You are on page 1of 5

Petsa ng Pagsagot: Nov.

3-6, 2020

3
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pagsunod sa mga Pamantayan/
Tuntunin ng Mag-anak at Sa
Kaayusan ng Pamilya, Ako ang
Simula

Pangalan:___________________________________________
Aralin
Pamilyang may Kapayapaan, Lahat ay
1 Malalampasan!

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay isinulat at dinisenyo na ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga mag-aaral na
tulad mo. Layunin nitong ituro sa iyo ang mga kaalaman ukol sa kakayayan, katatagan, kalusugan at
kaligtasan na sa bandang huli, ay maisabuhay mo ang mga ito. Nakapaloob din dito ang iba’t ibang gawin na
naglalayong pag-ibayuhin ang iyong sarili, ang iyong kaugnayan hindi lamang sa iyong pamilya kundi ay pati
na rin sa iyong sariling pamayanan.

Ang modyul na ito may dalawang paksa:


J Paksa 1 – Pamilyang may Kapayapaan, Lahat ay Malalampasan!
J Paksa 2- Sa Kaayusan ng Pamilya, Ako ang Simula!

Layunin
Pagkatapos ng modyul na ito, kaya kong:
1. Napahahalagahan ang Pamilya.
2. natutukoy ang mabuting pag-uugali ng isang bata.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang larawang nagpapakita ng wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng iyong kalusugan at
kaligtasan. Lagyan ng tsek (√ ¿ kung ito ay tamang Gawain at ekis (׿ naman kung hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

Aralin
Ngayon ay magbabasa tayo ng isang tula. Dapat nating tandaan na kailangan itong basahin nang maayos.

Sundin Natin Sinulat


ni: Cherry M. Fajagutana

Napakagandang tingnan
Pamilyang nagmamahalan
Pagtutulungan at
pagkakaisa Makikita sa
isa’t isa. Halina’t ating
sundin tagubilin ng
magulang natin tumulong sa
mga gawain isa’t isa igalang
din.

Ang isang buo at masayang Pamilya ay napakagandang tingnan. Ang mga anak ay sumusunod sa mga
tungkulin at mga tagubilin ng kanilang Ama at Ina. Kapag ang lahat ng meyembro ng Pamilya ay
nagmamahalan at nagtutulungan magkakaroon ng pagmamahalan sa loob ng tahanan. Kaya dapat tayong
lahat ay magkaroon ng pagmamahal sa ating Pamilya bilang ganti sa pag-aalaga ng ating mga magulang. Ang
Pamilyang nagtutulungan at nagmamahalan ay walang inuurungan, lahat ng unos at pagsubok kayang
lampasan ng may lakas at tiwala sa isa’t isa.

Ebalwasyon:

Gawain 1: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naayon sa tulang binasa at MALI kung hindi.

__________1. Ayon sa tula, dapat ang isang Pamilya ay nagmamahalan at nagtutulungan.

__________2. Sundin ang tagubilin ng mga magulang.

__________3. Hayaang magalit ang iyong ina.

__________4. Tumulong sa mga gawaing bahay.

__________5. Makipag-away sa kapatid.

__________6. Sundin ang payo ng iyong Ama.

__________7. Makinig sa sinasabi ng nakakatandang kapatid.

__________8. Mahalin ang mga barkada.


__________9. Huwag mahalin ang sariling Pamilya.

__________10. Gumawa ng mga bagay na ikakasaya ng iyong mga magulang.

Aralin Sa Kaayusan ng Pamilya, Ako ang Simula!

2
Panimulang Pagtataya

Panuto: Paghambingin ang mga larawan sa hanay A sa mga salita sa hanay B.

A B

1.

Ang batang maka-Diyos

2.

Ang batang matulungin

3.

Ang batang masipag

4.

Ang batang mapagmahal

5. Ang batang magalang


Aralin

Ang isang Pamilyang masaya ay nakaayon sa bawat meyembro o kasapi ng Pamilya. Ang isang batang gaya
mo ay simula ng kaayusan at pagbabago tungo sa isang maunlad at masayang Pamilya. Ang mga mabubuting
pag-uugali ng isang bata ay malaking tulong upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang isang Pamilya.
Ang pagiging matulungin, mapagmahal, maka-Diyos, magalang at masipag na bata ay isang magandang
halimbawa upang magkaroon na matiwasay na pamumuhay at nagmamahalang Pamilya.

Gawain 1

Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon na nakasaad sa ibaba. Ipagpalagay mo na ito ay ang iyong
pamilya. Ang iyong mga magulang ay ang malalaking ugat. Isulat ang mga tagubilin o iniuutos sa iyo ng mga
magulang sa mga sanga ng puno at ang iyong pangalan naman bilang bunga.

Ebalwasyon

Panuto: Lagyan ng salitang Nakakabuti ang mga gawain na nagpapakita ng nakabubuti sa iyong Pamilya.
Hindi Nakabubuti naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang sagot sa patlang.

_________1. Nag-aaral ng maigi upang makapagtapos ng pag-aaral.

_________2. Tumulong sa mga gawaing bahay.

_________3. Marunong makuntentong sa mga bagay na kayang ibigay ng mga magulang.

_________4. Mahilig gumala kasama ang barkada.

_________5. Nagpapakumbaba sa isa’t isa.

_________6. Hindi nauutusan sa mga gawaing bahay.

_________7. Mahilig humingi ng mga bagay na hindi importante sa mga magulang.

_________8. Nauunawaan ang mga magulang sa lahat ng oras.

_________9. Nakagagawa ng mga bagay na ikasasaya ng magulang.

_________10. May pagmamahal sa Pamilya.

Magaling! Ikaw ay handang-handa na para sa susunod na Modyul.

-T. Pearl

You might also like