You are on page 1of 18

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Grace R. Galo


Editor: Marilyn P. Nicolas
Tagasuri: Dolores B. San Jose, Melda C. Medina, Alda B. Nabor,
Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno - CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805

ii
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling - Ang Pilipinas ay Isang
Bansa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa - Ang Pilipinas ay Isang Bansa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

ii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Isang masayang pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaapat na Baitang! Sa


Ikatlong Baitang ay naipagmalaki mo ang pagiging bahagi ng rehiyong
kinabibilangan. Higit mo ngayong maipagmamalaki ang pagiging bahagi
mo ng bansang Pilipinas. Bilang isang bata, ikaw ay nakapaglalaro,
nakapag-aaral at nakapagpapahayag ng iyong nararamdaman.
Nagagawa mo ang lahat ng ito dahil naninirahan ka sa isang bansang
malaya tulad ng Pilipinas.
Bakit nasabing isang bansa ang Pilipinas? Iyan ang aalamin natin.
Sa araling ito, inaasahang matatalakay mo ang konsepto ng bansa.

Subukin
Basahing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang grupo ng
mga tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan?
A. bansa C. teritoryo
B. pook D. soberanya
2. Alin sa mga sumusunod ang grupong naninirahan sa loob ng isang
teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa?
A. tao C. teritoryo
B. soberanya D. pamahalaan
3. Alin ang tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan?
A. tao C. teritoryo
B. soberanya D. pamahalaan

4. Ang ____________ ay isang samahan o organisasyong politikal na


itinataguyod ng grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at mapanatili ang isang sibilisadong lipunan. Ano ito?

1
A. tao C. teritoryo
B. soberanya D. pamahalaan
5. Ano-ano ang 4 na elemento o katangiang taglay ng isang bansa
upang maituring ito na isang bansa?
A. tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya
B. teritoryo, tao, ekonomiya, pook
C. istruktura, pamahalaan, ekonomiya, tahanan
D. soberanya, ekonomiya, istruktura, tao
6. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa teritoryo ng bansa, maliban
sa isa. Ano ito?
A. kalawakan C.lupain
B. katubigan D. kalsada
7. Ano ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng programa nang
hindi pinakikialaman ng ibang bansa?
A. soberanya C. pamahalaan
B. lipunan D. bansa
8. Anong anyo ng soberanya ang tumutukoy sa pangangalaga ng
sariling kalayaan?
A. panloob na soberanya C. panlabas na
soberanya
B. soberanya D. kalayaan
9. Ano ang sentro ng pamahalaan ng Pilipinas?
A. Mababang Kapulungan C. Kataas-taasang
Hukuman
B. Lokal na Pamahalaan D. Palasyo ng
Malacañang
10. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mga pangangailangan
ng mga mamamayan?
A. pangulo B. pamahalaan C. kamag-anak D. simbahan

2
Aralin

1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa

Tuklasin
Basahin ang maikling tula. Bilugan ang mga salitang nagsasabi na ang
Pilipinas ay isang bansa.
Pilipinas, Isang Bansa
ni Ynnos Azaban

Pilipinas, isang bansa


Tao’y tunay na malaya
Mayroong namamahala
May sariling teritoryo
Para talaga sa tao.

3
Suriin
Ang Pilipinas ay isang bansa sapagkat ito ay isang lugar o teritoryo
na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggagalingan kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon at lahi. Ito ay may pamahalaang naglalayong magtatag
at magpanatili ng kaayusan ng isang sibilisadong lipunan at may
soberanya o ganap na kalayaang mamahala at magpatupad ng mga
programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
Ang isang estado ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng
apat na elemento ng pagkabansa - tao, teritoryo, pamahalaan at ganap
na kalayaan o soberanya.

•Tao
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo
na bumubuo ng populasyon ng bansa.

•Teritoryo
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama
na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao
at pinamumunuan ng pamahalaan. Ang pambansang teritoryo ng
Pilipinas batay sa Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987, ay binubuo ng
kapuluan ng Pilipinas. Kasama rito ang lahat ng mga pulo at mga
karagatang nakapaloob dito. Kasama rin ang lahat ng iba pang mga
teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas.
Kasama ang dagat teritoryal, ang ilalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa,
ang mga kalapagang insular at iba pang pook submarina nito. Ang dagat
at karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng
mga kapuluan maging ano man ang lawak ng dimensyon, ay bahagi ng
panloob na dagat at karagatan ng Pilipinas.

4
•Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan ng o organisasyong politikal na
itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan
at mapanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas
ay pinamumunuan ni Pangulo Rodrigo Roa Duterte mula noong Hunyo
30, 2016 hanggang sa kasalukuyan.

