You are on page 1of 3

GAWAING PAGKATUTO SA ESP 5

Ikatlong Markahan, Ikaanim na Linggo

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksyon: __________


Petsa: _____________________________________

“Pagsunod sa Batas, Ikabubuti ng Lahat!”

I. Panimulang Konsepto

Sa bawat pamayanan ay may mga batas na ipinatutupad. Pamahalaan ang


nagtatakda ng mga alituntunin sa mga dapat nating ikilos sa pakikisalamuha sa
ibang tao. Ang mga programa at alituntunin ay itinakda ng pamahalaan nang may
pagsasaalang-alang para sa ikabubuti ng lahat.
Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung walang batas at programa na umiiral
sa ating bayan? Hindi ba’t nakalilito at napakagulo kung nagkataong wala ang mga ito.
May mga pagkakataon na kahit may mga pinaiiral na batas ay hindi pa rin nasusunod
sapagkat kulang sa kaalaman ang mga tao ukol dito. Kaya naman, dapat
lang na tumulong tayo sa pamamagitan ng pakikilahok sa pangangampanya sa
pagpapatupad ng mga batas na ito.

Narito ang ilan sa mga programa, alituntunin, at ahensiya ng ating pamahalaan na


nakatutulong hindi lamang sa atin kundi maging sa kapaligiran:
Pangkalinisan at Pangkalikasan
 Tapat Ko, Linis Ko
 Clean and Green
 Earth Hour
 Tree Planting Program
 Department of Environment and Natural Resources o DENR
Pangkalusugan
 United Nations Children’s Fund o UNICEF
 Feeding Program
 Oplan Goodbye Bulate
 Libreng Bakuna Kontra Tigdas at Polio
 PhilHealth
 Department of Health o DOH
Pangkapayapaan at Pangkaligtasan
 Curfew Hour sa mga Barangay
 Child Protection Program
 Peace and Order Advocacy
 Department of Social Welfare Development o DSWD
 Philippine National Police o PNP
 Metro Bataan Development Authority o MBDA
Bawat isa sa atin ay may mga batas na dapat sundin. Bata man o matanda, mahirap
o mayaman, at maging ang mga may kapangyarihan ay dapat itong sundin at galangin.
Ang pamahalaan ay may itinakdang batas upang masiguro ang kapayapaan at
kaligtasan ng mga tao.

Tandaan:
Mahalaga ang pakikilahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas. Isa itong susi
upang maipabatid ang mga ito sa ating kapwa. Kung ito ay magsisimula sa sarili ng bawat isa,
kaligtasan at kapayapaan sa pamayanan ay masisigurado.
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT CODA SA MELC
* Nakakalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa
kabutihan ng lahat. (EsP5PPP – IIIg – 30)
1.1. pangkalinisan
1.2. pangkaligtasan
1.3. pangkalusugan
1.4. pangkapayapaan
1.5. pangkalikasan

III. MGA GAWAIN

Gawain 1.

Panuto: Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin. Piliin
ang sagot sa kahon at ilagay ito sa sagutang papel.

tungkulin batas pakikilahok ikabubuti pagpapatupad

Ang bawat isa sa atin ay may _______________ sa ating pamayanan. Isa na rito ay ang
____________ sa mga kampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa ___________
nating lahat. Dapat ay alam natin ang tungkol sa mga __________ pangkalinisan,
pangkalikasan, pangkalusugan, pangkapayapaan at pangkaligtasan dahil malaki
ang ating magagawa sa mga kampanya sa __________ sa mga ito.

Gawain 2.

A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan bago ang
bilang.

A. Pangkalikasan at Pangkalinisan B. Pangkalusugan


C. Pangkapayapaan at Pangkaligtasan

________1. Nitong nakaraang bakasyon ay nakisama si Tasyo at ang kaniyang


mga pinsan sa
mga kawani ng barangay sa paglilinis tuwing Martes.
________2. Pinagsasabihan ni Aling Betina ang kaniyang mga anak at apo na
sa pagsapit ng
ikasiyam ng gabi ay huwag nang lalabas sa kanilang tahanan dahil maaari silang
dalhin sa barangay ng mga nagrorondang tanod alinsunod sa curfew hour na
ipinapatupad sa kanilang lugar.
________3. Nakagawian ni Rommel na tuwing sasapit ang huling Sabado ng
taon ay
nagtatanim siya ng puno sa bundok na malapit sa kanilang lugar.
________4. Kasapi si Gng. Roda sa Barangay Health Volunteers.
________5. Si Karidad ay isang negosyante na nangakong magbibigay-tulong
sa kampanyang “One Million Voice for Peace” sa pamamagitan ng paghingi ng
suporta sa mga kapwa niya negosyante.
IV. REPLEKSIYON/PAGNINILAY
Kumpletuhin ang pahayag:

Natutuhan ko sa modyul na ito na _______________________________________________


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

V. MGA SANGGUNIAN
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa MakabagongPanahon.
Quezon City: Vibal Group, Inc.
DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5, p. 84

VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1.
1. A 2. C 3. A 4. B 5. C

Gawain 2

1. Tungkulin
2. batas
3. pakikilahok
4.ikabubuti
5. pagpapatupad

Inihanda ni:

VICTOR M. REGALA JR

You might also like