You are on page 1of 7

3 Uri ng Pang-abay na Pamanahon

May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may pananda,


ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas.

A. Pamanahong may Pananda


Ito ay ginagamitan ng mga
panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
o hanggang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na may Pananda
1. Tuwing Linggo ay nagsisimba kami.
2. Sa isang araw ay mag-eehersisyo na ako.
3. Ang bagong taon ay ipinagdiriwang tuwing Enero.
4. Sa ika-25 ng Disyembre ay magbabakasyon ang pamilya ni Gina sa Palawan.
5. Pumupunta kami sa parke tuwing Sabado.

B. Pamanahong Walang Pananda


Ito ay ginagamitan ng mga
panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at marami
pang iba.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na walang Pananda
1. Gigising ako ng maaga bukas.
2. Kanina ay kumain kami ng sorbetes.
3. Pupunta si Mary sa palengke mamaya.
4. Ngayon mo na sunduin si Marga.
5. Ang damit na suot ni Karen ay binili niya kahapon.

C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas


Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay
ang mga salitang araw-araw, gabi-gabi, taun-taon, oras-oras, linggu-
linggo, paminsan-minsan, kani-kanina, maya-maya, parati, madalas, at
marami pang iba.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng Dalas
1. Kumakain ako ng gulay araw-araw.
2. Gabi-gabi ay binabasa ni Lorna ang paborito niyang aklat.
3. Madalas kaming magpunta sa mall.
4. Sina lolo at lola ay paminsan-minsan lang namin nadadalaw.
5. Taun-taon ay naliligo kami sa dagat.

Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Sa blog post na
ito, ating tatalakayin ang pang-abay na panlunan, ang kahulugan nito, at ang
iba’t ibang halimbawa upang mas maging malinaw ang konseptong ito.

Ano ang Pang-abay na Panlunan


Ang pang-abay na panlunan ay binubuo ng mga salitang nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa lugar na kinasasangkutan ng kilos o aksyon sa isang
pangungusap. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa sagot sa tanong na
“saan?”. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag an adverb of place.

Ito ay ginagamitan ng mga panandang na sa, kay o kina.

Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panlunan gamit ang “sa,” “kay,”
at “kina.” Sa bawat halimbawa, ipapaliwanag ang pang-abay na panlunan at
kung paano ito ginamit sa pangungusap.

1. Sa bahay, masarap ang tulog ko.


 Ang pang-abay na panlunan dito ay “sa bahay.” Ito ay naglalarawan kung
saan masarap matulog ang nagsasalita.
2. Pumunta siya sa Maynila upang magtrabaho.
 Dito, ang pang-abay na panlunan ay “sa Maynila.” Ito ay tumutukoy sa
lugar kung saan pumunta ang tao upang magtrabaho.

3. Nakatira si Maria sa tabi ng ilog.


 Ang pang-abay na panlunan sa halimbawang ito ay “sa tabi ng ilog.” Ito
ay nagsasaad kung saan nakatira si Maria.

4. Nakita ko ang libro kay Pedro.


 Sa pangungusap na ito, ang pang-abay na panlunan ay “kay Pedro.” Ito
ay tumutukoy sa taong kung saan nakita ang libro.

5. Nag-aral ako ng piano kay Maestro Cruz.


 Dito, ang pang-abay na panlunan ay “kay Maestro Cruz.” Ito ay
nagbibigay ng impormasyon kung kanino nag-aral ang nagsasalita ng
piano.

6. Kinuha niya ang susi kay Lola.


 Ang pang-abay na panlunan sa halimbawang ito ay “kay Lola.” Ito ay
tumutukoy sa taong kung saan kinuha ang susi.

7. Nagpunta sila kina Ana upang ipagdiwang ang kaarawan.


 Dito, ang pang-abay na panlunan ay “kina Ana.” Ito ay naglalarawan
kung kaninong bahay pinuntahan ng mga tao upang ipagdiwang ang
kaarawan.

8. Ipinahiram niya ang kanyang kamera kina Jojo at Liza.


 Sa halimbawang ito, ang pang-abay na panlunan ay “kina Jojo at
Liza.” Ito ay tumutukoy sa mga taong pinahiraman ng kamera.

9. Sa gilid ng bundok, makikita ang maliit na sapa.


 Ang pang-abay na panlunan dito ay “sa gilid ng bundok.” Ito ay
naglalarawan kung saan matatagpuan ang maliit na sapa.

10. Nagtanim sila ng mga gulay sa likod ng bahay.


 Dito, ang pang-abay na panlunan ay “sa likod ng bahay.” Ito ay
tumutukoy sa lugar kung saan nagtanim ng mga gulay ang mga tao.
Sa mga halimbawang ito, ang pang-abay na panlunan ay tumutulong upang
maging malinaw ang impormasyon tungkol sa mga kilos o aksyon na naganap,
nagaganap, o magaganap sa isang lugar.

