You are on page 1of 23

4

MUSIKA 4
Pang-apat na Markahan
Modyul 2: (weeks 5-8) Tempo,
Texture at Harmony (PART II)

GOVERNMENT PROPERTY
NOT FOR SALE
Musika – Ikaapat Baitang
Alternative Delivery Mode
Pangatlong Markahan–Modyul 2 (weeks 5-8):Tempo, Texture at
Harmony (Part II)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module

Author: Jessie T. Sagucio


Gene A. Reginaldo Editha T. Giron
Editors:
Ritchelle B. Dejolde Edwin C. Padasdao
Gina A. Amoyen Evangeline A. Cabacungan
Reviewers:
Francis A. Domingo Jenetrix T. Tumaneng
Layout Artist/
Illustrator:
Tolentino G. Aquino Joan A. Corpuz

Management Arlene A. Niro Joye Madalipay


Team: Gina A. Amoyen Santiago Baoaec
Editha T. Giron Arthur M. Llaguno
Francis A. Agbayani Gene A. Reginaldo

Printed in the Philippines


by:_____________________________________________

Department of Education
Office Address: Flores St. Catbangan, City of San Fernando, La
Union
Telefax: (072) 607- 8137/ 682-2324
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
4
MUSIKA 4
Pangatlong Markahan
Modyul 2 (weeks 5-8): Tempo,
Texture, at Harmony (Part II)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MUSIKA 4 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa mga araling Tempo, Texture, at Harmony (Part
II)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pinananagumpayang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matutulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatwan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagalapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hihayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mga-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Musika 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa mga araling Tempo, Texture at Harmony (Part II). Ang modyul
na ito ay ginagawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang opurtunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matutulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikila sa pamamagitan ng
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtatalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamanin sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makakatulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi ng Ito ang talaan ng lahat ng
Pagwawasto pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian Ang
sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na to:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumapit sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
saguting lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o guro o tagapagdaloy, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin
Magandang araw sa inyong lahat!

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang matututunan at


malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan:
 Nagpapakita ng pagkilala sa mga maharmonyang agwat;
 Naisasagawa ang halimbawa ng maharmonyang agwat kasama
ang mga iba;
 Nakakasulat ng halimbawa ng maharmonyang agwat na
mayroong dalawahang tinig; (MU4HA-IVh-3)
 Nakakaawit ng isang awitin na mayroong maharmonyang agwat
ng dalawahang tinig. (MU4HA-IVg-2)

Subukin

Panuto: Isulat ang titik T sa sagutang papel kung ang tinutukoy ng


bawat bilang ay TAMA, isulat naman ang titik M kung ang tinutukoy
ng bawat bilang ay MALI.

1. Ang descant ay ginagamit na pansaliw sa awitin.


2. Ang descant ay nagbibigay ganda sa isang awitin pero hindi ito
nakadadagdag sa texture ng awitin.
3. Ang descant ay isang himig na inaawit kasabay sa itaas ng
melody.
4. Ang 2-part vocal ay binubuo ng dalwang himig: ang bahaging
soprano at alto.
5. Ang alto ay nasa itaas na bahagi samantalang ang soprano ay
nasa ibabang bahagi ng musical score.
6. Ang harmonic interval ay inaawit kasabay ng pangunahing
melody.
7. Ang awiting “Ode to Joy” ay nilikha ni Ludwig Van Beethoven.
8. Ang mga harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang
magkakaugnay na note na inaawit nang sabay.
9. Ang awiting “Manang Biday ay katutubong awitin ng mga
Mangyan.
10. Ang isang awitin ay ay higit ng maganda at kaaya-aya sa
pandinig kung lalapatan ito ng harmonic third interval.
11. Si Jessie Teodoro Sagucio ang lumikha sa awiting “Bahay Kubo”
12. Puwedeng lapatan ng harmonic third sa itaas o sa ibaba ng note,
nasa linya o sa espasyo ng iskala.
Aralin

5 Ang Descant at ang Melody

Tulad ng ostinato, ang descant ay ginagamit na pansaliw sa


awitin. Ito ay nagbibigay ganda sa awitin at nagdadagdag sa texture.

