You are on page 1of 17

4

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Gawaing Lumilinang sa
Kagalingang Pansibiko

i
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Mga Gawaing Lumilinang sa Kagalingang Pansibiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Geramme M. Cabusog
Editor: Jebe T. Bais
Tagasuri: Josephine T. Sardan
Nieves S. Asonio
Tagaguhit:
Tagalapat: James B. Caramonte
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
Alamin

Most Essential Learning Competency (MELC)

Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa kagalingan pansibiko


AP4KPB-IVd-e-4

Mga Layunin

K - Natutukoy ang iba’t ibang uri ng gawaing pansibiko.


S - Naitatala ang kabutihang dulot ng mga gawaing pansibiko
sa isang bansa.
A- Napahahalagahan ang iba’t-ibang uri ng kagalingang pansibiko sa
pag-unlad ng bansa.

Subukin

A. Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa notbuk ang Tama


kung ang pahayag ay tama at Mali naman kung hindi.

____________1. May iba’t- ibang uri ng gawaing pansibiko na maaring


gampanan ng kahit sinuman, bata man o matanda,
batay sa kaniyang kakayahan.
____________2. Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad
at ng ating bansa ay gawaing pansibiko na hindi
kayang gawin ng batang tulad mo.

1
____________3. Ang pamamahala ng trapiko ay kayang gawin ng
batang iskawt.
____________4. Ang pagtatanim ng mga halaman sa bakuran ay
gawaing pansibiko na maaring gawin sa komunidad.
____________5. Walang mabuting naidudulot ang kagalingan pansibiko
lalo na sa tulad mo na nag-aaral pa lamang. Wala
kang maiaambag dito.

B. Panuto: Isulat sa notbuk kung panandalian o pangmatagalan ang


mga sumusunod na gawain.
______________1. Nagbibigay ng dugo si Aling Rowena sa Red Cross.
______________2. Nagtuturo ang sampung taong gulang na si Anna sa
Barangay Day Care Center.
_____________ 3. Nanguna sa paglalagay ng maliit na watawat ng
Pilipinas si Miguel para sa pagdiriwang ng
Pambansang “ Araw ng Kalayaan”.
______________4. Taon-taon, bumibisita sa bilangguan ang ilang piling
mag-aaral sa paaralan nila Jun upang magbigay ng
kasiyahan sa mga preso. Ikaapat na taon na siyang
nagkukusang- loob na maghandog ng palabas para
sa kanila.
______________5. Hinihikayat ni Aling Edna ang mga kapitbahay na
paghiwalayin ang mga basura sa kanilang
komunidad. Ito ay bilang pagsuporta sa proyekto ng
munisipyo hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

2
Balikan

Naalala mo pa ba kung ano


ang ibig sabihin ng
kagalingang pansibiko?

https://i.pinimg.com/736x/4f/ae/53/4fae535ca7e76a966f7b432717cff19c.jpg

Aba opo. Ang kagalingang pansibiko ay


isang sitwasyon kung saan taglay ng mga
mamamayan ang kamalayan na may
pananagutan sila sa kanilang kapwa.
Ang gawaing pansibiko ay may pagkilos at
paglilingkod sa iba na kusang inihandog ng
indibiduwal.
http://clipart-library.com/img/2082479.jpg

Magaling! Mabuti naman at natandaan mo pa ang pinag-aralan natin


kahapon.
Nakakatuwa namang isipin na isinapuso mo talaga ang leksiyon natin.

3
Tuklasin

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba.

Anong gawaing pansibiko ang ipinakikita ng bawat larawan?

https://tinyurl.com/4kphv238 https://tinyurl.com/jphe5z5a

https://2.bp.blogspot.com/-
jvhtDBb6_sQ/WE6d6X4gHdI/AAAAAAA
AABc/ZL7dIQK7MhEO3RkM6IEnfwq-
jdUHuyZYwCLcB/s320/518209534.jpg

https://lrmdsnegor.net/wp- https://www.sgs.ph/-
content/uploads/2021/02/Mag-lola-crossing-the- /media/local/philippines/images/structural-website-
road.png?6bfec1&6bfec1 images/news-images/2019/sgs-blood-
donation.png?la=en

Ilan lamang ito sa gawaing pansibiko na nagawa na ninyo o hindi


pa at maari rin ninyong umpisahang gawin.
May ibat-ibang uri ng gawaing pansibiko. Maari itong iayon sa
kakayahan ng indibidwal o grupo. Sa mga batang tulad mo, ang mga
gawaing pansibiko ay makikita sa payak na paggawa ng kabutihan.
Halimbawa ay ang magalang na pakikipag-usap sa matatanda, paggabay
sa paglalakad sa may kapansanan at pagtulong sa paglilinis ng
kapaligiran. Ang pagpapalabas o pagtulong sa mga pagtatanghal na
pampubliko ay isa pang gawain. Maging ang pagtulong sa pamamahala
sa trapiko ng mga batang iskawt ay isa ring gawaing pansibiko.
4
Suriin

Maaring malawak ang sakop at pangmatagalan ang gawaing


pansibiko na sinasalihan lalo na ng nakakatanda. Ilang halimbawa ng mga
ito ay ang sumusunod;

Ang programa at proyekto sa literasi


ay isa sa mga sinasalihan ng
nakatatanda na itinuturing na
pangmatagalan ang benepisyo sa
mga mamamayan.

https://www.worldvision.org.ph/wp-content/uploads/2019/09/11.jpg

Pagbuo ng mga liga, pagtuturo ng


isports at pagbibigay pasilidad .

