You are on page 1of 21

Quarter 3 - Module 1

Home Economics

1
EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Modyul 1: Home Economics
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module


Author/s: Almira R. Labastilla, Annie Mae C. Vale
Reviewers: Danilo P. Arroyo, EPS-EPP
Anelyn G. Engracia, PSDS
Renato C. Cagbabanua, PSDS
Selena O. Macas, PSDS
Jocelyn G. Rusiana, ESHT III

Illustrator and Layout Artist: Desi G. Aninao, PDO II


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Danilo P. Arroyo, EPS-EPP
May P. Edullantes, EPS-LRMDS
Anelyn G. Engracia, PSDS
Renato C. Cagbabanua, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

i
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 3 - Module 1
Home Economics

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by teachers, school heads and education program supervisors of the
Department of Education – Ozamiz City Division. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippine

ii
Talaan ng Nilalaman

Tungkol Saan ang Modyul na Ito............................................................................................... i


Alamin .......................................................................................................................................... ii
Icons ng Modyul ......................................................................................................................... iii

Subukin ...................................................................................................................................... iii

Aralin 1: Mga Pagbabagong Pisikal sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga at


Pagbibinata
Alamin ................................................................................................................
Tuklasin..............................................................................................................
Suriin ..................................................................................................................
Pagyamanin.......................................................................................................
Suriin ..................................................................................................................
Pagyamanin.......................................................................................................
Tuklasin …. ........................................................................................................
Isaisip .................................................................................................................
Aralin2: Wastong Pag-uugali At Pag-iwas sa Panunukso
Balikan ...............................................................................................................
Alamin ................................................................................................................
Tuklasin............................................................................................................
Suriin ................................................................................................................
Pagyamanin.....................................................................................................
Isaisip ………………………………………………………….
Isagawa............................................................................................................
Batayan sa Pagwawasto ......................................................................................................
References ..............................................................................................................................

iii
Tungkol Saan ang Modyul na Ito

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpapakilala ng paksa at pagpapaunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga Gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

Alamin

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa


panahon ng pagdadalaga at pagbibinata at ang maaring epekto nito sa bawat indibidwal.

Iba – iba ang mga nararanasan sa pagbabagong pisikal ng babae at lalaki. Kailangan na
malaman mo ang mga ito upang maisaisip ang mga dapat gawin kapag nakakaranas ng
pagbabago sa sarili. Sa pamamagitan nito maari mong maiwasan ang mga posibleng
panunukso na mararanasan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata

iv
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa isyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


Isaisip
natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga Gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman matapos na


Tayahin tatalakay ang aralin. Sa pamamagitan nito masusuri kung
ano na ang iyong natutunan.

Ito ay nagbibigay ng mga tamang sagot sa Gawain at


MgaSagot pagtatasa.

v
Aralin Mga Pagbabagong Pisikal sa Sarili
sa Panahon ng Pagdadalaga at
1 Pagbibinata

Subukin

Subukin natin kung taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang happy face icon kung ginagawa mo ito sa iyong sarili o
at sad face icon hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Naliligo araw-araw.

2. Nagsisipilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw pagkatapos


kumain.

3. Nililinis at pinuputol ang mga kuko sa kamay at paggamit nang


nail cutter.

4. Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at pagkatapos


gamitin ang palikuran.

5. Hindi nagpapalit ng damit panloob at medyas araw-araw.

6. Kumakain lagi ng junk foods.

7. Nag-eehersisyo araw-araw.

6
Alamin

Sa modyul na ito, pag-aralan mo ang mga.

Layunin

1. Naipapaliwanag ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata:

1.1 Natutukoy ang mga pag-babagong pisikal sa sarili tulad ng pagkakaroon ng taghiyawat,
pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan at labis na pagpapawis.

1.2 Natatalakay ang mga paraang dapat isagawa sa panahon ng pagbabagong pisikal (paliligo
at paglilinis ng katawan.( EPP5HE0a-2 )

Balikan

Balikan natin ang nakaraang leksiyon kung may natutunan ba kayo. Lagyan ng tsek
kung pansarili o pampamilya ang mga kagamitang nakahanay.

Kagamitan Pansarili Pampamilya


1. mouthwash
2. toothpaste
3. hair dryer
4. tuwalya
5. sipilyo
6. suklay
7. pulbos
8. bimpo
9. sabon
10. shampoo

7
Tuklasin

GAWAIN:

• Ano-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mga nagdadalaga ?


• Ano-ano naman ang mga pagbabagong nagaganap sa mga nagbibinata?
• Naranasan mo din ba ang mga ito?

Tuklasin natin ngayon ang mga pagbabagong pisikal habang nagdadalaga at


nagbibinata. Isulat ang letrang B kapag ito ay pagbabago ng babae at L kung pagbabago ng
lalaki at BL kapag parehong pagbabago ang nararanasan.

