You are on page 1of 21

2

FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 5
Paglalarawan ng mga Elemento at
Bahagi ng Kuwento
2

Filipino
IkalawangKwarter – Modyul 5
Paglalarawan ng mga Elemento at
Bahagi ng Kuwento
Alamin

Mga bata, sa bahaging ito,aalamin at ilalarawan natin ang iba’t ibang


elemento at bahagi ng isang kuwento. Ang mga elemento ng kuwento
ayang mga tauhan,tagpuan, banghay. Ang mga bahagi ng kuwento ay
angsumusunod; panimula, kasukdulan at katapusan.
Ngayon, susubukin nating basahin ang kuwento at iba pang
pagsasanay o gawain na nasa modyul na ito.Huwag kayong mag-alala
at sasagutin ito sa abotng iyong makakaya.

Subukin

1
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Si Ginie
Si Ginie ay isang batang madaling madapa. Isang araw,
maagang naglalaro si Ginie sa bakuran. Tumatakbo siya paroon at
parito nang bigla siyang nadapa. Umiiyak siya sabay hawak sa
kanyang mga tuhod. Nilapitan siya ng kanyang nanay at
pinagsasabihan,”Ginie, mag-ingat ka kasi! Napaluha si Ginie sabay
tanong sa kanyang nanay, “Nay, bakit po ba madali akong madapa?
Ang mga kalaro ko kahit anong likot nila hindi naman po sila
nadadapa?” Malungkot na pinatayo ni nanay si Ginie at sinabing,” Di
ba sabi ko sa iyo kumain ka ng maraming gulay para maging malusog
ang iyong katawan.
Kinabukasan, si Ginie ay kumakain na ng gulay. Mula noon,
naging malakas at masigla ang kanyang katawan.
Hanapin sa loob ng kahon ang tamang elemento ng kuwento na
inilalarawan sa ibaba.

_____1. Sa bakuran
A.Tauhan D. Panimula
_____2. Ginie at Nanay
B. Tagpuan E.Problema
_____3. Kumakain ng gulay si Ginie.
C. Solusyon
_____4. Maagang naglalaro si Ginie.

2
_____5. Si Ginie ay madaling madapa.

Tuklasin

Basahing mabuti ang kuwento. Paano mo


mailalarawan ang mga elemento sa kuwentong ito?

Ang Tinapay ni Badong

3
Oras na ng recess,si Pepe at Badong ay pumunta sa panaderia
upang bumili ng tinapay. Umupo sila sa labas ng pultahan at
nagsimulang kumain ng tinapay. Biglang dumaan si Tonyo. Nasagi at
nahulog ang tinapay ni Badong. “Tingnan mo Tonyo, nahulog ang
tinapay ko!” sabi ni Badong. “Patawad Badong, hindi ko sinasadya,
hinahabol kasi ako ni Pedro.”
Galit na galit si Badong at muntik na niya itong suntukin.
“Badong, hindi naman talaga sinasadya ni Tonyo. Huwag kang
mag-alala mayroon pa naman akong tinapay, hatiin natin ito,” sabi ni
Pepe.
Pinatawad ni Badong si Tonyo. Lalong tumitibay ang
pagsasamahan nina Badong at Pepe.
Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga katanungan sa Hanay A. Piliin
ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Tauhan A. sa labas ng pultahan

2. Tagpuan B. Tonyo, Pepe at Badong

3. Panimula C. Si Pepe at Badong ay


nagpunta sa panaderia

4. Kasukdulan D. Lalong tumitibay ang


pinagsasamahan ng
dalawa.

5. Katapusan E. Nahulog ang tinapay ni


Badong at siya ay galit
na galit.
4
Suriin

A. Nakakabasa ka na ba ng kuwento?
B. Sa kuwentong inyong nabasa, ano ang iyong
naiintindihan?
C. Sino-sino ang mga taong gumaganap nito?
D. Saan o kailan ito nangyayari?
E. Ano-ano ang mga nangyayari?
F. Paano ito nagsisimula?
G. Ano ang nagiging suliranin?
H. Paano ito nabigyan ng solusyon?
I. Paano ito nagwawakas?
J. Alam ba ninyo ang mga elemento?

5
Pagyamanin

Unang Ginabayang Gawain


Basahin at intindihin mo ang kuwento, pagkatapos sagutan mo ang
mga katanungan kasunod nito.

