You are on page 1of 30

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan –Modyul 3:

Pagpapakita ng Kawilihan at
Positibong Saloobin sa
Pag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Pagpapakita ng Kawilihan at Positibong Saloobin sa Pag-
aaral
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marie Anthonette B. Haduca, Rina S. Pacificar,
Maricel Lanzaderas, Jane Naila M. Bayang
Editor: Imelda M. Abellar, Education Program Supervisor- EsP
Concepcion F. Palma, Public Schools District Supervisor
Nasrodin O. Ibra, Education Program Specialist II
Tagasuri: Dr. Ruby S. Buhat, School Head
Jeanette A. Gaudiano, School Head
Geunicar A. Perez, MAELT

Tagaguhit: Mabelle Ime M. Abellar, Efren S. Gella, Ariel Undong

Tagalapat: Samer Mentok, Warren Nacario, Eva Lourdes M. Anito, John B. Leonarado
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Dr. Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Asst. Regional Director
Concepcion F. Balawag, PhD, CESO V- Schools Division Superintendent
Edgar S. Sumapal - Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo P. Tingson, Jr., REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug, REPS, ADM
Jade T. Palomar- REPS, Mathematics
Dr. Pancho G. Balawag, EdD- CID Chief
Engr. Reynaldo S.E. Villan - EPS In Charge of LRMS
Vivencio O. Aniňon- Division ADM Coordinator
Imelda Manrique- Abellar, EPS, EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:

Pagpapakita ng Kawilihan at
Positibong Saloobin sa Pag-aaral
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)-

Baitang 5 Modyul 3 - Pagpapakita ng Kawilihan at Positibong Saloobin sa Pag-aaral para
sa araling:
Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng:
3.1 pakikinig
3.2 pakikilahok sa pangkatang gawain
3.3 pakikipagtalakayan
3.4 pagtatanong
3.5 paggawa ng proyekto gamit ang anumang technology tools
3.6 paggawa ng takdang aralin
3.7 pagtuturo sa iba
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5 ng Self-Learning

odule (SLM) Modyul 3 ukol sa Pagpapakita ng Kawilihan at Positibong Saloobin sa
Pag-aaral.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

3
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat ng ikaw ang nasa isip. Naririto ito upang ikaw
ay matulungang makabisado ang pagpapahalaga sa katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa balitang napakinggan, patalastas na nabasa o narinig, napanood na
programang pantelebisyon at nabasa sa internet. Nilalayon din na maisabuhay ang
pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain.

Ang kalawak ng modyul na ito ay nagbibigay karapatan sa iyo na gamitin ito sa ibat ibang
sitwasyong nakakapag-angat ng iyong kaalaman. Ang lengguwaheng ginamit ay angkop sa
magkakaibang vocabulary level ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos ayon sa
tamang pagkasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkasunod-sunod ng iyong pagbabasa
ay maaaring magbago base sa aklat na inyong kasalukuyang ginagamit.

Ang modyul na ito ay nahahati sa sumusunod na limang aralin:

• Aralin 1 – Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng pakikinig.
• Aralin 2 – Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng pakikilahok sa pangkatang gawain.
• Aralin 3 – Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan at pagtatanong.
• Aralin 4 – Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng paggawa ng proyekto gamit ang anumang
technology tools at paggawa ng takdang aralin.
• Aralin 5 - Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba.

Sa pagbabasa nitong modyul, ikaw ay inaasahang:

1. makapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain,
pakikipagtalakayan, pagtatanong, paggawa ng proyekto gamit ang anumang
technology tools, paggawa ng takdang- aralin at pagtuturo sa iba.

5
Subukin

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Paano mo maipakikita ang iyong kawilihan at positibong saloobin sa iyong

pag-aaral?
A. magdamag na maglaro sa cellphone
B. pag-aralang mabuti ang mga apps sa computer
C. makinig at makibahagi sa mga pangkatang gawain
D. Magpost ng mga magagandang larawang nakuha sa pamamasyal

2. Ano ang dapat na tandaan ng mga miyembro ng pangkat upang mabilis at

maayos na matapos ang gawain?
A. makinig sa sinasabi ng lider
B. ipagwalang bahala ang mga sinasabi ng lider
C. hayaan ang kasamang gawin ang dapat ay sa iyo naiatang
D. mamalagi sa labas hanggang matapos ng mga kasama ang proyekto

3. Bakit kailangan ang pagkamahinahon at seryosong pakikinig kapag may ginagawang

proyekto ang inyong pangkat?

