You are on page 1of 22

MGA PANG-ABAY

FILIPINO 9- IKA-6 NA LINGGO

Pagganyak

Pansinin ang mga pangungusap.

Naipahayag ba nang malinaw ang kaisipan?

a.Malakas ang ulan.

b.Ako ay naglalakad pauwi.
c. Ako ay aalis ng bahay.
Subukin mong punan ng iba pang mga salita ang
pangungusap.

a. Malakas ang ulan _________.

b. ________ ako ay naglalakad pauwi.
c. Ako ay aalis ng bahay _________.

d. Kagabi
e. Araw-araw
f. Bukas
Ano naman ngayon ang
iyong napansin matapos
idagdag ang ilang mga
salita?
ANG MGA PANG-ABAY
• Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang
pang-abay. Makikilala ito dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang
pang-abay na bumubuo ng parirala.
• Halimbawa:
• Malakas ang ulan kagabi.
• Araw-araw akong naglalakad pauwi.
• Mabilis tumakbo si Joseph.
• Nakasimangot na naglalaro si Jake.
ANG MGA URI NG PANG-ABAY

1. Pang-abay na Pamaraan
• Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa.

Halimbawa:
1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
2. Bakit siya umalis na umiiyak?

Subukin
Umalis si Mary na galit.
ANG MGA URI NG PANG-ABAY

2. Pang-abay na Panlunan
• Ito ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang
ginagamit ang pariralang sa/kay/kina.
• Sa- ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o panghalip.
• Kay/Kina- ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa:
1. Maraming masarap na ulam ang tinitinda sa kantina.
2. Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.

May nakita akong magandang damit sa ukayan.
ANG MGA URI NG PANG-ABAY

3. Pang-abay na Pamanahon
• Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong
tatlong uri: may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

A. May Pananda: nang, sa noon, kung, kapag, tuwing, mula, hanggang, umpisa
Halimbawa:
1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
2. Tuwing Pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

Kapag Sabado ay naglilinis ako sa aming bakuran.
ANG MGA URI NG PANG-ABAY

3. Pang-abay na Pamanahon
• Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong
tatlong uri: may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

B. Walang Pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali

Halimbawa:
1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kaniyang ika-40 na kaarawan.

Namasyal kami kahapon ni Kyla sa may Baywalk.
ANG MGA URI NG PANG-ABAY

3. Pang-abay na Pamanahon
• Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong
tatlong uri: may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

C. Nagsasaad ng dalas: araw-araw, tuwing umaga, buwan-buwan, taon-taon

Halimbawa:
1. Nag-eehersisyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan.
2. Araw-araw ay dumadalaw si Annie sa burol ng kaniyang ina.

Kami ay nagkakaroon ng outing sa aming pamilya taon-taon.
Halina’t Magsanay Ka
A- Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap.
(Pamanahon, Panlunan o Pamaraan)
1. Lumuluwas buwan-buwan sa probinsiya ng Batanes ang pamilyang Mondragon.
2. Masayang nagtatampisaw ang mga bata sa ulan.
3. Maraming bagong tuklas na tanawin sa Basilan.
4. Nagluto nang masarap na ginisang ampalaya si Aling Ester.
5. May pagsusulit ang mga mag-aaral mamaya.

B- Panuto: Punan ng tamang pang-abay ang bawat patlang upang mabuo ang pangungusap.
6. Sinagot ni Berto ang kaniyang ama ____ pagalit.

7. _____ ngayon, mahal ko pa rin siya.

8. _____ pa kita hinihintay dito sa labas.

9. _____ linggo ay pumupunta siya sa simbahan.

10. Napakasarap ng hangin dito sa _____.

Halina’t Magsanay Ka
A- Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap.
(Pamaraan, Panlunan o Pamanahon)
1. Lumuluwas buwan-buwan sa probinsiya ng Batanes ang pamilyang Mondragon. Pamanahon
2. Masayang nagtatampisaw ang mga bata sa ulan. Pamaraan
3. Maraming bagong tuklas na tanawin sa Basilan. Panlunan
4. Nagluto nang masarap na ginisang ampalaya si Aling Ester. Pamaraan
5. May pagsusulit ang mga mag-aaral mamaya. Pamanahon

B- Panuto: Punan ng tamang pang-abay ang bawat patlang upang mabuo ang pangungusap.
6. Sinagot ni Berto ang kaniyang ama ____ pagalit. nang-

7. _____ ngayon, mahal ko pa rin siya.

8. _____ pa kita hinihintay dito sa labas.

9. _____ linggo ay pumupunta siya sa simbahan.

10. Napakasarap ng hangin dito sa _____.

Magbalik-Aral Tayo!

Magbigay ng mga uri ng pang-abay na ating tinalakay

at ang kanilang depinisyon o kahulugan.
Subukin mo nga!
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay mga Pang-abay na
Pamanahon, Panlunan o Pamaraan.

1. Sa Baguio 6. Simula ngayon

2. Oras-oras 7. Tuwing lunes
3. Kanina 8. Kay Cynthia
4. Tuwing bakasyon 9. Sa eskwelahan
5. Na umiiyak 10. Nang kaunti
Paglalagom!
Magbigay ng mga aral na natutunan mula sa naging aralin.
1.
2.
3.
Humanda para sa Pagtataya
Panuto: Bilugan ang pang-abay sa bawat pangungusap, pagkatapos ay tukuyin ang uri ng pang-abay na
ginamit rito.
1. Pumunta kami kahapon sa mall ni Myca. ________
2. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming barangay ng santakrusan. _________
3. Ang mga guro ay nagtuturo araw-araw para sa kinabukasan ng mga mag-aaral. _______
4. Sa Savidug raw tayo magpipicnic sabi ni Gng. Aliyah. _________
5. Marahil ay marami na ang nakakaalam ng aking iniibig. _________
6. Bukas pa siguro ang dating niya mula sa kanila. __________
7. Dinala naming kina Heaven ang mga props natin. __________
8. Labis na mapagmahal ang ating mga magulang. ___________
9.Malimit na maglaro ng ML ang magkakaibigan Karlo, Jerald at Jayson. ___________
10. Magsasaliksik kami para sa aming proyekto hanggang Huwebes. __________
Nawa’y kayo ay may natutunan.

PAALAM.

You might also like