You are on page 1of 27

4

MUSIKA 4
Pang-apat na Markahan
Modyul 1: Tempo, Texture at
Harmony

GOVERNMENT PROPERTY
NOT FOR SALE
Musika – Ikaapat Baitang
Alternative Delivery Mode
Pangatlong Markahan–Modyul 1:Tempo, Texture at Harmony
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module

Author: Jessie T. Sagucio


Gene A. Reginaldo Editha T. Giron
Editors:
Ritchelle B. Dejolde Edwin C. Padasdao
Gina A. Amoyen Evangeline A. Cabacungan
Reviewers:
Francis A. Domingo Jenetrix T. Tumaneng
Layout Artist/
Illustrator:
Tolentino G. Aquino Joan A. Corpuz

Management Arlene A. Niro Joye Madalipay


Team: Gina A. Amoyen Santiago Baoaec
Editha T. Giron Arthur M. Llaguno
Francis A. Agbayani Gene A. Reginaldo

Printed in the Philippines


by:_____________________________________________

Department of Education
Office Address: Flores St. Catbangan, City of San Fernando, La
Union
Telefax: (072) 607- 8137/ 682-2324
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
4
MUSIKA 4
Pangatlong Markahan
Modyul 1-4: Tempo, Texture, at
Harmony (Part I)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MUSIKA 4 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa mga araling Tempo, Texture, at Harmony (Part I)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pinananagumpayang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matutulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatwan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagalapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hihayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mga-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Musika 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa mga araling Tempo, Texture at Harmony (Part I). Ang modyul
na ito ay ginagawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang opurtunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan

5
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matutulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikila sa pamamagitan ng
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtatalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamanin sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makakatulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
6
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi ng Ito ang talaan ng lahat ng
Pagwawasto pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian Ang
sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na to:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumapit sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
saguting lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o guro o tagapagdaloy, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito!

7
Alamin
Magandang araw sa inyong lahat!

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang matututunan at


malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan:
 Nagpapakita ng pag-unawa sa mga konseptong nauugnay sa
bilis/daloy o kilos/galaw ng musika;
 Nakalilikha at naisasagawa ang paggalaw ng katawan na
naaangkop sa isang naibigay na tempo;
 Nakagagamit ng naaangkop na mga termino sa musika upang
ipahiwatig ang mga pagkakaiba-iba sa tempo;
 1. largo (mabagal)
 2. Presto (mabilis)
 Nagpapakita ng pag-unawa sa mga konseptong nauugnay sa
pagkakayari (texture) sa musika o awitin;
 Nakaaawit ng dalawang bahagi na pag-ikot at mga kanta na
kailangan ng kasama;
 Nakikilala ang aurally at biswal na isang ostinato o descant sa
isang halimbawa o sample na awitin o musika;
 Nakikilala ang pang-isahan (solo) o 2-part na vocal o instrumental
na musika;at
 Nakikilala ang magkasabay na agwat (harmonic intervals) sa
dalawahang tinig sa pamamagitan ng visual at pandinig sa mga
halimbawa o sample na mga awitin o musika.

Subukin

Panuto: Piliin lamang ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa


mga sumusonod na bilang. Isulat lamang sa sagutang papel ang iyong
napiling kasagutan.

8
1. Ano ang tawag sa tiyak na kilos o galaw ng isang awitin o tugtugin?
A. Tempo C. Texture
B. Harmony D. Blending
2. Ano ang tumutukoy sa kapal o nipis ng isang tunog na pinagsama-
sama o pinag-uugnay?
A. Texture C. Blending
B. Tempo D. Harmony
3. Ito ang tawag sa pinagsasama-sama ng dalawa o higit pang tono.
Ano ang tawag dito?
A. Harmony C. Blending
B. Tempo D. Texture
4. Anong salita ang pinakamahusay na naglalarawan sa tempo ng
"Panalo" ni Ez Mil?
A. Presto C. Largo
B. Lento D. Largeto

5. Ang descant ay ang pang-itaas na linya ng pagkakaisa ng tunog na


mas mataas kaysa sa himig. ... Nagsisilbi sila bilang isang uri ng
pagkakaisa sa pangunahing himig. Pinahahaba nila ang emosyonal na
pag-abot ng himig ng koro, na nagbibigay ng isang panghuli sa
pagtatapos ng koro.
A. Totoo ito. C. Hindi ito totoo.
B. Walang batayan. D. Wala sa nabanggit.