A. makapag-isip ng tamang gagawin

B. makita ng mga kasama ang iyong ginagawa
C. mapansin ng lider na ikaw ay nag-iisip para sa proyekto
D. malaman ng ibang pangkat at ng guro na nakikiisa ka sa paggawa

4. Bakit kailangan nating makinig kapag may miyembro ng pangkat na nagbabahagi ng

kanyang ideya tungkol sa inyong proyekto?
A. maunawaan ang punto niya
B. mapansin ang kanyang kakulitan
C. makita ang ginagawa niyang pang-iistorbo sa pangkat
D. marinig ang maling konseptong pilit niyang pinapagawa sa pangkat

5. Ano ang kabutihang dulot ng pakikinig sa nagsasalita?

A. natatapos nang tama at sa oras ang mga gawain
B. nagagawa nang may kalidad
C. nasisiguro ang pagkakaisa
D. lahat ng nabanggit

6. Maipapakita ang kawilihan sa iyong pag-aaral sa pamagitan ng-

A. pakikilahok sa pangkatang gawain
B. magdamag na maglaro sa cellphone
C. pag-aralang mabuti ang mga apps sa computer
D. Magpost ng mga magagandang larawang nakuha sa pamamasyal

6
7. Upang mabilis at maayos na matapos ang gawain, bawat miyembro ay dapat na-
A. makiisa sa mga pangkatang gawain
B. ipagwalang bahala ang mga sinasabi ng lider
C. hayaan ang kasamang gawin ang dapat ay sa iyo naiatang
D. mamalagi sa labas hanggang matapos ng mga kasama ang proyekto

8. Ang pagkamahinahon ay dapat pairalin upang__________________________.

A. makapag-isip nang tama
B. makita ng mga kasama ang iyong ginagawa
C. mapansin ng lider na ikaw ay nag-iisip para sa proyekto
D. malaman ng ibang pangkat at ng guro na nakikiisa ka sa paggawa

9. Makinig kapag may miyembro ng pangkat na nagbabahagi ng kanyang ideya tungkol sa

inyong proyekto upang_________________________.
A. higit siyang maintindihan
B. mapansin ang kanyang kakulitan
C. makita ang ginagawa niyang pang-iistorbo sa pangkat
D. marinig ang maling konseptong pilit niyang pinapagawa sa pangkat

10. Ang kabutihang dulot ng pakikilahok sa pangkatang gawain ay ________________.

A. hindi natatapos nang tama at sa oras
B. nagagawa nang walang kalidad
C. nasisiguro ang pagkakaisa
D. lahat ng nabanggit

Gawain 2
Sagutin ng TAMA o MALi ang mga sumusunod na pahayag.
________1. Makinig nang mabuti kapag may nagsasalita.

________2. Aktibong makilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain.

________3. Makipagtalo sa kagrupo kapag hindi nasunod ang gusto.

________4. Pakinggan ang mga opinyon o ideya ng mga kasama.

________5. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro.

________6. Pagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig ay dapat maisagawa.

________7. Ang pakikipagtalakayan ay nagpapatunay rin ng kahandaan sa aralin.

________8. Dahil sa COVID 19, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng pangkatang

gawain upang maiwasan ang hawaan at pagkakasakit.

________9. Hinihikayat din ang lahat na gumamit ng internet o ng anumang

technology tools para maiwasan ang face to face encounter.

7
_______10. Dahil sa technology tools, mabilis na nating nakukuha ang mga
Impormasyong kailangan sa ating pag-aaral.

_______11. Pagkatapos ng klase, ginugugol ko ang isang oras para turuan

ang mga kaklaseng magbasa.

_______12. Pinupuntahan ko sa kanilang bahay ang mga batang nasa

lansangan upang maturuan sila ng pagbasa at pagsulat.

_______13. Hindi ko pinapalapit sa akin ang mga batang hindi marunong

sa klase.

_______14. Tinuturuan ko ang batang nakatira malapit sa aming bahay

tuwing Sabado.

_______15. Binigyan ko ng mga lumang aklat ang batang nais matutong

bumasa.

Balikan

Gawain 1
Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag.
______________1. Makinig sa mga tagubilin ng lider.