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/sport
s/11/10/20201110-psl.jpg?ext=.jpg

Gayundin, maaring pagtuunan ng pansin ang usapin sa pera at


kabuhayan. Maaaring bumuo ng mga kooperatiba, sumali sa paggawa
ng mga lokal na produkto o pagtitinda ng mga ito.

Ang mga gawaing pangkabuhayan


ay malaki ang pakinabang sa
komunidad.

https://tinyurl.com/nkt2wa52

5
Sa kabuuan, maaaring tingnan sa dalawang mukha ang naidudulot ng
gawaing pansibiko. Una ang pagbibigay ng kagyat na lunas. Dahil sa
mamamayang nagkukusang-loob na tumugon sa panahon ng kagipitan,
nagiging mabilis ang proseso ng pag-abot ng tulong sa mga nasalanta
ng mga kalamidad, pagsagip ng buhay kapag may aksidente at
pagbibigay ng agarang lunas sa mga nakakaranas ng gutom at sakit.

May mga pangkalusugan din kagaya


ng pagsagip sa buhay, sa kalamidad,
pagbibigay ng agarang lunas sa mga
nakararanas ng sakit at gutom. Ito ay
kagyat na lunas at agarang pagtugon.

https://www.sgs.ph/-/media/local/philippines/images/structural-
website-images/news-images/2019/sgs-blood-
donation.png?la=en

Pagsagip sa buhay kapag may


aksidente.

https://calasiao.files.wordpress.com/2018/05/picture32.png?w=313&h=188

Pangalawa, ang pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto.


Mga programang tulad ng pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga
kabataan, mga programang pang literasi sa mga nakapag-aral, at
pangkabuhayan para sa mga grupong etniko ang ilang halimbawa nito.
Nangyayari ito sa mahabang panahon kung saan ang resultang
matatamasa ay panghabambuhay.

Sa pangalawang mukha na ito ng kagalingang pansibiko ,


nabibigyang-solusyon ang mga suliraning panlipunan tulad ng
kamangmangan at kahirapan.

6
May iba pa ba na hindi nabanggit sa teksto?
Ano-ano ang mga ito?

Ang malasakit sa yamang tubig


ba ay gawaing pansibiko?
Bakit?

https://lytsvp12.files.wordpress.com/2014/08/10545034_82211208448031
3_1250783618_n.jpg

Ang dynamite fishing ba ay


pagpapakita ng gawaing
pansibiko? Bakit hindi?

https://static01.nyt.com/images/2018/06/19/world/00philippines-dynamite-
promo/merlin_139341618_5a68d04a-2ec6-425c-a780-2b1af31923b7-
superJumbo.jpg

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Itala ang mga gawaing pansibiko na hindi mo pa nasimulan o
kaya ay gusto mong simulang gawin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

7
Gawain B
Panuto: Isulat sa notbuk ang titik ng gawaing pansibikong inilalarawan
sa bawat pahayag.
A- Kalikasan C- Pampalakasan
B- Kalusugan D- Edukasyon

_____1. Pagsasagawa ng palihan sa pagpipinta ng mga batang


lansangan.
_____2. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak sa
labi.
_____3. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.
_____4. Pagtatanim ng malilit na puno sa likod ng bahay.
_____5. Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran.

Isaisip

A. Ano ang iyong natutuhan sa aralin na ito?

Ibigay ang iba’t-ibang uri ng gawaing pansibiko.


________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

B. May kabutihang dulot ba ang kamalayan sa gawaing pansibiko


ng ating bansa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

8
C. Paano nakatulong ang kagalingan o gawaing pansibiko sa
pag-unlad ng bansa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________________________________________________

Isagawa

Panuto: Magbigay ng limang gawaing pansibiko na gusto o


kaya mong gawin at ang kabutihang dulot nito. Isulat sa notbuk
ang iyong sagot.