Si Carlos

Mainit ang panahon sa tanghaling tapat habang naghihintay si


Carlos ng motorela sa tabing daan. Dumating ang isang babae na si
Aling Pilar na walang dalang payong. Pinasukob niya ito hanggang
sila ay sabay na nakasakay. Nagpapasalamat si Aling Pilar kay
Carlos sa kagandahang loob na ipinakikita niya.

6
Hanapin sa loob ng kahon ang sagot. Isulat ang titik ng wastong sagot
sa inyong sagutang papel.

A. Sa tabi ng daan
B. Carlos at ang matandang babae
C. Nagpapasalamat si Aling Pilar kay Carlos.
D. Pinasukob ni Carlos sa payong ang matandang
babae.
E. Mainit ang panahon at walang payong ang
matanda.
F. Mainit ang panahon habang naghihintay si Carlos
ng motorela.

1. Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento?


2. Paano ito nangyari?
3. Saan ito nangyari?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon?
6. Ano ang nangyari sa katapusan ng kuwento?

7
Unang Tayahin
Panuto: Basahin ang mga maikling kuwento sa ibaba.Tukuyin ang
elemento ng kuwento.Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Si Blackie ay asong askal ngunit siya ay maamo at
mabait. Kaya siya ay pinulot ni Mang Pedro at inaalagaan.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Kasukdulan
2. Si Perla ay may bisikleta. Ito ang gamit niya papunta sa
palaruan. May mga kaibigan siya doon sa palaruan. Masayang
naglaro si Perla at ang kanyang mga kaibigan.
a. Tagpuan
b. Solusyon
c.Panimula
d. katapusan
3. Maagang natulog si Miko ngunit siya ay biglang
sumigaw at umiiyak. Sumakit pala ang ngipin
niya. Pinainom siya ng gamot ng nanay niya at siya ay nakatulog
muli.

a. Tauhan
b. Solusyon
c.Panimula
d. Problema
4. Si Flora ay isang ulilang bata. Nahirapan siyang mamuhay sa
sarili niya sa kanyang murang edad kaya naisipan niyang lumapit sa
8
mga pulis at nagpapatulong. Siya ay inampon ng pulis na nilapitan
niya.
a. Wakas
b. Panimula
c. Solusyon
d. Kasukdulan
5. Si Amazona ay isang ahas na nakatira sa bundok. Isang araw,
bigla siyang sinugod ni Leona na isang mabangis na leon sa gubat.
Nagkasugat-sugat si Amazona.
a. Tauhan
b. Banghay
c. Tagpuan
d. Kasukdulan

Ikalawang Ginabayang Gawain


Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang elemento ng kuwento
ng salitang may salungguhit.
Halimbawa: (Tagpuan)__ Sa bukid sila nagpunta
kahapon.
___________1. Si Dora at Lora ay magkakaibigan.
___________2. Isang araw, umalis silang dalawa sa
kanilang tahanan at pumunta sa dagat.
___________3. Masaya silang naligo nang bigla sumigaw si
Lora. “Ahas! ahas! may ahas sa dagat!”
___________4. Mabilis silang umahon sa dagat. Nagbihis at
umuwi ng bahay.
9
___________5. Umuwi sila na takot na takot.

Ikalawang Tayahin
Panuto: Isulat ang Tama o Mali sa bawat sitwasyon na nasa ibaba.
___________1. Si Dora at Lora ay magkakaibigan. (Tauhan)
___________2. Isang araw, umalis silang dalawa sa
kanilang tahanan at pumunta sa dagat.
(Kasukdulan)
___________3. Masaya silang naligo nang bigla sumigaw si
Lora. “Ahas! ahas! may ahas sa dagat!”
(Kasukdulan)
___________4. Mabilis silang umahon sa dagat. Nagbihis at
umuwi ng bahay.(Solusyon)
___________5. Umuwi sila na takot na takot. (Wakas)

Unang Malayang Gawain


Basahin ng mabuti ang mga kuwento. Tukuyin ang bawat elemento at
bahagi ng kuwento.
Si Jose
Si Jose ay nakatira sa tabing-dagat. Mahilig siyang mangisda.
Isang araw, pumalaut siya upang makahuli ng maraming isda. Habang

