You are on page 1of 1

 

ARALING  PANLIPUNAN  3   WORKSHEET  


URI  NG  MAPA  
   

CSA – 1st Term – Sanayang Papel #1


Panuto: Tukuyin ang uri ng mapa na angkop gamitin sa bawat sitwasyon.
Isulat ang: PL kung mapang pisikal
PU kung mapang pulitikal
PH kung mapang pangkabuhayan
PE kung mapang pampangkat-etniko
PK kung mapang pangklima
PD kung mapang pandaan
_______________ 1. May takdang-aralin si Lina tungkol sa mga bulkan na matatagpuan sa bansa.
_______________ 2. Gustong malaman ni Mang Nilo kung saang lalawigan nanggagaling ang mga produktong palay,
mais, at tubo.
_______________ 3. Gustong malaman ni Ben ang mga lalawigang nasa paligid ng lalawigan ng Benguet.
_______________ 4. Mula sa E. Rodriguez Sr. Avenue, hinahanap ni Mang Pedro ang kalye ng Quezon Avenue.
_______________ 5. Pinag-aaralan ng National Commission for Culture and the Arts kung anong pangkat ng mga
katutubo ang may pinakamaraming bilang sa kasalukuyan.

Panuto: Tukuyin ang uri ng mapa na kinakailangang gamitin sa bawat sitwasyon.


 
____________________ 1. Gumagawa ng proyekto ang grupo ni Amor tungkol sa mga Ilokano at mga Bikolano. Anong
mapa ang kanyang kailangan?

____________________ 2. Ipinapakita ni Kuya Kim ang pagkakaiba ng mga klima sa iba’t ibang lugar sa bansa. Anong
mapa ang ginamit niya?

____________________ 3. Maglalakbay ang Pamilya Reyes sa Tagaytay subalit hindi nila kabisado ang mga lansangan
patungo roon. Anong mapa ang dapat nilang gamitin?

____________________ 4. Pinag-aaralan ng mga nasa ikatlong baiting ang hangganan ng bawat relihiyon ng bansa.
Anong mapa ang ginagamit nila?

____________________ 5. Ipinakita ni Bb. Roxas kung saan makikita ang mga bundok at mga bulubundukin sa bansa.
Anong uri ng mapa ang ginamit niya?
 

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
 

You might also like