MGA GAWAING PANSIBIKO MGA KABUTIHANG DULOT

1. __________________ 1. ________________________
2. __________________ 2. ________________________
3. __________________ 3. ________________________
4. __________________ 4. ________________________
5. __________________ 5. ________________________

9
Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa notbuk ang Tama kung
ang pahayag ay Tama at Mali naman kung hindi.
____________1. May iba’t- ibang uri ng gawaing pansibiko na maaring
gampanan ng kahit sinuman, bata man o matanda,
batay sa kaniyang kakayahan.
____________2. Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad
at ng ating bansa ay gawaing pansibiko na hindi
kayang gawin ng batang tulad mo.
____________3. Ang pamamahala ng trapiko ay kayang gawin ng
batang iskawt.
____________4. Ang pagtatanim ng mga halaman sa bakuran ay
gawaing pansibiko na maaring gawin sa komunidad.
____________5. Walang mabuting naidudulot ang kagalingang
pansibiko lalo na sa tulad mo na nag-aaral pa lamang.
Wala kang maiaambag dito.
B. Panuto: Isulat sa notbuk kung panandalian o pangmatagalan ang
mga sumusunod na gawain.
______________1. Nagbibigay ng dugo si Aling Rowena sa Red Cross.
______________2. Nagtuturo ang sampung taong gulang na si Anna sa
Barangay Day Care Center.
_____________ 3. Nanguna sa paglalagay ng maliit na watawat ng
Pilipinas si Miguel para sa pagdiriwang ng
Pambansang” Araw ng Kalayaan”.
______________4. Taon-taon, bumibisita sa bilangguan ang ilang piling
mag-aaral sa paaralan nila Jun upang magbigay ng

10
kasiyahan sa mga preso. Ikaapat na taon na siyang
nagkukusang- loob na maghandog ng palabas para
sa kanila.
______________5. Hinihikayat ni Aling Edna ang mga kapitbahay na
paghiwalayin ang mga basura sa kanilang
komunidad. Ito ay bilang pagsuporta sa proyekto ng
munisipyo hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

Karagdagang
Gawain
Bilang kabahagi ng
ating bansa, ano- ano
ang maari mong gawing
partisipasyon upang
isulong ang
kagalingang pansibiko?

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Mabisang naibigay ang buong 4
http://clipart-library.com/newimages/boy-clipart-28.jpg
ideya
Bahagyang naibigay ang ideya 3
May ideya ngunit malayo sa 2
paksa
Walang naibigay na ideya 1

11
Susi sa Pagwawasto

Subukin Isaisip
A. 1.Tama Iba-iba ang maaaring sagot.
2. Mali
3. Tama Isagawa
4. Tama Iba-iba ang maaaring sagot.
5. Mali
B. 1. Panandalian Tayahin
2. Pangmatagalan A. 1. Tama
3. Panandalian 2. Mali
4. Pangmatagalan 3. Tama
5. Pangmatagalan 4. Tama
Gawain A 5. Mali
Iba-iba ang maaring sagot . B. 1. Panandalian
Maaring iba-iba ang sagot ng mga bata. 2. Pangmatagalan
Gawain B 3. Panandalian
1. D 4. Pangmatagalan
2. B 5. Pangmatagalan
3. C
4. A
5. A
Karagdagang Gawain:
Iba-iba ang maaaring sagot.

12
Sanggunian

Aklat

Teachers Guide
1. Most Essential Learning Competencies (MELC)
Kto 12- AP4KPB-IVd-e-4
2. Araling Panlipunan 4 TG pp. 164-166
3. Learner’s Material, pp. 362-372
Kto 12- AP4KPB-IVd-e-4

Internet/Mga Larawan

http://clipart-library.com/newimages/boy-clipart-28.jpg
https://i.pinimg.com/736x/4f/ae/53/4fae535ca7e76a966f7b432717cff19c.
jpg
http://clipart-library.com/img/2082479.jpg
https://tinyurl.com/4kphv238
https://tinyurl.com/jphe5z5a
https://2.bp.blogspot.com/-
jvhtDBb6_sQ/WE6d6X4gHdI/AAAAAAAAABc/ZL7dIQK7MhEO3RkM6IE
nfwq-jdUHuyZYwCLcB/s320/518209534.jpg
https://lrmdsnegor.net/wp-content/uploads/2021/02/Mag-lola-crossing-
the-road.png?6bfec1&6bfec1
https://www.sgs.ph/-/media/local/philippines/images/structural-website-
images/news-images/2019/sgs-blood-donation.png?la=en
https://www.worldvision.org.ph/wp-content/uploads/2019/09/11.jpg
https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/sports/11/1
0/20201110-psl.jpg?ext=.jpg
https://tinyurl.com/nkt2wa52
13
https://calasiao.files.wordpress.com/2018/05/picture32.png?w=313&h=1
88
https://lytsvp12.files.wordpress.com/2014/08/10545034_8221120844803
13_1250783618_n.jpg
https://static01.nyt.com/images/2018/06/19/world/00philippines-
dynamite-promo/merlin_139341618_5a68d04a-2ec6-425c-a780-
2b1af31923b7-superJumbo.jpg

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like