Ano ang Pang-abay na Pamaraan


Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ito ay isa sa
mga mahalagang bahagi ng gramatika sa pag-aaral ng wika dahil ito ang
sumasagot sa tanong na “Paano?” sa isang pangungusap.

Ito ay tinatawag na adverb of manner sa wikang Ingles.

Sa paggamit ng pang-abay na pamaraan, gumagamit tayo ng mga


panandang “nang” o “na/ng” upang ipakita ang paraan o pamamaraan ng
pagsasagawa ng kilos.

Halimbawa, sa pangungusap na “Lumakad ako nang mabilis”, ang pang-


abay na pamaraang “nang mabilis“ ay naglalarawan kung paano ginawa ang
paglalakad.

Maari ring gamitin ang pang-abay na pamaraan sa pagsasalaysay ng mga


pangyayari o mga karanasan sa araw-araw na buhay. Sa ganitong paraan, mas
nabibigyang diin ang detalye o paraan ng pagkakaganap ng mga kilos sa isang
pangungusap.
Kaya’t tandaan, mahalaga ang pang-abay na pamaraan sa pagsasalita sa
wikang Filipino dahil ito ay nagpapakita ng epektibong paraan ng pagsasagawa
ng mga kilos sa isang pangungusap.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamaraan sa


Pangungusap
1. Natulog siya na nakabukas ang bibig.
2. Siya ay umalis na nakasimangot.
3. Sinagot ni Juan ang kanyang nanay nang mahinahon.
4. Niyakap ko siya nang mahigpit.
5. Mataimtim siyang nagdasal para sa nalalapit nyang board exam.
6. Padabog siyang umalis ng bahay.
7. Mahimbing ang tulog ni Juan kahapon.
8. Matapang nyang sinagot ang mga katanungan sa kanya.
9. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto.
10. Si Juan ay mahusay na gumuhit.
11. Lumakad nang marahan si Juan papuntang silid.
12. Sumigaw ako nang malakas sa bundok.
13. Kumain kami nang mabilis upang di maiwan ng school bus.
14. Niyakap ni Tatay ang aming bunso nang mahigpit.
15. Umalis tayo nang maaga para di tayo mahuli sa klase.
16. Ang pamilya Rodriguez ay tahimik na namuhay sa probinsya.
17. Maingat na binuhat ni Tina ang mamahaling paso.
18. Bumaba ako nang mabilis sa hagdanan.
19. Dahan-dahan na kinuha ni Juan ang picture frame.
20. Masaya nilang binalik ang libro sa may-ari.
21. Natulog si Anna nang patagilid.
22. Umalis si Mary na umiiyak.
23. Naluluha si Mysie nang magpasalamat siya sa akin.
24. Ang kakaba-kabang dibdib ni Inay ay napanatag nang kaunti.
25. Sinagot ni Berto ang kanyang ama nang pagalit

Ano ang Pang-abay na Panggaano?


Ang pang-abay na panggaano na kilala rin sa tawag na pang-abay na
pampanukat ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng timbang, bigat, o
sukat ng bagay na pinag-uusapan sa pangungusap.
Ito ay sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano


Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panggaano sa
pangunguasap.

1. Nadagdagan ang aking timbang ng limang kilo.


2. Limampung piso ang kilo ng binili kong bigas kahapon.
3. Bumili ka ng limang pirasong sibuyas.
4. Walong basong tubig ang inumin mo araw-araw.
5. Dalawang oras na akong naghihintay sa’yo.
6. Limang kilometro ang layo ng bahay namin mula dito.
7. Pitong takal ng bigas ang hiniram ni Goryo.
8. Inabot ng mahigit dalawang oras ang nilakad namin.
9. Kunin mo ang tatlong kilong baboy sa palengke.
10.Kumain ka ng sampung pirasong ubas sa umaga.

Ano ang Pang-abay na Ingklitik?


Ang pang-abay na ingklitik (enclitic particles) na isang ring uri ng pang-
abay ay maikling kataga na walang kahulugan kung nag-iisa lamang ito ngunit
nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Inilalagay ito sa pagitan ng
pangungusap upang mas lalong luminaw ang kahulugan nito.

Ilan sa mga halimbawa nito ay


ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa,
muna, pala, na, naman, at daw/raw.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Ingklitik


Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na ingklitik sa pangungusap.
1. Ako pala ang magdadala ng kaserola.
2. Ikaw yata ang kumuha ng kendi.
3. Binigyan siya ng pera kaya siya masaya.
4. Ako sana ang kasama nya ngayon.
5. Pupunta yata sila sa nayon.
6. Ikaw pala ang may-ari ng bag na pula.
7. Si Juana naman ang pahiramin mo ng laruan.
8. Siya daw ang nagwagi sa paligsahan.
9. Mahirap pala ang pagsusulit sa Math.
10.Aalis sana ako ngayon.

You might also like