nilalabas ng
mga halaman.
___________4.Sinasala ng mga halamang puno ang mga
maruruming hangin.
___________5.Nagbibigay lilim ang halamang kalachuchi kung
ito ay mataas at mayabong puno.
Magaling! Tiyak kong handa kana sa susunod na aralin

Aralin

4 Napagkakakitaan

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang paraan kung paano napagkakakitaan ang
mga halamang ornamental,
2. Napapahalagahan ang mga pakinabang sa pagtatanim ng
mga halamang ornamental, at
3. Nakasasagot sa mga gawain at pagsasanay tungkol sa
pakinabang ng pagtatanim ng halamang ornamental.

13
Balikan
Kamusta mga bata? Sa nakaraang leksyon natalakay ang mga
pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
Bakit mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental?
Magbigay ng tatlong pakinabang na tinalakay sa nakaraang
leksyon.
Napakahalagang magtanim ng mga halamang ornamental
dahil maraming naidudulot sa ating sarili at pamayanan at
kapaligiran. Sa pagpapatuloy ng modyul, tatalakayin natin
angiba pang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
1. Ornamental 2. Pagkakitaan 3. Dahon 4. Bulaklak 5. Paso

Tuklasin

Panuto: Sagutan ang palaisipan na nasa ilalim. Hanapin ang mga

Makikita nating sa mga social media ang napapausong pagtatanim


ng mga halaman g ornamental. Ito pala ay nakatutulong sa ating
salitang nasa ibaba sa loob ng kahon. pangkabuhayan. May mga
bulaklak na mabibili mo sa napakalaking halaga.
May mga pamamaraan kung paano mapagkakitaan ang
mga halamang ornamental:

1. Pagtanim ng mga halaman sa paso o sa plastic bag at ibenta


ito.
2. Ang mga magaganda at makukulay na bulaklak tulad ng
rosas, orchids at Chrysanthemum ay mapagkakikitaan lalo
na kung may okasyon.
3. Pagputol o ang cuttings ng mga bulaklak tulad ng orchids
ay maari mong ibenta.

14
4. May mga malalawak na taniman ng halamang ornamental
at ang iba ay nagpapabayad ng entrance fee. Nagiging
tampok ang mga ito bilang pook pasyalan o tourist spot.

Pagyamanin
Gawain 4.1
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan at mali kung hindi.
_________1. Ang paghahalaman ay nakatatanggal ng pagkabagot.
_________2. Mga namumulaklak lamang ang mga halamang
ornamental.
_________3. Nagsasayang lamang ng oras ang pagtatanim
ng halaman.
_________4. Ang pagtatanim ng halaman ay napagkakikitaan
at nakatutulong sa mga gastusin sa bahay.
_________5. Makapagtanim ka lamang ng halamang ornamental
ornamental sa malawak na espasyo.

Isaisip
Gawain 4.2
Palaisipan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ayusin ang
mga salita at isulat sa kahon ang sagot.
Pahalang
2.May nagtatanim ng mga malalawak na taniman ng halamang
ornamental at ang iba ay ____________ ng entrance fee. Sa
pamamagitan nito nakadagdag kita sa pamilya.ygabanadba
Patayo
1. Maaring kang magtanim ng mga halaman sa _________ bag
at ibenta ito. tkpalsi
3. Ang mga magaganda at makukulay na bulaklak tulad ng
rosas ay ________ lalo na kung may okasyon. mnaaapgatikik
4. Ang ______________ o cuttings ng Dendrobium ay maaring
mapagkakitaan . glutoppa

15
1 3 4
2

Isagawa

Gawain 4.3
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan at mali kung hindi.
______1. Ang paghahalaman ay nakatatanggal ng pagkabagot.
______2. Mga namumulaklak lamang ang mga halamang
ornamental.
______3. Nagsasayang lamang ng oras ang pagtatanim
______4. Ang pagtatanim ng halaman ay mapagkikitaan ng pera
at nakatutulong sa mga gastusin sa bahay. ______5.
Makapagtanim ka ng halamang ornamental sa
malawak na espasyo.

Aralin
Nakapagpapaganda ng
5 kapaligiran

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang kahalagahan ng pagtatanim ng
halamang ornamental na nagbibigay ganda sa
kapaligiran,
2. Nabibigyang halaga ang mga dulot na pakinabang ng
halamang ornamental sa buhay ng tao, at
3. Nakabubuo ng album tungkol sa pakinabang na dulot ng
pagtatanim ng mga halamang ornamental sa kapaligiran.

16
Balikan

Magandang araw!
Natatandaan pa ba ninyo ang apat na mga pakinabang sa
pagtatanim ng halamamg ornamental na tinalakay natin? Pag
isa- isahin ang napag-usapan natin tungkol sa mga pakinabang
sa pagtatanim ng halamang ornamental.

Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay


1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
2. Naiiwasan ang polusyon
3. Nabibigay lilim at sariwang hangin
4. Napagkakakitaan

Sa araling ito ay matutunan ninyo ang ikalimang


pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.
Basahing mabuti ang mga gawain sa sariling paraan.
Siguraduhing binasa ng mabuti ang mga aralin. Kung may mga
tanong, maararimg kontakin o tanungin ang iyong guro. Ang
iyong guro ay palaging handa upang tulungan ka.

Tuklasin
Tingnan ang dalawang larawan

Ano ang masasabi mo sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?


17
Suriin

May limang pakinabang ang pagtatanim ng halamang


ornamental.Tatalakayin natin ngayon ang ikalimang pakinabang.
Ang halamang ornamental ay nakapagpapaganda ng kapaligiran.
Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang halamang
ornamental? Sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang
ornamental sa paligid ng:
A. Bahay- Kaaya-ayang tingnan at nagsisilbing palamuti sa
tahanan. Nagbibigay ito kasiyahan sa pamilya.
B. Mall at Hotel – Nakakadagdag ganda sa paligid lalo na
pagpasok sa lobby makikita mo na ang mga halamang
ornamental.
C. Paaralan- nakapagbibigay ganda sa palibot ng paaralan at
nabibighani ang mga bata at ganadong pumasok dahil sa
maganda at maaliwalas nitong paligid.
D. Parke – Dinarayo ng mga tao kapag maganda at maraming
E. halaman ang paligid nito.
F. Resort- nakakamangha ang isang resort at dinadayo rin ng
mga tao kapag marami itong tanim na halaman tulad ng
halamang namumulaklak.

Pagyamanin

Gawain 5.1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng kawastuan at MALI kung hindi.
______1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay
nakapagpapaganda sa kapaligiran.
______2. Ang halamang ornamental ay walang naidudulot na
mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan. ______3. Ang
halamang ornamental ay nakatatawag pansin sa mga
dumaang tao lalo na kung ang mga ito ay
namumulaklak at humahalimuyak.
______4. Nakasisira sa kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental.

18
______5. Nakabibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang
pagtatanim ng halamang ornamental.

Isaisip

Gawain 5.2
Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin. Gamitin ang
espasyo sa ibaba.

1. Ano ano ang mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang


ornamental para sa pamilya at sa pamayanan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang halamang


ornamental?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa
Gawain 5.3
Panuto: Saang mga lugar maaring makapagbibigay ganda ang
mga halamang ornamental?
1. ________________________ 2. ________________________
3. ________________________ 4. ________________________
5. ________________________

19
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na

tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi pakibanang ng mga


halamang ornamental?
a. Lilim at sariwang hangin c. Laban sa landslide
b. Dagdag kita d. Wala sa nabanggit
2. Anong bahagi ng halamang ornamental ang humahalimuyak?
a. Bulaklak b. Dahon c. ugat d. Sanga
3. Ito ang nilalanghap ng mga tao upang mabuhay mula sa mga
halamang ornamental.
a. Carbon dioxide c. Usok ng tambutso
b. Oksiheno d. Usok ng nasusunog na plastic
4. Alin sa mga sumusunod ang halamang ornamental na may
mayabong na sanga?
a. Cosmos b. Santan c. pandakaki d. Ilang-ilang
5. Saan madalas makikita ang mga magagandang halamang
ornamental?
a. Sa sakahan b. sa parke c. Sa palengke d. Sa terminal
B. Sagutin ng TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay
tama at MALI kung hindi.
1. Nakasasama sa katawan ang pagsilong sa lilim ng isang fire
tree ___________
2. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakasisira sa
kapaligiran ____________
3. Ang halamang ornamental ay maaaring ipagbili
_________________
4. Ang halamang ornamental ay nakatutulong sa pagsalo ng
dumi sa hangin.______________
5. Mainit ang kapaligiran kung maraming halamang
ornamental na nakatanim. __________

20
Susi sa Pagwawasto

Mga Sanggunian
Aklat:
1. Samadan, Eden F,2019.”Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4”.Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 320- 323
2. Samadan, Eden F,2019.”Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4”.Patnubay ng guro
3. Vergara, B. S. (1998). Flowering herbs: ornamental plants in
the Philippines. Manila: Island.
Website:
1. 2020. https://www.tagalog-dictionary.com/OXYGEN.
2. ALACAYONA, 2020. Pakinabang Sa Pagtatanim Ng Halamang
Ornamental Plants. [online] Slideshare.net. Available at:
<https://www.slideshare.net/ALACAYONA/pakinabang-
sapagtatanim-ng-halamang-ornamental-plants> [Accessed 21
June 2020].
3. "Punong Ornamental Sa Lupang Taniman Kaya Nakakaiwas
Sa Landslide O Pagguho Ng | Course Hero". Coursehero.Com,
2020.
https://www.coursehero.com/file/p3b0s2u/punongornament
al-sa-lupang-taniman-kaya-nakakaiwas-salandslide-o-
pagguho-ng/.
4. 2020. https://www.youtube.com/watch?v=AnihhT-2heI.
Journal:
1.MISOSA-IV Pagkinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

21
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng
Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso
ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna,
komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.:


(083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

22

You might also like