10
siya ay nasa laot, siya ay nakapansin ng malakas na alon. “Aba! isda!
napakalaking isda!” Laking tuwa ni Jose ng nahuli niya ang
napakalaking isda. Maraming salamat po Diyos ko sa biyayang
ipinagkaloob mo sa akin.
1. Wakas:____________________________________________
2.Tauhan:____________________________________________
3. Tagpuan: _________________________________________
4. Panimula: _________________________________________
_____________________________________________________
5. Kasukdulan: _______________________________________

Unang Tayahin
Isaayos ang mga titik upang mabuo ang tamang elemento at bahagi ng
kuwento.
1. saawk _____________________
2. nuaaht ____________________
3. mulanipa __________________
4. ngabyah __________________
5. putaang ___________________

11
Ikalawang Malayang Gawain
Panuto: Salungguhitan ang tamang sagot.
1. Sa ilog (Tauhan, Tagpuan, Kasukdulan)
2. Si Victor at Virgie ( Wakas, Tauhan, Panimula)
3. Masayang naghahabulan sa tabing ilog.
( Wakas, Solusyon, Problema)
4. Maagang pumunta sa ilog sina Victor at Virgie.
( Tauhan, Tagpuan, Panimula)
5.Kumuha sila ng pagkain upang mawala ang kanilang
gutom na naramdaman.
( Problema, Solusyon, Panimula)

Ikalawang Tayahin
Panuto: Buuin ang graphic organizer ng mga elemento ng kuwento.

12
Isaisip

13
 Ang bawat kuwento ay may layuning magsalaysayng mga
pangyayari at may mahalagang elemento.
 Tauhan-tumutukoy sa mga panauhin sa kuwento.
 Tagpuan-kung saan naganap ang kuwento.
 Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.Mayroong limang bahagi ng banghay.
 Panimula- kung saan at paano nagsimula ang
kuwento.
 Saglit na kasiglahan-ito ang panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhan sa kuwento.
 Kasukdulan- Dito nangyayari ang problema sa
kuwento.
 Kakalasan- Ito ay tumutukoy sa partekung saan unti-
unti nang naaayos ang problema.
 Wakas - Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o
natapos ang kuwento.
(source: https://google.com)

Isagawa

Basahin at sagutin ang mga kasunod na katanungan.


Si Aling Marta

14
Isang umaga,nagising si Aling
Marta na sirang-sira ang kanyang
hardin.Nabunot ang mga bagong
tanim niyang bulaklak. Tiningnan
niya ang paligid nito. Nadatnan
niya ang asong si Bantay,
kumaykay sa mga tanim niya. Nilapitan niya ito at itinali muli.
Hanapin sa hanay A ang kadugtong sa hanay B. Isulat sa inyong papel
ang wastong titik ng iyong sagot.
Hanay A Hanay B
1.Tauhan A. hardin
2. Tagpuan B. Aling Marta,Bantay
3. Panimula C. Nasira ang hardin ni Aling Marta
4. Problema D. Nakita ni Aling Marta si Bantay
ang may kagagawan.
5. Solusyon E. Isang umaga, pagkagising
ni Aling Marta sirang-sira ang
kanyang hardin.

Karagdagang Gawain

Basahin ang kuwento.

15
Sina Titser Eve at Titser Gie

A.Tauhan D.katapusan
B. Tagpuan E. Problema
C. Solusyon

Sina Titser Eve at Titser Gie ay mga guro sa Mababang Paaralan ng


Mapa, Barangay Tupsan Pequeno.Nakakatawag pansin ang kanilang
pagsasamahan. Araw-araw sila ay sabay-sabay na aakyat at bababa
mula sa paaralan.
Isang hapon, habang sila ay naglalakad pauwi, nadulas si Titser
Eve. Nahirapan siyang tumayo kaya inaalalayan siya ni Titser Gie
hanggang sila ay nakarating sa highway.

Isulat sa inyong sagutang papel ang wastong sagot. Hanapin


sa loob ng kahon ang kasagutan.

1. Sa daan

16
2. Nadulas si Titser Eve
3. Titser Gie at Titser Eve
4. Patuloy pa rin silang naglalakad pauwi.
5. Inaalalayan siya ni Titser Gie makatayo

Susi sa Pagwawasto

17
18
19

You might also like