You are on page 1of 28

Dear Lord and Father of all.

Thank you for today,


Thank you for ways in which you provide
for us all. For your protection and love we
thank you.
Help us to focus our hearts and minds now
on what we are about to learn.
Inspire us by your Holy Spirit as we listen
and write.
Guide us by your eternal light as we
discover more about the world around us.
We ask all this in the name of Jesus.
Amen.
Week 5
“Pagsagot sa mga tanong na
nabasa/napakinggang
pagpupulong at pagsulat ng
katitikan gamit ang mga uri ng
pangungusap sa Pormal at Di-
pormal na pagpupulong”
Pagpupulong
- isang gawain kung saan ang grupo
ng mga tao ay nagtitipon sa isang
lugar sa takdang oras upang mag-usap
tungkol sa mga bagay- bagay o
gumawa ng pasya tungkol sa mga
isyu.
Katitikan (minutes)
- ito ang opisyal na tala ng mahahalagang
diskusyon at desisyon sa isang pulong na kalimitang
isinasagawa nang pormal, obhetibo at
comprehensibo. Mahalaga ang katitikan ng pulong
sapagkat hindi lahat ng napag-uusapan sa isang
pulong ay maaalala ng bawat dumalo. Sa
pamamagitan nito, mas madaling mababalikan
anumang oras ang napag-usapan o napagkasunduan
sa pulong.
Pag-aralan ang halimbawa ng katitikan sa ibaba (minutes)
Pagbubukas ng Kapulungan
Uri ng Pangungusap
1. Paturol o Pasalaysay- Ito ang pangungusap na nagsasalaysay.
Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Maraming dumalo sa unang pagpupulong sa
ating Barangay.
2. Patanong- pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa
tandang pananong (?).
Halimbawa: Sino-sino ang mga kalahok sa pagpupulong?
3. Pautos- ang pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito sa
tuldok (.).
Halimbawa: Isulat ang mga napagkasunduan sa pulong.
Pakiusap-nakikiusap at may kasamang paki-o kung maaari.
Halimbawa: Pakisulat ninyo ang pangalan ninyo sa papel
bago kayo umupo.
4. Padamdam- pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Subukang sagutin ang mga tanong:
1. Anong samahan ang nagpupulong?
__________________________________________________________
2. Sino ang nagbukas ng pulong?
____________________________________________________________
3. Paano sinimulan ang pagpupulong?
_________________________________________________________
4. Bakit nagpatawag ng pagpupulong?
___________________________________________________________
5. Sa pagpupulong na kagaya nito, ano ang kadalasang ginagawa ng bawat kasapi sa
pagpupulong?
_____________________________________________________________________________
___
6. Karapatan ba ng bawat kasapi ang magsalita tungkol sa kaniyang saloobin na na-aayon sa
paksa? ____________________ Bakit?
______________________________________________
7. Ano ang tawag sa pagbibigay niya ng kanyang sariling saloobin sa paksa?
_____________________________________________________________________________
____
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto: Gamit ang
katitikan ng pagpupulong sa Gawain 1 ay magbigay ng
isang pangungusap na ginamit sa pagpupulong batay sa
hinihingi sa talahanayan. Uri ng Pangungusap
Pangungusap
1. Pasalaysay
_________________________________________
2. Patanong
_________________________________________
3. Pautos
_________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 : Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang iyong
opinyon o reaksiyon sa nabasang bahagi ng pagpupulong.
1. Nagsimula na ang pulong. Tumayo at nagpaliwanag ang pangulo sa harap ng mga kasapi ng mga iskawt.
Ipinagpatuloy ng ilang kasapi ang kanilang usapan. Mayroong ilang kasaping nagtawanan.
______________________________________________________________
2. Nag-ulat ang kalihim ng iskawt sa harap ng mga kasapi nito. Lahat ng mga kasapi ay nakinig nang
mabuti sa kanya. ______________________________________________________________
3. Dumating ang punongguro sa silid-pulungan. Ipinaliwanag niya ang mga bago at mahahalagang
tuntuning dapat gawin ng mga kasapi ng iskawt sa gagawing proyekto. Habang nagpapaliwanag, nakikinig
nang mabuti ang mga kasapi.
________________________________________________________________
4. Habang nagpapaliwanag sa pulong ang pangulo ng iskawt tungkol sa proyekto. May kasaping naguusap.
Mayroong nagsusulat at mayroon ding nagbabasa.
______________________________________________________________
5. Dumalo sa pulong ang mga kasapi. Umupo sila ng maayos. Nang magsimula ang pulong, nakinig silang
mabuti sa kalihim na tagapagsalita. Pumalakpak sila nang marahan pagkatapos magsalita ang kalihim.
_____________________________________
Week
Pag-unawa at 6
Pagsulat ng Iskript
ng Radio
Broadcasting at
Teleradyo
Ang Iskript para sa
broadcasting o teleradyo ay
manuskrito ng gagawin ng
isang announcer o tagapagbalita
sa isang programa sa radio o
telebisyon. Mahalaga ang
paggamit ng iskript sa
pagbabalita upang maging
maayos, malinaw at
organisadong maiparating sa
Ang iskript ng radyo ay ang nakasulat na
materyal na nagpapahiwatig ng pandiwa at
di-berbal na aksyon na ipakikita ng
nagtatanghal at ang kanyang mga katuwang
sa isang programa sa radyo. Ito ay
ginagamit upang magkaroon ng plano ang
lahat, maiwasan ang paglitaw ng mga hindi
inaasahang kaganapan at makapag-iskedyul
ng mga anunsyo at ang pagkumpleto ng
programa. Ang iskript ay nagsasabi kung
ano ang gagawin, sasabihin, kailan at paano
Narito ang hakbang sa pagbuo ng iskript.
Hakbang sa Pagbuo ng Iskript
 Alamin ang iyong manonood o
tagapakinig
 Gumawa ng pananaliksik tungkol sa
paksa
 Gumawa ng balangkas (outline)
 Sumulat ng burador (draft)
 Basahin ng malakas at orasan
 Ilarawan o ivisualized ang iskript
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Iskript sa Radio
Broadcasting at teleradyo:
· Dapat malinaw at madaling maintindihan
· Gumamit ng salitang madaling maunawaan
· Gawing maikli at simple ang balita ngunit
naglalaman ng mahahalagang impormasyon.
Huwag magdagdag ng mga hindi
kinakailangang salita o parirala na hindi
nagdadagdag ng anumang bagay sa nais mong
· Tiyakin ang kawastuhan ng impormasyong ibabahagi.
· Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music).
· Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at
epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano
gagamitin ang mga ito.
Maglagay ng tutuldok (:) o kolon pagkatapos isulat ang
mga pangalan ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat
ang SFX o MSC.
Sa pagbibigay naman ng obserbasyon sa napakinggang
iskript ng teleradyo ay kailangang maging isang
mapanuring tagapakinig upang mas madaling magbigay
ng sariling obserbasyon sa napakinggang balita sa
teleradyo. Maigi ding pansinin ang aspektong teknikal
kung maayos ang paghatid ng iskript ng teleradyo sa
pagbabalita. Kung naging malinaw ba ang pagbitaw ng
mga salita at may tamang lakas ng boses sa paghatid ng
balita.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng Iskript ng
teleradyo. Sagutin ang sumusunod na mga tanong pagkatapos. Isulat sa sagutang papel.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa
nabasang iskript.
1. Anong pangalan ng istasyon ang ginamit sa
iskript?
2. Ilang balita ang inilahad sa iskript?
3. Anong ginamit ng manunulat upang mabigyang
buhay ang isinusulat na iskript?
4. Paano sinimulan at tinapos ang isinulat na iskript?
5. Anong nararamdaman mo habang binabasa mo
ang iskript?
Sa paggawa ng obserbasyon, maaari mong gawing
basehan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
 