Balikan

Isulat lamang ang titik ng iyong kasagutan sa inyong sagutang papel o


sa inyong mga kuwaderno.
1. Ano ang tawag sa mabagal na tempo?
A. Largo C. Ostinato
B. Presto D. Descant

2. Ano ang tawag sa mabilis na tempo?


A. Largo C. Ostinato
B. Presto D. Descant
3. Anong awitin ang angkop sa tempong largo?
A. “ Tulog Na” C. “ Paruparong Bukid”
B. “Tayo’y Magsaya” D. “Atin Cu Pung Singsing”
4.Ano ang kahulugan ng texture sa musika?
A. Tumutukoy sa kapal at nipis ng isang tunog na pinagsama-sama
o pinag-uugnay.
B. Pagsasama ng dalawa o higit pang tono.
C. Ito ang paglakas at paghina ng awitin
D. Ito ang pagbilis at pagbagal ng tinig ng isang mang-aawit.
5. Sino ang magaling na kompositor sa Pilipinas ang lumikha sa liriko
ng awiting “Kalesa”
A. Nora Aunor C. Levi Celerio
B. Jaya D. Emani J. Cuenco
6. Mayroon bang ibat-ibang tempo ang awiting “Kalesa”?
A. Sinong may sabi? C. Wala, hindi yan totoo.
B. Hindi ko alam. D. Tama, ang ganda ng pagkagawa.
7. Ito ay paulit-ulit na mga rhytmic pattern o himig na ginagamit
bilang pansaliw sa mga awitin.
A. Tempo C. Texture
B. Ostinato D. Wala sa pagpipilian
8. Alin sa sumusunod ang ginagamit na pansaliw sa awitin?
A. rhytmic at melodic ostinato C. puwede ang A at B
B. descant D. wala sa pagpipilian
9. Ang pamulinawen ay katutubong awitin ng mga____________.
A. Ilonggo C. Igorot
B. Ilokano D. Itneg
10. Mayroong dalawang uri ng ostinato. Ano ang mga ito?
A. rhytmic at melodic C. presto at largo
B. dynamics at timbre D. tempo at texture
11. Sa paanong paraan natutukoy ang ostinato?
A. sa pakikinig C. sa pakikinig at pagbabasa
B. Sa pagbabasa D. wala sa nabanggit
12. Aling elemento ng musika ang nabibigyang halaga ng ostinato?
A. rhythm C. dynamics
B. melody D. texture

Tuklasin

Awitin ang “Magtanim ay ‘Di Biro” na gawa ni Felipe de Leon.


Sabayan ng pagtugtog gamit ang rhytmic instrument. Puwede ring
pakinggan ang awitin sa link sa ibaba. Habang sinasabayan ng pulso
o beat ng awitin.
https://www.youtube.com/watch?v=4NLwmATSHbo

Musika at Sining – Ikaapat na Baitang – Kagamitan ng Mag-aara, pahina 127

Suriin A. Masdan ang awitin sa


ibaba ang awiting “Liza
Jane” puwede rin nating
mapakinggan ang awiting
ito sundan lamang ang link na nakalagay sa ibaba ng awitin.

https://www.youtube.com/watch?v=MSLAl-l5FdY

Mga tanong:
1. Ano ang isinabay na gawain sa pag-awit?
2. Suriin ang musical score. Ano ang nakikita sa itaas nito?
3. Awitin muli ang “Liza Jane” at sabayan ng himig na nakasaad sa
itaas ng melody.
4. Ano napansin ninyo habang kayo ay kumakanta?
5. Ano ang kahalagahan ng descant?

Pagyamanin

Ating pagyamanin ang ating kaalaman. Pagmasdan ang musical score


ng “Magtanim ay ‘Di Biro”.

Musika at Sining – Ikaapat na Baitang – Kagamitan ng Mag-aara, pahina 127

 Kopyahin ang titik/liriko ng descant sa awitin.


