You are on page 1of 4

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level Baitang 5

W6 Quarter Ikatlong Kwarter Date

I. LESSON TITLE Pakikiisa sa Pagpapatupad ng mga Batas para sa Kabutihan ng Lahat


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas
COMPETENCIES (MELCs) para sa kabutihan ng lahat.( EsP5PPP – IIIg – 30)
a. pangkalinisan
b. pangkaligtasan
c. pangkalusugan
d. pangkapayapaan
e. pangkalikasan
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng
mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa
kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng
kapaligiran
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Unang Sa araling ito, iyong matututuhan ang mga paraan upang makalahok sa
Panimula Araw pangangampanya sa pagpapatupad ng iba’t ibang batas na makabubuti sa
lahat.
Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano-ano ang ipinapakita sa
larawan? Ano ang maaari nating gawin upang makatulong sa pagpapatupad ng
mga batas para sa kabutihan ng lahat?

Mahusay! Sa paglahok at pakikiisa, ang lahat ay natututong maging


responsable at disiplinado sa pagsasakatuparan ng mga batas na solusyon sa
mga suliraning gaya ng polusyon, pang-aabuso, mga nakahahawang sakit,
agawan ng teritoryo at pagkaubos ng mga likas na yaman.

B. Development Ikalawang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, iguhit ang masayang
Pagpapaunlad Araw mukha (☺)kung ito ay nagpapakita ng paglahok sa pangangampanya para sa
pangkalinisan, pangkaligtasan, pangkalusugan, pangkapayapaan o
pangkalikasan at malungkot na mukha ()kung hindi.

_______1. Agad na pagkunsulta sa pinakamalapit na health center kung may


sintomas tulad ng lagnat,ubo o sipon.
_______ 2. Pagsusunog ng basura.
_______ 3. Hindi lumalabas ng tahanan kapag sumapit na ang Curfew Hour.
_______ 4. Pagroronda ng mga tanod tuwing gabi pra sa kaligtasan ng mga
mamamayan.
_______ 5. Pagsuway ng mga kabataan sa mga ipinatutupad na mga programa
ng pamahalaan.

Bilang isang mamamayan tungkulin natin ang pagsunod at


pakikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng lahat.
Dapat na may sapat tayong kaalaman tungkol sa mga batas na may kinalaman
sa kalinisan, kalusugan, kalikasan, kaligtasan at kapayapaan.
Ang paglahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas ay
para sa kabutihan ng lahat. Ang bawat pamayanan ay may mga batas na
ipinatutupad na dapat sundin ng mga nasasakupan upang mapanatili ang
kaligtasan at kaayusan ng bawat isa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang sanaysay. Sagutin ang


mga sumunod na tanong ukol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Pandaigdigang Pagkakaisa

Ang pandaigdigang pagkakaisa ay isang aksiyon para sa pagkakaroon ng


isang pandaigdigang pamilya upang mapaglabanan ang pagkakahati-hati ng
lahi sa buong mundo. Pinagbubuklod ng pandaigdigang pagkakaisa ang
mahihirap at mayayaman. Pinag-aalab nito ang pagiging malaya para sa mga
naaapi. Ginigising nito ang mga nasa maalwang buhay upang kumilos laban sa
mga nang-aapi at ipagtanggol ang mga biktima ng karahasan at giyera.
Tinatawag nito ang mga malalakas upang mag-alaga sa mga mahihina sa lahat
ng uri ng buhay. Binubuksan nito ang tahanan at puso ng mga nasa kasaganaan
upang tanggapin ang mga tumatakas sa terorismo at mga migrante.

Ang pandaigdigang pagkakaisa ay hindi isang di-maipaliwanag na


pakiramdam o mababaw na awa sa mga kasawian ng ibang tao, kundi ito ay
isang matatag at determinasyon upang ialay ang sarili sa pangkalahatang
kabutihan; sa kabutihan ng lahat at bawat tao, sapagkat lahat tayo ay may
pananagutan sa isa’t isa.