6. Ito ay isang maikling pattern ng mga tala, na paulit-ulit na


pinatugtog sa isang piraso ng musika.

A. Ostinato C. Harmony
B. Tempo D. Blending
7. Lahat ng mga awitin sa ibaba ay may tempong presto maliban sa
isa. Piliin ito.
A. “Ili-ili Tulog Anay C. “Chua-ay”
B. “Akong Manok” D. “Sitsiritsit”
8. Pakinggang ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan”. Sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=q_gOQVLVUJI Ano ang tempo
nito?
A. Mabilis C. Mabilis at mabagal
9
B. Mabagal D. mabilis na mabilis
9. Saang lalawigan naggaling ang awiting “CHUA-AY”?

A. Sa Ilocos Norte C. Sa Cordillera Autonomous Region


B. Sa Pangasinan D. Sa La Union
10. Lahat ng mga awitin sa ibaba ay may tempong presto maliban sa
isa. Piliin ito.
A. “Chua-Ay” C. “Sirsiritsit”
B. “Akong Manok” D. “Ili-ili Tulog Anay”
11. Ang pamulinawen ay katutubong awitin ng mga____________.
A. Ilonggo C. Igorot
B. Ilokano D. Itneg
12. Mayroong dalawang uri ng ostinato. Ano ang mga ito?
A. rhytmic at melodic C. presto at largo
B. dynamics at timbre D. tempo at texture

Magandang araw! Sana ay


maging mahusay ang iyong
pag-aaral sa linggong ito.
Mag-iingat palagi. Saan mang
magpunta.

Aralin
Ang Kilos o Galaw Bilang
1 Tugon sa Tempo

Ang mga awitin o tugtugin ay may tiyak na kilos o galaw. Ito’y


maaaring mabilis o mabagal. Maaari ring ilarawan sa pamamagitan ng
iba-ibang kilos ng katawan na naayon sa daloy ng awitin o tugtugin.

10
Balikan

Isulat lamang ang titik ng iyong kasagutan sa inyong sagutang papel o


sa inyong mga kuwaderno.
1. Ano ang simbolo na ginamit sa forte?
A. p C. f
B. ff D. fff
2. Paano awitin ang bahagi na kakikitaan ng p?
A. malakas C. katamtaman
B. mahina D. mahinang-mahina
3. Anong awitin ang angkop na lapatan ng dynamics na piano?
A. “ Tulog Na” C. “ Paruparong Bukid”
B. “Tayo’y Magsaya” D. “Atin Cu Pung Singsing”
4.Ano ang kahulugan ng forte?
A. malakas C. malakas na malakas
B. mahina D. mahinang-mahina
5. Sino sa sumusunod na mang-aawit ang may matass na tinig sa
pag-awit?
A. Nora Aunor C. Regine Velasquez
B. Jaya D. Zsa Zsa Padilla
6. Ano ang ibig sabihin ng dynamics na piano?
A. malakas C. katamtaman
B. mahina D. mahinang-mahina
7. Ito ay instrumento na mayroon ding apat na kuwerdas na nakatono
sa c,g,d at a. Ito ay may ma malaking katawan at mas makapal na
tunog kaysa violin.
A. Cello C. Viola
B. Violin D. Double bass

11
8. Ito ay isang pipe na kawayan na sarado ang isang dulo ng isang
node at may butas sa kabing dulo. Ito’y maaaring tugtugin nang
paisa-isa o sa mga ensemble ng tatlo o higit pa.
A. Kaleleng C. Saggeypo
B. Palendag D. Tuba
9. Ito ay instrumentong brasswind na nakapagpapatunog ng ibat
ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong sulong ng slide nito.
A. French horn C. Trumpet
B. Trombone D. Tuba
10. Anong elemento ng musika ang tumutukoy sa lakas at hina ng
pag-awit at pagtugtog?
A. form C. rhythm
B. dynamics D. timbre
11. Saan nabibilang ang instrumentong double bass?
A. Chordophone C. Aerophone
B. Brasswind D. Woodwind
12. Ang mga instrumentong percussion ay pinapatunog sa
pamamagitan ng pagpukpok o pagpalo, pagkiskis, pagtapik, at
pagkalog.
A. Sino ang may sabi, hindi totoo iyan.
B. Hindi ako sigurado.
C. Tama yan, sigurado ako diyan.
D. Wala sa pagpipilian.

