You are on page 1of 3

ACTIVITY SHEETS

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Quarter 2: Week 3

Pangalan: ________________________

Pagbibigay-alam sa Kinauukulan tungkol sa Kaguluhan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdan at pag-aralan muli ang mga larawan sa ibaba. Sagutan ang mga
tanong sa iyong sagutang papel.

1. Sa larawan A, ano sa palagay mo ang nangyari? Bakit humingi ng túlong ang batang babae? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ba ang nakasaksi ng ganitong pangyayari tulad ng sa larawan A, ano ang gagawin mo?
Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Sa larawan B, kung masaksihan mo sa inyong paaralan ang pananakit o pambubulas ng isang batà sa
kapwa batà, ano ang gagawin mo? Pangatwiranan.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
4. Tama ba na manakit o mambulas ang isang batang katulad mo? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. Mayroon ka na bang karanasan na ikaw ay nagbigay-alam sa kinauukulan hinggil sa isang insidente na
iyong nasaksihan? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, kopyahin at sagutan ang gawain. Lagyan ng tsek
() kung dapat itong iparating sa kinauukulan at (x) kung hindi.
_____1. Pinapagalitan si Charlene ng kaniyang magulang dahil sa bagsak na grado.
_____2. Binubulas si Ian ng kaniyang kaklase dahil sa kakaiba niyang itsura.
_____3. Pinasok ng magnanakaw ang bahay ni Jocelyn.
_____4. Kinukuha ni Zymon ang baon ng kaniyang kaklase nang sapilitan.
_____5. Nakita ni Eohan ang kaniyang kaklase na naninigarilyo sa loob ng palikuran.
_____6. Minamaltrato ang nanay ni Rex ng kaniyang tatay.
_____7. Pinagsasabihan ni Roselyn ang kaklase dahil nangungutya ito ng kamag-aral.
_____8. Kinukupitan ni Dave ng pera ang kaniyang kaklase.
_____9. Inagawan ng bag si Gaylene ng isang mandurukot.
_____10.Pinapabayaan si Ren ng kaniyang mga magulang na magpalaboy-laboy sa kalsada at hindi pinag-
aaral.

File Layout by DepEd Click


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Manood ng balita sa telebisyon o sa social media o makinig sa radyo ng
mga insidente tulad ng kaguluhan, pananakit, pangungutya o pambubulas at itala ito sa iyong sagutang papel
gamit ang talaan sa ibaba. Sa hanay A ay itala ang pangyayari o insidente, at sa hanay B naman ay itala kung
kanino dapat ito ipagbigay-alam.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga pahayag. Ilagay ang letra ng iyong kasagutan.

____1. Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ang iyong kaibigan ng inyong kaklase
upang makuha ang kaniyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa kaniya.
B. Hayaan na lámang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila.
C. Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng nambubulas.
D. Bibigyan ng baon ang nambubulas upang ito ay tumigil na sa pananakit at pananakot.
____2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa:
A. Guro B. Pulis C. Bumbero D. Barangay Tanod

____3. Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o binubulas, ano dapat ang una mong
kailangan isaalang-alang?
A. Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa.
B. Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailanagn sa sitwasyon.
C. Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa alanganing sitwasyon.
D. Ang kapakanan ng iyong magulang sapagkat sila ang maaapektuhan kapag may nangyari sa iyong
hindi kanais-nais.
____4. Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye. Ano ang dapat mong gawin
sa sitwasyong ito?
A. Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher.
B. Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag.
File Layout by DepEd Click
C. Hayaan na lámang ito upang hindi na madamay sa insidente.
D. Ipaabot na lámang ang pakikiramay sa nanakawan sa insidente.
____5. Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng iyong mga kaklase dahil sa
kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong dapat gawin sa sitwasyon?
A. Hayaan na lámang sila upang hindi madamay.
B. Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa paaralan.
C. Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan siláng humarap dito.
D. Kausapin ang mga kaklase at pagsabihan na hindi magandang katangian ang pambubulas ng
kamag-aral.

File Layout by DepEd Click

You might also like