____1. Nagkakahugis ang baywang at lumalapad ang balakang.

____2.Tumatangkad.

____3. Paglitaw ng gulunggulungan (Adam’s apple).

____4.Pinamumukulan ang dibdib.

____5. Lumalaki at pumipiyok ang boses.

____6. Nagiging oily ang buhok.

____7. Tinutubuan ng buhok sa kilikili.

____8. Lumalapad ang balikat

____9. Nagiging oily ang balat at maaring pagmulan ng taghiyawat.

___10. Tinutubuan ng bigote at balbas.

8
Suriin

GAWAIN: Basahin at Matuto!

Maraming pagbabago ang nagaganap kapag nagdadalaga at nagbibinata sa edad


na 10 hanggang 16. Ito ay nagsisimula sa glandulang malapit sa utak na tinatawag na
pituitary gland. Gumagawa ito ng chemical o hormones na kailangan sa paglaki.
Magkaiba ang nararanasan sa pagbabago ng babae at lalaki dahil sa hormones na
tinataglay. Ang hormones ng babae ay tinatawag na estrogen at testosterone naman sa
lalaki.

Nagdadalaga
1. Tumatangkad
2. Nagkakahugis ang baywang at lumalapad ang balakang
3. Pinamumukulan ang dibdib
4. Unti-unting nawawala ang baby fats sa mukha at leeg.
5. Magpapawis ang katawan na maaring pagmulan ng masamang amoy
6. Tinutubuan ng buhok sa kilikili at paligid ng ari
7. Nagkakaroon ng buwanang regla
8. Mas nagiging oily ang buhok
9. Nagiging oily ang balat at maaring pagmulan ng taghiyawat

Nagbibinata
1. Lumalapad ang balikat
2. Tumatangkad at bumibigat ang timbang
3. Lumalaki at pumipiyok ang boses
4. Tinutubuan ng bigote, balbas, buhok sa kilikili, at paligid ng ari
5. Nagpapatuli para sa kalinisan
6. Paglitaw ng gulunggulungan (Adam’s apple)

9
Basi sa nabasa, sagutin ang mga tanong.

1. Paano nagsimula ang pagbabago ng isang nagdadalaga at nagbibinata?

2. Ipaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng pagbabago sa lalaki at babae?

3. Ano-ano ang mga pagbabagong parehong nararanasan ng nagdadalaga at


nagbibinata? Bakit pareho nila itong nararanasan?

4. Itala iba’t iba pang pagbabago na maaring maranasan ng isang nagdadalaga at


nagbibinata.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagbabagong nararanasan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata?

10
Pagyamanin

GAWAIN: Ano Ang Mga Gusto Mong Malaman ?

Panuto: Gamit ang internet. Para sa mga babae, magsaliksik ng mga paraan upang
mapangalagaan ang katawan sa panahon ng pagreregla. Para naman sa mga lalaki,
magsaliksik ng mga paraan upang mapangalagaan ang katawan sa panahon ng pagtutuli.

Isaisip

GAWAIN: Ano Ang Natutunan Ko?

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat hanay tungkol sa pagbabagong nagaganap sa isang
nagdadalaga at nabibinata.

Pagbabago sa Nagdadalaga Pagbabago sa Nagbibinata


1. 1.
2. 2.
3. 3.

4. 4.
5. 5.

Isagawa

Taglay mo ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Panuto: Isulat ang P kung ang isinasaad ng pahayag ay nagpapakita ng epekto ng
pagbabagong pisikalal at E kung ang isinasaad ng pahayag ay nagpapakita ng epekto ng
pagbabagong emosyonal.

____________1. Nanakit ang dibdib dahil sa paglaki ng dibdib ( sa babae )


____________2. Madaling pagpawisan.
____________3. Nagiging palaayos sa katawan at pananamit.
____________4. Sumasakit ang ulo at minsan ay nahihilo.

11
____________ 5. Nagkakaroon ng hinahangan at ginagawang modelo sa pananamit at
pagkilos.
____________ 6. Nagsisimulang humanga sa opposite sex.
____________ 7. Malimit na mauhaw, malakas kumain, at mahimbing matulog.
____________ 8. Nahihilig sa pakikinig sa mga bagong tugtugin.
____________9. Nagkakaroon ng interes sa pakikitungo sa iba.
____________10. Mabilis, maliksi, malakas, masigla, at aktibo.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay
tama at Mali kung ito ay mali ang pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