Tuklasin

Pakinggan, sabayan at matutunan ang awit na 1.“Mga Alaga Kong


Hayop”; 2. “Lullaby” ; 3. “Remember Me” (In the movie Koko)
1. https://www.youtube.com/watch?v=hufTawHMdeg
2. https://www.youtube.com/watch?v=Y0eASoAXTx0
3.a https://www.youtube.com/watch?v=KP_XkN2v7OM
12
3.b https://www.youtube.com/watch?v=A0azOIk0Kvg
Ano ang mapapansin niyo sa unang awitin? Sa pangalawa at
pangatlong awiting A at B? Mayroon bang pagkakaiba ang bilis ng
pagkaka-awit ng mga ito?

Suriin

A. Masdan ang awitin sa ibaba ang awiting “Chua-ay” puwede rin


nating mapakinggan ang awiting ito sundan lamang ang link na
nakalagay sa ibaba ng awitin.

https://www.youtube.com/watch?v=Dfc_pS94J-4
https://www.youtube.com/watch?v=iSs83RRKB5Q mabilis na bersiyon.

Awitin natin ng mabilis ang “Chua-ay”


Awitin nating muli ang “Chua-ay” at Sabayan ng kilos na parang
sayaw ng mga Igorot.
Saan nanggaling ang awiting “Chua-ay”?
Saang lalawigan nanggaling makikita ang mga igorot?
Paano inaawit ang awitin?
Anong katangian ng mga Igorot ang ipinapakita sa awitin?
B. Ngayon naman pakinggan at ating sabayang awitin ang “Ili-ili
Tulog Anay”
Awitin ang “Ili-ili Tulog Anay” at sabayan ng kilos o galaw ng
katawan?
Anong kilos ang giniwa habang umaawit ng “Ili-ili Tulog Anay”?
13
Paano isinagawa ang kilos?
Anong salita o lengguwahe ang ginamit sa awiting ‘Ili-ili Tulog
Anay”?
Saang dako sa Pilipinas karamihan na may salita ng hiligaynon?
Ngayon naman paghambingin ang dalawang awitin ang awiting
“Chua-ay” at ang awiting “Ili-ili Tulog Anay”
Paano inaawit ang dalawang awitin?

Pagyamanin

A. Pakinggan o panoorin ang mga awitin at sabayan ng kilos o galaw


ng katawan. Ang bawat liriko at melodiya ng awitin. Kung Puwede ay
videohan ang sarili at ilagay sa ating group chat.
1. “Do A Little Thing”
https://www.youtube.com/watch?v=2MUffMXxHak
2. “Ang Mga Ibon”
https://www.youtube.com/watch?v=msH4pxQbyPo
3. “Kung Ikaw Ay Masaya”
https://www.youtube.com/watch?v=ld8b7LhoQB4
4. “Magtanim Ay Di Biro”
https://www.youtube.com/watch?v=f8TgQ0aagls
B. Sa mga pang-araw-araw na gawain, kailan kikilos nang mabagal at
mabilis? Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawain natin
kailangang kumilos ng mabilis, at mga gawain natin na kailangang
kumilos ng mabagal.

Isaisip

Ang mga awitin ay nagpapakita ng iba’t ibang kilos; may


mabagal at mabilis na kilos. Ito ay tinatawag na tempo.

Aralin
Ang Pag-awit ng Tempong
Largo at Presto
14
2
Ang mga awitin o tugtugin ay kumikilos tulad ng mga
pangyayari sa ating paligid. May mga pagkakataon na
kailangang kumilos nang mabilis at mabagal. Kaugnay nito,
ang musika ay dumadaoy sa mabilis at mabagal na paraan.

Tuklasin

Pakinggan at pag aralang kantahin ang awiting “Kalesa”


1. Mga bata ang umawit, Loboc Childrens Choir, 2. Tinig
lalaki ang umawit ito.
1.https://www.youtube.com/watch?v=IN_K2f-Dzfk
2.https://www.flutenotes.ph/2016/08/kalesa-levi- celerio-
philippine-folk-song.html

