You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 5

Ikatlong Markahan, Unang Linggo

Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos


Pangalan: _______________________________Baitang at Seksyon: __________
Petsa: _____________________________________

I. Panimulang Konsepto

Ang Pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan at nagbibigay turing sa pandiwa,


pang-uri at maging sa kapwa nito pang-abay.
Mga halimbawa ng pang-abay
• Mabilis tumakbo si Pang, kaya hindi niya naiwasan ang biglang pagsulpot ni Abay.
• Araw-araw na naglalaro sina Pang at Abay.
• Talagang kitang-kita ang kalikutan nina Pang at Abay lalo na sa kanilang silid aralan.
• Parehong magagaling kung kumanta at sumayaw sina Pang at Abay kaya sumali sila sa pa
contest sa kanilang barangay.
May iba’t ibang uri ng pang-abay, ngunit ang pag-aaralan natin ngayon ay ang pang- abay na
naglalarawan.

Uri ng Pang-abay:

1. Pang-abay na pamanahon- nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa


mga tanong na kailan.

Halimbawa: Umpisa bukas ay gigising na ako ng umaga.

Pumupunta kami ng Manila taon-taon.

2. Pang-abay na panlunan- nagsasaad ng pook o lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito


ay sumasagot sa tanong na saan.

Halimbawa: Maraming masarap na pagkaing itinitinda sa kantina.

Namasyal kami kahapon sa parke ng aking pamilya.

3. Pang-abay na pamaraan- nagsasaad kung paano ginawa ang kilos na isanasaad ng


pandiwa. Sumasagot sa tanong na paano.

Halimbawa: Mahigpit ang yakap niya sa ama.

Umiiyak nang palihim ang ama.

Patagilid kung matulog si Kuya.

Narito ang ilang pang- abay na pamaraan:

dahan-dahan bigla ganap pangiti

pabulong sadya walang-gawa kaagad

patiyad pilit palihim unti-unti

*Ang panandang nang, na at ng ay ginagamit sa pang-abay na pamaraan.


II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT CODA SA MELC
Nakagagamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos

III. MGA GAWAIN


Gawain A

Isulat sa patlang ang uri ng pang-abay na may salunguhit sa bawat pangungusap:


(pamaraan, pamanahon o panlunan)

_____1. Maingat na umakyat sa puno si Pang.


_____2. Si Alden ay kanina pa naghihintay kay Maine.
_____3. Mahinahong nag-uusap sinaPang at Abay sa may daan.
_____4. Sa kalsada naglaro ang mga bata kaya sila pinagalitan.
_____5. Maingay na pumasok sina Pang at Abay sa kanilang silid-aralan.

Gawain B
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat aytem.
1. Uuwi kami sa probinsiya sa Disyembre. Ano ang ginamit na pang-abay na
pamanahon sa pangungusap?
a. uuwi b. kami c. probinsiya d. sa Disyembre
2. Dahan-dahang inilapag ni Amy ang bata sa kanyang kama. Ano ang ginamit na
pang- abay na pamaraan sa pangungusap?
a. inilapag b. dahan-dahang c. Amy d. bata
3. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa
pangungusap?
a. namili b. sa Divisoria c. pasko d. damit
4. Araw-araw nagsisimba si lola sa Quiapo. Ano ang ginamit na pang-abay na
pamanahon sa pangungusap?
a. Araw-araw b. lola c. nagsisimba d. Sa Quiapo
5. Nagdadasal ng taimtim ang buong mag-anak tuwing gabi. Ano ang ginamit na
pang-abay na pamaraansa pangungusap?
a. nagdadasal c. mag-anak b. taimtim d. tuwinggabi

IV. REPLEKSIYON/PAGNINILAY
Kumpletuhin ang mga pahayag: _________________________________________
___________________________________________________________________________
Natutuhan ko sa modyul na ito na ________________________________________
___________________________________________________________________________

IV. MGA SANGGUNIAN

Hiyas sa Pagbasa Filipino Vp. 180


Alab Fiipino 5 (Batayang Aklat) pahina 120-121

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain A
1. pamaraan
2. pamanahom
3. pamaraan
4. panlunan
5. pamaraan

Gawain B
1. D
2. B
3. B
4. A
5. B

You might also like