______1. Estrogen ang tawag sa hormones na taglay ng isang babaeng nagdadalaga.


______2. Ang mga lalaki ang nagkakaroon ng buwanang regla.
______3. Tinutubuan ng bigote ang mga babae.
______4. Lumilitaw ang gulunggulungan ng isang lalaking nagbibinata.
______5. Nagkakahugis ang baywang at lumalapad ang balikat ng mga babae kapag
nagdadalaga.
______6. Testosterone ang tawag sa gladulang malapit sa utak na siyang gumagawa ng
hormones na kailangan sa pagbabagong nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata.
______7. Ang mga pagbabagong nagaganap sa isang babae at lalaki ay tumitigil kapag sila
ay 18 gulang pataas.
______8. Ang menstruation ay ang pagtatanggal ng sobrang balat na bumabalot sa gland o
ulo ng titi o penis ng isang lalaki.
______9. Ang pagkapal at pagtibay ng masel sa tiyan at kapal ng mga ugat ay isa sa mga
pagbabagong nagaganap kapag nagdadalaga at nagbibinata.
______ 10. Ang pagsakit ng tiyan ay isa sa mga suliranin na nararamdaman kung may regla.

12
Aralin Wastong Pag-uugali at Pag-iwas sa

2 Panunukso

Subukin

Subukin
GAWAIN A: Subukin natin kung taglay mo na ba ang mga sumusunod na kaalaman o
kasanayan? Tsekan ( / ) ang kung taglay mo na ito, at kung hindi pa.

Kaalaman at Kasanayan

1. Gumagamit ng “Po” at “Opo” lalo na kapag


kinakausap ang nakakatanda.
2. Nagpapaalam ng maayos at matapat sa
magulang kapag lumalabas ng bahay.
3. Hindi naglilihim sa magulang.
4. Nagpapaalam kapag humihiram ng gamit.
5. Pinipiling mabuti ang mga kinakaibigan.

Balikan

GAWAIN: Pag-ugnayin ang mga salita sa Hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Gawin sa kuwaderno.

A. B.
1. Pituitary gland a. Pag-aalis ng sobrang balat sa titi
2. Puberty stage b. Pagdadalaga at pagbibinata
3. Menopausal stage c. Buwanang dalaw sababae
4. Regla d. Glandulang malapit sa utak.
5. Pagtutuli e. Pagtigil ng regla.

13
Alamin

Sa modyul na ito matutunan mo kung ano-ano ang mga wastong ugaling dapat taglayin ng
isang nagdadalag at nagbibinata.

Magabayan ka din upang maiwasan ang mga panunukso kapag ikaw ay nagdadalaga o
nagbibinata.

Layunin:
1. Naipakikita ang kamalayan sa pang-unawa sa pagbabago ng sarili at sa pag-iwas
sa panunukso (EPP5HE-0b-3)

Tuklasin

GAWAIN: Pagiging Ligtas at Responsible!

https://www.irishtimes.com/news/social-affairs/appearance-and-race-top-reasons-for-bullying-of-
schoolchildren-1.3914822

1. Ano ang napansin mo sa bawat larawan?


2. Anong klaseng pag-uugali ang ipinapakita sa larawan?
3. Ano ang dapat mong gawin kapag nangyari ito sa iyo?

Gawain: Sa unang bilog isulat ang mga wastong pag-uugali na dapat isaalang-alang
ng isang nagdadalaga at nagbibinata. Sa ikalawang bilog naman isulat ang
mga dapat gawin kapag nakakaranas ng panunukso.

14
Suriin

GAWAIN: Suriin Mo Ako!

Wastong pag-uugali na dapat mong taglayin:

1. Batiin palagi ang iyong mga magulang, mga nakakatanda, mga guro, at iba pang
kakilala.
2. Laging tatandaan ang mga mahahalagang araw ng mga mahal sa buhay.
3. Banggitin ang mga magagalang na pananalita at pagbati sa mga sitwasyong
kinakailangan.
4. Bigyan ng pangunahing atensiyon ang mga nakakatanda at mga may kapansanan.
5. Iwasan ang pagsigaw at paghalakhak sa pampublikong lugar.
6. Magpaalam ng maayos at maging matapat sa magulang kapag lumalabas ng
bahay.
7. Iwasan ang paglihim sa magulang.
8. Maging mapagtimpi upang makaiwas sa gulo.
9. Piliing mabuti ang mga magiging kaibigan.
10. Magsuot ng angkop at disenteng damit.
11. Iwasan ang paggamit ng hindi sariling gamit.

Mga hakbang upang makaiwas at matigil ang panunukso.

1. Kausapin ang mga nanunukso at paliwanagan ang mga ito. Sabihing ang bawat isa
ay may kani-kaniyang katangian at kahinaan at hindi tamang manukso.
2. Subuking umiwas sa mga taong patuloy na nanunukso bagamat napaliwanagan na.
3. Huwag papatulan ang nanunukso sa pamamagitan ng masamang pananalita.
Kausapin ito ng mahinahon.
4. Kung labis ang panunukso, kausapin ang magulang o guro tungkol dito.

Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit kailangan nating taglayin ang mga wastong pag-uugaling nabangit sa itaas?

2. Bakit kailangan nating piliing mabuti ang mga magiging kaibigan natin?

3. Ano-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa mga panunukso?

15
Pagyamanin

GAWAIN A:

Gumawa ng isang slogan na may naglalamang tema tungkol sa pag-iwas sa


panunukso. Gamiting basihan ang mga sumusunod na Rubrik.

10 7 5 1

Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang


mabisangnaipakita naipakita ang ang mensahe mensaheng
mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang di gaanong malabo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng malinaw ang pagkakasulat ng
mga titik mga titik pagkakasulat ng mga titik
mga titik
Kaugnayan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan ang kaugnayan sa kaugnayan ng kaugnayan ang
paksa sa islogan paksa ang islogan islogan sa paksa islogan sa paksa
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong Marumi ang
ang pagkakabuo pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo

Isaisip

GAWAIN : Ano Ang Natutunan Ko

Iguhit sa iyong papel ang kung katotohanan ang isinasaad ng kaisipan at kung
di-makatotohanan.

_______1. Iwasan ang pagsigaw at paghalakhak sa pampublikong lugar.

_______2. Bigyan ng pangunahing atensiyon ang nagdadalaga o nagbibinata kaysa sa

nakakatanda kapag uupo, pumapasok o lumalabas sa pintuan.

_______3. Magpaalam ng maayos sa magulang kapag lalabas ng bahay.

_______4. Gamitin ang mga gamit ng iyong kapatid kahit hindi nagpapaalam.

_______5. Tuksuhin ang iyong kaklase na may taghiyawat.

_______6. Makipag suntukan sa mga nanunukso sa iyo.

16
_______7. Magsuot ng angkop at disenteng damit.

_______8. Batiin palagi ang mga magulang.

Isagawa

GAWAIN : Kaya Mo, Kaya Ko!

1. Mag research tungkol sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa


panunukso.
2. E- screen shot ang nakitang impormasyon at ipadala sa iyong guro ng ICT.

Tayahin

GAWAIN:
Panuto: Lagyan ng tsek ang araw na icon kung taglay mo na ito o ang ulap na
icon kung hindi pa.

Kaalaman at Kasanayan

1. Umiiwas sa mga taong patuloy na


nanunukso kahit napaliwanagan na.
2. Umuuwi sa tamang oras na ipinangako
sa magulang kapag lumalabas.
3. Nagiging mapagtimpi upang
makaiwas sa gulo.
4. Laging nagsasabi ng totoo sa mga
magulang at hindi nagsisinungaling.
5. Hindi pumapatol sa mga taong
nanunukso at kinakausap ito ng
mahinahon.
6. Magsumbong sa mga magulang o guro
kapag labis na ang panunukso sa iyo.
7. Hindi ng po at opo kapag nakikipag-
usap sa magulang.
8. Inaangkop ang kilos at lakas ng boses
sa mga lugar lalo na sa pampublikong
lugar.

17
MgaSanggunian
• Batayang Aklat. Grade 5 Mga Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pahina101-111
May akda: Gloria A. Peralta, EDD; Ruth A. Arsenue; Catalina R. Ipulan; Yolanda L.
Quiambao; Jeffry D. de Guzman.

• Batayang Aklat sa Grade 4, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Enterprenuer & ICT, Aralin 7, Pahina -, Author Eden F. Samadan, Marlon L.
Lalaguna,Virgilio L. Laggui, Marilou E., Marta R. Banisano

• Mula sa internet

https://www.irishtimes.com/news/social-affairs/appearance-and-race-top-reasons-for-bullying-of-
schoolchildren-1.3914822

18
SagotsaPansasanay

Mga Sagot sa mga Pagsasanay-Aralin 1

Subukin Balikan Tuklasin Suriin Pagyamanin Isaisip Isagawa Tayahin

Pan Pam
sarili pamilya
1. / / B P TAMA

2. / / BL P BABAE
3. / / L E LALAKI
4. / / B P TAMA
5. / / L E TAMA
6. / / B E PITUITARY GLAND
7. / / BL P TAMA
8. / L E PAGTUTULI
9. / BL E TAMA

10. / L P TAMA

Mga Sagot sa mga Pagsasanay-Aralin 2


Subukin Balikan Tuklasin Suriin Pagyamanin Isaisip Isagawa Tayahin

1. / D

2. / B

3. / E

4. / C

5. / A

6.

7.

8.

19
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

deped1miz@gmail.com

20

You might also like