Kalesa Sa haba ng kuwentuhan niyo


Ay hindi ka malulungkot
Levi Celerio Kahit mahina ang takbo
Ay hindi ka mayayamot
Alin nga bang sasakyan pa
Ang tunay na maginhawa Kung sasakay ay mag-darling
Kundi ito dati atin Kalesa ang pipiliin
Kung tawagin ay Kalesa Kapag may ulan at may hangin
Ay may trapal na pantabing
Sunukin mang sakyan ito
Kapag hindi ka nag-enjoy Pagkat ito ay kay dilim
Kahut pabalik-balik lang Hindi sila magpapansin
Sa Quiapo at sa Chinatown Ang kalesa sadyang atin
Ay bagay sa magsing-giliw
Kadalasan pang mangyari
Ay kaybuti ng kutsero O kay inam sakyan ng kalesa
At tunay kang nawiwili May kahapon maaalala
Kung masarap makipagkwento Ang panahon ng ating naglahong
Maria Clara!…

Ito ang liriko ng awitin, pakingga sabayan at pag-aralang


kantahin ang awiting ito.

15
Suriin

Tungkol ito sa napag-aralang awitin na kalesa.


Sagutin ito ng matapat at may tiwala sa sarili.
1. Anong uri ng transportasyon ang kalesa?
2. Sa anong uri ng pamayanan makikita ang kalesa?
3. Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ng
paggamit ng kalesa?
4. Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataong makagamit
pa ng kalesa, nanaisin ba ninyo? Bakit?
5. Sa ano-anong paraan naipapakita ang pagpapahalaga sa
ating kapaligiran.
6. Ano ang inyong napansin sa tempo ng awiting “Kalesa”?
7. Aling bahagi ng awit ang may mabilis na tempo?
8. Aling bahagi ng awit ang may mabagal na tempo?

Pagyamanin

Ang awiting kalesa ay mayroon itong tempong mabagal at


mabilis, ito ang mga tempong tinatawag na largo at presto. Ngayon
naman ang mga awitin sa ibaba ay may tempong largo at presto.

Mga halimbawa ng awiting may Mga halimbawa ng awiting may


tempong largo tempong presto
1. Ikaw (Yeng Constantino) 1. Leron-leron sinta
2. Let Me Be The One (Jimmy 2. Sitsiritsit
Bondoc)
3. Magtanim ay Di-biro
3. Mabagal (Moira Dela Torre)
4. Oh Who Can Play
4. Ang Alibangbang

Tignan at hanapin ito sa youtube.com para mapakinggan at


matutunan ang mga awit.
Awitin ang “ Masaya Kung Sama-sama” nang may tempong
presto at largo.
16
Isaisip

Ang mabilis na tempo ay tinatawag na presto


samantalang ang mabagal na tempo ay tinatawag na largo.

Aralin
Ang Paglalarawan ng
3 Texture ng Awiting

Ang mga awitin o tugtugin ay may taglay na texture. Ang


texture sa musika ay nailalarawan sa pamamagitan ng kapal
at nipis ng mga tunog na maririnig.

Tuklasin

Ano ang mapapansin mo sa mga larawan?

17
Ang unang larawan ay walang bunga at nag-iisa lang ito na
nakatayo.
Ang pangalawang larawan ay may mga bunga.
Ang pangatlong larawan ay maraming mga puno at namumunga
na ang mga ito.

Suriin

Ang texture ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng


mga nakikita sa kapaligiran tulad ng mga larawan ng mga
puno sa itaas.
Sa tulong ng internet o data connection gamit ang iyong
android phone, laptop, o desktop computer. Ating pakingan,
pag-aralan ang awiting “Bahay Kubo”, sundan lamang ang
link na mga sumusunod.
1. Para sa isang mang-aawit.
https://www.youtube.com/watch?v=er3EID03smc
2. Para sa (duet) dalawang mang-aawit.
https://www.youtube.com/watch?v=YwM2oq99wU8
3. Para sa maraming mang-aawit.
https://www.youtube.com/watch?v=HP9iqjKUHpo
1. Ano ang napansin mo sa paraan ng pag-awit? Para sa
isang (solo) mang-aawit? Sa dalawang (duet) na mang-
aawit? Sa maramihang mang-aawit?
2. Saan dito ang nagustuhan mo sa paraan ng kanilang
pag-awit? Baki mo ito nagustuhan?

18
3. Ihambing ang kapal ng tinig sa pag-awit ng isangmang-
aawit, sa dalawang mang-aawit at sa maramihang mang-
aawit.
4. Ano-anong mga gulay at prutas ang nabanggit sa awiting
“Bahay Kubo”?
5. Ano ang kahalagahan ng pagkain ng mga gulayat
prutas?
6. Bakit kailangan tayong kumain ng gulay at prutas?
7. Ano ang palakumpasan ang awiting “Bahay Kubo”?

