You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

DO:

PANGALAN: Jazmine Cyrelle Rupido PETSA: 9/7/2021

ANTAS: Baitang 9 GAWAIN BILANG: 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang Kabutihang Panlahat?

- Ang Kabutihang Panlahat ay ang kabuuan ng mga kondisyon ng pamumuhay –


pangkabuhayan, pampolitikal, panlipunan, at pangkultural na nagbibigay daan sa mga tao
upang agad nilang matamo ang kaganapan ng kanilang pagkatao. Ito ay ang pagpapasya
nang nakakabuti hindi lamang sa ating sarili kundi sa nakararami.

2. Paano matatamo ang Kabutihang Panlahat?

- Matatamo ang Kabutihang Panlahat kung ang bawat indibidwal ay isinasakatuparan ang
kanilang mga gampanin para sa ikabubuti ng lahat.

3. Paano magagampanan ng lipunan ang layunin nito para sa kabutihang panlahat


at pagpapaunlad sa sarili?

- Magagampanan ng lipunan ang layunin nito para sa kabutihang panlahat at pagpapa-


unlad sa sarili kung ang bawat isa ay natitipon upang magtutulungan.

4. Bakit mahalaga ang tatlong Aspekto ng kabutihang panlahat? Ipaliwanag ang


bawat isa.

a. Paggalang sa Pagkatao ng Indibidwal

- Mahalaga ang pagrespeto sa bawat isa dahil ito ay paggalang sa kaniyang dignidad.

b. Kagalingang Panlipunan

- Mahalaga ang aspektong ito sapagkat ang kaunlaran sa lipunan ay tungkulin ng lahat ng
mamamayan na dapat matupad.
c. Kapayapaan at Kaligtasan

- Mahalaga ang kapayapaan at kaligtasan sapagkat nangangahulugan ito na ang mga tao
ay maayos at mapayapa ang ugnayan at natitiyak ang kaligtasan na sinisiguro ng
pamahalaan.

5. Ilarawan mo ang inyong pamayanan.

- Ang aming pamayanan ay maayos at tahimik dahil nagkakaisa at nagtutulungan lalo na


sa panahon ng pangangailangan.

You might also like