______________2. Alamin ang gawaing naiatang sa iyo.

______________3. Makibahagi sa paghahanda ng mga kagamitang kakailanganin sa

paggawa.
______________4. Makipagtulungan sa mga kasapi ng pangkat.
______________5. Magbigay ng suhestiyon kung kinakailangan.
______________6. Gawin ang gawaing naiatang sa iyo.

______________7. Ipagwalang bahala ang gawaing pampaaralan.

______________8. Pabayaan ang mga kasamang tapusin ang proyekto..

______________9. Iwasang lumahok sa mga pulong ng pangkat.

_____________10. Magtanong. Ipilit ang gusto.

______________11. Ang edukasyon ang susi sa tagumpay.

______________12. Laging unahin ang pag-aaral kaysa sa paglalaro ng computer games.

______________13. Gawin ang mga takdang aralin.

______________14. Makipagkaibigan at lagi itong uunahin kaysa sa pag-aaral.

______________15. Gawin ang mga proyektong pampaaralan.

8
Gawain 2
Sagutin ng DAPAT o HINDI DAPAT ang mga sumusunod na pahayag.

____________1. Nais ni Rita na maintindihang lalo ang aralin kaya siya nagtanong sa guro.
____________2. Gamit ang cellphone, naghanap si Frank ng magandang ideya tungkol sa
gagawing proyektong pampaaralan.

____________3. Upang manalo sa paligsahan, inilahad ni Efren ang kanyang makabagong

proyekto. Kinopya niya ito sa internet.
____________4. Agad na umuwi si Lorena pagkatapos ng klase. Nais niyang tapusin ang
proyekto upang maipasa ito kinabukasan.

____________5. Nakibahagi ako sa talakayan kanina sa paaralan kaya mas lalo kong
naintindihan ang leksiyon.
____________6. Tumutulong sa mga gawaing bahay.
____________7. Nagkukusang tapusin ang mga nasimulang gawain.
____________8. Sumusunod sa tagubilin ng mga nakatatanda.
____________9. Pinaiiral ang pagiging matapat sa lahat ng bagay.
____________10. Maging responsible sa mga ginagawa.

Tuklasin

Basahin ang mga kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Gawain 1

Ang Batang si Marcial

Tumunog ang hudyat ng pagtatapos ng klase sa EsP at ang pagsisimula naman ng

klase sa Science. Masayang iniligpit ni Marcial ang kaniyang mga gamit sa EsP at
inihanda naman ang mga gamit sa Science. May gagawing eksperiment ang klase sa
gabay ng aming guro na si G. Santos.

Pagpasok pa lang ni Sir sa aming silid-aralan ay masayang pagbati agad ang

sumalubong sa kaniya. Lalong sumaya nang isa-isa ng tinawag ni sir ang mga miyembro
sa tatlong pangkat.Hudyat iyon na magsisimula na ang kauna-unahang eksperiment.
Nasasabik akong pumunta sa aking kinabibilangang pangkat.

Nakinig kaming mabuti sa sinasabi ni Sir. Binigyang diin ni Sir ang kahalagahan ng
pakikinig upang higit na maintindihan ang mga dapat gawin. Sinulat ni Marcial ang lahat
ng mga tagubilin at ang mga hakbang o pamamaraan sa paggawa upang tumpak naming
maisagawa ang eksperiment.

9
Pinulong kami na aming lider na si Nestor. Bawat isa ay binigyan niya ng angkop na
gawain. Binigyang diin din niya ang pamantayan na dapat sundin ng pangkat.

Seryoso ang lahat sa ginagawa. Bawat isa ay nagbigay ng ideya at kumilos upang
mapaganda at maging maayos ang ginagawa. Sinundan namin ang mga hakbang o
pamamaraan na sinulat ni Marcial sa kaniyang kuwaderno. Pinag-isipang mabuti ng
pangkat ang bawat hakbang na gagawin. Nagkaisa ang pangkat sa pagbuo ng
eksperiment.

1. Bakit ecxited ang mga bata sa kanilang klase sa Science?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Bakit nabuo ng pangkat ni Marcial ang kanilang eksperiment. Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2

Si Agabai

Masayang naghanda ang mga bata dahil parating na ang kanilang guro.
May bago silang eksperiment na gagawin. Handa na ang pangkat ni Agabai.

Tahimik na naupo si Noria sa tabi ng mga kasama niya sa pangkat.

Dumating na si Mam. Hudyat na ng pagsisimula.