 Bilang isang mag-aaral na Pilipino sa ika-apat na baitang, bakit
kaya kinakailangang pagbutihin ang pagtatrabaho ng ating mga
mahal na magsasaka? O kahit sino mang nagtatrabaho sa ating
bayan sa pribado man o sa pampublikong opisina?

Isaisip

Ang descant ay isang himig na inaawit kasabay sa itaas


ng melody, ngunit kaiba sa pangunahing melody. Ito ay
nagdadagdag sa texture ng awitin.
Aralin
Ang 2-Part Vocal o
6 Instrumental Music

Ang isang awi ay maaaring awitin nang unison at


dalawahang tinig o higit pa. ang 2-part vocal ay binubuo ng
dalwang tono na inaawit nang sabay. Nagbibigay ito ng
maganda at kaaya-ayang tunog at dumadagdag sa texture ng
isang awitin o tugtugin.

Tuklasin

Pakinggan at pag aralang kantahin ang awiting “Manang


Biday”
“Manang Biday”

Musika at Sining – ikaapat na Baitang – Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 130.

Ating pakinggan ang awiting Manang Biday sa link na nasa ibaba.


https://www.youtube.com/watch?v=lFv8xvR5bXE

Suriin

Suriin ang musical score ng “Manang Biday”


Sundan, pakinggan at sabayang aawitin ang “Manang
Biday” sa link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=lFv8xvR5bXE

 Suriin ang musical score ng “Manang Biday”.


 Ano ang mapapansin ninyo sa mga nota?
 Ano-ano ang magkakatapat na nota?
 Paano inaawit ang mga bahaging may dalawang magkakatapat
na nota?
 Aling pangkat ng mang-aawit ang kakanta sa mga nota na nasa
ibabang bahagi?
 Aling mga measure ang may bahaging alto at soprano na
magkaiba ang nota?

Pagyamanin

Makinig sa mga musikang nakarekord. Lagyan ng tsek (/) kung


may 2-part song at (x) kung wala.
1. Seven Peasant Dances
https://www.youtube.com/watch?v=NULyC6uYa4E
2. Gregorian Chant
https://www.youtube.com/watch?v=04OC2iqYa5g
3. Balitaw mula sa Visayas na may sagutan ang lalaki at babae
https://www.youtube.com/watch?v=2x7A9NF3-wM
.
Isaisip

Ang 2-part vocal ay binubuo ng dalwang himig: ang bahaging


soprano at alto. Ang soprano ay nasa itaas nabahagi samantalang ang
alto ay nasa ibabang bahagi ng musical score. Maari ring boses ng
soprano at tenor na inaawit nang sabay.

Aralin
Ang mga Harmonic Interval
7 ng mga Awitin

Tulad ng ostinato at descant, ang awitin ay maaaring gawing


kaaya-aya at maganda sa pandinig. Ito ay sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga harmonic interval. Ang mga harmonic interval ay
inaawit kasabay ng pangunahing melody.

Tuklasin

Suriin
natin ang larawan na ito.

www.google.com
Musika at Sining – Ikaapat na Baitang – Patnubay ng Guro, pahina 178

 Ilang patong ang cake?


 Gaya ng cake na ito, ang tono ay maaari ring magpapatong-
patong.

Suriin

Suriin natin ang awiting “Ode to Joy” ni L.V. Beethoven

 https://www.youtube.com/watch?v=u9VnThgCdrs
 Ano ang kadalasang interval ng mga nota sa awiting “Ode to
Joy”?
 Paano inaawit ang mga bahaging ito?

Sa musika, ito ay tinatawag na harmonic interval. Ang mga harmonic


interval ay binubuo ng dalawa o higit pang magkakaugnay na nota na
inaawit nang sabay. Ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa tunog ng
awit.

Pagyamanin

Gamit ang musical score ng “Bahay Kubo”, bilugan ang mga measure
na may harmonic third interval.
Isaisip

Ang mga harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang


magkakaugnay na nota na inaawit nang sabay. Ito ay nagbibigay ng
kakaibang kulay sa tunog ng awit.

