You are on page 1of 23

Week 2

Paggamit at Pagkilala sa
Iba’t ibang mga Uri ng
Pangungusap
Ang damdamin na ginagamit ay
makikilala sa pamamagitan ng galit,
tuwa, takot, sakit, pagsasabi ng
katotohanan o pagsisiyasat sa mga
katanungan. Makikilala ang mga uri
ng pangungusap sa pagsasalaysay at
pagbuo nito.
Tuklasin din natin ang mga uri ng pangungusap ayon sa
gamit.

Ang Pangungusap -ay lipon ng


mga salita na buo ang diwa.
Binubuo ito ng simuno at panag-uri.
Simuno – ang paksa o ang pinag-
uusapan.

Panag-uri – naglalarawan sa simuno o


Narito ang mga uri ng pangungusap ayon
sa gamit:
1. Pasalaysay o
paturol – ito ay nagsasabi o naglalahad
ng isang pangyayari sa katotohanan.
Nagtatapos ito sa tuldok(.).
Halimbawa:
SimuSiya ay tapatPanag-uri
sa kanyang
tungkulin. no
2. Patanong – ito ay nagtatanong,
nagsisiyasat o naghahanap ng sagot.
Nagtatapos ito sa tandang pananong(?).
Hal: Sino-sino ang tumutulong sa
ating pamayanan?
3. Pautos/Pakiusap - uri ng pangungusap na
ginagamit sa pag-uutos/pakiusap. Ginagamitan ng
magagalang na salita. Maaaring nagtatapos sa tuldok
o tandang pananong.
Hal: Pautos- Gawin mo nang maayos ang
iyong tungkulin.
Pakiusap- Maari ba akong humiram ng
payong?
4. Padamdam – ito ay nagpapahayag ng
matinding damdamin. Ito ay maaring
pagkagulat, pagkatakot, pagkatuwa, o
matinding sakit. Ito ay ginagamitan ng
bantas na padamdam (!).
Hal: Wow, Ang ganda -ganda mo
naman!
Paano ginagamit ang mga uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng isang karanasan?

1.Ano ang napapansin mo


sa larawan?
2.Anong bagay ang
kanyang gamit sa bibig at
ilong?
3.Bakit siya may facemask?
Sa pamamagitan ng larawang ito magagamit mo ang uri ng mga
pangungusap sa pagsasalaysay ng iyong karanasan lalo na sa
kasalukuyang pandemya.
Hal: Base sa ipinatutupad na lockdown: Padamdam
 Aba! Nakalimutan naming bumili ng gamot ng aking lolo.
 Mahirap pala ang walang
PASALAYSAY O trabaho, isang beses lamang kami
PATUROL
kumain sa isang araw.
patanongsa mga alituntunin
 Bakit kaya may mga taong ayaw sumunod
upang maiwasan ang pagkakasakit ng corona virus?
pakiusap
 Maari ba akong makahingi ng alcohol?
pautos
· Sundin natin ang pag-iingat upang maiwasan natin ang
Pansinin ang mga pangungusap na ginamit. Mapapansin na sa
pagsasalaysay ay nagagamit natin ang mga uri ng pangungusap,
gayundin sa isang panayam.
Ang Panayam ay isang pakikipagpulong ng kinakatawan ng pahayagan sa
isang taong nais niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat at mapalilimbag.

Ito ay isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon,


kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan ng
madla tulad ng kasalukuyang pandemya na nangyayari sa ating mundo. Maari
tayong makipanayam sa mga guro o resource person, punong barangay, mga mag-
aaral, mga doktor o mga frontliners o kahit sino na makapagbibigay ng
interesadong paksa o usapin. Ang layunin nito ay isinasagawa upang kumuha ng
impormasyon, kuro-kuro, reaksyon sa mga nangyayari sa kasalukuyan o kaya
itampok ang isang tao at ipakilala ang kanyang talambuhay.
Narito ang ilang halimbawa ng pangungusap na ginagamit sa panayam:
 Maari nating puntahan si kapitan bukas upang kapanayamin
natin tungkol sa pagpapatupad ng lockdown sa barangay.
 Ano po ang mga proyekto o programang ipinatutupad ninyo?
 Paano po kayo nakakasiguro na nakasunod sa curfew ang
lahat?
 May mga suliranin din ba kayong nakakaharap simula ng
kayo ang maging
punong barangay?
 Naku! mabuti na lamang at kayo ay sinusunod ng mga
mamayan dito.
Ano ang Balangkas?