Para sa kumpletong liriko ng awiting “Bahay Kubo”


Kundol, patola, upo't kalabasa
Bahay Kubo At tsaka mayro'n pang
Labanos, mustasa
Tagalog Folk Song
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Bahay-kubo, kahit munti Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong Singkamas at talong
Sigarilyas at mani Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani Sitaw, bataw, patani
Kundol,…

Pagyamanin
19
Awitin ang “Early to Bed”. Lumikha ng kaugnay na tunog
sa mga note na nasa kahon upang kumapal ang texture ng
awit.

https://www.youtube.com/watch?v=1FXGT4UtZCo para sa
karagdagang kaalaman at matutunan ang awiting “Early to
Bed” sundan ang link na ito.

Isaisip

Ang texture ng awitin o tugtugin ay nakikilala sa


pamamagitan ng pakikinig sa pagiging manipis o makapal ng
ibat-ibang tunog.

20
Aralin

4 Ang Paglalapat ng Ostinato

Napapaganda o nagiging kaaya-aya ang isang awitin sa


pamamagitan ng ostinato. Ang ostinato ay maaring awitin o tugtugin
sa tulong ng mga rhytmic instrument.
Sa musika, ang isang ostinato [ostiˈnaːto] (nagmula sa Italyano:
matigas ang ulo, ihambing ang Ingles, mula sa Latin: 'matigas ang
ulo') ay isang motibo o parirala na patuloy na inuulit sa parehong tinig
ng musika, madalas sa parehong tono.

Tuklasin

Awitin natin ang “Early to Bed” na sinasabayn ng pagtugtog


gamit ang mga dalang rhythmic instruments. Sundin ang “tap, clap,
clap”.

https://www.youtube.com/watch?v=1FXGT4UtZCo
pakinggan ang awiting it sundan lamang ang link na ito.

21
Suriin

1. Ano ang halimbawa ng ostinato?

Ang isang ostinato ay maaaring isang paulit-ulit na pangkat ng


mga tala o isang ritmo lamang. ... Ang isang halimbawa ng isang
rhythmic ostinato ay ang unang kilusan mula sa Planets Suite ni
Gustav Holst. Ito ang kilusan sa 5/4 oras na naglalarawan sa Mars.
Ang Boléro ni Maurice Ravel ay gumagamit din ng paulit-ulit na ritmo
hanggang sa buong piraso.
2. Paano mo makikilala ang isang ostinato?

Ang ostinato ay isang melodic na parirala na paulit-ulit sa


buong isang musikal na komposisyon. Karaniwan itong nangyayari sa
parehong boses at sa parehong tono, ngunit maaari itong ilipat sa iba't
ibang mga tinig.

3. Ano ang dalawang uri ng ostinato?


Mayroong dalawang uri ng ostinato - MELODIC at RHYTHMIC.
Ang isang melodic ostinato ay kung saan ang isang maikling tono ay
paulit-ulit na batayan para sa isang piraso ng musika.

4. Ano ang layunin ng ostinato?


Ang ostinato ay isang pigura o pangungusap na pang-musikal
na patuloy na inuulit. Ang haba nito ay nag-iiba sa saklaw mula sa
isang motibo o parirala hanggang sa isang panahon. Nagbibigay ang
isang ostinato ng pinag-iisang pag-uulit. Ang isang maikling pigura ng
ostinato ay maaaring gumana bilang isang gayak o pinalawak na tono
ng pedal.

5. Bakit gumagamit ng Ostinato ang mga kompositor?

Gumagamit ng mga kompositor ng ostinato, Bilang karagdagan


sa pagiging kapaki-pakinabang nito bilang isang kasangkapan sa
istruktura, ang mga ostinato ay talagang mahusay sa paglikha ng
mood. Minsan ang paulit-ulit na ideya ay lubos na
22
nakakaimpluwensya sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan ng isang
buong piraso.

6. Pagkakaiba ng rhytmic at melodic na ostinato.


Sa musika, maikling melodic na parirala na paulit-ulit sa buong
isang komposisyon, kung minsan ay bahagyang nag-iba o lumipat sa
ibang tono. Ang isang rhythmic ostinato ay isang maikli, patuloy na
paulit-ulit na pattern na ritmo.

7. Pagkakatulad ng rhytmic at melodic na ostinato.


Ang dalawang ostinato na ito ay parehong may rhythm.