•Soberanya o Ganap na Kalayaan


Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kanyang nasasakupan.
Tumutukoy din ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang
hindi pinakikialaman ng ibang bansa. Dalawa ang anyo ng soberanya –
panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga
ng sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkilala ng ibang
bansa sa kalayaang ito.
Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit
pang kulang sa alin man sa apat na binanggit na elemento o katangian.
Sa kasalukuyan, may mahigit 200 na bansa ang nagtataglay ng apat na
elemento ng pagiging ganap na bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga
bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang
United States of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia at
China.

Pagyamanin
Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ang bilang ng
pangungusap na nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa.
____1. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas.
_____2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa.
_____3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa
7100 isla.

5
_____4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
_____5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang wika.

Isaisip
•Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao
na may magkakatulad na kulturang pinanggagalingan kung saan makikita
ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.
•Ang isang lugar ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa — tao, teritoryo, pamahalaan at ganap na
kalayaan o soberanya.
•Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahang tao, may
sariling teritoryo,may pamahalaan at may ganap na kalayaan.

Isagawa
Iguhit ang saranggola sa papel .Isulat sa apat na bahagi ng saranggola
ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar upang matawag
itong bansa.

1. 2.

3. 4.

6
Tayahin
Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo ng populasyon ng bansa?
A. pamahalaan C. tao
B. teritoryo D. soberanya
2. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito na tinitirhan ng mga tao.
A. teritoryo C. soberanya
B. kalayaan D. bansa
3. Anong samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng grupo
ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ang isang
sibilisadong lipunan.
A. bansa C. tao
B. pamahalaan D. teritoryo
4. Bakit maituturing na bansa ang Pilipinas?
A. dahil ito ay may kalayaan
B. dahil may mga naninirahang mga tao rito
C. dahil may pangulo ng bansa
D. dahil ito ay may tao, teritoryo, pamahalaan at kalayaan
5. Ano ang tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan?
A. soberanya o ganap na kalayaan C. teritoryo
B. tao D. pamahalaan

7
6. Aling elemento ng pagkamakabansa ang tumutugon sa
pangangailangan ng mga nangangailangan?
A. tao C. teritoryo
B. kamag-anak D. pamahalaan
7. Paano masasabing may ganap na kalayaan o soberanya ang bansa?
A. pinamumunuan ng pangulo ng ibang bansa
B. malayang makapaglayag sa ibang bansa
C. hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa
D. sinasakop ng ibang bansa ang teritoryo
8. Sino ang namamahala sa pamahalaan ng isang bansa?
A. alkalde C. gobernador
C. pangulo D. punong mahistrado
9. Anong anyo ng soberanya ang tumutukoy sa pangangalaga ng
sariling kalayaan?
A. kalayaan C. soberanya
B. panloob na soberanya D. panlabas na soberanya
10. Bakit hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa ang Pilipinas?
A. dahil ito ay isang bansa
B. dahil ito ay may ganap na kalayaan o soberanya
C. dahil ito ay binabantayan ng pamahalaan
D. dahil ipinagtatanggol ito ng mga mamamayan

8
Karagdagang Gawain
Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa. Iguhit ang bandila sa
papel (bondpaper). Isulat sa itaas na bahagi ang sarili mong
pagpapakuhulugan sa isang bansa. Isulat naman sa ibabang bahagi ang
dahilan kung bakit isang bansa ang Pilipinas. Sundin ang nasa ibaba.

Ang isang bansa ay _________________________________________


_________________________________________________________.

Isang bansa ang Pilipinas dahil ________________________________


_________________________________________________________.

9
10
TAYAHIN
1. C ISAGAWA
2. A Tao
3. B Teritoryo
4. B Pamahalaan
5. A Soberanya
6. D
7. C
8. C
9. B
10. B
PAGYAMANIN TUKLASIN SUBUKIN
1. ✅ Mga salitang 1. A 8. A
dapat bilugan
2. ✅ 2. A 9. D
TAO
3. ✅ 3. B 10. B
MALAYA
4. ✅ 4. D
NAMAMAHALA
5. ✅ 5. A
TERITORYO
6. D
7. A
Susi sa pagwawasto
Sanggunian
• 2015. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang. Araling Panlipunan
Kagamitan ng Mag-aaral 4. Pilipinas. Vibal Group Inc.

•Map of the Philippines


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shuttersto
ck.com%2Fsearch%2Fphilippines%2Bdrawing&psig=AOvVaw0_3ZXbx
KeKiz1XnIgIFCTL&ust=1592380253631000&source=images&cd=vfe&v
ed=0CAIQjRxqFwoTCICV7e7sheoCFQAAAAAdAAAAABAD

11

You might also like