Nagsalita na ang lider na si Agabai. Pinulong niya ang lahat ng miyembro

ng pangkat. Nagbigay siya ng mga panuntunan. Bawat isa ay may angkop na
gawain. Pinakuha niya ang mga kakailanganing gamit. Binasa niya ang task
card. Bawat isa ay seryosong nakinig. Magaling na lider si Agabai. Sa bawat
tanong ay kaniyang ipinapaliwanag ang sagot. Sianbi niya sa bawat miyembro
ang mga dapat gawin bago nagsimula ang eksperiment.

Inalalayan niya si Noria sa paggawa. Bagong lipat kasi si Noria mula sa

kabilang paaralan. Masunurin naman si Noria. Makikitang tutok rin siya sa
paggawa. Nagbibigay rin siya ng suhestiyon na kadalasan ay tinatanggap ni
Agabai.

Seryosong nasunod ng pangkat ang bawat hakbang na nakasulat sa

task card. Nagawa ng bawat miyembro ang mga naiatang na gawain.
Matagumpay na nabuo ang eksperiment.

1. Sino ang lider ng pangkat at ano ang ginawa niya bago nagsimula ang
pangkatang gawain?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

10
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________
2. Sino si Noria? Paano siya nakatulong sa kanilang pangkat?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3

Ang Batang Matanong na si Bainalyn

Lumaking masayahing bata si Bainalyn. Masipag at masikap siya sa
kaniyang pag-aaral. Lagi siyang nangunguna sa kanilang klase.

Nagbabasa siya ng mga aklat kung siya ay nasa silid-aklatan tuwing wala
siyang klase. Agad niyang tinatanong ang guro kapag may hindi siya
naiintindihan. Lagi niyang inaalam ang sagot sa mga katanungang naglalaro
sa kaniyang isipan. Upang mas lalo niyang maintindihan ang mga bagay-
bagay, nakikipagtalakayan din siya. Nais niyang marinig ang punto ng
kaniyang mga kausap o katunggali.

Isang araw, ipinahahanda siya ng kanyang guro para sa pagkakaroon ng

debate sa kanilang baitang. Siya ang napili sa kanilang seksiyon. Siya at si
Maila ang magkakatunggali.

Nag research siya bilang paghahanda. Nagtanong-tanong din siya tungkol

sa pansariling pananaw ng iba tungkol sa tema. Nakipagtalakayan din siya sa
ilang guro tungkol sa tema bilang paghahanda.

Araw ng debate, nakinig siyang mabuti sa tanong bago siya nagbigay ng

sariling pananaw at kuro-kuro. Halos masaid ang oras na nakalaan para sa
kaniya.

Masayang tinanggap ni Bainalyn ang gantimpala.

1. Ano –ano ang mga katangian ni Bainalyn?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang ginawa niyang paghahanda para sa nalalapit na debate?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Ano ang ginawa niya bago sinagot ang tanong?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

11
Gawain 4

Ang Tulong ng Technology Tools

Nagmamadaling umuwi ng bahay si Lorna. Inihanda niya ang mga gamit

para sa gagawing teleconferencing . Ito kasi ang proyekto ng kanyang
pangkat. Bilang lider, nanguna siya sa pagsasaayos ng lahat upang
maisagawa ang proyekto. Pinag-usapan ng pangkat nila na gawaing
makabuluhan ang gagawing teleconference. Kaya napagkasunduan nilang
imbitahin ang kapitan ng barangay.

Pag-uusapan sa teleconference ang tungkol sa mga dapat gawin upang

maiwasang mahawa ng corona virus ang mga tao sa kanilang lugar at ang
kinakailangang tulong mula sa barangay.

Maraming iminungkahing paraan si Kapitan upang maiwasang mahawa

sa corona virus. Nangako rin siya na magbibigay ng tulong tulad ng bigas,
alcohol, hand sanitizers at face masks sa bawat pamilya.

Dahil sa technology tools, naiparating ng pangkat ang hinaing ng mga tao.

Nasabi rin nila ang mga kinakailangang tulong.

Masayang natapos ang teleconference. Pinuri ni Mam ang aming pangkat

dahil sa nasaksihan niya.

Kinabukasan, dumating ang ilang trak ng bigas mula kay kapitan.

“Tiyak ko na ang panalo ng aming pangkat dahil may tugon na sa aming
panawagan.”, ang bulong sa sarili ni Lorna.

