You are on page 1of 28

Pagsasalaysay Muli nang may

Wastong Pagkakasunod-sunod ng
Napakinggang Teksto gamit ang
mga larawan, Signal Words at
Pangungusap
Sa aralin na ito ay makatutuklas ka ng
mga bagong kaalaman tungkol sa
pagsasalaysay nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng napakinggang
teksto gamit ang mga larawan, signal
words at pangungusap.
Alin nga ba ang nauna itlog o manok?
Pagsunod-sunurin ang mga larawan. Lagyan ng
bilang ang mga ito.
Basahin ang maikling kuwento at pagsunod-sunurin ang
mga pangyayari gamit ang mga larawan.
Ang Sabado ni Von
(ni: Maria Hazel J. Derla)
Isang Sabado ng umaga maagang gumising si Von.
Kinuha niya ang kaniyang backpack pati na rin ang
kaniyang pangawil at ang latang inihanda niya noong
nakaraang gabi. Pumunta siya sa hardin sa likod ng
bahay at tuwang-tuwa ng makakita ng mga
matatabang bulati. Ngayon handa na siya. Pasipol-
sipol siya habang naglalakad papunta sa ilog na hindi
naman kalayuan sa kanila.
Pagdating sa tabing ilog, humanap siya ng
malilim na lugar at inihanda ang kanyang
pangawil at naglagay ng isang bulati rito.
Naupo sa tabing ilog at inihagis ang
kanyang pangawil at tahimik na naghintay.
Nang hindi nagtagal, gumalaw ang
kanyang pangawil at dali-daling tumayo sa
kanyang kinauupuan upang hilahin ito.
Laking gulat niya sa kanyang nakita ng
umagang iyon. Agad niya itong kinuha at
inihanda ang kaniyang kagamitan.
Tuwang-tuwa siya sa malaking isda
na nahuli niya. Dali dali siyang umuwi
para ibigay sa kanyang ina ang kanyang
malaking huli nang araw na iyon at
iyon ang kanilang naging masarap
na pananghalian
Tandaan :
Ang mga pangyayari o mga hakbang ay
inaayos nang may pagkakasunod-sunod ayon
sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng
isang ideya, gawain o pangyayari sa isang
kuwento, isang resipi sa paggawa ng lutuin o
sa isang hulwaran ng pagsasaayos.
Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng
isang hulwaran ng pagkakasunod-sunod ay:

una, pangalawa nang malaunan at sa wakas


sumunod nagsimula ang pinakahuli
pagkatapos unang-una pinakamahalaga
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng bilang 1-5
ang sumusunod na pamamaraan ng pagluto ng
banana cue.
_________ Tuhugin ang nalutong banana cue sa istik.
_________ Talupan ang mga saging.
_________ Ilagay ang saging sa kumukulong mantika.
_________ Initin ang mantika sa kawali.
_________ Ilagay ang asukal para kumapit sa saging.

You might also like