Aralin
Ang Paglikaha ng Harmonic
8 Third Intervals

Ang isang awitin ay higit na maganda at kaaya-aya sa pandinig


kung lalapatan ito ng harmonic third interval. Ang harmonic third
interval ay ang pinakamataas at pinakamadaling ilapat sa
pangunahing melody ng isang awitin.

Tuklasin

Iguhit ang harmonic third interval ng mga sumusunod na nota.


Gawin ito sa itaas nota.
Suriin

Ating pag-aralang awitin ang “Tiririt ng Maya”


Sundan ang link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=EOG49l9qGWE

Awitin ang mga so-fa syllable ng awiting “Tiririt ng Maya”

Pagyamanin

Lagyan ng harmonic third interval (ibaba) ang mga bahaging may


parisukat.
Isaisip

Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang mga


tone na magkakaugnay at inaawit o tinutugtog nang sabay.
Kung ang nota ay nasa linya, ang harmonic third nito ay nasa
kasunod na linya sa itaas o ibaba. Kung ang nota ay nasa space, ang
third nito ay nasa kasunod na space sa itaas o sa ibaba.

Isagawa
Magsaliksik ng isang awitin na may harmonic intervals (2 pitches).
pag-aralan ang awiting ito. Pagkatapos matutunan. I video ang sarili
habang umaawit at ilagay ito sa ating group chat.

Tayahin
A. Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad
ng tamang pahayag at Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ang descant ay isinusulat sa itaas ng melody ng awitin.


2. Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang
magkakaugnay na tone.
3. Ang harmonic interval ay tinutugtog o inaawit na magkasunod.
4. Nakikilala ang mga harmonic interval sa pakikinig at pagbabasa.
5. Ang thirds ay halimbawa ng harmonic interval.
6. Ang mga awitin ay maaring lapatan ng harmonic interval.

B. Piliin ang titk ng tamang sagot isulat ito sa inyong sagutang


papel.

7. Alin sa mga sumusunod ang nakakadagdag sa texture ng awitin?


A. Descant C. payak na pag-awit
B. Isahang pag-awit D. wala sa nabanggit

8. Paano inaawit o tinutugtog ang harmonic interval?


A. magkasabay B. magkahiwalay C. paisa-isa D. sunod-sunod

9. Sa paanong paraan nakikilala ang harmonic interval?


A. sa pakikinig C. titik A at B
B. sa pagbabasa D. wala sa nabanggit
10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng harmonic interval na
thirds?
11. Lahat ng mga awiting ito ay nilapatan natin ng harmonic interval
maliban sa isa. Alin ito?
A. "Manang Biday" C. "Tiririt ng Maya"
B. "Kalesa" D. "Bahay Kubo"

12. Alin sa Sumusunod ang binubuo ng dalawa o higit pang


magkaugnay na tone?
A. Descant C. rhythmic ostinato
B. melodic ostinato D. harmonic interval

Karagdagang Gawain

Magpatulong sa inyong mga magulang o mga nakakatandang


kapatid. Gagawa ka ng isang maikling awit.

Susi ng Pagwawasto

SUBUKIN BALIKAN TAYAHIN


(pp. 8) (pp.9-10) (pp.19-20)
1. T 1. A 1. T
2. M 2. B 2. T
3. T 3. A 3. M
4. T 4. A 4. T
5. M 5. C 5. T
6. T 6. D 6. T
7. T 7. B 7. A
8. T 8. C 8. A
9. M 9. B 9. C
10. T 10. A 10. A
11. M 11. C 11. A
12. T 12. A 12. D

PAGYAMANIN (pp. 11)


Di biro maghapon di man lang makatayo

PAGYAMANIN (pp. 14)


1. / 2. X 3. /

PAGYAMANIN (pp. 16.)

TUKLASIN (pp. 17)

Sanggunian:
Marilou E. Marta R. Benisano, M.A.P.A, Grade 4, Musika at
Sining, (Kagamitan ng Mag-aaral) Philippines: VICARISH
Publication and Trading Inc. Unang Edisyon 2015
Mga links na pinagbasahen para mas makilala pa natin ang mga
instrumentong nabanggit sa module na ito.
www.youtube.com

You might also like