1. Bakit nagmamadaling umuwi ng bahay si Lorna?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano-ano ang pag-uusapan sa teleconference?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Sino ang nais nilang kunin bilang panauhin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

12
Gawain 5

Ang Magkaibigang sina Lily at Lindy

Ang magkaibigang sina Lily at Lindy ay nasa ikalimang baitang. Pareho
silang masipag mag-aral. Sabay silang pumupunta sa sild-aklatan bago
umuwi pagkatapos ng klase.
Isang araw ng Martes, habang pauwi, napag-usapan nila ang proyektong
dapat maipasa sa Lunes. Nakiusap si Lily kay Lindy na turuan siya kung
paano gawin ang proyektong iyon. Agad namang pumayag si Lindy.

“Pumunta ka sa aming bahay sa Sabado. Sabay nating gawin ang ating

proyekto,” sabi ni Lindy. Agad ding pumayag si Lily. “Sige, sasabihin ko kay
nanay.”

Tuwing Sabado mula noon ay pumupunta na si Lily sa bahay nina Lindy

upang mag-aral. Tinuturuan din siya ni Lindy sa Reading and
Comprehension.

Tuwang-tuwa naman ang kani-kanilang mga magulang sa pagiging

malapit nila sa isa’t-isa.

Nang dumalo sa isang programang pampaaralan ang nanay ni Lily,

agad itong lumapit kay Lindy. “ Nagpapasalamat ako dahil itinuring mong
parang kapatid si Lily. Salamat sa paggabay sa anak ko at pagtulong upang
lalo pa niyang pag-ibayuhin ang pag-aaral.”

1. Mahalaga ba ang pagtulong sa kapwa?Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang kasabihang “ May tagumpay kapag nagtutulungan.”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Base sa kuwentong binasa, paano mapapatunayan ang kahalagahan ng pagtulong

sa kapwa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

13
Suriin
Gawain 1
Ang Batang si Marcial

Sang-ayon ka ba sa mga ginawa ng pangkat ni Marcial? Sagutin ng OO o HINDI.

____________1. Nakinig nang mabuti sa sinasabi ng guro upang higit na maintindihan
ang mga dapat gawin.

____________2. Mahalaga ang pakikinig dahil makukuha mo nang wasto ang kaniyang
sinasabi.

____________3.Narinig mo ang tamang detalye at pahayag kaya masusundan mo.

____________4. Mapagtatagumpayan ang ginagawa dahil alam mong nasunod ang mga
sinabi ng guro.

_____________5. Aani ng papuri mula sa guro at mga kaklase dahil nagawa ng tama ang
proyekto sapagkat ang lahat ng miyembro ay nakinig nang mabuti.

Gawain 2
Si Agabai
1. Nakatulong ba ang baguhang si Noria sa pangkat? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano ang unang ginawa ng lider na si Agabai?
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Naipakita ba ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan
ng pakikilahok sa pangkatang gawain? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________

Gawain 3
Ang Batang Matanong na si Bainalyn

1. Naipakita ba ni Bainalyn ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral?

Ipaliwanag.
2. Sa inyong palagay, bakit kaya siya nakatanggap ng gantimpala?
3. Anong makukuha natin kapag tayo ay nagtatanong o nakikipagtalakayan
tungkol sa mga bagay-bagay?
4. Dapat bang tularan si Bainalyn? Ipaliwanag.
5. Paano mo ipakikita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral?
Ipaliwanag.

14
Gawain 4
Ang Tulong ng Technology Tools

1.Anong masasabi mo tungkol sa tulong ng technology tools sa pangkat ni Lorna?

Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2.Sa iyong palagay, nagamit ba ng tama nina Lorna ang technology tools? Sa paanong
paraan?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3.Naipakita ba nina Lorna ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa

pamamagitan ng paggawa ng takdang aralin at proyekto gamit ang technology tools?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 5
Ang Magkaibigang sina Lily at Lindy

1.Bakit mahalaga ang tumulong sa kapwa?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2.Ano-ano ang iyong maimumungkahi upang maipakita ang saloobin sa pagtulong sa
kapwa?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Paano maipapakita ang kahalagahan ng pagtuturo sa iba?