1. Ano ang pandaigdigang pagkakaisa?


________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pandaigdigang pagkakaisa?
________________________________________________
3. Paano nakatutulong ang pandaigdigang pagkakaisa upang
mabawasan ang diskriminasyon sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman?
________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang pagsasakatuparan ng batas upang magkaroon ng


pandaigdigang pagkakaisa?
________________________________________________
5. Sa pamamagitan ng iyong simpleng paraan, paano mo
maipangangampanya ang kalahagahan ng pagsasakatuparan ng mga
batas? ________________________________________________

C. Engagement Ikatlo at Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang mga pangungusap.
Pakikipagpalihan Ikaapat Lagyan ng (✓) sa patlang kung ito ay nagpapahayag ng pakikilahok sa
na Araw pagpapatupad ng batas at () naman kung hndi.
_____1. Ipinatupad ang proyektong “Tapat ko, Linis Ko” sa buong rehiyon ng
CALABARZON.
_____2. Tuwing lumalabas ng bahay, sinisigurado ni Mang Efren na nakasuot siya ng
face mask at face shield.
_____3. Ang magkaibigang Henry at Ivan ay hindi sumusunod sa curfew hour na
ipinapatupad sa kanilang barangay.
_____4. Binigyan ng libreng bakuna laban sa COVID-19 ang mga senior citizens.
_____5. Araw- araw nagtatapon ng basura sa tabing ilog sina Mang Oscar.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng poster na nagpapahayag ng


paglahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas na
makahihikayat sa iba na sundin ito. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba.
Pamantayan Magaling Katamtamang Nangangailangan Puntos
Galing ng Pagsasanay
5
3 1

Kabuuang Ang May hindi Maraming hindi


Nilalaman ng kabuuan ng angkop sa angkop sa
Poster nilalaman ng nilalaman ng nilalaman ng
poster ay poster tungkol poster tungkol sa
angkop sa sa napiling napiling batas o
napiling batas o alituntunin.
batas o alituntunin.
alituntunin.

Pagpapahayag Naipakikita Hindi gaanong Hindi naipakikita


ng Mensahe nang naipakikita ang mga detalye
malinaw ang nang malinaw tungkol sa
mga detalye ang mga napiling batas o
tungkol sa detalye tungkol alituntunin.
napiling napiling batas
batas o o alituntunin.
alituntunin.

Presentasyon Masining na Pangkaraniwan Magulo at hindi


masining ang masining ang
ang kombinasyon kombinasyon ng
pagkagawa ng kulay, kulay, pagguhit at
sa poster pagguhit at kalinisan nito
ayon sa kalinisan nito
kombinasyon
ng kulay,
pagguhit at
kalinisan nito

D. Assimilation Ikalimang Piliin ang angkop na salita mula sa loob ng ulap upang mabuo ang mahalagang
Paglalapat Araw kaisipang natutunan sa aralin.

batas tungkulin karapatan


pangkalikasan
pandaigdigang pagkakaisa

Ang bawat mamamayan ay mayroong ____________ o kalayaan. Kalakip nito


ang mga _____________ o responsibilidad. Isa sa mga ito ay ang pagsunod sa mga
alituntunin at ____________. Upang epektibong maisakatuparan ang mga batas
pangkalinisan, pangkaligtasan, pangkalusugan, pangkapayapaan at
_____________, kinakailangang pahalagahan ang _____________ tungo sa ikabubuti
ng lahat.
VI. REFLECTION (Ikalimang Araw)

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3 Bilang 4

Prepared by: Charlene G. Perlado Checked by: Patrick O. Opeña


Banaba Lejos Elementary School Josephine P. Monzaga
SDO Cavite Province EPS-EsP- Cavite Province

Rica R. Cordero Edita T. Olan ,Ed.D


Teodoro M. Kalaw Memorial School EPS-EsP Lipa City
SDO Lipa City
Edited & Beverly D. Sastrillo, EdD LeaPEsPG5-Wk6- For Release
Reviewed by: LRE/SDO Batangas Province 20210418-V05

MA. LETICIA JOSE C. BASILAN


EPS-EsP/SDO batangas Province
PHILIPS T. MONTEROLA
EPS-EsP/Regional Coordinator
Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 158-165

You might also like