Unang talata: Naging maayos ba ang daloy ng
mensahe ng balita habang binabasa ang iskript ng
teleradyo? Naintindihan ba ang mga detalyeng
binanggit sa balita?
Ikalawang talata: Makabuluhan ba ang mensaheng
nais ipabatid ng balita mula sa napakinggang iskript ng
teleradyo? Bakit? Ikatlong talata: Kung ikaw ang
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Muling
balikan ang halimbawa ng iskript sa unang
pagsasanay at suriin ang inilalahad ng iskript.
Isulat ang inyong reaksyon batay sa inyong
naging obserbasyon mula sa nabasang iskript
ng isang radio broadcasting. Isulat ang sagot
sa inyong sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang iskript ng komentaryong panradyo
at sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa inyong
sagutang papel. Maaari ring pakinggan ang iskript sa link na ito https://
www.youtube.com/watch?v=M9lZ_0_B288.a
1. Ano ang paksang pinag-uusapan ng tagapagbalita sa
napakinggan at nabasang iskript?
2. Ano ang masasabi mo sa iskript na kanilang isinulat?
3. Paano nila tinalakay ang paksa sa inilahad na iskript?
4. Bakit mahalagang gumamit ng iskript sa pagsasagawa ng
Radio Boadcasting?
5. Ano ang naging implikasyon nito sa iyong sarili na
maaari mong magamit sa pang-araw araw mong buhay?

You might also like