Pagyamanin

Gamit ang internet at ang iyong data connection, ating


pakinggan ang mga awiting nilapatan ng ostinato, at mga bidyo na
tinatalakay ang ostinato. Sundan lamang ang mga link na ito.
1. https://www.youtube.com/watch?v=pmJ7VVlAdk8
2. https://www.youtube.com/watch?v=fua0zQ3a1nE

Isaisip

Ang ostinato ay paulit-ulit na mga rhytmic pattern o himig na


ginagamit bilang pansaliw sa mga awitin. May dalawang uri ang
ostinato; rhytmic ostinato at melodic ostinato. Ang rhytmic ostinato ay
binubuo ng rhythm lamang samantalang ang melodic ostinato ay
binubuo ng rhythm at melody.

Isagawa

23
Awitin ang “Pamulinawen”. Lumikha ng rhythmic ostinato.
Gumamit ng sariling likhang rhythmic instrument.

Tayahin

Isulat lamang ang titik ng iyong kasagutan sa inyong sagutang papel o


sa inyong mga kuwaderno.
1. Ano ang tawag sa mabagal na tempo?
A. Largo C. Ostinato
B. Presto D. Descant

2. Ano ang tawag sa mabilis na tempo?


A. Largo C. Ostinato
B. Presto D. Descant
3. Anong awitin ang angkop sa tempong largo?

24
A. “ Tulog Na” C. “ Paruparong Bukid”
B. “Tayo’y Magsaya” D. “Atin Cu Pung Singsing”
4.Ano ang kahulugan ng texture sa musika?
A. Tumutukoy sa kapal at nipis ng isang tunog na pinagsama-sama
o pinag-uugnay.
B. Pagsasama ng dalawa o higit pang tono.
C. Ito ang paglakas at paghina ng awitin
D. Ito ang pagbilis at pagbagal ng tinig ng isang mang-aawit.

5. Sino ang magaling na kompositor sa Pilipinas ang lumikha sa liriko


ng awiting “Kalesa”
A. Nora Aunor C. Levi Celerio
B. Jaya D. Emani J. Cuenco
6. Mayroon bang ibat-ibang tempo ang awiting “Kalesa”?
A. Sinong may sabi? C. Wala, hindi yan totoo.
B. Hindi ko alam. D. Tama, ang ganda ng pagkagawa.
7. Ito ay paulit-ulit na mga rhytmic pattern o himig na ginagamit
bilang pansaliw sa mga awitin.
A. Tempo C. Texture
B. Ostinato D. Wala sa pagpipilian
8. Alin sa sumusunod ang ginagamit na pansaliw sa awitin?
A. rhytmic at melodic ostinato C. puwede ang A at B
B. descant D. wala sa pagpipilian
9. Ang pamulinawen ay katutubong awitin ng mga____________.
A. Ilonggo C. Igorot
B. Ilokano D. Itneg
10. Mayroong dalawang uri ng ostinato. Ano ang mga ito?
A. rhytmic at melodic C. presto at largo
B. dynamics at timbre D. tempo at texture
11. Sa paanong paraan natutukoy ang ostinato?
A. sa pakikinig C. sa pakikinig at pagbabasa
B. Sa pagbabasa D. wala sa nabanggit
25
12. Aling elemento ng musika ang nabibigyang halaga ng ostinato?
A. rhythm C. dynamics
B. melody D. texture

Karagdagang Gawain

Magsaliksik sa internet, pumili ng dalawa o tatlong mga


katutubong awitin at lapatan ito ng rhytmic na ostinato.

Susi ng Pagwawasto

SUBUKIN BALIKAN TAYAHIN


(pp. 8-10) (pp.11-12) (pp.24-25)
1. A 1. C 1. A
2. A 2. B 2. B
3. A 3. A 3. A
4. A 4. A 4. A
5. A 5. C 5. C
6. A 6. C 6. D
7. A 7. C 7. B
8. B 8. C 8. C
9. C 9. B 9. B
10. D 10. B 10. A
11. B 11. A 11. C
12. A 12. C 12. A

Sanggunian:
Marilou E. Marta R. Benisano, M.A.P.A, Grade 4, Musika at
26
Sining, (Kagamitan ng Mag-aaral) Philippines: VICARISH
Publication and Trading Inc. Unang Edisyon 2015
Mga links na pinagbasahen para mas makilala pa natin ang mga
instrumentong nabanggit sa module na ito.
www.youtube.com

27

You might also like