You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Nakapagpapakita ng paggalang sa mga (EsP5P-IIc-


dayuhan sa pamamagitan ng 24)
50% 10 1-10

Nakabubuo at nakapagpapahayag
(EsP5P-IId-
nang may paggalang sa anumang 50% 10 11-20
e-25)
ideya/opinion

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE V – ESP
GURO AKO CHANNEL

SUMMATIVE TEST 2
GRADE V – ESP
GURO AKO CHANNEL

I. Iguhit ang puso ( ) kung ang mga nakasulat ay patungkol sa mabuting pagtanggap o pagtrato sa
mga katutubo at mga dayuhan. Iguhit naman ang buwan ( ) kung ang mga nakasulat ay patungkol
sa paggalang sa mga kaugalian at paniniwala ng mga katutubo at mga dayuhan.

__________1. Magiliw na nanonood sina Lina sa ipinamalas ng mga Aeta na para bang ginagaya nila
ang mga hayop at kulisap sa kanilang pagsayaw.

__________2. Namangha sina Aling Ising at Mang Kardo sa paraan ng pagliligawan ng mga Aeta na
kung saan hindi hahawakan ang kamay ng babae habang sumasayaw. Ang pagngiti ng babae ang
magiging hudyat na tinatanggap na niya ang kaniyang manliligaw.

__________3. May mga bisitang dumating si nanay na taga ibang bansa at nang matapos na ang
kanilang maikling bakasyon sa amin, pinabaunan sila ni nanay ng mga kakaning gawa niya.

__________4. Nakikinig nang mabuti si Ana habang ikinukuwento ni Shalomm ang paraan ng
kanilang pagsamba.

__________5. Magiliw na tinanggap ng pamunuan ng mga guro at magulang ng Paaralang


Elementarya ng Daang Bago ang mga volunteer workers na nagmula pa sa Korea na magpipinta
sa paaralan.

__________ 6. Ipinaghanda ng miryenda ni Aling Tanya ang mga Haponesang bumisita sa kaniyang
mga anak.

__________7. Pinarangalan ng mga taga-Dinalupihan ang mga panauhing katutubong Agta na


nagmula sa Isabela sa paraan ng kanilang pagtugtog gamit ang kanilang tradisyunal na
instrumento na tinatawag na Sabkal.

__________8. Nakipagkaibigan si Alicia sa mga kamag-anak nila Rolly na mga katutubong Aeta.

__________9. Hindi kumakain ng karne ng baboy ang bisita nilang Muslim, kaya naghanda sila ng
ibang pagkain na ayon sa paniniwala ng kanilang panauhin.

__________10. Gumawa ng banner ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang mga


kaibigang nagmula sa ibang bansa.

II. Iguhit sa patlang ang bituin( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at pagrespeto
sa opinyon ng iba at tatsulok ( ) kung hindi.

______11. Pakikinig nang mabuti sa kausap habang siya ay nagsasalita.

______12. Pakikipagkwentuhan sa katabi dahil hindi ka interesado sa opinyon ng nagsasalita.

______13. Paggawa ng ingay habang may nagpapahayag ng kaniyang saloobin.

______14. Pagtahimik sa tuwing pagkakataon na ng ibang tao upang magbigay ng kaniyang


opinyon.
______15. Pagbibigay pagkakataon sa iba na sabihin ang kaniyang sariling mga ideya at opinyon.

______16. Pagsasaalang-alang sa damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na


pagsasalita at pagkilos.
______17. Pagtanggap sa opinyon ng iba lalo na kung ito ay mas makabubuti hindi lamang sa
sarili kundi para sa lahat.

______18. Pagbibitiw ng masasakit na salita kapag hindi mo nagustuhan ang saloobin ng iba.

______19. Pagiging mahinahon kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon
sa iyo.

______20. Pagsasalita ng mahinahon kung ikaw ay may nais sabihin.

PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL

ANSWER KEY:

I.
11.
1.
12.
2.
13.
3.

You might also like