15
Pagyamanin

Gawain 1
Tapusin ang mga sumusunod na pahayag :

1.Ang batang si Marcial ay dapat kong tularan dahil________________________

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2.Naipapakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral pamamagitan
ng__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3.Ang pakikinig sa guro ay___________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4.Ang pakikinig sa nagsasalita ay
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5.Ang batang matapat ay
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
6.Ang batang si Noria ay dapat kong tularan dahil____________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7.Naipapakita ang kawilihan at positibong saloobing sa pag-aaral sa pamamagitan
ng_______________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
8.Ang pakikilahok sa pangkatang gawain ay____________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
9.Nagpapakita rin ng kawilihan sa pag-aaral ay ______________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
10.Ang batang matapat ay___________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

16
Gawain 2
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.
___________1. Pag-aralan nang mabuti ang aralin upang makasagot sa mga
tanong.
___________2. Nais mong maintindihan ang panuto kaya nais mong
magtanong.
___________3. Mahinahon mong talakayin ang iyong inihandang report.

___________4. Mapagkumbaba mong ipaliwanag ang sagot sa kanilang

tanong.
___________5. Ang pakikipagtalakayan ay ang pagbibigay mo ng iyong
pananaw tungkol sa isang bagay na iyong nalalaman at
pinaniniwalaan.
___________6. Makipag-away upang hindi matanong ng mga nakikinig.
___________7. Dahan-dahang ibigay ang iyong ideya upang maintindihan.
___________8. Ipakita ang kawilihan sa pag-aaral sa pamamagitan ng
pagtatanong.
___________9. Naipakikita rin ang positibong saloobin sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan.
___________10. Mag-aral upang gumanda ang kinabukasan.

Gawain 3
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng technology tools sa
buhay ng mag-aaral. Banggitin ang aral na makukuha sa karanasang ito.
Gamitin ang rubric bilang gabay.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Kraytirya Napaka Mahusay Hindi Kailangang Marka

husay (3) Gaanong magsanay
(4) mahusay Pa
(2) (1)
Walang May 1-5 May 6-10 Higit sa 11
mali mali mali ang mali
1.Naaayon sa paksa ang
nilalaman
2. May kapupulutan ng
aral
3. Gamit ng salita at
pagkakasulat ng talata
Kabuuang marka
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

17
Gawain 4

Basahin ang bawat sitwasyon. Ano ang dapat mong gawin?Isulat sa loob ng kahon
ang iyong sagot.

1. Nangangailangan ng tulong ang iyong kapatid dahil nahihirapan siyang

intindihin ang kanyang takdang aralin.

2. Napansin mong nasa isang sulok lamang ang iyong kaklase at napansin mong
nahihirapan siyang intindihin ang inyong aralin.

3. Ang inyong pangkat ay nagpupulong para sa gagawing proyekto.

4.Inatasan ka ng iyong guro na tulungan ang iyong kaklase na gumawa ng

kanyang takdang aralin.

5.Napansin mong hirap ang kasama mo sa inatas na gawain sa inyo,ikaw ay tapos

na at patingin-tingin na lang.

Isaisip

Mga mahahalagang pamamaraan upang maipakita ang kawilihan at positibong

saloobin sa pag-aaral ay sa pamamagitan ng:

1. pakikinig
2. pakikilahok sa pangkatang gawain
3. pakikipagtalakayan
4. pagtatanong
5. paggawa ng proyekto gamit ang technology tools
6. paggawa ng takdang aralin

18
7. pagtuturo sa iba

Isagawa

Gawain 1

Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapahiwatig ng positibng

saloobin at iguhit naman ang malungkot na mukha kung hindi.

__________1.Makinig nang mabuti kapag may nagsasalita.

__________2.Intindihing mabuti ang mga narinig.

__________3.Makipagtalo sa mga kasama sa pangkat kapag hindi nasunod ang gusto.

__________4.Pakinggan ang opinyon o ideya ng mga kasama.

__________5.Sumalungat sa napagkasunduan.

__________6. Sa pangkatang gawain, inaasahan ang partisipasyon ng bawat miyembro

__________7.Aktibong makilahok sa talakayan at pangkatang gawain.

__________8. Hinihikayat ang bawat miyembro na magtanong kung may hindi

naintindihan.

__________9. Tiyakin na tama ang ginagawa upang maging matagumpay ang

proyektong sinimulan.

__________10. Huwag iasa sa kasama ang naiatang sa iyo na gawain.

Gawain 2
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung nagpapahayag ito ng positibong saloobin sa pag-
aaral at ekis (x) naman kung hindi.