Ang balangkas o “outline” ay


kalipunan ng mga salita at
pangungusap na nagtataglay ng
pangunahing ideya at mga pantulong
na ideya.
Kahalagahan ng paggamit ng balangkas
Hindi nagdudulot ng kalituhan sa mga
nagsusulat at nagbabasa ng kwento.
Nailalahad ang gustong iparating ng taong
gumawa ng kwento. Nagiging malinis at
organisado ang mga salita.
Kaya sa paggawa ng iyong sariling
kwento gumamit ng tamang mga balangkas
ng salita para maintindihan ito ng iba.
Uri ng Balangkas
 Paksang Balangkas – isinusulat sa
salita o parirala ang mga punong
kaisipan.
Halimbawa: 1. Ang iisang
Wikang Filipino
A. sagisag ng bansa
Paksang
Balangkas
Mga Yamang Lupa ng Pilipinas

I.Mga Anyong Lupa


A. bundok
B. kapatagan
C. burol
 Pangungusap na Balangkas – binubuo ng
mahalagang pangungusap na sadyang bahagi ng isang
sulatin.
Halimbawa: 1. Ang pagkain ng gulay ay
mahalaga.
A. Masustansya ang gulay.
B. Madali lamang itanim at lutuin ang mga ito.
· Patalata na Balangkas – patalata ang paraan ng pag-
aayos ng mga ideya, ngunit hindi ito madalas gamitin.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
Panuto: Suriin ang iba’t ibang pangungusap. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba at isulat ang sagot sa inyong papel.
Ang pangarap ni Rod ay maging isang alagad ng batas.(Pasalaysay)
Ano ang nangyari sa kanyang pagpupunyagi?(Patanong)
Naku! Nahuli siya! (Padamdam)
Tularan natin sila. (Pautos)
Pakiabot naman ng gamit ko.(Pakiusap)
 
1. Ano ang isinasaad sa unang pangungusap?
2. Alin ang pangungusap na nagtatanong? Nag-uutos?
3. Ano ang ipinahahayag ng ikatlong pangungusap?
4. Ano-anong bantas ang ginamit sa bawat pangungusap?
GAWAIN BILANG PAGKATUTO 2
Basahin ang pangungusap at suriin kung anong uri ng pangungusap
ang ginamit sa pagsasalaysay ayon sa sariling karanasan. Isulat ang
sagot sa patlang.

________1. Si Cheska ang nakaranas ng sakit na tinatawag


nating COVID-19.
________2. Rowel, ano-ano ang ginawa ninyo nang ipatupad
ang lockdown sa inyong lugar?
________3. Hala! Rowel di tayo nakabili ng pagkain kahapon.
________4. Rowel, pakiabot naman ng aking facemask at
GAWAIN BILANG PAGKATUTO 3
Isalin ayon sa uri ng pangungusap na nasa loob ng panaklong ang mga
sumusunod:
 
(patanong) 1. Malaki na ang mga puno sa bakuran.
______________________________________________________
 

(padamdam) 2. Hinabol ka ba ng aso ni Rowel?


______________________________________________________
 

(pasalaysay) 3. Iwan mo ang mga aklat sa mesa.


______________________________________________________
 

(pautos) 4. Aba! Inubos mo ang pagkain.


______________________________________________________
 

(pakiusap) 5. Si Gng. Nena Santos ay nagbigay ng tulong sa Community Pantry.


_______________________________________________________

You might also like