__________1. Ang pakikipagtalakayan ay isa sa mga paraan upang maipakita ang

kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.
__________2. Dapat sabihin nang maayos sa kausap o katunggali ang iyong mga
ipinaglalabang saloobin.
__________3. Ang pagtatanong ay ang paghingi ng mga kasagutan sa mga
malabong kaisipan o ideya.
__________4. Dapat hingiin ang mga paliwanag sa mga malabong kaisipan o
ideya.
__________5. Ang pagiging mahinahon ay dapat maipakita kahit magkasalungat
ang ideya ng dalawang magkatunggali.

19
Gawain 3
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon na nagsasaad ng hindi mabuting saloobin
sa pag-aaral. Iwasto ang mga sitwasyon batay sa inyong pang-unawa.

1. Pumasok sa paaralan si Alma na hindi naligo at madumi ang uniporme. Tanghali na

kasi siyang nagising at mahuhuli na siya sa klase kung siya ay maliligo pa.
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Maingay ang klase ni Bb. Estrella.Bago siya lumabas ay nag-iwan siya ng gawain.
Inatasan niya si Julio na mangasiwa muna sa mga kamag-aral at magpatahimik.
Subalit siya ang pasimuno sa pag-iingay.
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nagbigay ng takdang-aralin ang guro na si Gng. Lanzaderas tungkol sa pangangalap
ng impormasyon sa malimit na pagbaha sa lugar nila Margo. Kinakailangan nilang
kausapin ang mga taong may kaugnayan dito. Subalit hindi nakasama si Margo
dahil may pupuntahan sila ng kaniyang mga kaibigan.
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Nagkaroon ng pangkatang gawain si Gng. Bajo. Inatasan ng guro na maging lider
ang isang kagrupo ni Tanya. Nawalan ng gana sa gawain si Tanya dahil alam niya
na mas magaling siya kaysa sa kaklase niya. Kaya imbes na makiisa sa gawain ,
hindi siya tumulong at nakikipagkuwentuhan pa siya sa katabi.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 4

Sagutin ng MABUTI o DI-MABUTI ang mga sumusunod na pahayag.

____________1. Sabay na nag-aaral ng leksiyon ang magkaklase.

____________2. Pagkatapos ng klase, ubusin ang oras sa paglalaro gamit ang cellphone.

____________3. Magkulong sa silid upang maghapong gamitin ang cellphone.

____________4. Hikayatin ang kaklaseng mag-aral ng leksiyon.

____________5. Gugulin ang natitirang oras sa pagtuturo sa mga kaklaseng nahihirapang
magbasa.

20
Tayahin

Gawain 1
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunodna pahayag.

________1. Ipakita ang kawilihan sa pakiking sa pamamagitan ng pagsulat sa

kuwaderno ng mga mahahalagang impormasyong narinig.
________2. Habang seryosong nakikinig si Wilma sa nagsasalitang guro, sinusulat niya
ang mga bagay na makabuluhan para sa kanya.
________3. Laging isaisip na makinig nang mabuti bago simulan ang isang proyekto.
________4. Bago pumasok sa klase ang magkaibigan, pinaalalahanan ni Salem si
Haguiar na makinig sa guro.
________5. Malungkot na umupo si Randy. Mali ang kanyang sagot. Hindi niya
Nasunod ang sinabing panuto ng guro dahil nakikipag-usap siya sa katabi
habang nagbibigay ang guro ng panuto.
________6. Ipakita ang kawilihan sa paggawa sa mga kasama sa pangkat.
________7. Makiisa sa mga gawain upang mabilis itong matapos.

________8. Tumulong at maging handa sa gagawin.

________9. Magsimula ng gulo upang hindi mapilitang gawin ang naiatang na gawain.
________10. Hindi pagsunod sa lider ng pangkat.

________11. Dapat na maipakita ang pagkamahinahon habang nagpapaliwanag

________12. Kooperasyon ay isa sa mga sanhi ng matagumpay na talakayan.

________13. Ang pagiging magagalitin ay sagabal sa pakikipagtalakayan.

________14. Makinig sa sinasabi ng iba upang maunawaan ang opinion nila.

________15. Ang pagtatanong ay susi sa pagkakaroon ng kaalaman.

________16. Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa ay kinagigiliwan ng lahat.

________17. Ang pagtulong upang ang isang bata ay matutong magbasa ay isang
mabuting gawain.
________18. Di dapat ipagmayabang ang angking galing.

________19. Hindi dapat balewalain ang mga mahihina sa klase.

________20. Bigyang halaga ang mga kaklaseng mahihirap na pumapasok sa paaralan.

21
Gawain 2
Ipaliwanag.
.
1. Anong masasabi ninyo tungkol sa tulong ng technology tools sa pangkat ni Lorna ?
Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Sa inyong palagay, nagamit ba nang tama nina Lorna ang technology tools sa? Sa paanong
paraan?

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Naipakita ba nina Lorna ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa

pamamagitan ng paggawa ng takdang aralin at proyekto gamit ang technology tools?
Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Gawain 1
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

___________1. Pag-aralan nang mabuti ang aralin upang makasagot sa mga tanong.
___________2. Nais mong malaman ang tiyak na sagot kaya nais mong magtanong.
___________3. Mahinahon mong talakayin ang iyong inihandang report.
___________4. Mapagkumbaba mong ipaliwanag ang sagot sa kanilang
___________5. Ang pakikipagtalakayan ay ang pagbibigay mo ng iyong tanong.
pananaw tungkol sa isang bagay na iyong nalalaman at
pinaniniwalaan.
___________6. Makipag-away upang hindi matanong ng mga nakikinig.
___________7. Dahan-dahang ibigay ang iyong ideya upang maintindihan.
___________8. Ipakita ang kawilihan sa pag-aaral sa pamamagitan ng
pagtatanong.

22
___________9. Nakikita rin ang positibong saloobin sa pamamgitan ng
pakikipagtlakayan.
___________10. Mag-aral upang gumanda ang kinabukasan.

23
Gawain 2
Basahin nang mabuti upang maunawaan at magawa nang tama.
Anong pangkatang gawain ang naranasan mo na ginawa mo nang may kawilihan,
kooperasyon at pagkamahinahon? Ipaliwanag ang naging karanasan mo sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
1. Sa anong pangkat ka napabilang?
___________________________________________________________________________
2. Sino ang naging lider ng pangkat at sino-sino ang naging kabilang sa pangkat.
___________________________________________________________________________
3. Ano ang layunin ng inyong pangkat?
_________________________________________________________________________
4.Nagawa ba ninyo ang dapat? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
5.Ano ang pinaka magandang nagawa mo para sa pangkat?

Gawain 3
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sumusunod na paksa.Banggitin ang aral na
matututunan dito. Pansinin ang rubrik na gagamitin para sa iyong marka.
Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay
Kraytirya Napaka Mahusay Hindi Kailangang Marka
husay (3) Gaanong magsanay
(4) mahusay Pa
(2) (1)
Walang May 1-5 May 6-10 Higit sa 11
mali mali mali ang mali
1.Naaayon sa paksa
ang nilalaman
2. May kapupulutan ng
aral
3. Gamit ng salita at
pagkakasulat ng talata
Kabuuang marka

1. Karanasan sa pagiging kabilang sa isang pangkat. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapakita

ng mga positibong pag-uugali para sa ikatatagumpay ng gawain.
2. Naranasan mo na bang makipagtalakayan o magtanong at hindi ka man lang sinagot o
pinansin? Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa karanasang ganito at sabihin ang aral na
iyong natutunan.

3. Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng technology tools sa buhay ng mag-

aaral. Banggitin ang aral na makukuha sa karanasang ito.

4. Naranasan mo na bang magturo sa iba? Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa karanasang

ganito at sabihin ang aral na iyong natutunan.

24
Gawain 4
1.Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa iyong karanasan sa pagiging kabilang sa isang
pangkat. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pakikinig at pagpapakita ng mga positibong pag-
uugali para sa ikatatagumpay ng gawain. Magbigay ng suhestiyon para sa mas epektibong
pamamaraan sa paggawa gamit ang seryosong pakikinig. Banggitin ang aral na natutunan.
Pansinin ang rubrik.

Rubrik sa Paggawa ng Repleksiyon

Kraytirya Napaka Mahusay Hindi Kailangang Marka
husay (3) Gaanong magsanay Pa
(4) mahusay (1)
(2) Higit sa 11
Walang May 1-5 mali May 6-10 ang mali
mali mali
1.Naaayon sa paksa ang
nilalaman
2. May kapupulutan ng
aral
3. Nagbibigay ng mga
payo o paraan ng

____________________________________________________________________

25
Susi sa Pagwawasto

26
Sanggunian

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon- Batayang Aklat

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon- Manwal ng Guro

27
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa anumang puna, komento o rekomendasyon, makipag-ugnayan

sa:
Department of Education–SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/(083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like